NAKAHALUKIPKIP si Lay Raven habang mataman siyang pinagmamasdan. Naroon sila sa study room niya. Nakaupo sila sa magkaharap na sofa. Katatapos lamang nilang iayos si Crystal sa kwarto nito. Dahil naroon na rin naman ito ay minabuti niyang kausapin na ito. Napatikhim siya.
"I suppose, natanggap mo ang annulment papers na ipinadala ng abogado ko sa'yo," pag-uumpisa niya. Tumango ito ngunit hindi pa rin nagsasalita. "And I am expecting that you would give me back the papers tomorrow, after you've signed it, of course."
"Did you find a new lover?"
Nagitla siya sa direktang tanong nito. Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. "Ikaw lang ang lalaking hinayaan kong makalapit sa'kin. Alam mo iyan!"
"Of course. Ako lang ang tanging lalaking dumating sa buhay mo," he cocked his head.
"I am turning thirty," mahinang sambit niya.
Those four words made him stop for a long moment. Napayuko siya. Alam niyang alam nito ang ibig niyang sabihin. Napaangat siya ng tingin nang marinig ang pagbuntong hininga nito.
"S-so, you are finally getting your grandparent's trust fund, huh?"
"Yes," she nodded. "On my thirtieth birthday, mapapasakamay ko na ang trust fund na iniwan nila sa akin. Magiging sapat na ang halagang iyon para mapalaki ko ng mag-isa si Crystal."
When they've decided to marry each other, pareho silang itinakwil ng kani-kanilang mga magulang. Parusa daw nila ang tumayo sa mga sarili nilang paa. Although nang lumabas si Crystal ay nagbago rin agad ang isip ng mga ito at nagpasyang tulungan sila sa pagpapalaki sa bata. Ngunit ni minsan, hindi sila binigyan ng pera o sinuportahan ng mga magulang nila.
They had been disowned. Ang lahat ng mga mamanahin nila ay ibinigay ng mga ito kay Crystal. Iyon ang dahilan kung kaya hindi niya agad nagawang makapag-file ng annulment kay Lay Raven, kung bakit inabot pa ng sampung taon ang pagpapasya niyang iyon. Napatitig siya sa kanyang asawa. How would it feel to be totally free from him? Her chest suddenly felt heavy.
"That's three months from now," tila wala sa sariling anas nito.
And it meant she'd stop wearing their wedding ring, using his surname and would no longer have the right to meddle with his life in the least percentage she still had as of that moment. Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng kahungkagan sa kaisipang iyon. She'd get used to it, she told herself. She forged a reassuring smile and turned to him.
"Hindi ka ba natutuwa? You will be free," dagdag pa niya.
"Why are you so eager to have an annulment?"
"I am not eager. In case you have forgotten, it's been ten years, Lay Raven. Hindi mo ba naisip na panahon na para tuluyan nating tuldukan ang kung anumang namamagitan sa atin?"
"Kahit ano'ng gawin mo, hinding hindi na natin matutuldukan ang lahat ng namagitan sa ating dalawa. Hangga't mayroon si Crystal, hindi natin magagawa iyon."
"I know. P-pero paano kapag dumating ang araw na maisipan nating magpakasal ulit? Ikaw, wala ka na bang balak magkapamilya ulit? We are still young."
Magka-edad sila. Sa unibersidad sila nagkakilala noon. They were schoolmates. Whirlwind romance ang nangyari sa kanila. Pareho pa silang bata, parehong mapusok. Wala pa silang isang taong naging magkasintahan nang nabuntis siya nito. When she got pregnant, napilitan silang magpakasal. Parehong galing sa mayamang pamilya ang mga angkan nila.
They couldn't ruin their families' name. Noong una, naging masaya pa sila. She was so in love with him that she forgot how to say no. Lahat ng gusto nito, ginagawa niya. Dahil buntis siya ay pinatigil siya nito sa pag-aaral. Habang nasa eskwelahan ito ay nasa bahay lang siya at nag-aalaga sa anak nila. He wouldn't let her work. Kaya naman daw siya nitong buhayin.
As his loving wife, she obliged. Iyong naunang isang taon ng pagsasama nila ay masasabi niyang okay naman—pero hindi siya lubusang masaya dahil hindi niya kayang gawin ang mga gusto niyang gawin. She wanted to study again but he refused to let her do it.
