JIMBOY is Yana's childhood best friend. Yana is only five years old when she met Jimboy. Mailap si Jimboy sa mga taong nakapaligid sakanya. Madalas kasi siyang ma-bully pero ni minsan, hindi siya nag-attempt na lumaban.
Until one day, habang nag i-stroll si Yana sa neighborhood nila kasama ang alaga niyang aso, may napansin siyang umpukan ng mga bata na halos kaedad lang niya di kalayuan sa kinatatayuan niya. Bukas ang gate ng bahay ampunan kaya pumasok siya rito. She witnessed how Jimboy treated. Hindi sanay si Yana sa gano'ng eksena.
"Hoy! Bakit niyo naaway siya!" Sigaw ni Yana. Pero parang hindi siya narinig ng mga bata. She's only five back then kaya matinis ang boses pa lang niya.
Tumahol naman ang asong hawak ni Yana. The dog maybe knows what's going on.
Napalingon ang grupo ng mga bata. Medyo napaatras pa sila dahil sa aso. Halos sinlaki lang kasi ni Yana ang aso. Napatigil din sila sa pag stomp kay Jimboy.
"Layuan niyo siya kung ayaw niyo ipahabol ko kayo sa alaga kong aso!" Pananakot pa ni Yana sa mga bata. Inaamba pa niya na bibitawan niya ang hawak sa tali ng aso niya.
Tumahol naman uli ang aso. Nag second de motion din siguro siya.
Lalong napaatras ang mga bata sa tahol ng aso at isa-isa silang nagtakbuhan.
"Very good Papi," puri pa ni Yana sa aso niya.
Mabilis nilapitan ni Yana si Jimboy para tulungan niya ito tumayo pero hindi tinanggap ni Jimboy ang tulong ni Yana.
"Bakit ka ba nangengealam?" Pagalit pa na saad ni Jimboy kay Yana nang nakatayo ito.
"Ikaw na nga tinulungan ko, ikaw pa ang galit!" nakapameywang pang response ni Yana.
Hindi pinansin ni Jimboy si Yana at patuloy lang niyang tinatanggal ang alikabok sa damit niya.
"Jimboy!" tawag ng isang madre sa bahay ampunan. Naka-uniporme ito ng pang madre.
Nang mahagilap ng madre kung nasaan si Jimboy, mabilis niya itong nilapitan.
"Jimboy, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," saad pa ng madre nang malapitan si Jimboy.
"Sister, eto pong si Jimboy, inaway si-" Jimboy cut off Yana's by closing her mouth using his palm.
Binulungan pa niya si Yana, "Wag kang magsumbong. Pakealamera."
"Ano 'yun?"malumanay na tanong ng madre. "Bakit mo tinakpan ang bibig niya?" dugtong pa nito.
"Wala po 'yun Mama Telma", tugon naman ni Jimboy. Nakasanayan ng mga bata sa ampunan na 'mama' ang tawag nila sa mga madre.
Kinagat ni Yana ang kamay ni Jimboy kaya mabilis nitong inalis ang kamay niyang nakatakip sa bibig ni Yana.
"Aray!" singhal pa nito.
Yana just rolled her eyes. "You're a freaking looser," mahinang saad pa ni Yana kay Jimboy.
Umupo ang madre para maharap ng mabuti ang mga bata.
Ngumiti muna siya sa dalawa bago nagsalita. "Nag-aaway ba kayong dalawa?" tanong ng madre habang malumanay pa rin siyang magsalita.
Nag cross arms lang si Yana at nag pout sa harap ni Jimboy habang nakataas ang isang kilay nito.
"Hindi po mama Telma. Magkaibigan po kami," nakangiting saad ni Jimboy at inakbayan niya si Yana. Looking friendly. Para hindi ma-disappoint si mama Telma niya.
Pero mukhang hindi sang-ayon ang alagang aso ni Yana. Tinahulan niya si Jimboy kaya napaupo ito.
Mabilis namang sinuway ni Yana ang aso niya at muling tumayo si Jimboy. By this time, nagtago siya sa likod ng mama Telma niya.
"Anong pangalan mo at ilang taon ka na hija?" tanong ng madre kay Yana.
"Yana po. I'm five years old."
Humarap ang madre kay Jimboy at pinagsabihan ito.
"Jimboy nak, mas matanda ka kay Yana. Dapat mas nakakaunawa ka kaysa sa kanya. Hindi tama na nakikipag-away ka. Lalo na at babae pa siya," mahabang paliwanag ng madre kay Jimboy.
"Hindi po siya marunong makipag-away. Ang totoo po niyan, kaya po ako napunta rito kasi nakita ko siya na inaapakan ng mga bata. Tinulungan ko lang po siya. Pero hindi niya pala gusto. Kaya siya galit sa akin," singit ni Yana.
