"HAPPY birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday. Happy birthday Jhanel!" Kanta ng aking mga kaklase sa'kin habang may dala dalang cake
"Salamat guys ha, nakapunta kayo." Nakangiti kong saad sa aking mga barkada
"Ano ka ba Jhanel! Wala 'yun basta para sa bunso namin, gagawin namin..." Segunda naman ni Ate Jandy
Napatawa na lang ako ng malakas sa kanyang sinabi. Hindi lang kasi ako makapaniwala na iniispoil nila ako
"Ilang taon ka na nga ulit?" Tanong sa'kin ni Ate Reiko
"Seventeen na po—" Sagot ko naman
Napatango tango naman si Ate Reiko gano'n din si Ate Jandy
Si Ate Jandy at Ate Reiko ay kapatid ko sa ama, actually kambal sila and both of them are good to be with. Masaya silang kasama at minsan nalilito ako kung sino sa kanilang dalawa si Jandy o hindi kaya ay si Reiko
"Oy Jhanel, salamat sa pag invite sa'min ah. By the way, happy birthday ulit—" Singit ng kaklase kong si Toby
"Wala 'yun ano ba kayo" At nilapitan ko sila
"Uuwi na kayo?" Tanong ko sa kanila ng mapansin kong kanya kanya na sila ng ligpit ng kanilang mga gamit
"Oo eh, past seven na kasi tsaka madilim na sa daan. Okay lang sana kung magkakapitbahay tayo pero kailangan na talaga naming umuwi" Si Rhian ang secretary namin sa room
"Ganoon ba? Sige, mag-ingat kayo ah—" Sagot ko naman at hinatid silang lahat sa labas
"Masaya ka ba sa araw na 'to?" Biglang akbay sa'kin ni Ate Reiko na ikinapitlag ko sa gulat
"Ate! Ginulat mo ako—" Nakasimangot kong usal
Natatawang ginulo naman ni Ate Reiko ang aking buhok at mas hinigpitan pa ang pagkakaakbay sa'kin
"Ano ka ba naman Jhanel! Seventeen ka na, magugulatin ka pa din?!" Si Ate Jandy naman ang nagsalita
"Ewan ko sa inyo mga Ate. Natural, magugulatin na talaga ako dati pa—kaya masanay na kayo sa'kin." At tinalikuran silang dalawa
Narinig ko pang nagtawanan silang dalawa at nag apperan pa. Ewan ko sa kanila—trip talaga ng mga Ate ko ng manggulat ng mga taong madali lang masindak
—
"Bulaga!" Napasigaw na lang ako sa gulat ng gulatin na naman ako ni Ate Reiko pagkalabas na pagkalabas ko galing sa aking banyo
"Ate!" Hindi ko mapigilang sigawan siya. Naturang napahigpit ang hawak ko sa tuwalya dahil sa inis na nadarama
Minsan talaga ang sarap sabunutan ni Ate Reiko dahil sa dakilang may pagkasuwapang ito
"Nagulat na naman kita 'no? Grabe nakakatawa ang reaksiyon mo!" Tumatawang usal ni Ate Reiko habang hawak ang sariling tiyan na tinuro ako
Sinamaan ko naman siya ng tingin sa uri ng kanyang pagkakasabi. Ang sarap niyang suntukin kung alam niyo lang
"Ang saya natin ah?" Pasok ni Ate Jandy sa aking kwarto dala dala ang basket na puno ng tutupiing damit
"Eh, kasi itong si Jhanel. Ginulat ko—parang pusa na napatalon sa sobrang gulat." Natatawang usal pa din ni Ate Reiko
Napapailing na lamang si Ate Jandy sa sagot ng kanyang kambal at sinimulang inilagay ang aking mga naghalong damit sa kama
"Itigil mo na nga 'yang panggugulat mo kay Jhanel." Sabi ni Ate Jandy kay Ate Reiko
Nilalaro naman ni Ate Reiko ang iilang hibla ng kanyang buhok at tiningnan si Ate Jandy
"Like duh! Jandy hindi naman ikaw ang ginulat ko ah? Diyan na nga kayo!" Bulalas nito at padabog na lumabas ng aking kwarto saka inihambalos ang aking pintuan pasara
Tiningnan ko naman si Ate Jandy na ngayon ay kakatingin lang din sa'kin
"Pagpasensiyahan mo na si Reiko Jhanel ah, may pagka bipolar kasi ang isang 'yun. Intindihin mo na lang" Kiming ngumiti sa akin si Ate Jandy at kinuhang muli ang basket saka lumabas sa'king kwarto
Nagkibit balikat na lamang ako at kumuha ng isang pares ng pajama
—
"Akin 'to!" Rinig kong sigaw ni Ate Reiko kay Ate Jandy habang hila hila ang lumang itim na balabal
"Akin 'to eh!" Sigaw naman pabalik ni Ate Jandy sa kanyang kakambal
