webnovel

Chapter 13: It Hurts

IT hurts..... that the girl you love calls you KUYA

It hurts..... that the girl you love, treat you and love you as a FRIEND

It hurts-

Siguro naman alam niyo 'yung pakiramdam na mafriendzone diba? Kung ako ang tatanungin, masakit. Sobrang sakit 'yung tipong parang sinaksak ng kutsilyo ang puso mo.

I loved her so much, pero hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko-five years ko siyang crush. Pero sabi nga ng iba hindi na crush ang tawag do'n kundi pagmamahal sa isang tao.....

"Hi Next, p-para sa'yo pala" Nahihiya ko pang inabot kay Next ang tsokolateng binili ko para sa kanya

"Talaga para sa'kin 'yan? Aww, ang sweet mo naman Kuya Leo-" Tugon ni Next na ikinakamot ko sa batok

"W-wala 'yun" Parang timang ko namang sagot

Siya si Nextien Buenaventura or Next for short. She's my former classmate slash seatmate na din unang kita ko pa lang sa kanya grabe tumibok ng sobrang bilis ang puso ko alam niyo kung bakit? Basta! Parang may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

Kapag wala siya sa tabi ko ay hinahanap-hanap ko siya. 'Yung tipong minamagnet niya ako para mapalapit sa kanya

"Ang hirap naman-" Rinig kong reklamo ni Next na busy kakasulat sa notes niya

Pasimple kong sinilip ang notes niya at napakunot ang noo ko sa nakita. Hindi niya pa pala nasagutan lahat ng problems sa Math.

"Ahm, Next. Gusto mo tulungan kita? Mukhang nahihirapan ka kasing sagutan ang mga 'yan" Pasimple kong tugon

"H'wag na nakakahiya naman sa'yo Kuya Leo. Kaya ko na 'to" Sagot naman ni Next at nagbawi ng tingin

Alam kong kailangan niya ng tulong ko pero nahihiya lang talaga siya. Kilala ko si Next, nasa ugali talaga niya ang pagiging mahiyain. Nasa ugali din niya na unahin ang iba bago ang sarili niya. Kaya nagustuhan ko siya kasi sobrang bait niya naawa nga ako minsan sa kanya kasi tinake advantage lang ng iba ang kabaitan niya.

"I insist. Akin na 'yan-" Sabi ko at kinuha ang notebook niya

Hindi naman pumalag si Next. Sa halip ay pinanood niya na lang akong sagutan ang assignment niya

"Ahm, Kuya Leo how old are you na pala?" Tanong ni Next sa'kin na ikinahinto ko sa pagsagot

"I'm already twenty two, ikaw ilang taon ka na?" Pagbabakasakali ko

"Ako? Seventeen pa lang." Sagot naman ni Next at nginitian ako

Napatitig naman ako sa kanya at bigla ding nag-iwas ng tingin, mahirap na baka mahalata niyang crush ko siya

Napa-isip naman ako bigla. She's seventeen years old while I'm twenty two-nararapat lang din pala akong tawaging Kuya pero age doesn't matter naman right? Hindi hadlang ang edad kung mahal mo ang isang tao

The next day, I was planning to surprise her pero nadisappoint ako sa nakita ko. Ang inaasahan kong Next Buenaventura na sasalubong sa'kin ay pinapasaya ng iba. Gusto ko na ako lang ang magpapasaya sa kanya, gusto ko na ako lang ang nginingitian niya, gusto kong...

Gusto kong maging-akin siya pero mukhang malabo iyong mangyari

Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong tinawag

"Kuya Leo! Ikaw ba 'yan?" Mahihimigan mo talagang masayang masaya siya

'Huwag kang lumingon-diretso ang lakad...' Mariing utos ko sa aking sarili

"Hoy! Kuya Leo! Naririnig mo ba ako?" Tawag ulit sa'kin ni Next

Gusto kong sabihin na 'naririnig kita' pero hindi ko magawa.

Namalayan ko na lang na kusang pumihit ang aking katawan paharap sa kanya

"O-oy! Next, ikaw pala 'yan" Hilaw ko siyang nginitian at pinigilan ang sariling lapitan siya

"Ay! Grabe ka naman Kuya. Kanina ka pa kaya nakatayo diyan syempre tinawag na kita" Magiliw nitong tugon

Napalunok ako ng ilang beses and at the same time kinakabahan ng mapatingin ako sa kasama ni Next

"Next, who's he?" Seryosong bulalas ng lalaki na katabi ni Next

"He's Leonarjan Olayan. My friend and I used to call him Kuya Leo because he's older than me" Parang batang pagpapaliwanag ni Next sa lalaki