Namuo ang luha sa mata ng madre sa narinig niya. Naramdaman niya ang awa kay Jimboy.
Hindi na nagsalita pa si Jimboy at mabilis siyang tumakbo papunta sa higaan niya.
"Wag mo na lang siya pansinin hija. Tara na at ihatid kita sa inyo."
Nakaramdam ng guilt si Yana sa ginawa niya. Hindi niya naman akalain na kaya pala ayaw magsumbong ni Jimboy sa trato sa kanya ay ayaw niyang makita ang mama Telma niya na nasasaktan.
Pagkatapos ng araw na iyon, Yana convinced her parents na mag donate sila sa bahay ampunan na iyon. Everyday na rin namamasyal si Yana sa ampunan para kalaruin si Jimboy pero ilap pa rin ito. Nag-iiwan din siya ng pagkain sa lunch box niya para i-share kay Jimboy.
One day, hindi dinala ni Yana ang alaga niyang aso nang bumisita siya sa ampunan. One of the bullies saw her kaya mabilis siyang napalibutan ng iba pang mga bully. Yana is not the type of kid na ipapakita niyang takot siya. Kaya lalo pang nagalit ang mga bully. But the silent and introvert type Jimboy saved her. Hindi man kaya isalba ni Jimboy ang kanyang sarili, but he managed to save Yana.
Naging magkaibigan na sila after that day and nakita ng mga madre ang naging improvement ni Jimboy.
YANA is still eight years old when their family traveled to Batangas for the twin's vacation and for the celebration of Yena's topping their class.
"Bakit hindi ka pa nag-iimpake?" tanong ni Mama Lyndell sa anak na si Yana.
"Mom, pwede ko po ba isama si Jimboy sa vacation natin?" tanong ni Yana. Halata ang lungkot sa muhka nito.
"Five days lang naman tayo sa Batangas anak. Magkikita pa naman kayo."
"Pero Mom, Jimboy told me na he never experienced going on a trip," malungkot na paliwanag naman ni Yana.
"Okay nak. We can bring Jimboy with us. Pero kailangan pa natin siya ipaalam sa bahay ampunan," Mama Lyndell said.
"Yehey!" Mabilis na nag-impake ng gamit si Yana. Halatang naging excited siya sa outing nila knowing na kasama ang best friend niyang si Jimboy.
Naging mas close pa si Yana kay Jimboy kaysa sa kambal niya. Natutuwa rin ang parents nila Yana dahil kahit nakaka-angat sila sa buhay, humble na lumalaki ang mga bata at marunong maawa sa kapwa.
Without the knowledge of Yana, may aampon na pala kay Jimboy. Both are foreigners na nakatira sa Paris. Hindi sila magkaananak kaya naisipan nila mag-ampon at si Jimboy ang napili nila.
Jimboy is ten years old at that time. Hindi na siya nagdalawang-isip at pumayag agad siyang magpaampon. Pangarap niya rin magkaroon ng pamilya.
Nakiusap si Jimboy not to tell Yana about him leaving. Sakto na may outing ang family ni Yana at kasama siya, pinlano niya na sumama sa aampon sa kanya on the fourth day of their vacation. Gusto pa niya makasama ang kaibigan kahit sa maikling pagkakataon pa.
"Tita Lyndell, salamat po sa lahat. Sasama na po ako sa mga aampon sa akin," paalam ni Jimboy. Madaling araw iyon at mahimbing na nakatulog ang kambal. Tanging ang ina lang nila na si Lyndell ang gising.
"Sigurado ka bang hindi ka na magpapa-alam kay Yana? Panigurado hahanapin ka niya pagkagising niya," saad ni mama Lyndell.
"Makikiusap po sana ako," panimula ni Jimboy. "Paggising po ni Yana at hinanap ako, sabihin niyo na lang po na maaga akong nagpunta sa dagat para sumama mamasyal sa mga nagbabangka," dugtong pa nito.
Tumango-tango lang si mama Lyndell at tuluyan nang sumama si Jimboy sa adopted parents niya.
Kinabukasan, tama nga ang hinala ni mama Lyndell at si Jimboy ang unang hinanap ni Yana. Nang sabihin niyang namasyal kasama ang mga nagbabangka, nanahimik din si Yana. Ngunit nang umabot na ang tanghalian at wala pa rin si Jimboy, nagsimula na mag-alala si Yana at pinipilit ang magulang na hanapin si Jimboy.
Bandang hapon, may mga sumigaw malapit sa pampang. May natagpuan daw na batang nalunod na sakay ng bangka. Madaling araw nagpalaot ang bangka at may kasamang dalawang matanda.