Hila dito, hila doon. Patuloy lang silang nag-aagawan sa isang maliit na balabal na wari ko'y pagmamay-ari pa ng kanilang ina
Narinig kong nahati ito sa dalawa na ikinahinto nila sa pag-aagawan
"Jandy!!" Sigaw ni Ate Reiko kay Ate Jandy
"Reiko!!" Sigaw din ni Ate Jandy kay Ate Reiko
Napaatras na lamang ako ng biglang sinugod ni Ate Reiko si Ate Jandy at sinabunutan ito sabay kalmot sa mukha nito. Gayun din si Ate Jandy—kinalmot at sinabunutan din niya si Ate Reiko
Duguan ang kanilang mga mukha dahil sa palitan ng kanilang pagkakalmotan
"Jandy! Reiko! Nag-aaway na naman kayo?!" Sigaw ni Papa pagkapasok na pagkapasok niya sa pintuan na ikinahinto ng dalawa kong kapatid
Napahinto naman sila sa pagsasabunutan at biglang nagsitakbuhan papunta kay Papa
"Papa!" Sabay nilang sabi at yumakap sa aking ama
"Ano ba kayo! Ba't ba kayo nag-aaway ha?" Tanong ni Papa sa mga ito
Hindi sila sumagot sa halip ay mas hinigpitan pa nila ang pagkakayakap sa isa't-isa at nagngingitian pa. Kita mo 'tong dalawang 'to? Parang wala lang sa kanilang dalawa na nagsasabunutan sila kanina
"Jhanel, nandiyan ka pala. Halika dito bigyan mo din ako ng isang mahigpit na yakap—" Tawag sa'kin ni Papa at kinamayan pa ako
Lumapit naman ako kay Papa at niyakap siya ng mga ilang segundo at bumitaw na kaagad dito. Ramdam ko kasi na masama ang tingin ni Ate Reiko at Ate Jandy sa'kin, ayaw kasi nilang may kaagaw sa atensiyon lalong lalo na kay Papa
"Kumusta na kayo dito? Okay lang ba, wala bang problema?" Tanong sa'kin ni Papa
"Okay naman po kami dito Pa." Sagot ko naman
"Papa ang doll ko?" Malumanay na saad ni Ate Reiko kay Papa na nakatingala
"Pagpasensiyahan mo na Reiko ah, pero wala pang pera si Papa sa ngayon. Baka sa susunod na buwan makakasuweldo na ako, bibilhan kita ng maraming maraming dolls. Gusto mo ba 'yun?" Pangako ni Papa sa aking nakakatandang kapatid
"Talaga Papa? Yehey! Madami na akong dolls!" Masayang masaya na sagot ni Ate Reiko at nagtatalon talon pa sa tuwa
Kapag kasi magpapabili siya ng kahit na anong gusto niya, kailangan talaga maibibigay mo ito sa kanya. No'ng five years old pa kasi ako ay naalala kong nagpabili si Ate Reiko ng isang laruan na gustong gusto niya—siya na lang kasi ang walang klaseng ganoon na laruan sa kanilang silid at hindi siya nagpapahuli pagdating sa mga ganoong bagay
"Papa gusto ko ng gano'n oh?" Turo ni Ate Reiko sa isang iPhone na kasalukuyang ginagamit ng kanyang kaklase na naglalaro ng Crowd City
"Reiko, anak. Hindi naman isang laruan 'yan eh—cellphone iyan" Sagot naman ni Papa at tiningnan ang batang gumagamit ng iPhone
"Pero Papa gusto ko ng ganoon." Ungot ni Ate Reiko at hinila hila pa ang laylayan ng damit ni Papa
Umuklo naman si Papa para pantayan ang liit ni Ate Reiko
"Anak, sobrang mahal niyan. Hindi ko kayang bilhin ang gusto mo—" Bulalas ni Papa kay Ate Reiko
Sinamaan ni Ate Reiko ng tingin si Papa at bigla na lang itong umatungal sa iyak at nagpapadyak pa sa kinatatayuan
"Reiko, tumahimik ka nga! Nakakahiya ka!" Mahinang pagkakasabi ni Papa kay Ate Reiko at hinila ang kamay nito
"Ayoko! Bilhan mo ako ng ganoon, gusto ko ng iPhone!!" Sigaw nito na ikinakuha ng iilang atensiyon ng mga tao
"Tumayo ka na nga diyan! Hindi kita pinalaki para maging ganyan Reiko!" Asik ni Papa at palihim na pinandilatan ng mga mata si Ate Reiko
"Ano ba 'yan Reiko, puro ka na lang dolls, dolls, dolls! Hindi ka ba nagsasawa sa mga kaibigan mong nakakatakot ang itsura?!" Irap ni Ate Jandy sa kakambal
"Inggit ka lang kasi walang sa'yo." At bumelat pa sa kakambal
Akmang sasampalin ni Ate Jandy si Ate Reiko ng mapigilan iyon ni Papa
"Jandy! Ikaw ang nakakatanda, dapat intindihin mo itong si Reiko. Ano ba?!" Saway sa kanya ni Papa na ikinairap ulit ni Ate Jandy
Ngumisi naman ng nakakaloko si Ate Reiko habang yakap yakap pa din si Papa.
