webnovel

18

"Ina, mauna na'ko sainyo. Maaga pa akong mag eensayo ngayon at dadaan pa ako sa bayan, bibili ako ng pagkain na paborito ko at iuuwi ko rito." saad ko habang inaayos ang mga gamit ko sa aking bag. Tumango si Ina habang kumakain kasama ang Punong Tagapangasiwa, at ang Ministro. Tila hindi nga matapos tapos ang kanilang kuwentahan at talaga ngang nangulila silang tatlo sa isa't isa.

"Kung ganoon, bibilisan ko na ang pagkain ko rito at ng makasunod na ako sa'yo. Pumaroon kana at maya maya lang ay susunod narin ako." saad ni Ministro kaya agad akong tumango at ngumiti. Lumapit ako kay Ina atsaka siya niyakap at hinalikan sa noo bago napag pasyahang tumalikod na at mag simulang humayo.

Habang nag lalakad, hindi ko mapigilang mapa ngiti. Akalain mo 'yon, akala ko mag isa nalang ako. Iyon pala, buhay parin ang aking Ina at dalawang kapatid. Nakakalungkot rin dahil hindi ko man lang maalala ang mukha ng aking Mahal na Amang Hari. Kung ano ba ang mga pinag gagawa namin noon.

Isa lamang ang alam na alam ko tungkol sa aking Amang Hari. Isa siyang marangal, patas at magaling na Hari ng Dinastiyang Hanyang. Lahat ng mga pagod na inilabas niya sa kaniyang katawan upang itaguyod ang Hari na ito, hinding hindi ko 'yon sasayangin lahat. Babawiin ko kung anong dapat na sa amin, babawiin ko kung anong dapat na nasa akin. Babawiin ko ang talagang pag mamay ari namin.

Patungkol naman sa aking dalawang kapatid. Ang sabi ni Ina, hindi muna niya masasabi sa ngayon sa akin kung nasaan ang dalawa kong kapatid. Ang sabi niya, may tamang panahon para doon at hindi muna 'yon sa ngayon. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng saya, gustong gusto ko ng makita ang mga kapatid ko. Saan ko kaya sila matatagpuan?

Nang nasa bayan na ako agad akong nag tungo sa bentahan ng dugajun. Ngunit pagka dating ko roon ang sabi ay wala pa raw nagagawang dugajun kaya ang sabi ko ay reserbahan na ako ng sampong dugajun at dadaanan ko na lamang mamaya kapag pauwi nako galing sa ensayo.

"Mahal ko!" napapikit ako at napa iling ng marinig nanaman ang boses na iyon ng babaeng 'yon. Kahit kailan talaga, hindi na'ko tinigilan. Hindi ko naman siya masisisi, napaka gwapo ko nga naman talaga at isa akong makisig na lalaki ngunit nakaka sawa rin pala 'yong palagi ka nalang hinahabol.

"Ano nanaman bang kailangan mo? Napaka lakas pa ng boses mo mamaya sabihin nilang may relasyon tayo. Hindi pupuwede 'yon, sa akin naka salalay ang bayang 'to." saad ko habang nag lalakad. Nakasunod naman siya sa akin sa gilid ko.

Narinig ko ang pag halakhak nito, "Ano bang sinasabi mong sayo naka salalay? Isa ka lamang namang pang karaniwang mamamayan kagaya ko. Atsaka isa pa, ayos lang kung sa tingin nila may relasyon tayo. Buong puso kong tatanggapin 'yon kasi mahal na mahal kita." saad niya sabay lingkis sa aking braso dahilan para mapa ngiwi ako. Dapat masanay na ako sa babaeng 'to, palagi niya namang ginagawa 'to.

Hindi ko naman pupuwedeng gamitin ang kapangyarihan ko dahil tiyak na mahuhuli at mahuhuli nila ako. Hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman nilang isa akong hindi pangkaraniwang mamamayan lamang. Kung baga, kung wala ako, wala na ang kinabukasan ng bayang 'to. Hindi sa pag mamayabang pero parang ganoon na nga.

"Pupuwede ba, wag mo na muna akong guluhin kahit ngayon lang. Alam mo, may importante akong dapat puntahan at gawin. Kaya wag mo na muna akong guluhin. Ang mabuti pang gawin mo, bumalik kana sa inyong tindahan at mag trabaho kana doon." saad ko sakaniya ngunit ngumuso lamang ito at nanatiling nasa tabi ko habang naglalakad ako.

