Ang sarap!
Ang sarap sarap! Ang lambot. Ang lamig na may halong init. It's so cozy. It's so fluffy. Feels like I'm in heaven with a warm weather. Can I stay like this forever?
Ang sarap mabuhay!
Humikab ako at nag-unat ng katawan. Ugh! Ang sarap talagang matulog nang walang nang-i-istorbo. Nang walang alarm clock. Sana habang buhay ganito.
Maingat at dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at ang unang nakita ng magaganda kong mata ay ang itim... kadiliman.
"Punyemas? Nasa impiyerno na ba ako?"
Wala na akong pakialam kung may masagi man ako, basta ang importante ay makabangon ako. Saktong pagbangon ko ay nakita ko ang isang flat screen TV na diretsong nakaharap sa akin kaya nakita ko ang reflection ko sa screen nito.
"Nasaan ako?"
Walang TV sa kuwarto ko kaya nasaan ako!!! Bakit itim ang kuwartong ito? Nasaan ba ako?!
Nagsimulang kumabog sa kaba ang puso ko at dali-daling lumabas ng kuwarto. Bahala na. Kung nasaan man akong lupalop ng mundo, sana makauwi ako sa amin! Nasaan ba kasi ako?!
Nang makalabas ako sa pinto, mabilisan kong tiningnan ang paligid.
Nasa isang hallway ako. Tumingin ako sa kaliwa at ang nakita ko ay isang pader na merong painting, tumingin naman ako sa kanan at may nakita akong hagdan kaya dali-dali akong pumunta roon. Walang pakialam kung naka-paa lang ako ngayon. Iisipin ko pa ba ang pagchi-tsinelas kung kinakabahan na ako kung saan na ako napadpad nito? Lasing ba ako kagabi? Ba't wala akong maalala?
Mahigpit ang hawak ko sa railings ng medyo semicircular stair at no'ng halfway na ako ng hagdan ay ang unang mukhang nakita ko ay kay Alice. Full-blown akong natigilan at nagpapasalamat sa lahat ng santo sa langit na nakita ko ang mukha niya.
"Alice!" Sigaw ko sa kaniya. Nagulat siya sa mukha ko pero iisipin ko pa ba 'yon? "Nasaan ako, Alice? Nasaan ako?" Paulit-ulit na tanong ko habang nakatayo pa rin sa hagdan na iyon.
Humakbang ng isang beses si Alice at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ma'am MJ!" Matapos ang pasada ng tingin ay nakapagsalita na rin siya.
"Oo Alice, ako 'to! Kaya nasaan ako?" Pag-uulit ko naman. Kailangan pa ba talagang uulit-ulitin?
Kumibot-kibot ang bibig niya, parang may gustong sabihin tapos tumingin sa kaliwang side niya. Hindi ko na tiningnan, mas atat ako sa sagot niya!
"Bay! K-in-idnap mo ba 'yan?"
Holy punyemas?
An unfamiliar male voice bombarded my whole system. What the shit is going on?
"Are you okay?" Then seconded by a familiar baritone voice.
Holy punyemas?
Dahan-dahan akong lumingon sa kanang banda ko, kung nasaan nanggaling ang boses.
Holy punyemas! Punyemas isang daan!
Anong...
"MJ, are you okay?" Pag-uulit niya kaya matinding singhap ang ginawa ko.
Anong nangyayari?
"Hala, Sir Darry, ako na pong bahala kay Ma'am MJ. Lasing po ba ito kagabi? Gan'yan po kasi 'yan 'pag nagigising sa isang hindi pamilyar na kuwarto."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Halos manginig ang binti ko at bumigay na parang jelly ace. Hindi ko rin malaman kung sino ang titingnan ko. Si Alice, si Darry, o ang mga lalaking naka-upo sa sofa. Punyemas. Punyemas. Anong nangyayari?
"Halika, Ma'am MJ, akyat muna tayo sa itaas."
Kung hindi lang ako kinaladkad ni Alice pabalik sa pinanggalingan ko, baka tuluyan akong nahulog sa hagdan na iyon sa sobrang gulat.
Anong nangyari?
"Bakit lumabas ka nang gan'yan ang suot mo, Ma'am MJ?"
Matinding singhap na naman ang ginawa ko nang marinig ulit ang bulong ni Alice. Napatingin ako sa kaniya at base sa peripheral vision ko, nasa hallway kami nang nilabasan kong kuwarto kanina. Nasaan ba kasi ako?
"Nasaan ba kasi ako?" Panandalian kong pinasadahan ng tingin ang suot kong damit. Hindi ko na sana papansin pero nang makita ang cleavage ko ay halos lumuwa ang mata ko sa gulat.
Bakit ako nakasuot ng lingerie na kulay itim na walang bra? Shit?
"Naalala mo na ba kung anong nangyari kagabi?"