Ganyan talaga 'yang si Ate Reiko, sanay na kinakampihan
"Jhanel, alam kong may sakit itong dalawang kapatid mo. Kung pupwede lang sana ay ikaw na lang ang mag-aalaga at magbabantay sa kanila kahit hindi mo iyon obligasyon—" Tugon ni Papa sa'kin
Naiintindihan ko si Papa, sa lagay ng dalawa kong kapatid alam kung hindi nila ako maaalagan kagaya ng dati
"Opo Pa, tsaka 'wag na kayong mag-alala sa'kin—malaki na po ako. Kaya ko na po" Walang reklamong usal ko
"Oh, sige. Aalis na ako, sumaglit lang ako para ibigay sa inyo itong pinamili ko. Pagkasiyahin niyo 'yan—aabot iyan sa limang buwan na wala ako dito" Bilin ni Papa at umalis na
Napabuntong hininga na lang akong tinanaw si Papa hanggang sa makasakay siya sa sasakyan ng kanyang kumpare na kasamahan din niya sa trabaho. Panibagong kalbaryo na naman 'tong gagawin ko at alam kong puro pahirap na naman ang kanilang ipapagawa sa'kin
—
"Nandito na ako." Pang-iimporma ko sa dalawa kong kapatid na naiwan sa bahay
Alas singko emedya na ako nakauwi galing sa skwela at walang mga makukulit na kapatid ang sumalubong sa'kin
Nakabukas pa ang bintana na makikita sa labas ang sinag ng araw na papalubog
"Nandito na ako—" Pero wala pa ding sumasagot
Nagpunta ako sa kusina ngunit nagulat na lang ako ng makita kong pinaglalaruan ng aking dalawang kapatid ang binili ni Papa para sa pang-araw araw naming kakainin
"Ate Reiko! Anong ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanya at nilapitan siya sabay agaw sa kanya ng isang sardinas na wala ng takip habang pinaglalaruan ito
"Ano ba sa tingin mo ang pinaggagawa mo!" Bulyaw ko ulit sa kanya at dali-daling ibinalik ang laman ng sardinas sa lata
Hindi sumagot si Ate Reiko sa halip ay tiningnan lang ako nito at inaral ang aking bawat kilos
"Oy Reiko, tingnan mo 'to oh?" Napatingin naman ako kay Ate Jandy ng ipinakita nito sa'min ang bigas na nasa kaldero na sunog
"Ate Jandy! Sayang ang bigas!" Sigaw ko naman dito na napapitlag sa gulat
Nilapitan ko siya at inagaw ang kaldero sa kanyang kamay
"Hay naku, Jhanel. Ikaw pa nga ang tinutulungan ikaw pa ang galit—nakakainis ka din minsan eh." Palatak ni Ate Reiko
Tiningnan ko naman siya at natawa na lang ako ng pagak
"Ako nakakainis?" Turo ko sa'king sarili
"Oo nga't pwede niyo akong tulungan. Pero h'wag namang ganitong klaseng tulong! Pinapahirapan niyo lang ako eh!!" Hindi ko maiwasang mapasigaw ulit at pabagsak na inilagay ang kaldero sa lababo
"Tinutulungan ka lang naman namin Jhanel." Malumanay na pagkakasabi sa'kin ni Ate Jandy
Nabaling naman ang atensiyon ko sa kanya
"Tinutulungan? Hindi 'to tulong Ate Jandy?! Sakit sa ulo ang ginagawa niyo! Hindi na kayo mga bata ano ba!" At iniwan silang dalawa sa kusina na nagtitigan
—
"Mga Ate kumain na kayo—" Walang ka emosyong emosyon na saad ko at nilagyan ang plato ni Ate Reiko ng kanin na may sardinas
"A-ayoko niyan." Tulak nito sa pinggan at iniwas ang tingin
Napabuntong hininga naman ako at nilagyan din ng kanin ang plato ni Ate Jandy
"Oh, Ate kumain ka na din—" Wika ko
