webnovel

Chapter 40

Nakatingin lang ako sa mahimbing na natutulog na si thea.

Di ka ba napapagod pumikit ha, thea? Pwede bang dumilat ka naman diyan. Namimiss ko ng titigan mga mata mo.

I know it's been only three days pero sa loob ng three days na yun feeling ko antagal mo nang nakahiga diyan.

Narinig ko naman na tumunog yung sikmura ko.

I sighed.

Umayos ako ng upo saka kinuha yung kamay ni thea. Tumayo na ako at binigyan siya ng halik sa kanyang noo.

Nagpaalam muna ako kay tita tanya na lalabas muna para kumain

"Bakit di ka na lang muna umuwi?" suggest niya "ako na muna magbabantay dito. Magpahinga ka muna"

Di na ako nakipagtalo at pumayag na lang din sa gusto niya total wala na akong pahinga at tulog simula nung maospital si thea.

Nagpasya akong umuwi. Pagdating ko sa apartment ay agad akong nagluto ng makakain. Habang busy sa paghahanda ay bigla namang tumunog yung buzzer.

Agad akong nagtungo sa pinto para alamin kung sino yung tao sa labas.

"Sir mark?"

"hey" bati niya

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya na may halong pagtataka

"Nabalitaan ko kasi yung nangyari kay thea kina dian at jim" sagot niya "actually nung isang araw pa ako pabalik-balik dito kaso walang tao. I just wanna know if you're okay?"

Napatingin ako sa gilid ko "thea's not okay..." saka tumingin ulit sa kanya "but I'm okay. I mean I have to, for her" I smile while thinking thea

"that's right. You have to be okay" he said

Nasa pintoan kami ng mga time na yun ng may naamoy akong parang nasusunog. Agad akong tumalikod at dali daling pumunta ng kusina. Nasunog yung niluluto kong isda.

Hays. Pag minamalas ka nga naman. Bakit kasi dumating pa tong boss ko edi sana di nasunog tong isdang piniprito ko. Edi sana kumakain na ako ngayon.

Hayyy...gutom pa naman ako ngayon.

Konti lang naman kasi yung kinain ko kanina. Wala kasi akong gana

"Ano nangyari?" Napalingon ako kay mark. Di ko namalayan na sumunod pala siya sakin.

Tinuro ko na lang sa kanya yung isdang nasunog

Napailing siya ng ulo "ayayay!" sambit niya

I sighed "pano ako kakain nito sunog yung ulam ko" reklamo ko sa sarili

"I can cook for you" sabi niya

Napatingin naman ako sa gawi niya "naku sir mark, wag na"

He chuckled "how many times do I have to tell you na mark na lang itawag mo sakin if wala tayo sa shop"

I slightly smile at him. He just shook his head while smiling "let's order your food na lang"

"ha?"

"Actually, nagugutom din ako eh" pag-amin niya

I scoffed. So what? Ano gusto niya makikain dito sa apartment ko? Eh nasunog na nga yung isdang ulam ko sana.

"Okay lang ba na samahan kita kumain?" He asked me. Sabi ko na nga ba makikikain to dito eh.

I sighed again.

He ordered some food. Ilang minutes lang naman ay dumating kaagad yung food. It's a japanese food. It reminds me of thea

Mahilig kasi yun sa japanese food lalo na ang sushi.

Adik yun sa sushi eh haha

Napangiti na lang ako sa pagkain habang tinitingnan ito.

"Bakit ka nakangiti?" nagtatakang tanong niya

"Ah..." mas lalong lumaki ang ngiti ko "I just remember thea" nalipat ulit yung paningin ko sa pagkain "she loves sushi kasi"

He cleared his throat "ganun ba?"

I happily nodded my head "sigurado akong maraming sushi ang kakainin nun paggising" I giggled habang pailing iling ng ulo.

Bibilhan ko talaga yun ng maraming sushi pag nagising na siya.

Napatingin naman ako sa gawi ni mark. Ngumiti lang siya sakin.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain.

"So, when will you come back sa shop?" mark asked

Nakaupo kami sa sofa. Dito na kami kumain instead dun sa table sa kitchen.

I shrugged my shoulders "Di ko pa alam eh"

Sa totoo lang, wala akong ibang gustong gawin kundi ang bantayan si thea sa ospital. I just want to spend my time with her. I want to be by her side hanggang sa magising siya.

Pero di ko naman pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. Two days na akong absent. Marami na din akong namiss sa two days na yun. Buti na lang ginawan ako ni ally ng notes sa ibang subjects namin. Kahit papano may nalalaman ako.

"Okay lang ba kung magleave muna ako?" ang kapal talaga ng mukha ko pero yun naman talaga kasi ang gusto ko eh. Might as well sabihin na lang sa kanya.

"I know mahirap sayo tong sitwasyon mo lalo pa't nasa ospital si thea pero krystal di mo naman kailangan magleave" sabi niya "three days lang naman yung work mo every week so I think di na necessary yun"

May point din naman siya. Three days lang yung work sched ko sa shop so di na nga kailangan.