Naibalik ko ang atensyon ko kay Alice dahil sa naging tanong niya.
"Ikaw ba nagbihis sa akin nito?"
"Hindi, ah! Kararating lang namin ni Erna kaninang umaga. Galing pa kaming Negros."
What the shit? E, sino?
"Teka, lasing ka ba kagabi? Baka si Sir Darry ang nagbihis sa'yo at saka nasa penthouse niya tayo, in kasong nakalimutan mo."
Penthouse ni Darry? Siya ang nagbihis sa akin? May nangyari ba? What the shit!!!!!
"Hell, no!" Singhal ko sa kaniya. "Hindi ako lasing kagabi and hindi si..."
Oh punyemas. Oo nga pala!
"Madaling araw na pala kaming nakauwi kanina, galing sa club, at oo nga pala, ako pala ang nagbihis kagabi. Nakalimutan ko sa sobrang pagod ko." Sinapo ko ang ulo ko at hinilot na rin ito dahil sa kagagawan. Gaga ka MJ!
"Are you okay, MJ? May nangyari ba?"
Oh punyemas!
Wala sa sarili kong tinakpan ang katawan ko nang marinig ang baritonong boses sa likuran ko. Bali si Alice ang nakaharap sa kaniya, ako nakatalikod, pero hindi ko alam kung bakit ko tinatakpan ang sarili ko.
"Ah... Oo! Okay lang. Maliligo lang ako. Halika, Alice, samahan mo akong mag-ayos ng gamit sa loob." Walang pag-aalinlangan kong kinalakadkad si Alice papasok sa pintuang nilabasan ko kanina without even glancing at him.
Punyemas. Ano nga ulit 'yong ginawa mo, MJ? Recap nga tayo!!!
Nang makapasok ako sa kuwarto ay agad kong ini-lock iyon at sinapo ang noo ko habang nakatitig sa sahig as if the floor can help me with my trembling system.
"So... nasa penthouse ako ngayon ni Darry. Dito kami umuwi kagabi matapos ang after party sa isang club. And nakasuot ako ng ganitong damit dahil ito ang una kong hinablot nang magbihis ako kagabi bago matulog. So, nandito ako sa penthouse ni Darry." Nilakasan ko ang boses para masabi kay Alice at para na rin i-recap ang sarili ko.
"Oo, Ma'am MJ, nasa penthouse ka nga ni Sir Darry."
Naituro ko si Alice na animo'y naka-resolba ng isang krimen.
"E, sino 'yong mga lalaki sa ibaba? Anong ginagawa nila rito kung penthouse 'to ni Darry? Dito rin ba nakatira ang mga 'yon?"
What if it's a shared penthouse pala? What the shit?
"Mga kaibigan 'yon ni Sir Darry. Nandito sila para raw bisitahin si Sir Darry at personal na makilala ang asawa niya." Mas lalo akong nagtaka sa sinabi ni Alice. "At ang ganda ng pagpapakilala mo sa kanila, nakapang-tulog na sexy pa."
Punyemas!!!
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko. I really don't care wearing revealing clothes in front of others kasi I've been doing that ever since, nagulat lang talaga ako sa naging suot ko. Minsan lang akong magsuot ng lingerie at ngayon pa talaga na humarap ako sa mga kaibigan ni Darry. Ang galing, MJ! Ang galing-galing!
Huminga akong malalim.
"Anong oras na ba? At nasaan na ang mga gamit ko?"
"Magtatanghalian na at dito rin manananghalian ang mga guwapong kaibigan ni Sir Darry." Parang binudburan ng asin si Alice kung makanginig.
Pinasaringan ko siya ng tingin.
"Nasaan na 'yong mga gamit ko? Ang sabi raw dadalhin niyo rito? Dalhin mo na rito sa kuwartong ito."
"Nasa kuwarto na ninyo ni Sir Darry, Ma'am MJ."
"Ha?" Agad akong lumingon sa sinagot ni Alice. "Bakit nandoon? E, nandito 'yong kuwarto ko!"
"E, bakit ka dito matutulog? 'Di ba mag-asawa na kayo? Kaya dapat nasa iisang kuwarto lang kayong dalawa," depensa naman ni Alice na ikinasama ng timpla ko.
"Kukunin mo ang lahat ng gamit ko sa kuwarto ni Darry at ilalagay mo rito sa kuwartong ito! Susundin mo ang sinabi ko kung ayaw mong ipabalik kita ng Negros, sige ka!" Pagbabanta ko sa kaniya. "Maliligo lang ako, kaya dapat paglabas ko, nandito na ang mga maleta ko," huling habilin ko sa kaniya.
"Bakit kasi dito ka pa? Puwede namang iisa na lang kayo ni Sir."
Narinig ko pang bulong ni Alice sa sarili niya pero hindi ko na pinansin at pumasok na sa banyo para gawin ang routine ko.