"Ayoko din niyan." Sagot naman nito
Padabog kong itinampal ang aking dalawang kamay sa kahoy na mesa
"Ano ba? Kung anong meron sa mesa 'yun ang kakainin niyo! Hindi tayo mayaman para maghanap ng ibang putahe, Ate Reiko at Ate Jandy naman! H'wag na kayong dumagdag sa mga problema ko please lang—masyado niyo na akong iniistress!!" Sigaw ko sa kanilang dalawa
Nagsimula namang humikbi si Ate Reiko ganoon din si Ate Jandy. Ewan ko sa kanilang dalawa pero para silang sinapian ng limang espirito dahil paiba-iba ang ugali nila
Minsan nagiging mature sila, minsan nagiging isip bata, at minsan may mga times na parang nababaliw sila
"Isusumbong kita kay Papa! Inaaway mo kami—" Sigaw ni Ate Reiko sa'kin
"Magsumbong kayo kung gusto niyo! The both of you is so annoying!" Sigaw ko ulit
Nakakainis na silang dalawa, punong puno na ako—
"Bahala kayo—" Huling sambit ko at iniwan silang dalawa na nag-iiyakan sa hapagkainan
Nakatukod ang dalawang sikong umupo ako ng padaskol sa pang-isahang sofa. Ang dalawang kamay ay nakahawak sa magkabilang gilid ng ulo at may paminsang minsang hinihila ko ang aking hanggang balikat na buhok
"Sakit sa ulo—" Tanging naisabi ko na lamang at ipinikit ang mga mata
—
"Mga Ate, aalis na muna ako para mamalengke. Kung pwede lang sana na h'wag kayong maglilikot likot." Bilin ko sa aking dalawang kapatid na nakaupo sa dalawang hiwalay na upuan
Tumingin naman si Ate Reiko sa'kin at tinaasan ako ng kilay
"Like duh! Jhanel, don't worry magbebehave kami—" Sagot nito at nilalaro laro ang iilang hibla ng kanyang buhok at ibinalik ang atensiyon sa telebisyon
Tumingin naman si Ate Jandy sa'kin at nginitian ako
"Pagpasensiyahan mo na si Reiko Jhanel ah, intindihin mo na lang. May pagkamaldita din kasi ang isang 'to eh." At tinampal ang braso ni Ate Reiko
Hindi na lamang ako sumagot sa halip ay kinuha ko na lamang ang echo bag at dahan-dahang isinara ang pintuan pagkatapos ay ikinandado ito ng sobrang pag-iingat—mahirap na baka marinig ng dalawa at mag-iba na naman ang mood. Pasalamat ako ngayon na bumalik na sa dati ang pag-uugali nila
Pagkabalik na pagkabalik ko galing sa palengke ay dali-dali kong binuksan ang pintuan at nakahinga ako ng maluwag ng makita silang dalawa na nanunuod pa din ng telebisyon
"Jhanel! Nandito ka na pala!" Tili ni Ate Jandy ng mapansin akong buhat buhat ang echo bag na sobrang bigat
Nginitian ko naman siya at dahan-dahang ibinaba ang aking dalang echo bag
"Kumustang pamamalengke natin?" Lapit nito at kinuha ang aking mga dalang maliliit na supot
"Okay lang naman din—" Sagot ko naman
Tiningnan naman ni Ate Jandy si Ate Reiko at tinawag ito
"Hoy Reiko! Tulungan mo naman kami dito." Tawag ni Ate Jandy sa kakambal niya
Nakaupo pa din sa upuan na ibinaling ni Ate Reiko ang ulo sa amin
"Gaano ba kabigat ang pinamili ni Jhanel ha, Jandy?" Masungit na tanong nito kay Ate
Umikot naman ang mga mata ni Ate Jandy
"Hindi na kailangan na kung gaano kabigat ang mga pinamili niya, wala ka bang planong tulungan kami?"
