webnovel

Their Favor

*Charm's POV*

"Kuya, I'm sleepy.."

"Hindi ka ba kakain manlang?"

"Wala akong gana.."

"Pero yung gamot mo." Paalala ni Kuya tapos tumingin siya sa'kin.

"Wala ka bang gustong kainin, bessy?" I asked. "Pizza? Chicken? Pasta? Fries?"

"Fried chicken, spaghetti at fries ng Jollibee please." Napamulat siya agad at ngumiti.

"Wait for me." Kuya stood up. "Ako na oorder."

Pumalit ako sa kanya para tabihan si Theia tapos sa'kin naman siya sumandal.

"Bessy, ayos ka lang?"

"Hmmm." Tumango tango naman siya.

"Sorry ha. Sana sinamahan nalang kita kanina."

Hindi dapat ako nawala sa tabi niya.

"Charm, don't blame yourself, okay? Ako naman yung kumausap sa kanya." Sabi niya. "And I'm fine. Wala namang nawala sa'kin."

"Do you want to talk about it?"

Umiling siya.

"Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako ha."

"I know. Thank you, bessy."

Nakapikit na siya nung nakita kong nakatayo si Kuya sa tabi namin. He signaled me to stay quiet so I did.

I watched as her breathing slowed down. A sign na nakatulog na siya.

Kuya sat beside her and caressed her cheek.

"Do you think she's okay?"

"I don't think anything could make her okay right now." Sagot niya. "Hindi ko inakalang papalayain niya si Nathan. Hindi ko naisip na ganun pala katapang at kalakas 'tong kapatid ko."

"Magiging okay kaya siya?"

Nasasaktan ako para sa kanya.

It hurts to watch her pretend to be strong. Kasi alam kong mas sobra sobra yung sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Kahit kapatid niya ko, hindi ko rin alam yung sagot dyan, Charm." Sabi niya. "We all want her to be okay pero I don't know how long it will take for her to move on."

Theia, bessy..

Sinungaling ka alam mo ba?

Sabi mo kanina, walang nawala sa'yo nung kinausap ka ni Ivy.

Pero meron e..

Nawala sa'yo si Nathan.

Nawala sa'yo yung taong pinakamamahal mo.

At mukhang hahayaan mo lang na mawala siya sa'yo.

******

*Ivy's POV*

"Okay ka lang ba, babe?"

I finally broke the silence. Malapit na kami sa bahay pero hindi niya parin ako kinakausap.

"I'm sorry.."

Hindi ko inasahan na sasapakin siya ng Kuya ni Theia.

He suddenly reached out for my hand while driving and held it.

Hindi niya na ba talaga ako kakausapin?

Mayamaya rinig na sa kotse yung pag-iyak ko.

"Uy, babe.." He said. "Bakit ka umiiyak??"

"Hindi mo kasi ako kinakausap.."

"So-sorry na.."

"Galit ka sa'kin no??"

"Hi-hindi.. marami lang akong iniisip." Sagot niya. "Tsaka bakit ako magagalit? Wala ka namang ginawa."

Wala nga ba talaga? Marami na kaya..

"Tahan na, babe.." Sabi niya. "Malapit na tayo. Baka isipin nila inaway kita."

Akala ko talaga nagalit siya sa'kin..

"Masakit parin ba?"

We went to the clinic before leaving kaya may band-aid na yung sugat niya.

"It doesn't."

Bigla naman siyang tumawa.

"Why?"

"Ngayon lang kasi niya ko sinapak." Sabi niya. "Nung naging sila ni Ate, I never saw a side of him like that."

And it was because of me.

"Hey." I looked at him. "Maliit na sugat lang naman 'to, babe."

"Pero nag-away din kayo ni Tita dahil sa'kin.."

"Hindi naman dahil sa'yo." Sagot niya. "She's actually asking me to spend time with her since pinili kong umalis sa ospital."

Yun pala yung kapalit.

They still want him to be with Theia.

"But don't worry too much, babe." He smiled. "Ikaw parin yung pinili ko."

I'm falling, again.

Alam kong mali, pero I just love him too much that I can't let go.

***

I was watching him drive away nung bumukas yung gate.

"Ikaw na pala yan, Ai." Sabi ni Ate Ysa. "Is that Ry? Nagbago na yung sasakyan niya ah."

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya.

"No, Ate." Sagot ko. "Si Nathan yun."

"Nathan?" She frowned at me. "Bakit ka naman ihahatid ng taong may girlfriend na? Unless ikaw na yun."

I just smiled.

My plan is already in motion, Ate. In no time, magkakatotoo rin yung sinabi mo.

