webnovel

Uncertain

NALILITO ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Even if I wanted to ask myself a hundred times of why the hell is Gabriel doing here, I can't find all the answer in my brain. Tanging siya lamang ang makakasagot sa lahat ng katanungan ko.

Wait! What about their party? Gusto ko siyang tanungin pero dahil mukhang may sarili silang mundo ni Paris dahil kanina pa sila nagpapalitan ng mga madidiin na tinginan ay kanina pa niya ako hindi pinapansin.

I looked at them.

Halos hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko sa kanila. Mabuti na talaga at nandito si Nanay dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng magdeklara na manliligaw sa akin ay siya ang naglakas ng loob para sabihin iyon sa Nanay ko.

I cleared my throat. Sabay naman din silang napabaling sa akin.

Halos gusto kong mapakamot sa buhok ko.

Hayyy..Iba talaga kapag maganda. Uhrg! Nakakainis at nakakaloka!

"I don't know what to say." I honestly said to the both of them.

Nang ibaling ko ang paningin kay Gabriel ay mas lalo akong kinabahan. He's glaring at me dangerously. His prominent jaw clenched perfectly. Pigil na pigil ang bawat pag-igting nito. Ngayon ko lang din napansin na mas matalas talaga ang anyo niya kay Paris. Hindi ko mapigilang ihambing siya kay Paris. He is taller and more muscular. Mas malapad din ang balikat niya. And he's way too darker too than Paris.

Bawat sulyap niya sa akin ay nagpapahiwatig ng pagkakabahala at galit. Na parang sinasabi niya na may kasalanan ako.

"I have to go now." Malamig niyang sabi sa akin bago tumayo.

Nabigla ako sa sinabi niya. Kahit si Paris ay nakatingalang tiningnan siya. I was awed for a moment.

Shit! I really felt like he is angry! And he wants me to do something about it.

Pasaway!

Aawatin ko na sana siya pero humakbang na siya patungong pinto para lumabas.

Tulog na si Nanay kaya kahit wala akong ibang choice ay hinabol ko siya.

"Excuse me for a sec, Paris. I'll just send him off." Tumango ito sa akin.

Mabuti pa si Paris ang bait pero itong isa ang pakipot.

I rolled my eyes when I saw him leaning against the mango tree near our porch. Hinintay talaga ako ng damuho na lumabas. Ang lakas lakas niyang lumabas dahil nasisiguro talaga niyang lalabas din ako. This brute!

Ngumisi siya nang wala sa sariling lumapit ako sa kanya.

"I thought you'll never gonna see me out." Malamig pa rin niyang sabi sa akin.

Kung pwede ko lang sana siyang lampasuhin ay ginawa ko na. I know it sounds a little bit exaggerated but Gabriel is a man that I can't be closed with. Even if he's like a magnet pulling me towards him, I still wanted to remind myself that I should not like him. Hindi ko siya dapat magustuhan. Hindi pa ako nasaktan sa tanang buhay ko ng isang lalaki at ayaw kong umabot sa punto na mararanasan ko iyon.

I sighed. "Bakit po pala kayo narito?" Magalang ko nalang na tanong sa kanya. "P-paano po ang party ninyo?"

Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Suplado niya akong tiningnan. Dahil madalim ay hindi ko masiyadong maaninag ang mukha niya pero alam kung nakatitig siya sa akin. Mula sa distansiya naming dalawa ay amoy na amoy ko rin ang kanyang panlalaking amoy na sa pagkakagunita ko ay siguradong mamahalin iyon.

"Why? You don't want me here?" Malamig niya pa rin tanong.

Umiling ako. "Hindi po s---"

"Then why?!" He is really angry. "Anong ginagawa ng lalaking iyon sa loob ng bahay niyo? Is he going to court you, huh?" Unti unti ay lumapit siya sa akin.

Napasinghap ako ng maramdamang mas lalo pa niyang inilapit ang katawan niya sa akin. He then towered me with his large body and when he leaned in closer to me, he immediately scooped my body like a thin weight.

"Ah!" Napatili ako ng wala sa oras.

Mabilis niyang natakpan ang bibig ko ng malalaki niyang kamay. And I swear, even his hands are so damn addicting too. Mabangong mabango ito na parang pinaliguan din niya ng cologne. Kukunin ko sana ang kamay niya sa bibig ko pero pinigilan niya ako.

"Don't." He whispered in his baritone voice. Shit!

Halos mangilabot ako ng mas naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. "Don't shout, babe. Baka marinig tayo ng unggoy na iyon at madisturbo pa tayo dito."

What the hell? Did he just call Paris a monkey?

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa sinabi niya. "I can't believe you. You ditched the party just for that scumbag!"