"Asus! Kaya niyo na 'yan. Kay lapit lapit ng kusina nagpapatulong pa." Sagot naman nito at ibinalik muli ang atensiyon sa telebisyon
Minsan talaga ay hindi mo mapapaki-usapan itong si Ate Reiko, bukod sa may pagkatamad ito palagi pang nagrereklamo tapos sobrang arte niya
"Malapit na pala ang birthday mo 'no? Kailan pa nga ulit 'yon?" Tanong sa'kin ni Ate Jandy pagkatapos niyang ilagay ang dalawang supot sa mesa
"Next week na po Ate—" Sagot ko na hindi siya tinitingnan
"Magde debut ka na pala 'no? Ang bilis lang ng panahon. Dalaga na pala ang bunso namin?" Hindi makapaniwalang usal ni Ate Jandy at napapailing pa
"May gagawin ka pa ba?" Malumanay na tanong nito sa'kin at sinundan ako palabas
"Wala na po Ate, pupunta po ako ng school ngayon kasi tinawagan ako ng adviser namin para kunin ang mga libro—" Sagot ko
"Ahh," Napatango tangong sagot niya ulit
"Pwede sumama?" Habol nito na ikinahinto ko sa paghahanda ng aking mga gamit
"Ate hindi pwede, madaming tao do'n baka bigla ka na lang magshift ng mode. Tsaka walang kasama si Ate Reiko." Tutol ko
Nakasimangot naman si Ate Jandy
"Edi isasama din natin si Reiko, sige na Jhanel. Sama na kami sa'yo—nabuburyo na kami dito sa bahay tsaka matagal na din na hindi kami nasisikatan ng araw" Rason pa nito
Nag-aalangan kasi akong isama silang dalawa kasi hindi sila sanay na maexpose sa maraming tao. Naalala ko pa no'ng grumaduate ako no'ng grade six tapos wala silang kasama sa bahay, ten years old pa lang sila no'n at hindi mapalagay si Papa kung hahayaan niya lang ang mga ito sa bahay na walang nakakatanda para bantayan sila
Bigla na lang nang-away sina Ate Reiko at Ate Jandy sa isang estudyante. Tapos tinulak pa ng mga ito ang estudyante, ewan ko kung anong nangyari sa kanilang dalawa basta ang alam ko lang base sa opinyon ng nakakita ko ay hinarang nila ang estudyante at pinagtutulungan hindi naman sa dakilang konsintidor kami ni Papa. Ang tanging nagawa lang namin is awatin ang dalawa kong kapatid at pinauwi sa bahay
"Sige, basta pangako mo sa'kin Ate Jandy ah na hindi kayo mananakit ng iba lalo na't bago sa paningin niyo ni Ate Reiko." Bilin ko sa kanya
Mas mabuti ng si Ate Jandy ang una kong pagsasabihan kasi marunong naman siyang tumupad sa usapan hindi katulad ni Ate Reiko na oo lang siya ng oo tapos kabaliktaran naman ang sagot sa oo
—
"Wow! Jhanel, ito pala ang paaralan mo. Ang ganda!" Namamanghang usal ni Ate Jandy at ipinalibot pa ang paningin sa kabuuan ng aking pinapasukang paaralan
Simula kasi no'ng nalaman ni Papa na may problema silang dalawa sa pag-iisip ay pinahinto na sila ng pag-aaral. Muntik na ngang maguidance itong dalawa kasi ipinagtanggol lang naman ni Ate Reiko si Ate Jandy sa classmate nilang lalaki na bumubully sa kambal niya. Sinuntok ni Ate Reiko ang lalaking medyo matangkad sa kanya at muntikan ng saksakin ng ballpen sa tagiliran ang estudyanteng lalaki
"Sino sila? Bagong estudyante ba?" Rinig kong komento ng isang college student ng makita nila ang aking dalawang kapatid
"Ewan. Mukha namang mga bago eh—" Sagot naman ng isa pa