"I know" binaba ko yung kutsara ko saka bumuntong ng hininga "but thea needs me. Aside from that, gusto ko siyang alagaan at bantayan while she's asleep"

"Ang swerte talaga ng batang yun" napatingin ako kay mark "may krystal na nag-aalaga sa kanya" he continued

"Swerte talaga yun siyempre ikaw ba naman may jowa na diyosa" biro ko na ikinatawa niya ng bahagya "pero mas maswerte ako dun" I corrected him "I have someone like her na nagmamahal sakin. Alam mo kahit medyo isip bata yun mahal na mahal ko yun" napapangiting sabi ko

He's just staring at me habang sinasasabi ko yun.

"Sometimes I just wonder kung ano meron sa kanya na wala sa akin" he said

"Mark..."

"Krystal, I'm sorry pero gusto pa rin kita" he admitted

Binasted ko si mark simula nung napagtanto kong mahal ko na si thea. Ayoko siyang paasahin sa wala. Pinaliwanag ko sa kanya na may iba na akong gusto at yun ay si thea.

At first di niya matanggap pero di nagtagal ay tinanggap niya din ang katotohanan na si thea talaga ang mahal ko.

"Mark, diba napag-usapan na natin to. Ayokong umasa ka sa wala"

Ang ganda ng kain namin tapus itotopic niya to.

"I swear krystal. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko sayo. Binaling ko yung atensyon ko sa ibang bagay pero wala. Ikaw pa rin ang gusto ko" paliwanag niya

"Mahal ko si thea" I simply said. Nagbabakasakaling maintindihan niya ang mga katagang yun na kahit kailan di magbabago ang nararamdaman ko para kay thea. "Kaya please lang wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo dahil wala kang mapapala sakin. Si thea ang mahal ko. Siya lang" diin kong sabi

"But I love you too" naiinis na talaga ako kay mark. "Mahal kita krystal"

"Ilang ulit ko ba dapat sabihin sayo ang mga salitang di kita mahal para lang maintindihan mo" ayokong magalit sa kanya kaya naman pinaalis ko siya "alam mo kung di mo magets yung mga sinasabi ko sayo at wala kang magandang sasabihin mabuti pa umalis kana lang mark"

"Pero krystal..."

"Umalis kana" kalmado kong utos sa kanya.

Nauna na akong tumayo sa kanya patungong pintoan.

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng pigilan niya ako at ang sunod na nangyari ay pinaharap niya ako sa kanya saka ako pwersang hinalikan.

Nakasandal ang likod ko sa pintoan.

Nagpupumiglas ako. Pilit kong sinusubukang makawala sa pagkakahawak niya. Nasa ibabaw ng ulo ko yung mga kamay ko habang hawak niya ang mga ito. Nanatiling nakatikom ang bibig ko.

Di ako makawala. Masyado siyang malakas. He tried to enter his tongue to my mouth pero nanatili paring nakatikom ang bibig ko. I feel gross by that. Eww

Di ko alam anong gagawin ko. Sinusubukan kong makawala pero ang lakas niya. Ang higpit ng hawak niya sa mga kamay ko.

Nawawalan na ako ng lakas. Di ko namalayan na may tumulo ng luha sa gilid ng aking mga mata.

Sinubukan ko ulit lumaban and this time nagtagumpay ako. Nailayo ko ang sarili ko sa kanya at saka siya ginawaran ng isang malutong na sampal sa mukha

Napahawak siya sa kanyang mukha

"How dare you to do that to me?!" galit kong tanong sa kanya

Napaangat siya ng tingin sakin. Naiiyak ako dahil sa galit at inis.

"Krystal..."

"You only gave me a reason na magalit sayo mark" nangangalaiti ako ngayon sa galit.

"Krystal, I'm sorry" he tried to get my hand pero iniwakli ko yung mga kamay niya.

"Don't touch me! Nandidiri ako sayo!" Diin kong sabi

He breathed heavily "I didn't know what got into me para gawin yun" lumapit siya sakin pero lumayo naman ako sa kanya "I'm really sorry krystal, I'm sorry"

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Respeto" tanging sabi ko na ikinataka naman niya "yun yung meron si thea na wala ka! At dahil sa ginawa mo nawala na din ang respeto ko sayo! Mahal ako ni thea! Eh ikaw? Mahal mo nga ako pero ano tong ginawa mo?!" galit kong sabi "now, get out mark! Ayokong makita ang pagmumukha mo!"

"Krystal, please I'm so sorry"

"I said get out!" Napasigaw na ako. Napayuko naman siya ng kanyang ulo kaya naman ako na mismo ang nagbukas ng pinto para makaalis na siya. Ayokong makita ang pagmumukha niya. "At wag ka ng babalik dito"

"Get out!" Ulit ko sa mahinang boses. He sighed

Nakayuko pa rin siyang lumabas ng apartment ko

"One more thing..." agad siyang lumingon sakin "Ayoko na pa lang magleave dahil magreresign na ako" sabi ko at agad na isinara ang pinto.

Di ko na hinintay ang sagot niya.

Di ko akalain na gagawin yun ni mark.

Next chapter