"Gabriel!" Naniningkit ang mata ko ng tiningnan ko siya. "For your information, hindi ko pinaplano ang pagpunta ni Paris dito—"

He made a loud groan like he didn't like what he just heard.

"You could have declined! Can't you see that he's hitting on you?"

I rolled my eyes. "Nakikita ko, Senyorito Gabreil. At hindi ako bulag." Mas lalong siyang nairita sa sinabi ko. His jaw clenched so hard. At nang malipat ang tingin ko sa kanyang kamay ay nakakuyom ito ng mahigpit.

Hindi ko alam kong bakit galit na galit siya ngayon. His eyes look very wicked right now that he could strangle my neck when he reached the peak of his anger.

"Putangina!" Malutong niyang mura na ikinaatras ko.

He cursed me! How dare him?! Akmang aalis ako pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at kinabig ako patungo sa katawan niya.

I shrieked impatiently. Pinilit kong liitan ang boses ko dahil baka marinig kami ni Paris mula dito at mag-away na nga talaga ang dalawa.

"What the!"

Malamig niya akong tiningnan habang nararamdaman ko ang madiing hawak niya sa aking kamay.

"I'm not like this, Tamina. I'm not fucking like this!" He sighed heavily. "So, he's courting you now?" Tanong niya na parang yelo. Kinakabahan na ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang nagalit sa akin ng ganito. Wala akong ginawa na ikakagalit niya. Kung siguro tungkol sa hindi ko pagdalo sa party ay ang ikinagagalit niya ay masiyado naman yata siyang sumubra.

Mas lalong nagningas ang mata niya sa galit sa sinabi ko.

Ibinaba niya ang mukha niya patungo sa akin. Agad na kumalabog ang dibdib ko sa ginawa niya. Is he going to kiss me? Hindi maari ito! Pero agad din namang akong nahimasmasan ng maramdamang hindi ang mukha niya ang puntirya kundi ang aking balikat.

I gasped. "This is so amusing, babe. Bakit ba kasi sa tuwing nakikita kita ay nahahalina akong pagmasdan ka, hmm?" He whispered.

Anong pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. Mas lalo akong kinabahan sa ginawa niya. Hinigpitan niya ang yakap sa akin at mas lalo pang inilapit ang kanyang katawan sa akin.

"Bitawan mo ako, Gabriel." Nagtitimpi kong saad sa kanya ng bitawan niya ang bibig ko.

Hindi na ako halos makahinga dahil pilit kung iniiwasang masagi ang dibdib ko sa kanya. I wanted to slap him and push him away but I'm so rooted right now. Shit! Bakit ba kasi may mga ganitong pagkakataon na naimbento?

"Do you know why I am acting like this, my dear Tamina?" He whispered again to me that made me shivered. Matalim ang bawat bigkas ng kanyang salita at kahit nakikiliti ako dahil malapit lang ang kanyang bibig sa aking taenga ay kahit iyon ay hindi ko magawa.

He is so closed to me.

"Sagot." He advanced again savagely.

Namilog ang mata ko at napamaang. Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin.

"Stop this, Gabriel. Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo." I was about to push him but he embraced me again that made me speechless.

Halos hindi ako makahinga ng hapitin niya ako at inangkin ng walang pag-iingat ang beywang ko. Marahas niyang pinadaan ng kanyang malalaki at maiinit na palad ang tiyan ko na mas ikinasinghap ko pa sa huli.

What the hell does he think he is doing?

I whimpered.

"Hindi ako katulad ng kapatid ko, Tamina. Hindi ako katulad niyang maglaro upang makuha lang ang gusto niya. I get what I want whenever the hell I want and I don't fucking share. What's mine is mine and mine alone. You should remember that from now on." He whispered again coldly at me.

"Ang labo mo." Hindi siya sumagot sa akin.

What he did next makes me unmoving, he planted a soft kiss on my neck. Kagat ko ang aking ibabang labi para tigilan ang sarili kong lumikha ng ingay. Nag-iinit ang pisngi ko sa kanyang ginawa. Natuod ako sa aking kinalalagyan at hindi ko na mahabol ang lakas ng tibok ng puso ko na ngayon ay mas dumoble pa. Habang siya ay umangat na ang tingin sa akin at pinagmasdan ako.

"You gave me no other choice, Tamina."

He then smirked at me.

"Until we meet again, babe." He said that leaves me speechless. Binitawan niya ako at umalis na lang siya habang ako ay hindi pa rin makagalaw dahil sa pagkabigla.

You'll be going to be the death on me, Gabriel.

Napabuga ako ng malakas na hangin at doon ko lang din napansin na nanginginig na pala ako dahil sa takot at pagkabigla. Anong ibig niyang sabihin sa mga sinasabi niya?