"Ayoko. Sasama ako sayo ngayon. Gusto kitang panoorin kung lumalakas ka naman ba sa ensayong ginagawa mo. Atsaka isa pa, nandoon ang kapatid kong si Sulli, siya na ang bahalang mag bantay ng mga paninda roon. Nag kahiwalay na kasi sila ng kanyang nobyo kaya may oras na siya para sa tindahan." saad niya kaya agad akong napa iling at hindi nalang siya pinansin.

Nang maka lipas ang ilang minuto at patuloy parin ito sa pag sunod ay napa pikit nalang ako at napa buga sa sobrang inis, "Hindi ka pupuwede roon sa pupuntahan ko. Bawal ang mga babae roon. Baka mapa paano ka pa." saad ko sakaniya. Huminto rin ito sa pag lalakad at humarap sa akin habang may nginunguyang pagkain at iniikot ikot ang kaunting hibla ng buhok niya sa kaniyang kanang kamay.

"Wag mo sabihing nag aalala ka para sa aking kalagayan?" tanong niya sa akin habang naka taas ang isang kilay kaya agad nalang akong napa iling. Maya maya pa ay may pumasok na ideya sa aking isipan kaya agad akong ngumiti sa kaniya.

"Oo, alam mo kasi, ayokong mapapa hamak ang papakasalan kong babae kaya kung pupuwede umuwi kana at doon kana lang muna. Dadaanan nalang kita mamaya kapag papa uwi na ako, mag kukuwentuhan tayo." saad ko sakaniya sabay ngiti, humawak rin ako sa magka bilaang balikat nito sabay taas ng kilay at ngiti pa ng malawak.

Ilang segundo rin itong nag isip bago tumango at ngumiti, "Talaga? Mapapa ngasawa mo ako? Kung ganoon, tanggap mo na ako?" tanong niya kaya agad akong tumango. Ngumiti ulit siya, "Kung ganoon, mag iingat ka. Basta pangako mo 'yan ha. Wag mong babawiin. Walang bawian. Sige, mag iingat ka." saad niya, tumango ako at ngumiti sakaniya at kumaway.

Pinanood ko siyang mag lakad papa alis at ng maka sigurong naka layo na siya ay agad akong napa pikit at napa ngiti. Sa wakas, naka takas nanaman ako sa babaeng iyon. Agad na akong nag lakad at nag tungo lugar kung saan nag eensayo kami ni Ministro. Pagka punta ko roon ay agad kong binaba ang mga gamit ko, nag hubad ako ng damit at naligo sa gilid na batis.

Sobrang lamig niyon at talagang malinis. Hindi kagaya sa mundo ng mga tao, ang mga gan'to sa gilid gilid ay napaka dumi. Hindi safe para inumin at paliguan pero ito ay puwedeng puwede. Nang matapos ako sa pag bababad ay agad akong umalis rin doon, pupulutin ko na sana ang aking saplot ng makarinig ako ng impit na pag sigaw. Mabilis kong pinulot ang saplot ko at sinuot yon at agad na kinuha ang katana ko at tumingin tingin sa paligid.

"Sinong nariyan?" tanong ko habang maagap na tumi tingin tingin sa paligid ngunit katahimikan lang ang namayapa. Nanliit ang mata ko at ginamit ang kapangyarihan ko upang damdamin kung meron ba akong nararam damang enerhiya ngunit wala kaya agad ko nalang binalewala 'yon.

"Anong ginagawa mo, Mahal na Prinsipe? May nangyari ba?" napa tingin ako kay Ministro na may kagat kagat pang isang mansanas habang papa lapit sa akin. Ibinaba ko ang katana atsaka umiling sakaniya at sinalo ang isang mansanas na ibinato niya sa akin at agad na kinagat.

"Wala naman, Ministro. Parang may narinig lamang akong isang palahaw kanina ngunit mukhang wala naman." saad ko at agad rin itong tumango habang ina ayos ang kaniyang gamit sa isang bato.

"Wag mo ng pansinin 'yon, baka isa lamang iyong ligaw na palahaw ng isang kaluluwa. Mag umpisa na tayo, pulutin mo ang iyong mga katana." saad niya, mabilis kong inubos ang mansanas at pinulot na ang mga katana ko. Tumango ako sakaniya at agad rin siyang nawala sa paningin ko upang mag tago.