I took a very hot shower para mawala ang kung anong bad vibes na naramdaman ko kanina. Mabuti na lang at kumpleto sa mga essentials ang banyo ng kuwartong ito kaya nakaligo ako. May bathrobe at tuwalya pang nandito kaya paglabas ko, naka bathrobe lang ako at may tuwalya naman sa ulo ko.
Kanino kayang kuwarto ito? Wala namang bakas ng kahit isang gamit na may nagmamay-ari nito, it's more like a guest room.
Palabas ako ng banyo nang magkaroon ako ng pagkakataong pasadahan ng tingin ang buong kuwarto.
The interior is very nice. Very manly 'cause of the black accent. Masiyadong panlalaki at halatang bachelor's pad nga itong penthouse na ito. Meron itong flat screen TV. Walang balkonahe pero may isang malaking glass window ang nandoon. Binuksan ko ang bintana at unang pasada ng tingin pa lang, kita na ang abalang ciudad ng Taguig. Hindi na ako magtataka kung nasa tuktok kami ng building na ito. Halata naman kasi.
Paglabas ko kanina ay nandoon na ang mga maleta ko pero wala si Alice. Siguro may inasikaso sa labas at tinulungan si Erna.
Kaya nga pala nandito 'yong dalawa kasi sinabi ko kay Mama na 'pag titira ako kay Darry dapat may kasama akong dalawang katulong. Hindi sa hindi ako mabubuhay 'pag walang katulong, I lived five years in my condo way back college nang walang katulong and mag-isa lang. Basta gusto ko nandito 'yong dalawa. Gusto naman nila kasi nga Manila kaya heto sila ngayon.
Hindi ko na tinagalan ang pagbibihis. Lumabas ako ulit ng kuwarto nang nakasuot ng isang disenteng damit, 'yong hindi nakikita ang kaluluwa. Ragged jeans at white V-neck shirt na medyo loose. Wala lang, mga trip ko sa buhay minsan ang hirap abutin.
Dahan-dahan at maingat ang pagbaba ko sa hagdan. Hindi katulad kanina na tahimik sila, ngayon ay nag-iingay na sila. Mukhang may pinag-uusapan kaya dumiretso akong kusina. Kaso habang naglalakad, hindi talaga maiiwasang hindi mo marinig ang pinag-uusapan nila.
"Kailan ka ba kasi uuwi rito?" Narinig kong sabi no'ng isa.
Hindi ko kilala ang mga lalaking ito pero nang pinasadahan ko sila ng tingin, nasa apat na lalaki sila.
"Ha? June? Ang tagal pa no'n, ah!" Anang ibang boses naman.
Hanggang sa tuluyan akong makapasok sa kusina, naririnig ko pa rin ang mga buo at malalaki nilang boses kaso hindi na ganoon ka klaro.
Naabutan ko si Erna at Alice na naghahanda ng pagkain sa malaking hapag-kainan. Akala ko kusina na ang pinasukan ko, dining area pa pala.
"Okay ka na ba? Nahimasmasan ka na ba?" Tanong agad ni Alice nang makita ako. Tumayo ako sa gilid ng kabisera ng dining table at pinagmasdan sila sa mga ginagawa nila.
"Hello po, Ma'am MJ! Gusto n'yo pong kape?" All out smile na bati sa akin ni Erna. Hindi ko siya nakita noong bumaba ako pero I'm expecting her to be here though.
"Yes please, Erna." Dali-dali naman siyang pumasok sa isang pintuan na sa tantiya ko ay ang mismong kusina. Sumunod si Alice sa kaniya na mukhang may kukunin pa roon.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga ulam na nakahain sa malaking lamesang iyon.
Bakit kahit ganoon kahaba ang tulog ko, hindi pa rin ako makaramdam ng gutom?
"Hey, good morning!"
Natigil ako sa katititig sa mga ulam nang marinig ko na naman ang isang baritonong boses. Lumingon ako sa kaniya at pahapyaw na ngumiti.
"Hmm, magandang tanghali," simpleng sagot ko.
"Gusto ka nilang makilala, labas ka muna?"
Napahawak ako sa bangko ng kabisera at muling tumingin sa kaniya.
"Sino ba sila?"
"My friends."
"Okay."
Pagak akong ngumiti sa kaniya at pilit iwinawaglit sa kilos ko na apektado ako sa nangyari at nakita nila sa akin kanina. Hindi naman ako hubo't-hubad. Kaonting balat nga lang ang naipakita ko kung ikukumpara mo sa mga swimwear, e. At 'yong mga lalaking iyon ang tipo na parang normal na lang sa kanilang makakita ng babaeng naka ganoon o di kaya'y naka-swimsuit. Ako pa talaga lolokohin n'yo! Gamay ko na ang mga lalaking ganoon, 'no.