Sumapit ang umaga ay iyon pa rin ang laman ng isip ko. Kahit man pagod ako at puyat ay wala pa rin akong naging tulog kagabi. Matagal ding umalis si Paris at talagang sinulit ang panahon na binibisita niya ako dahil ang sabi niya ay baka maging busy na siya sa susunod na mga linggo.

Never in my entire life I was courted like how the way Gabriel did to me last night. Ang palagi kong pinapaalala sa sarili ko na hindi tamang magkagusto sa lalaking iyon pero ewan ko ba kung papaano ko isasakatuparan iyon.

It pains me to say that it really turns me on when he said those harsh words on me. Hindi sa mahalay na paraan pero sa paraang parang sasabog na ang puso ko dahil sa emosiyong nararamdaman ko sa kanya.

It frustrates me too much!

Is it love or am I am just infatuated to him?

"Magandang umaga po, Nanay Breding." Bati ko sa kanya ng makita ko siya sa bukana ng mansiyon.

Ngumiti siya sa akin.

"Ang aga mo yata ngayon, hija?" Namangha niyang tanong sa akin.

Pinasadahan niya ako ng tingin at tumigil ang kanyang mata sa aking mukha. Nagpagpag siya sa kanyang damit at binitawan ang hose bago lumapit sa akin.

"Bahagya atang nangingitim ang mga mata mo? May nangyari ba?"

Napalitan ang ngiti ko ng ngiwi. Hindi na kasi ako nakatulog kagabi kahit anong pilit ko sa sarili ko kaya kahit pagod ako ngayon ay maaga na rin akong nagising para masanay ang katawan ko ng hindi ako tamarin ngayong araw.

"Hindi po kasi ako halos nakatulog kagabi."

She arched her brows on me. "Aba't bakit hindi? Ikaw talagang bata ka, ang hilig hilig mo talagang magpuyat. Nagbabasa ka na naman siguro nang mga libro na ibinibigay sa iyo nang Don, no?"

Tumango ako habang natatawa na. Tama naman siya. Kaya din siguro hindi ako inaantok dahil nagbabasa rin ako. It's my only way to forget everything.

"Paborito ko po kasi lahat ng librong ibinibigay ng Don kaya po ako nalilibang."

Umismid sa akin ang matanda. "At hindi ka na natutulog? Hindi porket maganda ka na ay hindi ka na mag-aalaga sa sarili mo, Tamina."

Nahiya ako at namumulang tumango.

Natawa siya sa reaksiyon ko. "Sige na at baka hinihintay ka na ng Donya sa loob."

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Lahat ng mga kasambahay sa mansiyon ay nabati ko na ng makasalamuha ko sila sa sala. Wala akong inaksayang panahon at pumunta nalang patungong library. Dahil nasisiguro kong nandoon na ang Donya. We always hang out in there. Kalumaan man kong isipin pero ipinagbabasa ko siya ng libro araw araw sa umaga. It was like my daily routine.

At first, I was confused of why I only have this kind of easy job when in fact my salary in here was very high. Pilit kong ipinaglaban iyan sa mag-asawa pero hindi nila ako binigyan man ng kahit isang gawaing bahay. Minsan ay nahihiya na din akong tanggapin ang sweldo ko dahil iyon lang naman ang ginagawa ko maliban sa paglilinis ng library na kusa ko na lang ginagawa para naman mapantayan kahit papaano ang isinusweldo nilang malaki sa akin.

Napahinto lang ako sa pag-iisip ng makita ang Don sa hardin ng madaanan ko ito habang papunta sa library.

"Tamina, hija." Masiglang bati sa akin ng Don ng makita ako.

Ganiyan na talaga siya kapag nakikita ako at hinahayaan ko nalang. He always said that he wanted to have a daughter. But faith didn't give it to him. Lahat kasi ng apo niya ay mga lalaki rin. Pero alam ko namang kuntento at masaya siya sa kung anuman ang ibinigay ng Panginoon sa kanya.`

Yumuko ako at nagmano sa kanya. "Magandang umaga po."

Nakangiti siyang nakatanaw sa akin. "Kaytagal nang hindi ka nakapunta dito, hija. Tapos mo na bang nabasa lahat ng librong ibinigay ko sa iyo?"

Nahihiya akong tumango sa kanya.

"Opo."

Nahahalina siyang tumingin sa akin. His smiles is so familiar like I've seen it before and everytime I want to remember it, it feels like déjà vu.

"Hayaan mo at may ibibigay ako sa iyong mga panibagong libro."

Namilog ang mata ko. Agad nalukop ang puso ko ng kasiyahan ng marinig ang sabi ng Don.

"Talaga po?!"