"Tumigil ka nga! Parang ngayon ka lang nakapunta sa siyudad na kinulong galing sa kweba ng iilang taon." Si Ate Reiko na bahagyang lumayo kay Ate Jandy
"Dito ka ba talaga nag-aaral Jhanel? Ang ganda ng school mo—" Walang tigil sa pagsasabi nito ng kung ano-ano
Sinisiguro kung walang mahihiwalay sa'kin dahil kapag nangyari 'yun hindi ko alam kong saan ako tutungo dahil sa laki ng paaralang pinapasukan ko
—
"Mga kapatid mo?" Pakikiusyoso ng aking punong guro ng mapansin nitong ang daldal ni Ate Jandy
"Ah opo?" Sagot ko naman at tiningnan ang apat na malalaking libro
"Transferees ba?" Tanong na naman nito
"Ah hindi po, hindi na po sila nag-aaral." Sagot ko naman
Hindi na nagtanong pa ang aking punong guro sa halip ay bumalik na ito sa pagperma ng kung ano-ano
"Nasaan si Ate Reiko?" Tanong ko kay Ate Jandy ng mapansin kong wala na ito sa tabi niya
"Ewan ko, lumabas eh. Akala ko magpapahangin lang—" Sagot naman ni Ate Jandy
"Oy, may nagsasabunutan daw." Rinig kong sabi ng lalaking napadaan sa'king harapan
"Talaga? Nasaan?" Sagot naman ng kasama nito
"Basta! Sundan mo na lang ako." Saad nito at naunang tumakbo
Tiningnan ko naman si Ate Jandy na ngayon ay nakangising pinindot pindot ang aking cellphone
"Ate Jandy, dito ka lang muna ah. Pupuntahan ko lang si Ate Reiko—" Bilin ko sa kanya at hindi na siya hinintay na makasagot
—
"Walang hiya ka! Hindi totoo iyang sinasabi mo!" Pagsisigaw ni Ate Reiko sa gitna ng maraming nagkukumpulang estudyante
"Bakit, totoo naman ah? Na malandi iyang kapatid mo. Malandi si Jhanel! Malandi!" Sagot naman ng hindi ko kilalang estudyante
"Bawiin mo 'yang sinabi mo kundi hihilahin ko 'yang buhok mo hanggang sa matagal iyan kasama ang anit mo!" Sigaw ulit ni Ate Reiko
"Excuse me, excuse me...." Nakikiraan kong usal at pilit na nakipagsiksikan sa mga naglalakihang katawan ng mga estudyante
"Mamatay ka na!" Sigaw ulit ni Ate Reiko at sinugod ang babae
Nakita kong napahiga ang babae sa semento pagkatapos itong itulak ni Ate Reiko
Inupuan niya ang tiyan ng babae at pinagsasampal sampal ito sa magkabilang pisnge pagkatapos ay hinila hila ng mabuti ang may kataasan nitong buhok na parang gusto talaga nito na mahiwalay ang buhok sa ulo nito
"Ate Reiko tama na!" Awat ko sa kanya at hinila ang braso niya
"Ano Jhanel? Hahayaan mo lang na apihin ka ng babaeng 'to?! Kung anong pinagsasabi habang nakatalikod ka? Bakit may ebidensiya ka bang hitad ka?!" Sigaw ni Ate Reiko at dinuro duro ang babae na ngayon ay nakatayo na at inaayos ang buhok na tumatabing sa mukha nito
"Ate Reiko tama na, nakakahiya. Pinagtitinginan na nila tayo—" Mahinang pagkakasabi ko na may diin sa bawat salita na binibigkas ko
Tiningnan naman ako ni Ate Reiko at hinawakan ang aking magkabilang balikat
"Nahihiya ka? Bakit, pinagtanggol lang naman kita ah? Dapat siya ang mahiya dahil wala namang katotohanan ang lumalabas sa bibig niya!" Sigaw sa'kin ni Ate Reiko at niyugyog ang aking magkabilang balikat
"Ate, tama na!" Sigaw ko naman sa kanya
"Hayaan mo na ang mga taong humusga sa'kin, kasi wala naman silang mapapala diyan eh. Hanggang salita lang naman ang mga 'yan—"
"Halika na umuwi na tayo."