Parang hindi nasatisfied ang lalaki sa paliwanag ni Next sa halip ay tiningnan pa ako nito ng masama

"Is that true?" Maawtoridad nitong tinanong ako na ikinatango ko

"Hoy Leo. Huwag kang magtangkang agawin sa'kin si Next kundi lagot ka sa'kin" Pananakot nito at ikinuyom ang dalawang kamay na para bang handa ng makipagsuntukan

'I can't promise you that bro-'

"H'wag kang mag-alala. Hindi ko aagawin sa'yo si Next-sabi nga niya KUYA niya ako, diba Next?" Makahulugan kong sabi at tiningnan si Next

Hindi ito sumagot. Sa halip ay tiningnan lang ako nito na para bang binabasa ako

I decided to walk away. Because I can't take it anymore-because it hurts me for Pete's sake!

"Next, pwede ba tayong mag-usap?" Harang ko sa kanya na ikinagulat niya

"Sige...." Sagot naman ni Next at sumama sa'kin

Nang makarating sa ilalim ng kahoy ay nilakasan ko na ang loob ko gusto ko kasing malaman kung may nararamdaman din siya para sa'kin

"Sino pala 'yung lalaking kasama mo kanina?" Panimula ko

"Ahh, si Clark-boyfriend ko...." Sagot naman nito na ikinatigil ng mundo ko

May boyfriend na siya, pa'no na ako...

"Ako Next. Di mo ba ako tatanungin?" Pigil hiningang tinanong ko siya iniisip ko pa lang kung anong isasagot niya-naiiyak na ako

"I-Ikaw Kuya Leo. May g-girlfriend ka na ba?" Nauutal na tanong ni Next sa'kin

I let out a loud breath

"Wala. Dahil ikaw ang gusto ko, gusto kita Next-matagal na simula pa noong mga bata pa tayo. Hinintay kita pero naghintay lang pala ako sa wala..." Nangingilid ang mga luhang nagtapat ako kay Next

Next and I are fifth degree cousins. Alam kung nashock kayo pero totoo pinsan ko siya sa malayong kamag-anak. Pero ang gago gago ko! Bakit sa lahat ng tao sa mundo si Next pa...

Four years ang gap namin, graduate na sana ako sa college pero ng dahil sa letseng simpleng pagtingin ko sa kanya ay binalikan ko ang natapos ko na

I was second year of college that time when I noticed her. Grade nine pa siya noon ng makita ko siyang pumasok sa school namin- I know it may sounds child abuse. Nalaman ko na lang the next day na huminto na ako sa college at ibinalik ang sarili sa pagiging highschool and the worst of all nagpaenroll ako sa section kung saan nandoon siya

"Kuya Leo, ano bang pinagsasabi mo-hindi kita maintindihan?" Alam kong naguguluhan na siya at handa kong ipaliwanag ang lahat piliin niya lang ako

"Did you know, that we're fifth degree cousins?" Punong puno ng pag-asa na sabi ko

"W-what I don't understand...." Salubong ang dalawang kilay na palatak ni Next

"Of course you don't understand?! Kasi magulo ang sitwasyon natin!" Pagpapaintindi ko

"This is absurd! Alam kong gumagawa ka lang ng kwento Kuya Leo-hindi nakakatawa" Naturang nasaktan ako sa sagot niya, ito na nga 'yong sinasabi ko eh. She's going to hate me now!

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tiningnan siya sa mga mata

"Next, pwede bang ako na lang piliin mo? Pangako aalagaan kita" Wala akong paki-alam kong nagmumukha na akong desperado sa paningin niya

Gagawin ko ang lahat mapasa akin lang siya!

"Hindi, hindi 'to maaari magkaibigan tayo! Nasaan na ang dating Kuya Leo ko? Hindi ka naman ganyan dati ah?" Sabi niya

Hindi ko na lang siya pinilit. Kasi alam kong si Clark pa din ang pipiliin niya, Sino nga ba naman ako sa buhay niya

I'm just her Kuya Leo that who keeps pushing his self to love him back.

"Mahal mo ba ako Next?" Huling tanong ko, sana naman kahit itong tanong na ito masagot niya

"Mahal kita" Nabuhayan ako sa aking narinig-mahal niya ako? Mahal ako ni Next!

"Pero bilang kaibigan at Kuya ko. Sorry I can't accept your devotion, I'm so sorry" Bawi nito at iniwan ako

Ang unfair naman ng mundo, kung sino pa 'yong nagustuhan ko hindi naman ako gusto. Ganito ba talaga ang pag-ibig? Parang pinaglalaruan lang kami ng tadhana-sana naman mahalin din ako ni Next katulad ng pagmamahal niya kay Clark

Next chapter