Sabay kaming lumabas ni Darry ng dining area at bumalik sa malawak na salas ng penthouse. Ngayon ko lang ito makikita nang mabuti kasi hindi ko ito masiyadong napagtoonan ng pansin kagabi dahil sa pagod.
Lumingon ang apat na lalaking iyon nang makitang palapit kami. Iba-iba sila ng posisyon. Ang isang medyo mahaba ang buhok na sinuklay patalikod at chinito ay nakasalampak sa sahig na may hawak ng game controller. Bahagya ko pang nilingon ang malaking plasma TV sa dingding at nakitang naglalaro nga siya gamit ang Xbox.
Ang isa na semi-kalbo ang hairstyle, chinky eyes, at balbas-sarado ay naka-upo sa pang-isahang sofa, nakapalumbaba at maingat na pinagmamasdan ang bawat galaw namin ni Darry.
Ang pangatlong lalaki ay parang tamad na naka-upo sa mahabang sofa, messy hair, at seryosong nakatingin sa plasma TV na nasa harap, may hawak din siyang game controller. Napaayos lang siya sa pagkakaupo nang makita rin kami.
Ang pang-apat na lalaki... teka, sandali! Kilala ko 'to, ah! Siya 'yong kagabi! 'Yong boyfriend daw ni Jessa! Siya 'yon, hindi ako puwedeng magkamali! Kahit na gabi ko siya nakita, siya talaga 'yon. Pinanliitan ko siya ng mata hanggang sa huminto kami sa paglalakad ni Darry. Tumigil na rin sa paglalaro ang dalawa pero masama ko pa ring tinitingnan ang pilotong boyfriend kuno ng kaibigan ko.
Teka, sandali? Magkaibigan sila ni Darry?
"Anong ginagawa mo rito? Nasaan na si Jessa?" Seryosong tanong ko sa kaniya habang naka-crossed arms.
"Nice to meet you, too, MJ. I'm Mefan, your husband's friend and your bestfriend's boyfriend. Your friend is safe, nandoon na siya sa condo ng kaibigan n'yo."
Oo nga pala!
Dahil sa sinabi ng Mefan na 'to, biglang sumagi sa isipan ko ang usapan namin na tatambay kami sa condo ni Maj ngayong araw! Oo nga pala!!! Pero mamayang hapon pa naman 'yon, makakasunod pa ako.
"I'm Amox, nice to meet you, Missis Lizares."
Hindi na nakapagsalita ulit si Mefan dahil sumingit na 'yong chinitong nasa sahig. Inabot pa niya ang kamay niya na tinanggap ko naman. Hindi naman kasi ako rude.
"Yaspher is the name!" Malawak na ngumiti naman ang kalaban sa Xbox no'ng chinito. Siya 'yong messy hair.
"Ric..." Matapos magpakilala noong si Yaspher ay sumingit na 'yong semi-kalbo, parang military cut na hair ba. "And I believe we have already met, we have a common friend, your cousin, Chain Osmeña."
"We have?" Medyo nagulat sa sinabi niya, nagawa ko pang magtanong no'n. Kung kaibigan siya ni Ate Chain, edi kilala ko siya. Siguro dahil sa change of hairstyle kaya hindi ko masiyadong mamukhaan.
"Yep and you're still a kid that time when we met each other," sagot niya.
"'Wag mo nang ipaalala, nakalimutan na niya 'yon."
Halos mapangiwi naman ako nang biglang sumagot si Darry sa usapan. Napatawa ang mga lalaking iyon but I can't sense the humor out of it. Ano bang nakakatawa?
Oh, well...
"I'm MJ and nice to meet you all, Darry's friends. And I'm sorry for that little commotion a while ago, naalimpungatan lang kasi ako ng gising." I smile para naman hindi nila gawing big deal ang nakita at nasaksihan nila.
"Fair enough, ganoon din minsan si Jessa. Kaya siguro magkaibigan kayo," ani Mefan na pa-simple kong tinaasan ng kilay.
So, ibig sabihin, madalas silang magkasama? Saan naman? Kung Manila based siya, saan sila nagkikita, e, sa Bacolod-Silay Airport nagtatrabaho si Jessa? Hmmm. Piloto nga yata siya ng eroplano.
Marami pa silang pinagsasabi roon pero hindi ko na masiyadong pinakinggan. I excused myself na lang papuntang dining area para kunin ang kape ko at malaman kung anong puwedeng maitulong.
Those guys are equally handsome, equally matitipuno, have the same level of sex appeal. Kasing level nila ang mga Lizares sa pagiging matitipuno and godlike image at kahit postura pa lang, nagsusumigaw ang karangyaan, kagalingan sa napiling propesyon, kakisigan, kaguwapohan, katalinuhan, at kapangyarihan. The six K of a dreamlike man a girl could ever imagine for her whole life.
