webnovel

Napakasarap Sa Pakiramdam Kapag Sinasamba Ka

"Wala ka namang ibang schedules sa ngayon kaya magpahinga ka na muna sa bahay ninyo at tingnan mo na lang ang mga scripts na ito."

Inihagis ni Yu Minmin sa kanya ang ilang mga scripts. Habang nakatingin sa mga iyon, mahinang nagtanong si Lin Che, "Ano'ng mga 'to?"

Sumagot si Yu Minmin, "Iyan ay mga roles na inaasahan naming tatanggapin mo. Naghahanap pa kami ng iba pa. Tingnan mo na muna ang mga iyan at kung may nagustuhan ka, sabihan mo lang ako kaagad."

"Wow, napakadami naman ng mga ito!" Hindi makapaniwalang sabi ni Lin Che.

Ngumiti si Yu Minmin bago sumagot, "Hindi pa nga kumpleto ang mga iyan eh. Iyang mga pinili namin para sa'yo ay ang mga top female lead roles. Magaganda ang lahat ng iyan."

"Top female lead?"

"Oo. Hindi na ako tatanggap ng kahit anong supporting roles para sa'yo. Unang hakbang lang iyang supporting role na iyan. Ngayon ay panahon na para sa susunod na step, iyan ay ang gawin kang bida sa isang drama at para lalo kang mag-shine. Kaya, mahalaga ang mga scripts na iyan. Pagbutihin mo ang pagpili."

Sabay nang naglakad ang dalawa. At biglang tumunog ang cellphone ni Yu Minmin.

Tiningnan ni Yu Minmin ang numero at biglang nag-iba ang kanyang ekspresyon. Tumigil muna siya para ngumiti kay Lin Che at naunang naglakad para sagutin ang tawag.

"Papa, ano'ng problema?"

"Anak, mabait kong anak. Nagdesisyon na akong magbagong buhay. Sa loob ng napakahabang panahon ay binigo ko kayo. Hinayaan ko kayo ng kapatid mo na magdusa. Titigil na ako sa pagsusugal simula ngayon."

Matamang nakikinig lamang si Yu MInmin sa seryosong pagdadrama ng nasa kabilang linya at bahagyang ngumiti. "Sabihin mo sa'kin. Magkano na naman ba ang natalo mo ngayon? Magkano ba ang kailangan mo?"

"Hindi naman kalakihan… Promise, hindi ito masiyadong malaki. Naloko ako ngayon. Sa huli naming laro ay…"

"Hindi ako interesado sa mga kwento mo. Sabihin mo na lang kaagad ang resulta. Magkano ba ang utang mo ngayon?"

"Tatlumpung libo…"

"Tatlumpung libo… Papa, ilang buwan kong sahod iyan!"

"Anak ko. Ikaw lang ang inaasahan ng Papa mo. Kailangan mo akong tulungan. Dahil kung hindi, gagamitin nila ang Mama mo para pagbayarin ng utang ko."

"Ano…" Huminga muna nang malalim si Yu Minmin. "Para kay Mama. Papa, ginagawa ko lang ito para kay Mama at sa kapatid ko. Pwede ba, hayaan mo na silang dalawa? Pwede bang makipag-divorce ka nalang kay Mama?"

"Ano… Anak pa ba kita?"

Pinatay na ni Yu Minmin ang tawag. Nang makabalik siya ay napansin ni Lin Che na mukha siyang aburido. Tinanong siya nito, "Miss Yu, okay ka lang?"

Ngumiti lang si Yu Minmin. "Okay lang ako. May personal na bagay lang akong kailangang asikasuhin. Umuwi ka na at pag-aralan ang mga scripts. Hindi na kita maihahatid."

Sumang-ayon na lang din si Lin Che. "Miss Yu, pakiramdam ko minsan ay napaka-misteryoso mo."

"Ano?" Tumawa si Yu Minmin.

Lin Che: "Matagal na tayong magkasama sa trabaho pero ni minsan ay hindi pa kita narinig na nagkwento tungkol sa pamilya mo o kahit ang personal mong buhay. Halos lahat ay sinasabi na masiyado kang workaholic."

Tiningnan lang ni Yu MInmin si Lin Che. "At wala din akong pinagsabihan na magkapatid kayo ni Lin Li at isa kang anak ng Pamilyang Lin."

Nataranta naman si Lin Che at mabilis na tumawa nang pilit. "Eh hindi naman na kailangan pang pag-usapan iyan. Wala rin namang pakinabang. Mas makabubuti kung magpakatatag nalang ako para sa sarili ko at umiwas nalang sa mga taong iyon pati na rin sa nakaraan ko."

Sumagot naman si Yu MInmin, "At iyan ang dahilan kung bakit gusto kita; hindi ka nagtatanim ng galit. Tama nga iyang sinabi mo. Walang silbi kung pag-uusapan pa ang tungkol sa bagay na iyan kaya ganoon din ako. Tandaan mo, hindi tumatanggap ng kamalian ang lipunang ito. Hindi ko gustong pasanin ng ibang tao ang anumang bagay na kaya kong dalhin. Ayokong dagdagan pa ang mga problemang dinadala ng ibang tao. At ayoko na ring dagdagan pa ang hapdi sa mga sugat ko…"

Iwinasiwas na ni Yu Minmin ang kamay dahil dumating na ang sasakyang susundo kay Lin Che.