Inakala ng ina ni Yana na si Jimboy ang nalunod ngunit nagkamali siya at laking ginhawa naman nito. Para hindi na hanapin ni Yana si Jimboy, nagsinungaling ang ina ni Yana at sinabi na namatay na ang kaibigan nito na si Jimboy. Na siya 'yung nalunod. 'Yun na lang kasi ang naiisip na paraan ng kanyang ina para hindi na niya ito hanapin.
Simula ng araw na iyon, sinisi ni Yana ang sarili sa nangyari. Kung hindi niya sana sinama si Jimboy, hindi sana mangyayari iyon sa kanya. Ilang araw din na hindi nagsalita sa Yana sa pangyayari. Gusto man sabihin ng kanyang ina ang totoo, ayaw niya naman baliin ang pinangako niya kay Jimboy.
"I am fooled," saad ni Yana at nagsimula nanaman siyang humikbi.
"Buong buhay ko, sinisi ko ang sarili ko," saad pa ni Yana sa sarili sa bawat hikbi niya.
Masaya siya na buhay si Jimboy, na Archer na ngayon. Pero bakit sobrang nasasaktan pa rin siya. Pakiramdam niya, pinaglaruan siya ni Archer.
Minabuti ni Yana na bumaba ng sasakyan at pinagmasdan ang kabuuan ng dagat. "Hindi manlang kita kayang malapitan," saad pa niya sa sarili.
"Bakit naman hindi?" mula sa likuran niya, ay naroon pala si James.
Lumapit siya kay Yana. "May problema ka ba?" tanong pa nito nang nahalata niyang galing ito sa iyak.
Hindi na lang sumagot si Yana at muling pinagmasdan ang bawat hampas ng alon sa dagat. Hindi pa rin nag sink in ang nangyari sa kanya.
Umupo si James sa tabi ng sasakyan. Nilabas niya ang laman ng hawak niyang plastik. Saktong bumili siya ng alak.
"Umupo ka rito sa tabi ko. Samahan mo akong uminom," alok ni James.
Hindi na nagsalita pa si Yana at umupo na lang din siya. Sumandal siya sa sasakyan habang pinagmamasdan ang dagat.
Maya-maya pa, kinuha ni Yana ang isang can ng alak at tumungga siya rito.
Ramdam ni James na may pinagdadaanan siya pero minabuti niya na lang na hindi ito tanungin. Sa ngayon kasi, tanging kasama ang kailangan ni Yana.
"Fun fact about me is kaya hindi ako sumama sa outing noong college, takot kasi ako lumapit sa dagat," pasimula na Yana.
She's now started talking. Kaya napa-smile naman si James. She's getting better.
"May childhood best friend kasi ako. Inaya ko siya sumama sa outing naman. Sa Batangas 'yun. Nagpunta kami sa beach," kwento pa ni Yana. "We had so much fun. Mas close ko siya sa kambal ko," dugtong pa nito at mula siyang tumungga sa alak.
The tears started falling again on her face.
"On our fourth day sa outing, may isang bangkero na sumigaw. May nalunod daw na bata. Sabi naman ni Mommy, siya raw 'yun. 'Yung best friend ko." Muling humikbi si Yana. Everytime na naalala niya ang nangyari sa araw na iyon, hindi niya mapigilang hindi maiyak.
James stroked Yana's hair. Then he wrap his arms around her shoulder and Yana started leaning on James shoulder.
"Don't be too hard on yourself," James said. "I don't know what happened on that day. Pero I'm sure, it's not your fault," pag-comfort ni James.
"But I find out na buhay pala siya," walang emosyong saad ni Yana.
Nabigla si James sa sinabi ni Yana. Gusto man niyang tanungin ang buong nangyari, pinili na lang niyang 'wag itong tanungin.
"And another thing. We met. And he fooled me." Muling tumungga si Yana sa alak.
"For the second time he fooled me. Shame on me, right?"
Umiling-iling lang si James. "It's not your fault to trust people around you. It's their loss to break your trust," saad pa nito.
Maya-maya pa, medyo umaayos na ang pakiramdam ni Yana. Mukhang effective ang pag comfort ni James. Kumalas si Yana sa akbay ni James.
Yana once fell in love with James but Yana can't feel the butterflies now. Kaya siguro komportable na siya around James. Even this time na she's wasted.
"Salamat James. You even witnessed how I whine," biro pa ni Yana.
Sa isang side ng sasakyan, biglang may nag ring na cellphone. Mabilis na napatayo sila Yana at James. Ang haba ng emote ni Yana. Meron pa palang isang audience.
Ngumiti lang si Archer. Awkward smile as he saw Yana.
"Are now satisfied?" galit na tanong ni Yana.
"No. Please hear me out first," makaawa ni Archer.