webnovel

25

SUMIGAW uli ang lalaki na umalis na sina Ember. Kasabay ng sigaw niyon ang tila pag-angil ng apoy nang lamunin ang malaking shelf. Bumigay ang ibabang bahagi ng shelf, natumba at nagkalat sa sahig ang mga bagay na nakapatong. Agad natusta ang mga iyon. It was a total chaos inside. May sumisigaw, may umuubo, panay ang tunog ng mga monitor. The fire was getting nearer and nearer to where Lantis's bed was. Sa sahig ay nagpapambuno si Kenan at ang sanggano.

No. Si Lantis iyon. Si Lantis ang naroon sa loob.

Hindi niya akalain na kayang gawin ni Lantis iyon. Sumapi ito sa katawan ng buhay na tao. Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto no'n pagkatapos ngunit hindi iyon ang mahalaga sa mga sandaling iyon. Kailangan nilang makalabas sa basement. Palaki na nang palaki ang apoy at pakapal nang pakapal ang usok. It was now hard to see and breathe.

May humila sa braso ni Ember. NaKita niya si Yngrid na kinakalagan siya.

"Mauna na kayo sa itaas. Dalhin mo si Yaya Ida," aniya rito.

"Tatawag ako agad ng ambulansiya. Tanggalin mo lahat ng tubong nakakabit sa katawan ni Lantis. Remove the oxygen mask last. Babalik ako." Patakbo itong lumapit sa wala pa ring malay na matanda.

Ember went to Lantis's bed. Binalot niya ang katawan nito ng kumot pagkatapos ay maingat na hinugot mula sa balat ang mga karayom at tubong nakatarak doon. Nadinig niyang sumara ang steel door; wala na sina Yngrid sa basement.

Kung totoo ang impiyerno, kasalukuyan iyong nararanasan ni Ember. Pinapasok na ng usok ang ilong at mga mata niya. Halos wala na siyang makita, halos hindi na makahinga. Nang mahugot ang huling karayom sa balat ni Lantis, noon niya narinig na may sumigaw. It was a piercing scream that made the hairs on her nape stood. Mas nanghilakbot siya nang makita kung sino ang lumilikha ng sigaw—ang lalaking sinaniban ni Lantis.

"Lantis!" tawag niya. Tumakbo papunta sa isang gawi ng basement ang nasusunog na lalaki. Mas malakas ang sigaw na sunod nitong pinakawalan. Sinundan iyon ng lagabog ng sinundan ng katahimikan—maliban sa ingay ng paglamon ng apoy sa mga gamit na nasa basement. "Lantis!" Hindi niya makita si Lantis. Wala rin si Kenan. Nasaan na ang mga ito?

Nasagot ang tanong niya nang kumalampag ang kama. Hirap na tumayo si Kenan, basag at duguan ang mukha, may bakas ng sunog ang isang manggas ng coat. Agad ding bumagsak sa sahig si Kenan. Noon niya naKita ang Swiss knife na nakatarak sa tagiliran nito.

Ibinalik ni Ember ang atensiyon sa katawan ni Lantis. Inalis niya ang oxygen mask pagkatapos ay hinila ang katawan paalis ng kama. Inakay niya ito patungo sa pinto na malapit nang dilaan ng apoy. Inihit siya ng ubo, sunod-sunod na tila ayaw nang matapos. Pinangapusan na ng hininga si Ember, ramdam niya ang epekto no'n sa katawan niya. Unti-unti na siyang nawawalan ng lakas hanggang sa matumba siya sa sahig kasama ni Lantis.

"God, please help us..." She coughed again and forced herself to get up. Nang hindi na magawang pasanin si Lantis ay hinila na lang niya ito sa mga binti.

"Leave him here, Ember," wika ng boses ni Lantis sa tabi niya. Nilingon niya ito. Halos hindi niya ito maaninag dahil sa kapal ng usok at sa luhang nasa mga mata niya. "Iligtas mo ang sarili mo."

"Baliw ka ba?" aniya sa pagitan ng pag-ubo. "Hindi Kita iiwan dito."

"Let go of him and go! Malapit na ang apoy sa oxygen tank. This place was about to explode! Hindi ako papayag na mamatay ka dahil sa akin. Give it up, please, nagmamakaawa ako sa'yo." Napiyok ang boses ni Lantis.

Sunod-sunod na umiling si Ember. Niyakap niya ang katawan ni Lantis, binuhat, upang muli lang bumagsak. Napaiyak na siya at napasubsob sa dibdib ni Lantis. Hindi na niya maramdaman ang tibok ng puso nito.

"Mas gugustuhin ko pang masunog kasama mo keysa iwanan ka rito. Ang layo ng ng narating natin. Ang dami na ng sakripisyo ko. Ano'ng karapatan mong utusan ako na i-give up ka? Matapos mo akong guluhin, matapos mong sumulpot na lang sa buhay ko? Ngayon pa ba kita iiwan, ha, Lantis? I'll stay here with you. Hindi kita bibitiwan." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa katawan ni Lantis na para bang may gustong umagaw no'n sa kaniya. Sa likod niya ay nadinig niya ang pagbagsak ng kung ano. Ramdam niya ang dahan-dahang pagyakap ng apoy sa kaniya. Mariin siyang pumikit, isinara ang mga tainga sa mga pakiusap ni Lantis. Sumisigaw na ito sa harap niya, umiiyak. She didn't listen to him. Buo na ang desisyon niya.