Magkasing-yaman nga kami ni Darry pero hindi ibig sabihin na pareho na kami ng mundong ginagalawan. Kahit anong mangyari, kahit bumagsak pa ang kompanya nila, mananatili silang angat. Malayong-malayo sa pagiging simple naming mayaman. Mas angat siya kesa sa akin. Mas mataas ang standard niya kesa sa akin. Kaya kahit sabihin n'yong sobrang yaman namin, hindi kailanman kami magpapang-abot sa parehong lebel. The Lizares are always one step ahead of us despite of the fortune they have and that what made them untouchables.
Kaya dapat, 'wag na 'wag kang sosobra sa linya. Always! Always know your punyemas limititation. All the time. All the punyemas time, Maria Josephina Constancia!
Darry:
Dinner later with your Mama and Papa. Tomatito. I'll fetch you there.
Ako:
Okay.
I sighed heavily then throw my phone on a coffee table.
Tumitig si Lorene doon at bahagya pang sinipat ng tingin ang screen.
"Lalim ng hininga, a. Pasan mo ba ang mundo?" Ani Lory. Hindi ko na pinansin at itinoon na lang ang atensiyon sa TV ng condo ni Maj.
"So, kumusta ang unang gabi bilang mag-asawa?" Iginalaw ko ang aking mata para makita si Paulla na may dalang malaking bowl ng popcorn at inilapag sa coffee table sa harapan namin. "Welcome to the club na ba?" Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang idagdag niya iyon.
"Oo nga, kaibigan! Magkuwento ka naman!" Ani Ressie na yakap-yakap ang throw pillow ng sofa.
"Masarap ba?" Tanong ni Lory.
"Daks ba?" May panunuyang tanong ni Jessa.
"Magaling ba?" Nagsitilian silang lahat sa sinabi ni Paulla.
Ano ba!!!
Halos lamukusin ko ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi nila.
"Mga punyemas!" Sigaw ko. "'Wag n'yo nga akong dinadamay d'yan sa mga maduduming n'yong utak!" Dagdag ko habang nakatingin pa rin sa TV.
Matapos ang pananghalian namin sa penthouse, umalis ako roon at pinuntahan ang condo ni Maj kung nasaan ang mga kaibigan ko. Babalik na silang Negros mamayang gabi kaya sinusulit ko lang kasi hindi namin alam kung kailan ulit ang sunod na gala.
"Asows! Madamot ka lang sa kuwento, e!" Ani Jessa.
"Tigilan n'yo na 'yang si Misis Lizares, it's a private thing about a married couple kaya dapat hindi na shini-share 'yan."
Nakahinga ako nang maluwag nang salbahin ako ni Vad.
"Wala nga sabi akong ginagawang makamundo kasama si Darry!" Depensa ko pa rin.
"Kahit kiss wala? Imposible naman, MJ. Ikaw nga nagturo sa amin n'yang bases, e, tapos unang araw mo bilang Misis Lizares wala kang ginawa?"
Halos tampalin ko ang noo ko sa sinabi ni Paulla.
"Wala nga!"
"Sigurado ka? Anong ginawa n'yo pagkarating n'yo sa penthouse niya?" Tanong ni Maj.
I almost groaned with their questions.
"Wala! Natulog ako!"
"Natulog ka? Natiis mo 'yon? E, 'di ba noong ka-fling mo si Gerald, ang sabi mo halos mapunit ang kumot niya sa dorm nila dahil sa paglalaplapan n'yo? Nakapagpigil ka talaga, MJ?"
My God! These friends are crazy as hell!
"Hindi kami magkatabi," malamig kong sabi at kinuha ang nilapag na bowl ni Paulla kanina.
"Wow!" Halos sabay na sabi nilang lahat.
Napapikit ako nang mariin dahil sa lakas ng boses nila.
"Hindi ko siya fling para laplapan."
"Yes, he's not your fling but he's your goddamn husband, MJ. So basically, you can do whatever you want to do. It's all legal and moral. You can even proceed to the base three and more and explore!" Ma-aksiyong kuwento ni Ressie na mas lalo kong sinimangutan.
"Why are we even talking about this one? We're here to watch a movie! Can we just watch this one, guys?" Tiningnan ko sila isa-isa at masiyadong seryoso ang kanilang mga tingin sa akin kaya umiwas na ako ng tingin agad.
"I know you don't have any experience about being a girlfriend to a guy. Wala kang experience sa isang totoong relasyon. But do you know how to be a wife to your husband?"
Umurong nang panandalian ang kaluluwa ko nang marinig ang sinabi ni Jessa.
'Wala kang experience sa isang totoong relasyon.'
"E, ano naman ngayon? Wala rin naman akong pakialam. Kesyo may alam ako o wala, it will always put into waste," depensa ko.