Ilang beses nilang pinag-awayan ang kagustuhan niyang mag-aral noon. Tutol itong pag-aralin siya dahil ayon rito ay hindi naman na raw niya kailangang mag-aral ulit. Para saan pa daw ba iyon kung hindi rin naman siya nito papayagang magtrabaho? Doon lang daw siya sa bahay para alagaan ang anak nila at para asikasuhin ang mga gawaing bahay, just like what real wives do.
Doon nagsimula ang sigalot sa pagitan nila. Ayaw niyang maburo sa bahay nila ng walang ginagawa. She was too young back then. And she had dreams too. Marami rin siyang gustong gawin sa buhay niya. Mga bagay na ayaw nitong gawin niya dahil ayaw nitong maakusahan na pinababayaan siya. Mayroon pa itong insecurity na nararamdaman para sa daddy niya.
Tapos ay bigla na lang itong naging bugnutin sa kanila ni Crystal nang magsimulang malugi ang kumpanyang ipinatayo nito. And then he did the worse thing she never thought he would do to her. Sinisi siya nito kung bakit naging miserable ang buhay nito. Hindi siya nagalit ng matagal rito, but she was hurt—too hurt that she's started to drift away from him. Hanggang sa namalayan na lamang niya ang kanyang sariling hinihiling na makipaghiwalay rito.
"How about you? Gusto mo rin bang magkaroon ng pamilya?"
Napahawak siya sa kanyang sentido. Sinasabi na nga ba niya at hindi magiging madali ang pakikipag-usap niya rito. "Just sign the papers, okay?" nanghihinang sabi niya.
"Answer me," he demanded.
"I wanted to have my own family too. Sino ba'ng may gustong tumanda ng mag-isa?"
Natigilan ito. Why did she have to feel guilty after saying that? She looked away. "I am tired. I am very tired." Hindi niya alam kung para saan ang huling sinabi niya. Pagod ba siya dahil sa gulong ginawa ni Crystal o dahil sa sitwasyon nila?
Matagal bago ito nagsalita. They stayed quiet for a long time. Walang ni isa man sa kanila ang nagsalita. The silence was killing her. Nahiling niya na sana ay matapos na ang katahimikan. Bakit ba hindi na lang ito pumayag agad? Bakit pa siya nito pinahihirapan? Their relationship was getting nowhere—kung relasyon mang matatawag iyon. Matagal na silang hiwalay.
Ang gusto niya lang ay maging legal ang paghihiwalay nila. Magiging advantage pa nga iyon rito, diba? Magagawa na nitong maghanap ng babaeng papasa sa standards nito, ng babaeng hindi matigas ang ulo, emosyunal at handang sumunod sa lahat ng gusto nito, ng babaeng handang maburo sa bahay nito habang ito ay nagtratrabaho, ng babaeng mayroong mga magulang na hindi nito laging iisipin kasi naiinsecure ito. Ng babaeng hindi kaya niya.
"Yeah, we need to have our own family," mayamaya'y sang-ayon nito.
"S-so, you'll sign it?"
"In fact, I am thinking of taking care of the annulment myself."
Napakurap siya. Tama ba ang narinig niya? His smiling face said so. Damn but yes, he was smiling! And it tore her heart apart. Dapat ay masaya siya dahil hindi siya nahirapang himukin itong makipaghiwalay na ng legal sa kanya. She would be free soon. Pero bakit parang bumigat ang pakiramdam niya? Hindi ba't iyon naman ang gusto niya?
"R-really? That's a relief," she managed to say.
He didn't say a word. Mataman lang itong nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may gusto pa itong sabihin. Ayaw naman niyang magtanong. Tumayo siya matapos bistahan ang wall clock na nasa loob ng study room. It's eleven thirty in the evening.
"I guess it's time that you go home."
"Can I stay here?" Tumayo na rin ito. Nabigla siya sa tinuran nito. "I'm too tired to drive home. Baka makatulog pa ako sa daan. Ayaw na ayaw mo'ng nagda-drive ako ng pagod, diba?"
Yes, in fact, yun ang pinaka-ayaw niyang ginagawa nito. Kung tutuusin, dapat ay wala lang sa kanya kung doon man ito matulog. Hindi naman bago sa kanya iyon. She's stayed with him for two years before. Pero bakit ganon ang pakiramdam niya? She was acting as if she were a virgin!