Well, hindi parte ng plano yung nangyari. I didn't know she'd figure out sooner. Nakausap na siguro nila si Tita. Hindi ko naman siya pwedeng sabihan na magsinungaling sa kanila.

Ang galing ko umiyak kanina habang kausap siya.

I needed to act na si Theia yung masama para hindi niya ko pagdudahan. Lalo na't hindi maganda yung nalaman ko mula kay Tita kanina.

If you're going to forget her, sana nakalimutan mo nalang siya ng buong buo.

Bakit mo pa siya kailangang palitan sa alaala mo?

***

I felt my phone vibrating pagkatapos ko bumili ng pagkain. I needed to go back. Pasimula na yung second half ng game. Baka hanapin niya ko.

*Tita Meg calling*

"Tita?"

"Ai, hija." She said. "Is this a bad time?"

"Hindi naman po. May problema po ba?"

"Wala naman." Sagot niya. "How is he?"

"He seem okay, Tita." Pumasok ako sa cr nung may mga taong dumaan sa hallway pabalik sa gym.

Wala naman sigurong makakarinig sa'kin dito diba?

"Is there anything weird about him?"

Weird?

"Wala naman po." I answered. "Bakit po?"

"Nevermind." She said. "Tinawagan lang talaga kita kasi may naiwan dito si Nathan. Nahulog niya yata."

"Sa room niya po?"

"Nope. Sa office ko."

"Pumunta po siya dyan?"

"Yes. He went here last tuesday."

Tuesday? Eh diba naka-admit pa siya nun?

"Tita, kelan ba po siya na-discharged?"

"The same day you visited. Why?"

That was Monday.

Sabi niya nung araw nakita niya ko..

"Kanina lang kasi ako nadischarge."

Nagsinungaling siya sa'kin?

"Ano po yung naiwan niya?"

"It's a ring." Sagot niya. "I saw this on his finger the same day he had the accident."

That's their promise ring.

May naalala kaya siya?

******

*Naomi's POV*

"Hon?"

Pagkadating namin ng bahay, she directly went upstairs. Since nasa sala si Papa, tumayo siya at sumunod sa kanya.

I followed silently behind.

Kanina pa kasi galit si Mama simula nung umalis kami kanila Theia. Hindi pa man kami nakakarating sa taas, rinig na rinig na namin yung boses niya.

"JAMES NATHANIEL, OPEN THIS DOOR RIGHT NOW!"

She was knocking the door using her high heels.

"WAG MONG HINTAYIN NA AKO PA MAGBUKAS NITO OR ELSE!!"

"Hon, calm down." Lumapit agad si Papa. "Nathan, buksan mo na yung pinto."

Bumukas naman yung pintuan at lumabas siya.

"Is this what you wanted to happen, Nathan??!"

"Ma, I'm sorry okay? Sorry." Sabi niya. "Pero hindi niyo manlang pinakinggan yung side ko."

"Ano pa bang dapat pakinggan??" She asked. "We saw her crying!"

"Pagdating ko dun, umiiyak rin si Ivy." He explained. "Ano sa tingin niyo yung iisipin ko? Anong gusto niyong gawin ko?"

"I told you to make time for her!" Mama said. "I gave you options and you chose to get discharged from the hospital. Kung yun ang pinili mo, dapat mong gawin yung kapalit!"

"Pero Ma, pinipilit niyo kong bigyan ng oras ang isang taong hindi ko naman maalala."

"How can you remember her kung wala ka namang ginawa kundi pagtabuyan siya papalayo sa'yo??"

"You know how much I love Ivy." Napatingin siya sa'min. "Lahat kayo alam yun. Hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba."

"But it's not the same anymore!"

Please, makinig ka naman.

"I'm just asking you, please. Just this once, try to make time for her."

"You know I can't do that, Ma. Paano si Ivy?"

"Alright. Let's clear things out." She wiped her tears away. "I'm letting you see her pero hindi ko parin siya kayang makita, Nathan."

"Ma.."

"Naiintindihan kita na ang alam mo, mahal mo siya." Sabi ni Mama. "Pero intindihin mo rin naman ako. Iba yung nangyari noon sa naaalala mo ngayon."

"She knows na matagal na kayong wala and I can't watch her pretend in front of me knowing na inagaw ka niya kay Theia."

"..."

"Just try okay? Please give Theia a chance to prove herself. She loves you. Mahal mo rin naman siya bago ka pa magka-amnesia."

"Pero Ma.."

"Just think about it, please. Hayaan mo namang lumaban si Theia. Do it for me."

We only have one shot at this.

Papayag kaya siya??

******

Next chapter