"Bakit naman?" Curios na tanong ni Lorene.
"Kahit na, MJ, dapat alam mo kung paano maging mabuting asawa sa asawa mo! You should cook for him, take care of him, make him happy all the time! Ganoon 'yon!" Ani Lory not minding what her twin sis asked.
"Ewan ko sa inyo, kahapon lang naman ako ikinasal kung saan-saan na kayo nakakarating. Iba na lang pag-usapan natin, 'wag 'yan. At 'wag kayong mga feeling na may experience kasi hindi pa naman kayo kasal." Pagtatapos ko sa usapan.
Natuloy ang usual hapon namin with watching movies and usapan tungkol sa future plans nila. Meron din silang mga chismis na pinag-usapan pero masiyado yatang lutang ang utak ko at hindi ako minsan makasunod sa mga pinag-uusapan nila.
Hanggang sa kailangan ko nang umalis. Si Jessa umalis din kasi kailangan daw niyang makausap si Mefan. Yes, the Pilot Mefan Barcelona. 'Yong iba, nagpaiwan sa condo ni Maj kasi aalis na sila mamayang gabi. Gusto ko pa sanang sumama sa paghatid pero hindi pa ako sigurado kung makakasama ako. May dinner nga kami nina Mama.
So sabay nga kaming bumaba ni Jessa. Kaming dalawa lang siyempre, hipokrito 'yong si Maj, e, hindi man lang kami hinatid pababa, sabi malaki na raw kami.
Akala ko sa lobby ng condo si Jessa bababa, pero katulad ko pala na sa basement parking ang diretso.
"May sundo ka? Sino? 'Yong piloto?"
"Yeah..." At sinabayan niya pa ng kibit balikat.
"Talagang boyfriend mo 'yon?" Napangiwi ako, hanggang ngayon 'di ko pa rin matanggap.
"Bruha ka! Kaibigan ba kita o basher? Ba't parang hindi ka makapaniwala r'yan?"
Mas lalo akong umismid tapos pinasadahan ko ng tingin siya mula ulo hanggang paa.
"I thought you don't like pilots?"
"I thought you don't like the Lizares?"
Back to you, MJ!
Ting!
Matinding paglunok ang ginawa ko sa sinabi ni Jessa kaya naiwan ako sa loob ng elevator. Muntik pa akong masaraduhan kung hindi lang ako naging maagap sa pagpigil ng pinto.
Naipilig ko ang ulo ko dahil sa sinabi ni Jessa. Gusto kong dumepensa kaso baka maging guilty ako kung ginawa ko. Mabuti siguro, manahimik na lang ako?
Sinundan ko sa paglalakad si Jessa at bahagya ring hinanap sa malawak na basement parking na iyon ang kotse ni Darry.
Bakit ba kasi dito pa? Puwede namang doon na lang sa lobby?
Hindi rin nagtagal ang paghahanap ko dahil agad ko naman siyang nakita, kausap ang pilotong boyfriend ng kaibigan ko.
Tumigil ako sa paglalakad at sinipat ng tingin ang bawat kilos ni Jessa. Pinanliitan ko pa ito ng mata habang papalapit siya kay Mefan.
Ew.
Matinding pagngiwi ang ginawa ko nang hinalikan ni Jessa si Mefan sa labi. Like, ew!!!!
I know I've seen my friends landi some guys way back college but punyemas! I never imagined them to be near a guy like Mefan Barcelona! Punyemas, Jessa, what did you do?
"Ang laswa, Jessa! Akala ko ba galit ka r'yan?" Hindi ko na nga napigilan ang sarili kong singhalan siya.
Pero ang walang hiya kong kaibigan, ayon, nakangiti lang habang nakapulupot ang kamay nila sa bewang ng isa't-isa.
"Malaswa, MJ? E 'di ba, gawain mo 'to?" Humalakhak siya nang todo na halos um-echo ito sa basement parking.
Aba't!!!
Hindi ko alam kung sasakmalin ko ba si Jessa o tatahiin ang bibig. Sobrang nakakainis!
"Umalis na nga kayo! Naiirita ako sa'yo, kanina pa!" Iwinasiwas ko ang kamay ko para malaman nilang pinapalayas ko na nga sila.
Patuloy pa rin sa paghalakhak si Jessa habang inaalalayan siya ni Mefan pero bago pa man siya makapasok. May pahabol pa ang bruha.
"Good bye, Mister Lizares. Good bye, Missis Lizares!"
Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi na pinatulan ang pinagsasabi ni Jessa.
"Sige bay, ma-una na kami. MJ!"
Pagak akong ngumiti kay Mefan nang nagpaalam siya. Humarurot ulit ang sports car na nakita ko na kagabi.
Punyemas! See that? Masiyado silang mataas para sa amin! Oo, mayaman kami pero wala kami sa kalingkingan ng kayamanan nila.
