webnovel

Not Giving Up

*Theia's POV*

"Bessyyyyyyyy."

I turned around.

"Gising naaaaaaaa."

Nagtakip ako ng unan sa mukha.

"Beessyy!!! BESSSYY!!!"

ANG INGAY!

She started shaking me.

"Anong oras na ba??"

Ayaw ko pang bumangon.

"10 na."

"HA???"

Napaupo ako bigla tapos napatingin sa orasan.

7 palang.

"UGH! CHARMAINE NAMAN EEE!!"

Binato ko siya ng unan pero nakapasok na siya sa banyo.

"I HATE YOU!!!"

"I LOVE YOU TOO!!!" Natatawang sagot niya.

Patulog na sana ako nung..

"Theiaaaaaa!!!"

Ayan nanaman siya.

"ALETHEIA COURTNEY ZAMORAA-----"

Binato ko yung isa pang unan.

Alam niyo yung ginawa niya? Nagsasalita lang naman siya sa tenga ko habang pinapalo ng mahina yung bibig niya.

"Bessy, bahala ka dyan ha. Ginising na kita."

Nagthumbs up nalang ako tapos narinig kong bumukas sarado yung pinto.

"FINALLYY!!!"

Pinulot ko agad yung dalawang unan sa sahig tapos nahiga na ulit.

Konti nalang e. Konti nalang talaga makakatulog na ko pero yung pintuan, nagbukas sara nanaman ulit.

ASDFGHJKLQWERTY!!!

I WILL SURELY LOCK THAT DOOR NEXT TIME!

"Charm naman! Gising na ko oh." Inunahan ko na siya magsalita. "Ito na, nakaupo na."

Sabi na nga ba hindi niya ko titigilan hangga't hindi pa ko gising e.

Hindi pa talaga ako ready bumangon!

"Gising na pero nakapikit parin?"

Huh??

"Kuya??"

Napamulat ako agad. Si Kuya nga.

"Ikaw pala yan. Bakit hindi mo agad sinabi?"

"How can I kung ang dami mo nang sinabi pagpasok ko?"

Ang aga aga tinatarayan nanaman niya ko.

"Sorry. Si Charm kasi, kilala mo naman yun." Kumuha na ko ng tali sa drawer at inayos yung buhok ko. "She won't leave without making sure na gising na ko."

"I know."

"Bakit ka nga pala nandito?" He doesn't usually visit me this early. "Ang aga aga nasa kwarto na kita."

"Why? May required time ba kung kailan lang ako dapat nasa kwarto mo?"

"You know that's not what I meant." I told him. "Tuwing nandito ka, hindi maganda yung dahilan at nangyari."

Napapapikit parin ako pero nung hindi na siya nagsalita, I patted the space beside me tapos umupo naman siya.

"Why? Is there something wrong, Kuya?"

He didn't answer.

"May nangyari na naman bang hindi maganda?"

Hindi na siya nakatingin sa'kin. Kanina niya pa iniiwasang magkaroon kami ng eye contact.

"Tell me."

"I wasn't supposed to tell you anything.." He said. "Pero pinipilit mo ko."

Sinasabi ko na nga ba.

"Wait. First of all, ikaw yung nandito sa kwarto ko. Ikaw ang unang pumunta." I crossed my arms. "So, balak mo talagang sabihin sa'kin regardless kung ano man yan."

"Yes, because it concerns you."

"Iiyak na naman ba ako?"

I'm tired of crying.

"I hope you won't." He said. "Pwede mo munang pag isipan kung gusto mong malaman o hindi."

I can't let him fight this battle alone.

Dapat kong malaman kahit masakit. Karapatan kong malaman kahit masakit.

"Game."

"Alright." He took a deep breath. "Look outside your window."

...

Window?

"Huh?"

"Tumingin nga sa labas ng bintana."

"Bakit may multo ba?" I asked after standing up.

"Just look outside."

Kalma lang, Kuya. Galit ka agad e.

"Ang dami pa kasing arte hindi nalang sabihin kung anong meron sa labas ng bintana."

"Just look, Theia."

Okay. So umaga na. Wala namang tao. Tapos may red car na nakapark sa may gate ng bahay.

Is that Ate Naomi's car?

"Nasaan yung multo?" Tanong ko pagbalik sa tabi niya.

He rolled his eyes and ignored my question.

"Anong nakita mo?"

"Walang multo."

Pinatignan niya siguro kasi may multo. Takot rin yata siya. Hindi lang pala ako. Hehe.

"Tanga." Binatukan niya ko. "Hindi yung multo yung pinapakita ko sa'yo."

