webnovel

Chapter 1

Chapter 1

October 01, 2018

"Ma! Ang cute nitong color Violet na kurtina" Tapos pinakita ko sa kanya yung kurtinang hawak ko. "Oh! Sige kunin mo na yung tali para maikabit na natin. Yung mga pang design na bulaklak nadikitan mo na ba?" Tanong ni Mama habang nakatingin sakin.

"Yes Ma, itinabi ko muna dun sa isang gilid." Tumango naman si Mama bilang sagot. Kinuha ko yung dulo ng kurtina na hawak ni Mama tapos tinulungan ko syang ikabit ito sa bintana.

By the way I'm Jestine Anne Francisco, 17 years old and turning 18 tomorrow. Nagpeprepare kami ni Mama ng mga pangdesign para sa debut ko bukas. Dito lang kami sa bahay magcecelebrate, hindi naman ako nag-envite ng marami. Mga friends, relatives at friends nila mama't papa tsaka friends ni Kuya lang naman ang invited, ayoko din naman magpahanda ng marami.

Dalawa lang kami magkapatid, Ako tsaka si Kuya Jelo. Hindi naman kami mayaman. Si Mama nagtatrabaho bilang teacher ng kinder garten, hindi naman sya regular teacher kaya maliit lang yung sahod nya, hindi pa sapat samin para sa isang buwan dahil nasa 6k lang yung sweldo nya. Si Papa naman Barangay Captain ng lugar namin kaya nakakaraos din kami sa pang araw-araw na pangangailangan namin dahil sapat naman yung kinikita nya para sa amin. Grade12 na ako tapos 2nd year college naman si Kuya.

"Ma okay na yung sound system." sabi ni Kuya. Sya kasi yung nag-ayos ng mga speaker na gagamitin bukas pati na rin yung videoke. "Bait talaga ni Kuya. hehe" sabi ko na medyo may halong pang-aasar.

"Matagal na akong mabait, ngayon mo lang ba narealize?" sagot nya habang kumakain ng tinapay na kinuha nya sa lamesa.

"Hoy? bakit mo nilalantakan yang tinapay??? Panghanda ko yan bukas eh!" sinigawan ko sya. Panu ba naman kasi, isang supot ng gardenia yung hawak nya at parang balak nya talaga ubusin yun. "Konti lang naman to eh, tsaka napagod ako mag-ayos ng sound system na gagamitin bukas."

"Kahit na. Andami-dami kaya nyan, isang supot talaga? Akin na yan!" Sabi ko pa habang inaagaw sa kanya yung hawak nya. Pero hindi ko makuha kasi mabilis nyang iniiwas tapos ang tangkad pa, di ko tuloy maabot.

"Yoko nga! Akin na'to. Byeeee!" Saka sya tumakbo paakyat sa kwarto nya. Grrr kainis talaga yung unggoy na yun. Pumunta na lang ako sa kusina para tulungan si Mama mag-luto ng pang-hapunan namin.

Maya-maya narinig kong may tumigil na sasakyan sa labas ng bahay namin. Pagtingin ko, si Papa pala. Kakauwi lang galing sa Barangay.

"Pa, mano po." sabi ko sabay mano kay Papa nang makapasok sya dito sa loob ng bahay. Pagkatapos nun, ginulo nya lang yung buhok ko at dumiretso na sa kusina.

"Oh! Andyan kana pala tamang-tama luto na tong ulam at kanin, pwede na tayong mag-hapunan. Anak mag-hain kana at tawagin mo na ang kuya mo." Sabi ni Mama habang nagsasandok ng kanin. Nag-lagay na ako ng mga plato at kutsara sa mesa, nagsandok na din ako ng ulam.

Aakyat na sana ako sa taas para tawagin si Kuya kaya lang nakita kong pababa na din sya kaya umupo na lang ako sa upuan at naglagay ng kanin at ulam sa plato ko.

"Magdasal muna tayo bago kumain. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito Santo, Amen" Si Papa ang nag-lead ng prayer at pakatapos namin mag-dasal, nag-simula na kaming kumain.

"Jestine? Nasabihan mo na ba yung mga kaibigan mo kung anong oras sila pupunta dito bukas?"

"Opo Pa, pero mamaya ichachat ko po ulit sila para maalala nila."

"Gumising kayo ng maaga bukas para makapag-simba tayo, pasasalamat na din tsaka nga pala, dadating at mga tita at pinsan mo bukas." bilin samin ni Mama habang patuloy pa din sa pagkain. Tuwing may magbibirthday kasi samin, nakasanayan na namin magsimba bukod pa yung pagsisimba namin every sunday.

Pagkatapos namin kumain, pumunta na si Mama at Papa sa salas para manuod ng teleserye. Kami na lang ni Kuya ang naiwan dito sa kusina.

"Kuya ikaw na bahala dyan ah. Hugasan mo na yang plato, kaya mo na yan. hihi" saka ako kumaripas ng takbo papunta sa kwarto para hindi na makaangal pa si Kuya. Wahaha!

Pagpasok ko sa kwarto umupo muna ako sa kama at sumandal sa headboard. Kinuha ko ang cellphone ko tapos nag-open ako ng messenger, hinanap ko ang gc ng tropa namin at nag-chat doon.