—
Ngayong araw ay birthday ko. Magdedebut ako ngayon pero bakit hindi ko ramdam na kaarawan ko at dapat lang na maging masaya ako sa araw na ito
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday. Happy birthday Jhanel!" Kanta na naman ni Ate Jandy sa pangkaraniwang kinakanta ng mga nakararami kapag may birthday
"Salamat Ate Jandy," Pagpapasalamat ko matapos kong ihipan ang kandilang labing-walo
"Always welcome bunso!" Magsiglang sagot nito
"Kakain na!" Bungad sa'kin ni Ate Reiko na kakalabas lang ng kusina
"Wow!" Hindi ko mapigilang maamazed sa ginawa niya
Niluto ni Ate Reiko ang paborito kong ulam, lahat ng aking mga paborito ay present sa araw na ito. At hindi na kami nag-abalang mang-imbenta ng mga bisita dahil kinapos kami sa pera at kulang lang ang mga putaheng ipapakain namin
"Masarap ka pa lang magluto Ate Reiko?" Natatakam kong saad ng matikman ko ang dinuguan na niluto niya para sa'kin
"Matagal na akong masarap magluto Jhanel, hindi mo lang napapansin 'yun kasi ikaw ang palaging nagluluto" Wika ni Ate Reiko at nagsandok din ng sa kanya
Grabe ang sarap niya talagang magluto. Kung nalaman ko sana kaagad edi may kusinira na pala kami dito sa bahay at hindi na mag-aabalang magluto pa ng para sa'kin kung sakaling magutom ako ng wala sa oras
"Happy birthday ulit—" Sabi sa'kin ni Ate Reiko at nagsimulang lantakan ang ulam
—
Alas dose ng gabi at nagising ang diwa ko dahil sa bigla na lang nag-alburuto ang aking tiyan
Hindi ko magawang gisingin si Ate Reiko dahil sa baka mahimbing na itong natutulog at baka magalit pa 'yun sa'kin kapag ginising ko siya para magpaluto ng gusto kong kainin
Nang makarating ako sa kusina ay ihinanda ko ang kutsilyo, mga pampalasa at iba pa. Pero natigil lang ako sa paghahanap ng ibang mga gamit ng dumaan sa ilong ko ang masangsang na amoy na parang ilang linggo ng hindi nahahanap kong saan man 'yun galing
"Ang baho!" Asik ko habang tinatakpan ang aking ilong
Hinanap ko kung saan ang masangsang na amoy na 'yun at una akong dinala ng aking mga paa sa pinakamalapit na basurahan
Nilalangaw ang trash bag na medyo nakatupi, at dahil sa parang may nakita akong parang medyo may puti at medyo may kulay na pale violet dahan dahan ko itong binuksan at bumungad sa'kin ang mga inuuod na lamang loob ng tao
"Yuck!" Nandidiring wika ko at dali-daling bumalik sa loob ng kusina
Kaninong mga lamang loob iyon—at bigla akong kinabahan ng wala sa oras ng pumasok sa isipan ko na buksan ang refrigerator
Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan kong binuksan ang ref at tama nga ako may panibagong lamang loob na naman ang bumungad sa'kin. Dalawang kidney, isang buo pa na baga at puso na nakasilid sa iisang Tupperware
Pagbukas ko sa fridge ay nanlamig ako ng husto ng makita ko at maaninag ko ng mabuti ang ulong pinagkasiya sa fridge
Ulo iyon ni Papa—
"Nasindak ka ba sa iyong nakita?" Napatalon ako sa gulat ng biglang pumasok sa kusina si Ate Reiko at sinimulang hiwain ang sibuyas at bawang
"Ate—"
"Masarap akong magluto 'no?" Natatawang usal nito at ihinanda na naman ang kaldero sabay inion ang stove
"Pakikuha nga ng Tupperware sa loob ng fridge." Utos nito sa'kin
"Jhanel, inuutusan kita—" Ungot nito at nagsimulang ilagay ang bawang sa kaldero pagkatapos ay inihalo halo ito sa mantikang ngayon ay umuusok dahil nilagyan na niya ito ng tubig
"Nababaliw ka na—" Paatras ng paatras na usal ko at kinapa kapa ang bawat sulok na madadaanan ko
Kaya pala ang dami niyang nailuto sa birthday ko kasi lahat ng 'yun ay galing kay Papa
Kaya pala hindi ko madaling sikmurain ang niluto niya kasi hindi iyon karne na nabibili sa palengke
"Hindi ako nababaliw Jhanel, ako pa din ang Ate Reiko mo." Sagot naman nito at dahan-dahang lumapit sa'kin dala dala ang kutsilyo
"H'wag kang lumapit sa'kin." Banta ko
"Bakit naman, kapatid kita 'di ba?" Inosente naman nitong sagot at nilalaro laro ang kutsilyong hawak hawak niya
Huminto sa paglapit si Ate Reiko at bumuntong hininga
"Hayy naku Jhanel. Parang kailan lang grade one ka pa na niluto ko ng buhay ang Mama mo, pero natuwa ako ng hindi man lang iyon napansin ni Jandy o kaya ni Papa." Pagkukwento nito sa'kin
So siya pala ang pumatay kay nanay? Naalala ko pa ang sinabi niya na kinuha daw si Mama ng mga masasamang tao at isinakay sa malaking sasakyan, iyak pa siya ng iyak no'n para pagkatiwalaan namin siya tapos ang pumatay pala is kasa kasama lang namin sa bahay?