"Nasabihan mo na ng tanga, nabatukan mo pa." Sabi ko. "Ayos ha. Birthday mo?"

Ang aga aga para sa batok.

"Ano nga kasi?"

"Red car?"

Hindi ko alam kung yun ang tinutukoy niya e.

"Okay." He nodded. "What about the car? Familiar ba?"

"Parang.."

"Parang ano?"

"Parang car ni Ate Naomi."

"And?"

"What about it? Gusto mo ng red car? May multo sa red car?"

My eyes widened nung nag sink in sa'kin yung tinutukoy niya.

"What? Did you get it??"

"O my god, Kuya." Sabi ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin? Wag ka matakot, kakausapin ko sila Mommy at Daddy."

"Teka nga. Ano bang sinasabi mo?? Bakit ako matatakot? Tsaka anong kinalaman nila Mommy at Daddy?"

"Bakla ka??"

"WHATT???" Namutla siya bigla. "What are you talking about?? I AM NOT GAY."

Bago niya pa ko maabot, tumayo na ko at lumayo sa kanya.

"Okay, enough with the guessing game."

Seryoso na.

"Ano bang meron dun sa red car? Yes, it's familiar. Mukhang kotse ni Ate Naomi."

"You're not asking me kung nasa baba si Naomi."

"I'm not. Kasi kung nandyan siya, you won't waste time going to my room para lang sabihin yun." I pointed out. "So, anong meron? Sinong nandyan?"

"Nathan."

I knew it.

"What does he want?"

Nanghina ako bigla.

Anong kailangan niya? Bakit siya nandito?

Papaiyakin niya na naman ba ko?

"Hindi ko pa siya kinakausap." He said. "Pero may hindi pa ko sinasabi sa'yo."

"Ano?"

May kailangan pa ba kong malaman bukod sa mamamatay na ko?

"Nandito rin siya bago yung araw na nagising ka." Sabi niya. "I told him to leave kung labag sa loob niya yung pagpunta dito."

"And he left?"

"Yes."

Of course.

I don't mean anything to him now.

"Anong gagawin ko?"

"I don't know.." Sagot niya. "Hindi ko agad sinabi kasi alam kong masasaktan ka. But you deserve to know. This is about you, Theia."

I held my face on my hands.

What will you do, Theia?

Ano bang tamang gawin? May tama pa ba akong magagawa?

"Gusto mo ba siyang makita?"

Gusto ko ba?

Oo.

Mahal ko ba siya?

Oo.

But can I fight?

Oo.

Pero natatakot akong mamatay.

"Kuya, do you want me to see him?"

"The truth?" He asked and I nodded.

"Ayaw ko."

I knew he doesn't want me to see Nate.

He even punched him when he saw me crying.

"Alam kong napag-usapan na natin 'to." He said. "Gusto ko ring ipaglaban mo siya but I'm still scared. We could lose you anytime at ayaw kong mangyari yun."

"I don't want you to regret not fighting for him pero ayaw ko nang makita yang luha mo.."

Naiiyak ako sa mga sinasabi niya.

"You never cried this way before." Naluluha na si Kuya. "He was all about making you happy and I didn't ever doubt him, Theia. But things changed. Lagi ka nalang umiiyak dahil sa kanya which makes me want to take you away."

"Pero mahal mo siya at yun yung mahirap." He said. "I can't protect you from the people that you love, Theia. Especially from him."

Tears started to fall.

"I just want you to be happy." He said as he wipe my tears away. "But if this hurts too much, then please.. let's stop."

Sobrang sakit na, Kuya.

But letting him go will hurt just as much.

"No matter what happens I'm still your sister, right?" I asked while smiling. "Kahit ano namang desisyon ko, kahit magkamali ako, dito ka lang naman diba?"

"Anong klaseng tanong yan?" He pulled me into a hug. "Of course. Kahit anong mangyari, kapatid parin kita. Kuya mo ko. Susuportahan kita sa lahat."

"Thank you, Kuya."

"I can tolerate everything that you'll do." Sabi niya. "Just don't die, Theia."

I'm sorry..

Pero hindi ko kayang ipangako yun.

Niyakap ko din siya.

I'm so lucky to have him beside me.

Ano kayang gagawin ko kung wala siya?

Paano na ko? Kakayanin ko pa kayang mabuhay kung ako lang yung mag isang lumalaban?

He let me go and stood up.

"Tell me when you decided."

Before he can open the door, nagsalita na ulit ako.

"I've decided."

It's now or never.

"Let me see him, Kuya." I smiled.

I love him.

So much.

I'm not giving you up, Mio.

Not yet.

******

Next chapter