"What are you still doing here?"
Napatingin ako kay Clyde nung lumabas na siya sa classroom, kasama na niya si Evan na mukhang nagulat na nandito ako. Hindi siguro sinabi ni Clyde na kasama niya akong nagpunta dito.
Nakakatampo. Char.
"I told you, I still don't know the way to the canteen." Pangalawang beses ko ng pagsisinungaling 'yon na tungkol sa daan papuntang canteen. Hay, Clyde, the things I do for you.
"Let's go, Dana." Si Evan na ang nag-aya sa akin habang hatak-hatak na niya si Clyde. Hindi na lang nagsalita ulit si Clyde at hinayaan ang kaibigan na hatakin siya at ako na nakasunod lang sa kanila.
Buti na lang wala ng masyadong tao sa hallway kaya hindi na masyadong maiissue 'to.
Sumunod lang ako sa dalawa habang tahimik lang dahil wala lang din silang imik doon. Paano ba makakapag-ingay 'yang si Evan, e matahimik na tao 'yang kasama niya? Hay! Ewan ko ha, paano kaya nakatagal si Evan na kasama itong si Clyde? May iba pa kaya silang kaibigan?
"Thank you ulit," sabi ko at ngumiti kay Evan. Hindi nakatingin si Clyde sa akin pero kahit ganoon ay nagpaalam pa rin ako sa kanya. Tumalikod na ako at pumasok na sa loob, pipila pa ako para makabili ako ng pagkain.
Madaldal ako pero hindi ako friendly na tao. I don't know, mapili ako sa mga nagiging kaibigan ko. Yung mga kaibigan ko naman ay hindi dito nag-aaral kaya halos sa chat or message na lang kami nagkakausap.
"You can sit with us," napatingin ako sa grupo ng kalalakihan ng bigla na lang may humarang na paa sa daraanan ko.
"No thanks, I am sitting with my friends. " Tanggi ko sa alok nila. Ano ako tanga para sumama sa kanila? Neknek nila.
"You can invite them here if you want," pilit pa rin niya sa akin. Ano bang gusto nitong hayop na 'to ha? Baka gusto niyang ireport ko siya?
"She already said no, Gian. She's sitting with us," napatingin ako sa likod ko nang may biglang nagsalita doon. Hinawakan niya ako sa braso at hinatak na ako paalis. "Let's go,"
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang hatakin ako paalis doon. Medyo nakakakabang pangyayari 'yon kaya napahinga ako ng malalim.
"Are you okay, Dana?" Tanong sa akin ni Evan nang makahabol siya sa amin ni Clyde. Ngumiti ako sa kanya at nag-thumbs up.
"Okay na, thank you!" Aalis na sana ako pero hindi binitawan ni Clyde 'yung braso ko kaya tumingin ako sa kanya. "Okay na ako, uupo na lang ako sa ibang upuan."
Pinagtitinginan na rin kasi kami dito sa loob ng canteen. Ano ba naman 'to, sabi ko wala lang akong pake pero kasi 'yung iba para na akong papatayin sa mga tingin nila.
"Dito ka na lang muna sa amin, Dana. Baka guluhin ka na naman nila Gian." Sabi ni Evan at naupo na. He motioned for me to sit beside Clyde while smiling. "It's okay, he won't bite you."
Binitawan na rin ako ni Clyde pagkatapos akong mapilit ni Evan na dito na lang kumain sa table nila. Ano pa bang magagawa ko? I'm sorry girls, they won't let me eat in the other table so I guess it's time to sacrifice my own good again.
Kidding. Maglaway sila dyan habang katabi ko 'yung pinapantasya nila.
"Bakit pala mag-isa ka lang ngayon? Where's your friend?" Napatigil ako sa pagkain ng magtanong si Evan. I raised my hand for him to wait, my mouth is full.
"She went home," sagot ko pagkalumod ko sa kinakain ko. Okay lang din naman sa akin ang mag-isa pero iba pa rin kapag may kasama kang kumain.
Tumango-tango siya at hindi na lang nagsalita. Maya maya ay bumaling siya kay Clyde at tinigil ang pagkain kaya napatigil din si Clyde at tinignan lang siya, hinihintay na magsalita.
"Did you check our group chat last night?" Evan asked. Nagpatuloy lang naman ako sa pagkain ko dahil hindi naman ako pwedeng makisingit sa usapan nila, usapang magkaibigan na 'yan.
"No, why?" Namamangha talaga ako kapag sumasagot si Clyde kay Evan kaya naman tumingin lang ako sa kanya habang ngumunguya ako ng pagkain ko.
"May pinopormahan na yata si Jiro," Evan said and chuckled. I guess, Jiro is one of their friends.
"That's good," sabi naman ni Clyde at kumain na ulit. "He's been inlove with Lorraine for how many years though,"
"It's Lorraine," Evan said kaya mabilis na napatingin ulit si Clyde sa kanya.
"What? Speed," natatawang sabi ni Clyde at sumubo na ulit ng pagkain niya.