Tumayo ako sa pang labas posisyon upang protektahan ang sarili ko. Namayapa ang katahimikan, pag hampas ng hangin sa mga puno lamang ang naririnig ko pati narin ang huni ng mga ibon. Maya maya pa ay agad akong nakaramdam ng mabilisang pag lapit sa akin ng isang katana at agad ko naman iyong nailagan. Maya maya pa ay meron ulit sa kabila.

Patuloy lang ako sa pag iwas hanggang sa sunod sunod na katana na ang dumating mula sa iba't ibang direksyon. Mabilis akong tumalon at agad na ibinato ang isang katana patungo sa silangang bahagi at isa pa sa kanluran. Nang hindi ko parin matag puan kong nasaan si Ministro ay ginamit ko na ang kapangyarihan ko. Pinakiramdaman ko ang enerhiya niya, medyo nahirapan ako noong una ngunit mabilis ko ring natukoy kaya mabilisan ko ring ipinalipad ang natitirang dalawang katana ko patungo sa likod ko.

Doon ko narinig ang pag halakhak ni Ministro kaya agad akong napangiti. Mission accomplished ulit. Tumingin ako sakaniya at agad siyang nakangiting lumalapit sa akin. "Anong susunod natin gagawin, Ministro?" tanong ko sakaniya.

"Ihanda mo ang sarili mo. Delikado ang gagawin natin ngayon. Hihiramin natin ang mga kapangyarihan ng mga pumanaw na mababait noon na nasa panig ng iyong Mahal na Amang Hari na kung sa ganoon ay madagdagan pa ang iyong kapangyarihan pang sugpo sa mga kalaban." saad niya habang binabalot ang isang piraso ng puting tela sa isang kawayan.

Napatango tango ako, "Paano ko 'yon gagawin?" tanong ko sakaniya. Hindi siya nag salita at binilugan ng kulay itim na bagay ang gitna ng bato at sa harapan noon ay itinayo niya ang kawayan. Gamit ang kaniyang mga kamay ay pina apoy niya ang puting tela noon dahilan para mapamulagat ako. Napaka galing niya talaga.

"Wag kang mamangha, walang wala ang kaalaman ko sa kaalaman ng Mahal na Hari. Kaya kung ako sayo mag handa handa ka, mahirap kalabanin ang itim na mahika." saad niya kaya agad akong tumango. Iginaya niya ako sa bilog na itim at pinaupo sa gitna. Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa mag kabilang tuhod ko. Pumikit ako kagaya ng itinuro niya.

"Pumikit ka. Damhin mo ang simoy ng hangin. Pakinggan mo ang palahaw ng mga ligaw na kaluluwa. Buksan mo ang iyong puso't isipan. Kausapin mo sila, kahit anong mangyari. Hindi pupuwedeng mawala ang apoy sa tela. Sa oras na nawala ang apoy sa tela ng hindi kapa nagigising at namumulat ay maaaring buhay nating dalawa ang magiging kapalit. Wag na wag mong hahayaang lumutang ka sa ere. Kumbinsihin mo silang ipahiram sayo ang kanilang kapangyarihan." saad niya kaya agad akong tumango at agad ng nag simula.

"Mga ligaw na kaluluwa na pumapanig sa aking Mahal na Amang Hari. Ako ay nag susumamo sa inyong ipahiram ni'yo sa akin ang inyong mga kapangyarihan ng saganoon ay masugpo ko ang mga kalaban na ngayo'y nagpapa kasarap sa tronong dapat ay nasa sa atin." paunang kausap ko sakanila sa aking isipan. Agad akong nakarinig ng mga pag bulong.

"Sino ka? Bakit ang iyong enerhiyang taglay ay kakaiba?" agad ko iyong narinig. Tumaas ang balahibo sa aking katawan dahil doon. Nakakatakot ang boses na iyon ngunit pinag sawalang bahala ko iyon at nagpatuloy lang sa pakikipag usap.

"Ako ang taga pag mana ng trono ng dating Mahal na Amang Hari. Ako ang panganay na Anak ng Mahal na Haring si Gwang. Nakikiusap ako sainyo, ipahiram niyo sa akin ang inyong kapangyarihan. Sisiguraduhin kong mapupunta sa kabutihan ang pag papahiram ninyo nito sa akin."

