webnovel

Chapter 25

Lyn's PoV

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag jogging. Nang maka baba ako ay itinanong ko sila. "Where's the other's?"

"Ma'am nasa trabaho po sila, kailangan daw po kasi kaya wala po silang magawa. Pasensya na po ma'am, yung kapatid nyo po ay tulog pa." Tumango na lamang ako at kinuha si Percy sa kanyang kulungan ay agad itinali ito.

"I will be back." Hindi ko na hinintay at agad na akong lumabas nang gate. Gamit ang malambot kong rubber shoes ay naglakad lakad na muna ako bago bumilis nang kaunti.

Nang matapos ay dumeretso na ako pauwi, ngunit tumigil kaming dalawa ni Percy dahil sa asong mukhang nakawala sa amo nito. Tinatahulan ito ni Percy at gusto nitong lumapit ngunit pinipigilan ko.

Mas nagwala ito kaya naman nadala na ako.

"Aish!" Asik ko sa sarili. "Kaninong amo kaba at pinababayaan kana lang maka wala?" Pagsusungit ko sa magandang aso at mukhang babae pa.

Tumungo ako at napa upo upang maabot ang magandang aso. Same shi tzu huh? Wala sa sariling napangisi ako ngunit nang may nakita akong pares na sapatos ay dahan dahan ko itong nilingon.

Parehas kaming nagulat dalawa ngunit agad ring natauhan.

"Clin"

"Lyn."

"Kamusta?" Sambit nito habang may ngiti sa kanyang labi.

"Ayos naman."

"Let's go to my home?" Yaya nito sa akin na ikinagulat ko pa ngunit pumayag na rin ako.

Isinuway ko ang utos nila na huwag na munang lumabas. Subdivision naman ang bahay namin at alam kong mahigpit dito kung kaya naman safe pa rin kami.

Kinuha na nya ang magandang aso at binuhat ito. "Alaga mo?" Biglaang tanong ko.

"Yup, naka wala e." Ngisi nito at pinag taasan ko naman siya nang kilay.

"Hindi yan makaka wala kung hinigpitan mo ang kapit nang tali sa kanya." Natigilan ito sa sinabi ko ngunit tumawa na lang siya at hindi namin napansin na nasa tapat na kami nang bahay nila.

Nagulat kami nang may naka abang sa pinto. Nginitian at kinindatan ko si Israel na para bang walang nangyari kahapon.

"Good morning, My Nerd." Kindat ko dito at nilagpasan siya dahil dere deretso akong pumasok sa kanila.

Narinig ko pa ang halakhak nang kambal nito at sumunod na rin sa akin papuntang dining kitchen.

"Woah, sinong nagluluto sa inyo?" Sambit ko kay Clin ngunit hindi siya ang sumagot.

"Ako."Seryosong sambit nya na ikinangiti ko naman.

"Awesome, you can cook huh?" Pang aasar ko na ikina init nang ulo nito.

"What are you doing here?" Masungit na sambit nya.

"I am here because you're here." Pamimilosopo ko at umupo na.

"Dahil dito ako naka tira." Padabog naman siyang umupo at katabi ko naman ang kambal nito.

"Ano ba? Umagang umaga ang init nang ulo mo."

"Dahil panira ka nang araw ko." Nagugulat ko siyang nilingon

"What?!" Asik ko at parang tila bang nabingi siya sa sigaw kong iyon.

"Nasa harap tayo nang pagkain, mamaya na kayo magtalo." Natahimik naman kami ni Israel dahil sa sinambit nang kambal nito at nagsimula na kaming kumain.

Next chapter