"And you? You're slow," makahulugang sabi ni Evan sa kanya. Tumawa pa siya ng malakas kaya sinamaan siya ng tingin ni Clyde.
"Shut the fuck up," mas sinamaan ng tingin ni Clyde si Evan nung hindi ito tumigil sa pagtawa. Wala naman akong naiintindihan sa usapan nila kaya iniwas ko na lang ang tingin ko kay Clyde at inubos na lang ang pagkain ko.
Ano ba 'yan, wala man lang akong naging kadaldalan today. Ang tagal naman kasing bumalik ni Jean.
"Una na ako, thank you." Paalam ko sa dalawa at kumaway pa. Kumaway rin pabalik sa akin si Evan habang may ngisi sa labi, kanina pa 'yang ngisi na 'yan pagkatapos niyang asarin si Clyde.
"Are you close with them?" Isang babae ang humarang sa akin pagkalabas ko sa canteen, may mga kasama pa siya sa likod niya na parang kanina pa ako hinihintay na makalabas.
"Yes," pagsisinungaling ko. Kapag sinabi kong hindi ako close sa kanila, baka mamaya gulpihin ako nito sila at sabihin nilalandi ko 'yung dalawa pero kapag oo, baka isipin nilang kababata ko o ano man sila Evan.
"Can you give this to Clyde?" Akala ko naman kung ano 'yung gagawin nila sa akin, 'yun pala may ipapabigay lang. Buti na lang pala, well mannered ang mga tao dito except doon sa mga lalaki kanina.
Kinuha ko 'yung letter na pinabigay niya at ngumiti sa kanya.
"Thank you!" She said while smiling widely. Umalis na rin sila sa harap ko kaya naman tinago ko na 'yung letter sa bulsa ng uniform ko. I'll give it to him later, baka kasi nasa classroom na si Jean.
"You were the girl yesterday?!" Pag-upo ko pa lang sa tabi niya ay 'yun na agad ang bungad niya sa akin. Napairap naman ako at pinatong ang baba sa kamay ko.
"And today," sinabi ko na rin sa kanya para hindi na siya magulat pa kung may mahagilap na naman siya na chika ngayon o bukas.
"Bakit hindi mo sinabi?" Hinampas pa niya ako sa balikat ko kaya napahawak ako doon.
"Well," wala akong mabigay na dahilan. Ewan ko rin kung bakit hindi ko sinabi, siguro dahil hindi naman importante 'yon.
"Well?" Usisa pa niya sa akin.
"Wala!" Sabi ko na lang at tsaka ko naalala 'yung letter na ibibigay ko kay Clyde.
"May humarang sa akin na kababaihan kanina doon sa may canteen para ibigay 'to kay Clyde," nilabas ko 'yung letter na may ribbon pa sa gitna at pinakita sa kanya. "Sinabi ko kasing close kami nila Evan kaya ayan ang kinalabasan."
"Close kayo?" Kunot noong tanong niya sa akin. Napatawa naman ako ng malakas at umakbay sa kanya.
"I only said that to save myself, Jean. Akala ko gugulpihin nila ako tulad nung mga napapanood ko pero hindi pala, mukhang mababait naman 'yon sila at may respeto." Napatango siya sa sinabi ko at binigay na sa akin 'yung letter.
"Kelan mo balak ibigay?"
"Mamaya na siguro, sa uwian." Inalis ko ang pagkakaakbay sa kanya at bumalik sa pwesto kanina.
Afternoon class ended at kami naman ang mas naunang nag-uwian kila Clyde kaya naghintay pa ako sa labas. Umuwi na rin si Jean dahil nandoon na daw sa labas ang sundo niya kaya sabi ko sa kanya balitaan ko na lang siya sa mangyayari ngayon.
"What do you need?" Bungad sa akin ni Clyde pagkalapit ko sa kanya, nakakunot pa ang noo niya habang tinitignan ko. Para naman akong may ginawang kasalanan sa paningin niya kahit ang totoo ay may ibibigay lang talaga ako.
Nakakahurt naman.
"Here," nilahad ko 'yung letter na pinabigay sa akin nung babae kanina. "This is not from me, it's from your admirer, I guess. Pinabigay lang 'to sa akin kasi akala nila close tayo,"
Tinignan lang niya 'yung letter bago niya ako nilagpasan. Napakurap ako ng dalawang beses bago ako lumingon sa kanya. Ang rude!
"Tanggapin mo na, Clyde. Pinaghirapan 'to nung babae," pilit ko sa kanya. Totoo naman kasi! Sayang effort nung babae kung hindi niya 'to kukunin! Pwede naman niyang itago at huwag na lang basahin kung ayaw niya ng mga ganto basta huwag lang niyang itatapon kasi mas masakit 'yon.
"I don't care," hinabol ko pa rin siya habang hawak-hawak pa rin 'yung letter.
"Just accept this, masaya na 'yung babae dito kapag tinanggap mo 'to." Sabi ko, totoo naman! Kung ako siguro 'to, kahit hindi niya basahin basta tanggapin niya lang masaya na ako.