"Sa pagkaka alam namin, ang anak ng dating Mahal na Hari ay nasa mundo ng mga tao."

"Oo, alam ko. Sapagkat ako iyon. Nang galing ako sa mundo ng mga tao at nag tungo rito upang bawiin ang pinaghirapan ng Amang Hari at pati ninyo narin. Babawiin ko iyon at panganga lagaan."

"Anong kailangang gawin kapag ang itim na maharlikang sagyung ay tumama sa iyong balat?"

"Sa totoo lang, wala pa akong masyadong kaalaman tungkol riyan. Ako ay nag eensayo pa lamang sa ngayon."

"Mahal na Prinsipe, kausapin mo silang mabuti. Unti unti ka ng umaangat sa iyong kinauupuan." saad ni Ministro. Napalunok nalang ako at mas lalo pang nag focus.

"Ang Anak ng Mahal na Hari ay ang tinaguriang pinaka magaling at maka alaman patungkol sa mahika. Bakit wala ka man lang alam sa pinaka besikadong mahika?"

"Kagaya ng sinabi ko, nag aaral pa lamang ako. Ngunit nag sasabi ako ng totoo, ako nga ang Anak ng dating Mahal na Hari."

"Buhay paba ang Mahal na Reyna o hindi?"

"Buhay pa siya, kahapon lang rin kami nagka usap."

"Paano mo mapapa tunayan sa aming ikaw nga ang Anak ng dating Mahal na Hari?"

"Kung natatandaan ninyo. Ang anak ng dating Mahal na Hari ay nagkaroon ng sugat sa kaniyang bandang kanang dibdib dahil sa digmaang naganap bago siya ilipat sa mundo ng mga tao. Ang sugat na iyon sa dibdib ay hanggang ngayon ay meron pa sa akin. Isa iyon sa aking patibay na ako nga ang anak ng dating Mahal na Hari."

"Ang sugat ay puwedeng pekehin."

"Ngunit ang araw na nasugatan ito ay hindi."

"May punto ka. Kung ganoon, sige. Pumapayag na kami. Ngunit sa isang kundisyon."

"Ano 'yon? Kahit ano, tatanggapin ko basta ipahiram niyo lang sa akin ang inyong kapangyarihan."

"Iyon ay kung paano ka makaka alis sa mundo namin."

Napakunot ang noo ko dahil doon. Triny kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Para bang nakadikit na lamang iyon doon. Tinangka ko ring gumalaw ngunit hindi ko magawa. Hindi ko rin magawang mag salita upang ipa alam sa Ministro ang nangyayari.

"Anong nangyayari, Mahal na Prinsipe? Ang apoy, unti unti itong humihina." narinig kong saad ni Ministro. Pakiramdam ko unti unti rin akong nalalagutan ng hininga. Pakiramdam ko naiipit ako sa isang kuwarto na unti unting nawawalan ng hangin.

"Mahal na Prinsipe! Ayos ka lang ba? Ang A-Apoy!" narinig kong sigaw nito. Tinangka ko iyong labanan, ginamit ko ang kapangyarihan ko. Maya maya lang ay nakarinig ako ng sigaw.

"Mahal ko! Gumising ka!" mabilis akong napamulagat dahil doon. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Agad akong napatingin sa gawi ng babaeng may ari ng boses na iyon. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sakaniya.

"Ayos ka lang ba, Mahal ko? Wala bang masakit sayo?" tanong nito kaya agad akong umiling. Sumimangot ito sabay tingin kay Ministro at nagpa meywang, "Ministro, ano ba ang ginagawa niyo sa Mahal ko? Alam niyo ho bang delikado ang tinangka ninyong ipagawa sakaniya?"

"Teka, ba't kaba nandito?" tanong ko sakaniya at tumayo. Napapikit ako at napa upo ng maramdaman ang pang hihina ko. Pakiramdam ko nanliliit ang mga buto ko.

"Ang s-sakit, M-Ministro." saad ko habang nanghihina.

"Ganiyan talaga 'yan, Mahal na Prinsipe. Ang ibig sabihin niyan, pumapasok sayo ang mga kapangyarihan nila. Mabuti naman at nag tagumpay ka." saad niya kaya mas lalo akong nakahinga ng maluwag.

"Alam mo Mahal ko, nakaka inis ka. Ba't nag sinungaling ka sa'kin? Akala ko isa ka lamang ordinaryong tao, ba't may kapangyarihan ka? Kung ganoon, isa kang maharlika?" tanong nito sa akin na ang Ministro na ang sumagot.