Then something happened.

May mga kamay na humila sa kaniya palayo kay Lantis. Yumukod ito at pinasan ang katawan ni Lantis pagkatapos ay kinabig siya sa beywang. Mabilis ang ginawa nitong pagkilos patungo sa pinto. Narating nila ang hagdan na puno na rin ng usok. Ember was on the verge of fainting when the trap door opened and fresh air welcomed them, filling her lungs. Bumagsak siya sa lupa, habol ang hininga. Sa tabi niya ay may humihingal at umuubo.

"Lantis?" naguguluhan niyang tanong. Si Kenan ang nakahiga sa tabi niya. Mas naguluhan siya nang makitaa ang espiritu ni Lantis na nakatayo sa harap nila, titig na titig kay Kenan na para bang noon lang nito nakita ang lalaki.

Nagmulat si Kenan at bumangon. "I'm sorry," anito sa boses na puno ng emosyon na hindi niya mapangalanan. "I'm sorry." Tumayo ito, sumuray. At paika-ikang tumakbo pabalik sa trap door.

"Kenan, huwag!" sigaw niya at tinangka itong habulin. May pumigil sa siko niya, ang umiiyak na si Yngrid. Sakto na nagsara ang pinto nang mayanig sila ng pagsabog. Pareho silang tumilapon ni Yngrid sa lupa. Ember's ears rang due to the explosion. Ilang sandali na hindi siya nakakilos at nakapag-isip nang maayos. Until she remembered Lantis.

Nilapitan niya ang katawan nito, inalis ang kumot sa bandang dibdib nito. Inilapat niya ang palad doon, pinakiramdaman 'yon. Gumapang ang takot sa katawan niya nang hindi maramdaman ang pintig ng puso nito. Malamig din ang balat nito.

"Lantis...ano'ng nangyayari? Yngrid, nasaan na ang ambulansiya? Hindi na humihinga si Lantis."

"P-Parating na sila," ani Yngrid. May sinabi pa ito pero hindi na iyon narinig ni Ember dahil ang atensiyon niya ay lumipat kay Lantis—sa espritu nito—na nasa harap niya. Nakatingin sa ibaba si Lantis, sa mga binti nitong unti-unti nang naglalaho. Bumagsak ang espiritu sa lupa, kasabay ang pagkisay ng katawan nito. Hindi alam ni Ember kung alin ang unang dadamayan.

"Lantis, bakit? Ano'ng nararamdaman mo?" umiiyak niyang tanong sa espiritu. Yngrid was attending to Lantis's body. Pina-pump nito ang dibdib ng binata. "Sagutin mo ako, Lantis. Kausapin mo ako, please!" Naglaho na nang tuluyan ang mga binti nito, ang pang-itaas naman nitong katawan ay translucent na. She noticed how Lantis's chest rise and fall. Tila hirap na hirap itong huminga.

Tumingin si Lantis sa kaniya. What she saw in his eyes made her cry harder. Hindi niya alam kung paano ngunit alam niya, ramdam niya, iyon na ang huling beses na makikita niya ang mga matang iyon.

"Hindi..." Sunod-sunod siyang umiling, hindi matanggap na sa gano'n mauuwi ang lahat ng pinaghirapan nila. Gumapang siya palapit sa espiritu. Gusto niya itong yugyugin. Yakapin. Mahigpit na yakapin. Iparamdam dito ang lahat ng takot niya, ang pangangailangan niya rito. "Hindi puwede. Labanan mo, Lantis. Huwag ka namang ganiyan, oh. Ang daya-daya mo naman, eh! Nag-promise ka na mabubuhay ka. Tuparin mo 'yon. A-Ang dami kong gustong gawin natin na magkasama. Ipapakilala pa kita kay Antonia. Pupunta tayo sa Japan. Gusto kong makita ang cherry blossoms. We'll take a picture there together. Titikman mo pa ang luto ko, kakantahan mo pa ako. Hahawakan mo pa ako..." Malakas na yumugyog ang mga balikat niya. "Hahawakan pa kita..." Napahagulgol na siya.

"I'm so sorry, Ember," mahinang-mahinang sabi ni Lantis. He was almost invisible now. But she can still see the pain and regret in his eyes. She can clearly see his tears. Umangat ang kamay nito, dumampi sa luhaan niyang pisngi. His touch was colder than usual. "We'll see each other again someday." Pilit itong ngumiti. "At gagawin natin lahat ng gusto mo."

Umihip ang malamig na hangin sa gawi nila. Nagambala ang mga damo sa paligid, umangat ang mga alikabok, ginulo ang buhok niya. Saglit siyang napapikit nang pasukin ng alikabok ang mata niya. Nang imulat iyon, wala na si Lantis sa harap niya. Tumigil na si Yngrid sa pag-CPR sa katawan ni Lantis. Lantis's body was motionless. Wala na ito. Ember's heart died with him.

"I'm sorry. I did everything but..." Mahina itong humagulgol.

Ember caressed Lantis's rugged face. Nakita niyang may umaagos na luha mula sa mga mata nito. Pinahid iyon ni Ember. "I love you," bulong niya sa mga labi nito. "I'm sorry I failed you. I'm so sorry..." She leaned forward and planted a kiss on his lips. Pumikit siya at nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa panawan ng lakas ang katawan niya.

She let darkness embraced her. She was just dreaming. Paggising niya mamaya, ang nakangiting mukha ni Lantis ang unang masisilayan niya.

Next chapter