"Sayo na, ikaw lang din naman ang tumanggap." Hindi pa rin niya ako tinatapunan ng tingin habang naglalakad siya papunta sa classroom nila Evan. Magkikita-kita na naman kaming tatlo dito.
"Come on," talagang pinipilit kong ipahawak sa kanya 'yung letter pero hindi talaga niya tinatanggap. Sa inis ko ay dahan-dahan na lang akong naglakad sa likod niya at pasimpleng binuksan ang bag niya.
Ate girl, the things I do for you. You need to give me a price.
"Fucking hell," mahina kong sabi ng mailagay ko na ang letter sa bag niya. Wala na akong pake kung ano ang maging reaksyon niya kapag nakita na niya 'yung letter sa bag niya.
"Dana," I looked up and saw Evan walking towards us. I hope he didn't see what I did to his friend's bag.
"Hi!" Masigla kong bati sa kanya at kumaway pa. Nilagpasan na siya ni Clyde kaya natawa ako ng mahina. "Wala akong ginawang masama sa kanya, promise."
Natawa rin ng mahina si Evan at sumulyap sa likod niya. "Pagpasensyahan mo na lang si Clyde, Dana. Sadyang ganon lang talaga siya,"
"It's okay though. Actually, I was kinda challenged by his personality that's why I'm trying my best to get his attention." Inamin ko na kay Evan 'yung ginagawa ko kaya naman natawa ulit siya sa akin.
"I'm pretty sure he's kinda challenge too. Ngayon lang may kumulit na babae sa kanya ng ganito," napatingin naman ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"Really?!" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yeah, you're the first ever girl," nakangiti niyang sabi sa akin.
"I'm glad I'm the first," nakangiti ako ng todo habang sinasabi ko sa kanya 'yan.
Tumunog ang cellphone niya kaya napatingin kaming dalawa doon. Tumawa siya nang mabasa ang text sa kanya.
"So impatient," komento niya at tinago na ang cellphone niya sa bulsa. "Sibat na ako, Dana. See you."
"Yeah, see you!" Kumaway na ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Nilabas ko na ang cellphone ko at tinext na si Manong para magpasundo na.
Naghintay lang ako dito sa loob ng school habang hinihintay 'yung text ni Manong na nandoon na siya sa labas. Makalipas lang ang ilang minuto ay may nagtext na sa akin kaya dali-dali na rin akong lumabas para makauwi na at makagawa na ako ng dapat kong gawin sa school.
Pag-uwi ay nagbihis na ako agad ng pantulog ko at nilabas 'yung mga gawain. Hindi na rin muna ako nagcellphone habang gumagawa ng mga gawain ko dahil distraction lang 'yon. Kaya naman pagkatapos kong gumawa ay inimpis ko na rin 'yon at humiga na agad ako sa kama. Kinuha ko na rin ang cellphone ko para makapag-open na ng messenger ko at kung ano na ang balita sa mga kaibigan ko.
Lia: ano chika natin ngayon mga babae
Chelsea: wala naman, may nakita lang akong pogi dito sa school ko
Dana: same, sis
Una: omg ur back
Ella: parang tanga, hindi naman 'yan umalis ng bansa o ano
Dana: HAHAHAHAHA baliw kayo, anyways gonna sleep na girls maaga pa ako bukas
Pagkatapos noon ay sa facebook na lang ako nag-online para hanapin 'yung facebook account ni Clyde at Evan. Duh, syempre magpapaka-stalker muna ako ngayon.
Inisip ko 'yung pangalan ni Clyde na sinigaw ni Evan kahapon.
Clyde Ian?
I type his name on the search bar at agad na may lumabas. Oh, nasa unahan lang. Marami siyang kamutual friends ko kaya agad kong nahanap, madali lang pala 'to.
Clyde Ian Hernandez
Ang pogi ng pangalan! Agad ko siyang in-add at hinanap ang pangalan ni Evan sa timeline niya, malay niyo may nakatag sa kanya o ano! Hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko na ang pangalan ni Evan at agad ko 'yon vinisit.
Evan Leo Jimenez
Ang sososyal namang mga pangalan nito sila! Sana all! Agad ko rin in-add si Evan at wala pa lang ilang minuto ay in-accept na niya agad! Wow, ang bilis! Bigla rin tumunog 'yung messenger ko kaya napapunta agad ako doon.
Evan Leo Jimenez: Dana Elisha ka pala
Dana Elisha Flores: bakit? akala mo ba dana lang?
Evan Leo Jimenez: oo HAHAHAHAHAH sobrang iksi kasi kapag dana lang
Dana Elisha Flores: buti nga dinagdagan nila 'yung name ko eh HAHAHAHA
Evan Leo Jimenez: HAHAHAHAHA
Hindi na lang ako nagreply at bumalik sa pagscroll down sa facebook, mukhang walang balak mag-accept si Clyde! Hmp! Binalikan ko 'yung convo namin ni Evan para magtanong.
Dana Elisha Jimenez: mahilig ba mag-facebook si Clyde?
Evan Leo Jimenez: not really, why?
Dana Elisha Flores: wala lang, he's actually my type.
________________________________________________________________________________________________________________
.