"Let's go, Mama Blake and Papa Rest are waiting."
Punyemas. Isa pa 'to. Mama Blake and Papa Rest? When did he start calling them that?
"S-Sige..." Tumikhim ako para pakalmahin ang sarili ko. Punyemas, ang ingay talaga ni Jessa. Sana kahit minsan lang, itikom niya ang bibig niya. At sana kanina niya itinikom ang bibig niya!
Punyemas! Guilty'ng-guilty yata tayo sa parte na gawain natin 'yon, MJ?
Tahimik kami buong biyahe hanggang sa nakarating kami sa resto at nakasama namin ang pamilya ko. Kumpleto kami, maliban na lang kay Ate Isabel.
Aalis na bukas sina Ate Tonette and family pabalik ng Negros to handle the Steel Works. Mama, Papa, Kuya Yosef, and Falcon will go to Pennsylvania. My parents will start their vacation and to also visit their new apo na si baby Dove.
Nakahiga na ako sa kama ko rito sa penthouse. Nakatitig ako sa isang maliit na ilaw sa ibabaw ng bedside table ko. Kanina pa ako nagpaikot-ikot sa kama ko. Hindi ko na alam kung anong oras, basta ang alam ko kanina pa ako hindi makatulog!
Ewan ko ba! Baka naghahanap ng alak ang sistema ko?
Padarag akong bumangon at ginulo ang buhok.
Punyemas naman! 'Wag mo sabihing namamahay ako?
Bumagsak ako sa kama at pinilit ipikit ang mata ko. Pumikit lang talaga ako hanggang sa hilahin na ako ng antok.
I am now blow-drying my hair. Katatapos ko lang magbihis and I'm now preparing for my first day of work. Yes! Maybe not as engineer but the acting CEO of Osmeña Business Empire. Final touch ko na itong blow dry kasi tapos na akong maglagay ng light make-up.
I am wearing a black turtle neck sweater ng Uniqlo, Memo's black trouser, and Vince Vero Leather Slip-ons. Papatungan ko lang ng coat ang damit ko, puwede nang pang-opisina.
Nang matuyo ang buhok, kinuha ko ang maliit kong handbag and ang black coat at lumabas na agad ako ng kuwarto. Yeah, all black. Parang araw ng mga patay. But hey! I look good with black!
Kumportableng-kumportable akong naglakad pababa ng semicircular stairs. Pinasadahan ko ng tingin ang buong sala, walang tao at sobrang tahimik ng penthouse.
Inilapag ko muna sa may coffee table ang coat at ang handbag 'tsaka ako pumunta ng dining area. Dumiretso akong kusina nang makitang walang tao roon.
"Magandang umaga, Ma'am MJ!" Maligayang bati ni Erna nang makita ako sa kusina. Siya ang nasa tapat ng stove at merong niluluto at base sa amoy, chicken sausage 'yon.
"Ba't ang tagal mo namang gumising?" Salubong agad ni Alice sa akin. Unlike Erna, masiyado talagang straight to the point itong si Alice kaya hayaan n'yo na, hindi pa ba kayo sanay?
"Ang aga ko kaya!"
"Dapat ikaw ang naghahanda ng agahan n'yo," rebuttal niya na ikinataas ng kilay ko.
"Bakit ako? Ano pang silbi n'yo kung pati agahan, ako pa ang gagawa?"
"Oo nga naman, Ate Alice. Edi nawalan tayo ng trabaho nito?"
Natawa ako sa sinabi ni Erna kaya taas noo kong nilingon si Alice, nakahanap ng kakampi sa katauhan ni Erna.
"May asawa ka na, Ma'am MJ, kaya dapat lang marunong kang pagsilbihan ang asawa mo. Ipagluto mo siya tuwing umaga, tuwing tanghali, tuwing gabi."
Okay... I need to crane my neck, this is gonna be good fight.
"Ano ako? Alalay?" Matapos kong patunugin ang leeg ko, 'yon lang ang sinabi ko. Wala lang, trip ko lang.
Natapos si Erna sa pagluluto kaya inilapat na niya ang nilutong ulam sa isang malinis na lalagyan. Si Alice naman ay inabot sa akin ang mug ng usual coffee ko at tinulungan si Erna na dalhin sa dining area ang almusal. Sinundan ko ang dalawa sa dining area att tumayo malapit sa kabisera ng lamesa, patalikod sa daan galing sa salas.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? I studied college and finished it to be an engineer, not to be a slave to anyone. Kaya bakit ako magluluto? Bakit ako magsisilbi?" Rebuttal ko sa kanila. Kasi totoo naman. Hindi ako magpapakahirap sa kolehiyo kung pagsisilbihan ko lang pala ang ibang tao! No punyemas way!