Tumalikod na si Lin Che at tiningnan si Yu Minmin. Naglalakad ito pabalik sa building. Napakalungkot tingnan nito habang nakatalikod gayong lagi itong nagkukunwaring malakas sa harap ng ibang tao.

Umuwi si Lin Che na bitbit ang mga scripts.

Napansin naman ni Gu Jingze na may mga dala si Lin Che kaya inutusan niya ang isang katulong na tulungan siya.

"Ano ang mga iyan?" Tanong ni Gu Jingze.

Sagot ni Lin Che, "Pinapapili ako ng kompanya ng mga scripts na gusto ko."

Agad namang kumuha si Gu Jingze ng isa. Ang pamagat ay 'Golden Affections'.

Ang pangit ng pamagat.

Umupo si Lin Che sa sofa at ipinatong ang mga scripts sa mesa, at kaswal na binuksan ang mga iyon.

Umupo rin si Gu Jingze sa kabilang sofa at kumuha rin ng ilang scripts.

"Tutulungan kitang pumili." Alok ni Gu Jingze. "Pwede kang pumili kahit alin sa mga ito?"

"Oo."

Tahimik na tiningnan siya ni Lin Che. "Alam mo ba kung ano ang titingnan mo sa mga ito?"

Gu Jingze: "Myroon akong Master's Degree mula sa McGill College."

". . ."

Lin Che: "Magkaiba ang Literature at Acting!"

Gu Jingze: "Pero pareho silang Sining; tiyak na may pagkakatulad lang silang dalawa."

Kinuha ni Lin Che ang mga scripts at curious na tiningnan si Gu Jingze. "Pero bakit ang isang negosyanteng tulad mo ay magkakainteres na mag-aral ng Literature?"

Sumagot si Gu Jingze nang hindi tumitingin sa kanya, "Mayroon din akong Ph.D. mula sa Harvard Business School, isang Master's Degree mula sa Yale School of Psychology and Law, at nag-aral din ako ng Management and Economics sa MIT. Medyo nakakadismaya lang kasi kinulang na ako ng panahon kaya Bachelor's Degree lang ang natapos ko."

". .. "

Itinaas ni Lin Che ang dalawang kamay at ang mukha niya'y puno ng paghanga. "Oh, isa ka palang Philomath! Hayaan mo akong sambahin ka!"

Napatingin sa kanya si Gu Jingze. "Philomath?"

"Iyan ang tawag sa taong mahilig mag-aral."

Gu Jingze: "Ah ganoon ba."

Curious na nagtanong si Lin Che, "Pero paano mo nagawang makapagtapos nang ganoon karaming degree gayong napakaliit lang ng panahon mo? Hindi ba't 4 years ang kailangang tapusin sa isang University? Paano mo nagawa ang lahat ng iyon?"

Gu Jingze: "Hindi mo ba alam? May ilang university na pinapayagan ang isang estudyante na mag-enroll sa mahigit isang course nang sabay-sabay?"

"Pero ano'ng pakinabang naman kung marami kang natapos?"

"Ang lahat ng bagay ay may pakinabang. Mas mabuti kung marami kang nalalaman."

"Hindi ko maintindihan…"

"Malamang, dahil sa kakayahan ng iyong utak. Hindi mo talaga maiintindihan."

"Hoy, Gu Jingze! Nagtapos din ako sa isang university!"

"Nagtapos ka sa isang university?" Hindi makapaniwala si Gu Jingze.

Lin Che: "Hindi ba't sinabi mo dati na pinaimbestigahan mo muna ang background ko bago tayo nagpakasal?"

"Hindi na sinabi pa sa akin ng assistants ko ang ganyang walang halagang impormasyon."

". . ." Ibig bang sabihin nito ay walang halaga ang kanyang pinag-aralan?

Naiinis na sinabi ni Lin Che, "Nagtapos ako sa isang theatre school! In demand din naman ang major na iyan ah!"

"Oh, talaga?" Tumaas ang kilay ni Gu Jingze.

Medyo na-guilty si Lin Che. "Siyempre nakapagtapos ako!"

"Talaga? So, magkano ba ang iyong scholarship worth?"

Lalong na-guilty si Lin Che. Napalabi siya at nag-isip ng pwedeng isagot.

Ngumiti lang si Gu Jingze at sinabi, "Mukhang hindi ka yata nakapasa."

"No way! Ang graduation score ko ay 61 points. Pasado pa din iyon!"

Napakunot ang noo ni Gu Jingze. "61 points… Lin Che, napaka-bobo mo naman bilang estudyante."

". . ." Ilang sandali muna ang nagdaan bago narealize ni Lin Che na pinagtitripan lang siya ni Gu Jingze.

"Mapagsamantalang negosyante ka talaga kahit kailan!"

"Hindi ba't mahilig ka naman sa mapagsamantalang negosyante katulad ko?" Lumapit sa kanya si Gu Jingze at binalak na kurutin ang kanyang mukha.

Ang totoo ay hindi niya naman talaga hinahamak ang mga marka nito. Sadyang natutuwa lang siya kapag naiinis ito.

Kakaibang kasiyahan ang naidudulot sa kanya kapag nakikita niya ang napipikon nitong mukha. Gumagaan ang kaniyang pakiramdam lalo.

Next chapter