"Ba't mo 'yun ginawa?" Nagtatagis ang bagang na tinanong ko siya
Nagkibit balikat naman si Ate Reiko at ihinagis sa hangin ang kutsilyo at sinalo na naman ng isa pa niyang kamay
"Ewan, may nag-utos kasi sa'kin na gawin ko ang bagay na 'yun eh. Pero hindi ko alam" Nanatiling kalmado lang ito
"Baliw ka, isa kang baliw!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo ng tumakbo
Tumatawang hinabol naman ako ni Ate Reiko na panay ang tawag sa'kin
"Sige takbo ka lang Jhanel, mahahanap at mahahanap naman kita kahit saan ka magpunta o magtago" Sigaw nito sa'kin at tumawa na naman ng nakakatakot
Una kong pinuntahan ang pintuan palabas at mukhang nilock niya iyon bago nagtungo sa kusina
"Arrgh! Bwesit!" Ungot ko at lumiko sa kanan
"Bulaga!" Napaatras ako ng nakasalubong ko si Ate Reiko na ngayon ay itak na ang dala
"Saan ka pupunta bunso, halika maglaro muna tayo—" Nakangisi ng malademonyo niyang saad
"Ayoko!" At dinampot ang pinakamalapit na base sabay hampas sa ulo niya
Natumba siya at nahimatay dahil siguro sa lakas ng aking pagkakahampas sa kanyang ulo
Takbo ako ng takbo, kahit saan ako magtungo ay nakalock lahat ng pintuan pati na din ang bintana. Pumasok ako sa'king kwarto at ang tanging ang bintana ko na lang ang hindi niya pa nalolock
Sinilip ko ang baba niyon at hindi ko kayang talunin mula dito ang lupang babagsakan ko
Masyado siyang mataas para talunin at panigurado ako na kapag ginawa ko 'yun ay pilay ang aabutin ko pagkabagsak na pagkabagsak ko sa lupa
"Jhanel! Buksan mo 'to" Kalampag ni Ate Reiko sa labas ng aking pintuan
Naghanap ako sa kung saan ako pwedeng magtago at napagdesisyonan ko na pumasok sa loob ng aparador at takpan ang sarili ng mga naglalaking mga damit
Narinig ko pang sinira ni Ate Reiko ang pintuan at sinadyang patunugin pa ang itak na wari ko'y hinila niya lang
Napapikit ako ng mariin at tinakpan ang dalawang tenga, ayokong marinig kung saan sa apat na kasulok sulokan ng aking kwarto siya naghahanap
"Jhanel!" Sigaw nito na dumagundong ang boses sa loob ng aking kwarto
At dahil sa soundproof itong kwarto ko hindi maririnig sa labas kung anong ginagawa ni Ate Reiko sa loob ng aking kwarto
"Jhanel, lumabas ka na diyan. Hindi naman kita sasaktan eh..." Wika nito na pabalik balik ang lakad sa harap ng aking aparador
"Jhanel!!" Galit na naman ang boses nito hanggang sa bigla na lang itong tumahimik at paulit-ulit na sinira ang aparador gamit ang palakol
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa
"Alam kong nandiyan ka lang Jhanel, kung hindi pa sana matigas ang ulo mo. Edi sana hindi kita masasaktan ngayon!!" Bulyaw nito at hinila ang buhok ko
"Aray Ate Reiko," Sigaw ko at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa buhok ko
"Halika dito, akala mo hindi kita makikita kung saan ka nagtatago 'no? You're wrong Jhanel." Tumatawang usal nito at pinaharap sa kanya
Natulos ako sa kinatatayuan ng hawakan niya ang ulo ko ng sobrang higpit at iniumang ang palakol sa aking ulo
"Advance happy birthday to Jandy—" Huling sabi nito sabay pukpok ng palakol sa aking ulo