Pero punyemas, wala sa akin ang tingin nila. Kundi nasa likuran ko.
"Magandang umaga, Sir Darry."
Nice. Very very nice.
Marahan akong pumikit at pagak na ngumiti sa likod ng aking isipan. Ganda ng bungad!
"Good morning," sabi niya gamit ang pang-umagang boses niya.
Punyemas! That voice of him... is just... so sexy. Punyemas!
"Almusal na po, Sir," sabi ni Alice sabay pasada ng tingin sa akin. Dahil nasa tabi ako ng kabisera, siyempre hindi siya umupo roon. Sa right side ng kabisera siya umupo, malayo sa akin.
"Good morning," bati ko sa seryosong boses at sinabayan na siya sa pag-upo.
"Hmm..."
'Yon lang ang sinagot niya sa akin. Ni pasada ng tingin, hindi niya ginawa, diretsong sa mga pagkain siya nakatingin. Ni lingon, wala. Ni sulyap, wala! Aba matinde!
Gulantang man sa ginawa niya, nagawa ko namang maglagay ng pagkain sa pinggan ko.
Narinig niya kaya ang sinabi ko? Imposible kasi kapapasok lang niya sa dining area nang matapos ako sa pagsasalita, tama ba? Sana nga.
Tahimik ang unang minuto ng aming pagkain. Kaya nang nakatatlong subo ako ay inayos ko ang sarili ko at bahagyang tumikhim para maagaw naman ang pansin niya, 'no?
Sinulyapan ko siya pero wala pa rin siyang imik kaya nagsalita na ako.
"Anong opisina ba ang una kong pupuntahan? Sa inyo ba o sa amin?" Tanong ko sa schedule ko ngayong araw.
Ang sabi kasi, mag-o-office tour muna, ipapakilala muna ako sa dalawang kompanya tapos wala na, kasi bukas pa ang official first day of work ko talaga. Kaya nga naka slip-on ako, e.
"Osmeña Building."
"Ah, so after no'n, punta na tayong Lizares?" Ngumiti pa ako kahit hindi naman siya tumitingin sa akin.
"No."
Oh! So cold, nahiya si Elsa at Olaf sa malamig niyang boses. Punyemas. He's so cold!
"Ha? Bakit? 'Di ba ngayong araw din ang office tour ko sa building n'yo?" Isang ngiti na lang, MJ, baka nasaktohan lang na ganoon talaga ang sagot niya. "At saka ipakikilala rin ako roon, 'di ba?" Isang subok pa.
"It's not today."
Punyemas, malamig pa rin. Isang subok na lang talaga.
"Ha? E, kailan? Akala ko pa naman ngayon." Nag-iwas ako ng tingin at pinalungkot ang mukha ko.
"I'll reschedule it, we have the whole week to do the tour before we went home to Negros for the election." At bigla siyang tumayo. "Hurry up, ihahatid na kita sa opisina mo." At bigla rin siyang nawala sa upuan niya.
Okay? What was that? What the punyemas was that?!
I sighed heavily. Something is up. Anong nangyayari sa kaniya? He's not this cold noong nagkita kami umaga bago kami ikinasal. Hindi rin siya ganito kagabi noong kasama namin ang parents ko. What is going on?
"Ma'am MJ, naghihintay na si Sir Darry. Aalis na po raw kayo."
Matinding singhap ang ginawa ko nang marinig ang boses ni Erna.
Kahit hindi pa tapos sa pagkain, wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumabas. Inabot sa akin ni Alice ang mga gamit kong inilapag ko sa coffee table kanina at seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang inaabot sa akin ang mga iyon.
Darry's standing at the door of the penthouse. Noong nakita niya ako ay na-una na siyang lumabas kaya napasunod na rin ako.
Punyemas. Tahimik na naman kami hanggang sa makarating kami sa Osmeña Building.
Ang akala ko, lalabas siya sa kotse niya at pagbubuksan ako pero nanatili sa steering wheel ang kamay niya at nakatingin lang sa harapan. Wala sa sarili akong napatingin sa labas ng kotse at nakitang may papalapit na isang valet ng building.
"Your cousin, Dieviena, will be the one to accompany you on your office."
What?
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"H-Ha? Hindi ka sasama?" Kasama sa usapan na sasama siya. Kaming dalawa ang papasok sa building.
"I still have work to do in the office. And no need for me to introduce, they already knew me."
Punyemas?
Matinding paglunok ang ginawa ko at hindi na nagawang makapagsalita nang buksan na ng valet ang pinto sa side ko. Humigpit ang hawak ko sa handbag at hindi na siya tiningnan hanggang sa makapasok ako sa loob ng lobby.
Punyemas! Ganyanan pala ang gusto mong trato ha? Okay! Walang problema, Darry. Varsity player ako sa pag-i-ignora.
Fuck. That. Shit!
~