Agad niyang kinastigo ang kanyang sarili. Nagkibit balikat siya at mabilis na tumalikod upang itago ang pamumula ng mukha niya. It's been ten years since she's shared one roof with him. Grabe! Isang bahay ang pagshe-share-an nila, hindi kwarto. Kung makapag-isip naman siya.
"S-sure," naiilang niyang sagot.
"Can you show me my room?"
Napalunok siya. There was something sexy about how he said it. Ikiniling niya ang kanyang ulo. If there was one thing she didn't need at that moment, it would be his flirting prowess. "N-nasa taas lang naman iyon. Iyon pinakadulong guest room na ang gamitin mo."
"Bakit ayaw mo akong samahan?" he asked in a sexy hoarse voice.
Nang lingunin niya ito ay tumambad sa kanya ang nang-aasar na ngisi nito. She nervously rolled her eyes. "Kasi kaya mo namang pumunta roon ng mag-isa."
"Bisita mo ako," giit nito.
"You are my ex-husband."
"I am still your husband," he glared.
Napasimangot siya. Ayaw na ayaw nitong natatawag na ex-husband o di kaya'y daing asawa niya. Katwiran nito ay hindi pa naman daw sila legal na hiwalay.
"You are my soon-to-be-ex-husband."
"Kapag hindi mo ako inihatid doon, hindi ako pipirma sa papers," banta nito.
"You are so childish," she sneered.
"And you're a chicken. Ayaw mo akong ihatid sa kwarto ko, why is that, Ruth? Is there something that I am missing here?" nanunuksong wika nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya. Instinctively, she stepped back. He chuckled. "W-what are you doing?" natatarantang asik niya.
"I don't know. Gusto ko lang masiguro kung tama ba ang iniisip ko."
He continued to stalk towards her, so she continued to step back. Hanggang sa masukol siya nito sa may pintuan. "Ano ba'ng iniisip mo?" natitilihang asik niya.
"It's been ten years, right?"
"Since our separation?"
"Since I've kissed you."
Mabilis niyang itinukod ang mga kamay niya sa dibdib nito. Oops, wrong move. Nang maramdaman niya kasi ang solido nitong dibdib ay tila mas lalo siyang nanghina. She caught her breath when she felt the throbbing of her left chest—kung saan naroroon iyong puso nito.
"Sampung taon na tayong hiwalay. But we still have it, don't we?"
"H-have what?"
"We can still feel it."
Umangat ang isang kamay nito. Dumapo iyon sa namumula niyang pisngi. She gasped at his touch. Pakiramdam niya ay nag-aalab iyon sa ibabaw ng balat niya. His sexy lips curved into a smile. He continued to caress her cheeks, she continued to stay breathless.
"F-feel what?"
"How come we still have the spark? At sa sampung taong paghihiwalay natin, pakiramdam ko ay mas lalo pang lumakas ang epekto niyon."
Iyon din ang tanong niya. It's been ten years! Bakit hindi pa rin nakakalimutan ng katawan niya ang reaksiyong para lamang sa bawat haplos nito? At bakit nito ginagawa iyon sa kanya?
"T-there's no spark," protesta niya.
"Yes there is. Should we fix about this spark before settling our annulment?"
She couldn't believe him. "T-this stupid spark won't stop our annulment," piksi niya. "Akala ko ba pumayag ka na? Bakit mo pa ginagawa ito?"
"I just wanted to prove a point. And I wanted to be sure myself."
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay mabilis na bumaba ang mukha nito palapit sa kanya. At bago pa man siya nakaiwas ay nasakop na ng mainit nitong mga labi ang mga labi niya. It was that same tender loving kiss he used to give her ten years ago. Awtomatikong naipikit niya ang mga mata niya. She savored the moment and after a few seconds, finally decided to kiss him back.
"It's as sweet as ever, sweetheart."
Tulalang napatitig siya sa nakangiting mukha nito matapos nitong tapusin ang makapugto hiningang halik nila. He leaned for a quick kiss before leaving her baffled in that quiet room. Hinihingal na napahawak siya sa kanyang mga labi. D-did they just kiss?
Oh hell they did! And she freaking liked it!