"Oo, siya ang Anak ng dating Mahal na Hari."

"Dating M-Mahal na H-Hari? Sigurado ho ba kayo diyaan?" tanong nito. Mukhang gulat na gulat sa narinig. Narinig ko ang pag tawa ng Ministro habang patuloy ang pag hawak nito sa aking likod upang gamutin ang pagka hilo ko at pag sakit ng ibang parte ng aking katawan.

"Oo, wag mong ipag kakalat sa iba dahil sa oras na may ibang maka alam ng tungkol sa totoo niyang pagkatao at makarating ito sa kasalukuyang Mahal na Hari. Sigurado akong hindi sila mag aatubiling mag utos na hanapin siya, tugisin at patayin." saad nito.

Nag taas ng kaniyang kanang kamay si Yeondan, "P-Pangako, Ministro. Itatago ko 'yon kagaya narin ng pag tatago ko sa tunay mong katauhan." saad niya, tango lang ang naging sagot ni Ministro. Nang mabuti na ang lagay ko ay agad rin akong tumayo at humarap sakaniya.

Nakayuko lang ito at mukhang hindi makatingin sa akin. Maya maya lang ay lumuhod ito sa aking harapan, "P-Patawad sa aking kahangalan, Mahal na Prinsipe. Hindi ko ho kasi alam na ganyan kataas ang posisyon niyo rito sa bayan, kung alam ko lang, hindi ko na sana kayo kinulit at nilapastangan." saad nito kaya agad akong natawa at nailing.

Pinulot ko nalang ang mga gamit ko at nag simula ng mag lakad papa alis. Mukhang kailangan ko ng mahaba habang pahinga sa sobrang sakit ng aking katawan at pagka hilo, "Wag mo ng alalahanin 'yon. Ayos lang sa akin, mauna na ako sa'yo. Atsaka nga pala, salamat. Kung hindi dahil sa pagka gulat ko sa napakalakas mong boses ay hindi ako magigising."

"P-Patawad sa nagawa kong kahangalan, Mahal na Prinsipe."

"Anong tinutukoy mong kahangalan?"

"Ang narinig ninyong palahaw kanina ay hindi boses ng ligaw na kaluluwa kundi boses ko. Nagulat kasi ako sa biglaang pag bulusok ng isang katana patungo sa iyo. Natakot ako na baka bigla kang matamaan kaya ganoon."

"Ganoon pala, ayos lang. Mauuna na ako sayo. Kita nalang tayo bukas." saad ko sakaniya.

"Pupuwede bang sumabay sainyo sa pag lalakad?" tanong nito. Napangisi ako at napa iling. Ang sabi niya ay humihingi siya ng tawad sa kaniyang pag sama sama sakin at pangungulit pero heto siya ngayon at ginagawa parin. Ibang klaseng babae hahaha.

"Oo na. Tara na. Masakit na ang katawan ko. Dadaanan ko pa ang Dugajun na pagkaing pinaluto ko upang iwui para kay Ina."

"Ina? Kung ganoon, buhay ang Mahal na Reyna?" tanong nito. Huminto ako at tumingin sakaniya dahilan para mapa iwas siya ng tingin at mapayuko.

"Pasensya na Mahal na Prinsipe. Na kuryoso lamang ako."

"Mas mabuti ng wala kang masyadong alam. Para rin iyon sa kaligtasan mo." saad ko sakaniya. Tumango siya at hindi na nag salita pa pagkatapos niyon. Nang maka uwi ako ay agad naming pinagsaluhan ang dugajun na binili ko.

Sa bawat pag punta ko sa ensayo ay wala ng Yeondan na humaharang sa aking daan upang kulitin ako. Ayos lang naman pero naninibago ako kasi halos palagi niyang ginagawa iyon sa akin at ngayon wala na.

Nang makita ko siyang nag titinda ay tumingin lang rin ito sa akin at yumuko ng kaunti at inasikaso na ang isang bumibili. Hindi ko nalang pinansin at nag tungo ulit sa pag eensayo. Ganoon nalang, hindi na niya ako kinukulit, madalang niya narin akong kausapin. Naiisip ko tuloy dahil sa nalaman niyang hari ako. Mas mabuti narin, para maiwas pa siya sa gulo.

Next chapter