Natawa siya. "Oo. Kaya huwag mong kalimutang kunin iyon mamaya."

Mabilis akong tumango at nagpasalamat bago siya iniwan sa hardin. Naging mas masigla pa ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ng Don. I even giggled like a sated cat when I walked down the hallway. Ang ngiti ko ay abot hanggang tenga at kahit anong saway ko sa aking sarili ay hindi ko na magawa.

"You look stupid."

Agad akong natigilan sa aking paglalakad ng marinig ang boses na iyon.

Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at halos matuptop ko ang aking labi ng makita si Gabriel habang nakasandig sa poste at may hawak na libro. My heart hammered over my chest when I saw him.

Oo na! Inaamin ko nang gwapo siya! Pero hindi ko akalaing mas gumwapo ata siya ngayon na may suot siyang salamin.

His lips were parted a little bit while looking at his book. Namamalikmata lang ba ako o naririnig ko siyang nagsalita kanina? His black jet hair were disheveled and his just only wearing a fit silky black shirt and rugged dark blue pants paired with a leather boots. He looks like a model in a most known brand. Dagdagan pang makisig talaga siya dahil batak na batak ang kanyang maskuladong katawan na sa hinuha ko ay hindi mawawalan ng araw na hindi siya nagwo-work out. Kahit man noong nasa bundok kami ay iyon ang ginagawa niya.

It's quite odd actually.

His face was dark and I bit he's angry again.

Napailing ako. He's not looking at me so I supposed I'm just hearing things.

I sighed. I must be crazy. Gabriel is a man with many things. Maraming babae at maraming sabit. Kaya kahit man siya ang naging laman ng isip ko kagabi ay ipinagwalang bahala ko na lamang ang lahat.

"Don't walk away from me, Tamina. I'm still talking to you." Shoot!

Nilingon ko siya kaagad. "M---me?" Taka kong tanong habang itinuturo ang sarili ko.

He rolled his eyes. Oh! His annoying mannerism again!

"Bakit?"

Tumaas ang kanyang kanang kilay. He looks like a hot professor scolding his own student. But I know it's not like that.

"Why are you smiling, huh? May nangyari ba kagabi habang wala ako?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He slightly adjusted his nose and took off his glasses before glancing at me again.

Damn! Magkakasala ako dahil sa maraming mura na nabubuo ko sa utak ko dahil sa lalaking ito.

Napatalon ako sa gulat ng malakas niyang isinara ang librong dala niya.

I then saw him smirk.

"What do you mean?"

Suplado niya akong pinasadahan ng tingin. Hagod palang ng mga mata niya ay halos mangisay na ako.

I was not like this. I was never been like this. What is happening to me?

"That little vice-mayor suitor of yours." Umigting ang mga panga niya pagkatapos sabihin iyon.

"Oh, Paris! Umuwi din siya ilang oras pagkauwi mo."

Narinig ko ang mahina niyang mura pero hindi ko iyon na halos marinig. He's whispering in the wind while his face is darkening. I don't like this sight of him that looks like he could kill someone.

"Hindi mo pinauwi kaagad?!" Bulyaw niya sa akin.

Mabuti nalang talaga walang masiyadong kasambahay dito.

Napamaang ako. "Why would I do that?"

Napapikit siya ng mariin. "You are so eager to send me off when in fact I am pursuing you too! Gusto mo akong pauwiin pero kapag siya hinahayaan mo lang na magtagal doon? Do you like him, huh? Do you like that monkey?!" Magaspang niyang tanong.

Halos matawa ako. Bakit ba unggoy ang tawag niya kay Paris?

"Teyka nga!" Awat ko sa kanya. "Ipaalala ko lang sa iyo, ha? Ikaw ang may gustong umuwi, diba? Hindi ko naman sinabing umuwi ka, kusa kang umalis." Pangangatwiran ko.

Natigilan siya pero hindi nag-iba ang malamig na ekspresiyon niya.

"Because I know that's what you want the moment I stared in your eyes last night." Humina ang boses niya pero nandoon pa rin ang pagiging agresibo niya.

"Wala akong sinabi, Gabriel."

He bite his lips later on. Nanahimik kami ng ilang segundo.

"So, you agreed?"

Napatingin na naman ako sa mga mata niya. Napatango ako ng wala sa oras ng mawala ako sa aking isip habang nakatitig sa kanya.

He then chuckled.

"I'm really courting you, babe." Hinawakan niya ang pisngi ko at sa isang mabilis na galaw ay pinatakan niya ako ng mababaw na halik sa gilid ng aking labi.

Nabigla man ay hindi ako nakapag-react.

What did just happen?

"Now, no one's going to take you away from me even that monkey." He dangerously said while staring at me.

"You are now part of me."

Next chapter