'Guys mga 4pm kayo punta dito ha'

sent 8:00pm

Julie: Nag-remind ka talaga bes ha. hahaha! Sure naman na pupunta kami, ikaw pa!

Me: Pinapaalala ko lang bes, baka kasi 9am pa lang nandito na kayo. hahaha!

Mckinley: @Jestine_ Grabe ka naman samin, para namang sobrang takaw namin.

Me: @Mckinley_ Wala akong sinasabing matakaw kayo. haha

Christian: Anong oras ba tapos nun Jestine? Hindi ako pwede mag-pagabi.

Alvin: @Christian_ bakit naman hindi ka pwede gabihin? Eh minsan lang naman magdebut si Mareng Jestine, sulitin na natin. Diba sis Jestine?

Me: Oo nga naman Christian, haha!

Mckinley: Baka daw magalit girlfriend nya, kaya bawal sya gabihin. Alam nyo naman yan, under. HAHAHAHA!

Elle: Aruuy! Parang dalaga si Christian. Hahahaha

Natawa na lang ako sa asaran nila. Grabe sobrang bully talaga nila padating kay Christian, porket hindi lang makapalag sa girlfriend. Hahaha!

Medyo inaantok na ako kaya napagdesisyunan kong magpaalam na sa kanila.

Me: Guys? bye na. Magsisimba pa kami bukas eh. Punta kayo bukas ha sure na yun. Goodnight and Sweetdreams. Thanks sa time :*

Mckinley: Goodnight

Alvin: Goodnight sistaret :*

Elle: *Likezone*

Christian: Nyt

Julie: Goodnight beshy. Iloveyou mwuah:*

Francis: Goodnight Jestine :)

Napangiti ako dahil sa kanila. Nakakatuwa talaga sila... Sa kanilang anim, si Julie Concepcion ang pinaka-close ko. Close ko din naman si Elle dahil tatlo lang naman kaming babae sa grupo pero mas madalas ko nakakasama at nakakausap si Julie kesa kay Elle. Si Julie kasi yung pinaka-bestfriend ko sa kanilang anim, sya lagi yung pinag-sasabihan ko ng problema. Kaheight ko lang sya tapos maputi at medyo curly yung buhok.

Si Elle Aguilar kasi, fangirl siya. Lahat na lang inidolo pero mas lumalabas yung pagiging fangirl nya pagdating sa banda ng 'Megathrones' gwapong-gwapo at patay na patay sya sa mga members nun. Minsan nga hindi na nagrerecess yan, iniipon nya yung baon nya para makabili ng albums tsaka posters ng Megathrone. Pag may mall show, meet & greet tsaka concert yung mga idols nya, kaming anim naman ang buburautin nya makabili lang ng ticket. Minsan nakakabwisit na... Pero sobrang ganda nyan, pang model ang physical appearance. Straight ang buhok tsaka sobrang puti.

Si Alvin Garcia naman yung tropa naming bakla. Gwapo sana, moreno tsaka matangkad kaso nga lang pusong babae. Siya yung madalas mabastos pero thankful kami dyan kasi sya yung madalas magpasaya sa tropa kapag medyo malungkot kami. Pag binabastos yan, pinagtatanggol naman nung tatlong boys kahit minsan silang tatlo pa yung unang nambubully kay Alvin.

Si Christian Urieta yung pinaka-caring at pinaka-mabait sa mga boys. Pag nasa galaan kami nina Julie at Elle tapos gabi na, pinupuntahan nya talaga kami kahit saan man kami nandun.. May sarili naman syang motor kaya madali nya kami nahahanap at ihahatid nya talaga kaming tatlo sa kanya-kanya naming mga bahay. Siguro yun din yung dahilan kung bakit nagagalit sa kanya yung girlfriend nya. Baka nagseselos samin. HAHAHAHA Tama lang yung height nya pero bawi naman sa looks. Gwapo yan eh kahit hindi ganun katangkad, yung tama lang. Hindi maputi, hindi rin maitim.

Si Mckinley Soriano, ewan ko ba diyan. Pinanganak lang ata sa mundo para mantrip. Lahat na lang ng bagay pinagtripan, sobrang kulit pero sobrang bait nyan. Madalas sya yung nanlilibre sa barkada, galante. Hahaha! Parehas sila ni Christian na madalas manlibre. Yan si Kinley, laging maaasahan sa lahat ng bagay lalo na sa galaan. hehe May itsura rin yan. Moreno, mataas ng konti kay Christian at Alvin, tama lang ang pangangatawan.

Si Francis Martinez, hindi naman kami masyadong close nyan. Pero sa kanilang apat na boys, sya yung pinaka may itsura. Halos magka-height lang sila ni Kinley. Maputi, matangos ang ilong tsaka pang model ang pangangatawan. Basketball player yan, actually pati sina Christian at Kinley basketball player din.

Mababait yang mga yan kahit minsan nakakabwisit na.

Nilagay ko na ang phone ko sa ibabaw ng study table na nasa tabi ng kama ko saka humiga at natulog na.

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

Next chapter