webnovel

Chapter 27: Curiosity

[Pey Morales]

"Boring." Tinaasan ko ng kilay si Caden. "Kung ayaw mo edi umalis ka." Bwisit na lalaki ito. Kakapayag niya lang kahapon sabi niya bored siya tapos ang lakas niyang magreklamo?

Kasabay ng pag-irap ko ang pagdating nina Airish, Venice, Asylum at Kaijin. "Kala ko ba si Airish?" Talagang mahilig mang-asar ang kupal na ito noh?

"Issue." Sabay higab ni Caden. Bakit ba napakacold nitong hinayupak na ito?

"By the way, Caden, your mom called me yesterday. Hindi ka daw pumunta sa opisina. Sa'n ka ba nagpunta kahapon?"

"Dahil may isang babaeng NAHIMATAY sa harapan ko." Kasalanan ko bang mainit kahapon? "Nahimatay ka?" I look at Airish as she directly looks at my eyes.

"Hindi ako sanay sa init." Ngumiti siya sakin habang hinawakan ang pisngi ko. "Just take care of yourself ok?" Bakit ba hindi ko mabasa ang galaw ng babaeng ito? Ibang-iba siya sa lahat ng nakilala ko. Gustuhin ko mang abutin ang estado niya ay mukhang hindi ko parin maabot ang mithiing 'yon. Kung titignan ay nagiging trying hard ako para lang maging kaibigan ang isang LAXAMANA.

"Tara na." Ramdam ko ang malamig na titig ni Kaijin. Huwag mong sabihing pati ako pinagseselosan niya—

Napatingin ako kay Caden. Tila ba isang DEMONYONG nakangisi ang lalaking ito habang masama siyang tinitignan ni Kaijin. May problema ba sa kanilang dalawa?

"Pey?" Binalik ko ang tingin kay Airish. "Mainit na dito." Sambit ko.

Lahat kami ay pumasok sa kotseng ipinahiram sakin ni Mama.

Nakakainggit lang dahil lahat sila ay nakakapagmaneho na. Mukhang ako lang ang napag-iiwan.

"Hoy Bansot umusod ka nga." Napatingin ako kay Caiden na dinikdik si Kaijin sa gilid. "Sorry, medyo masikip..." Ang lakas pa ng loob kong mag-aya tapos magsisiksikan lang pala kami.

"Ayos lang." Ngiti ni Venice. "We can just ride on my limou once we go home." In terms of rankings...

Alam kong hindi ako kalebel ng mga kaibigan ko... Pero ang tanong... kung itinuturing nila ba talaga akong kaibigan.

Nang makarating kami ng Mall ay bumaba na kami. Kinuha ni Airish ang cellphone niya habang may tinawagan.

"Kamusta Practice?" Nakangiti kong tanong kina Kaijin. "Pasakit ang animal na 'yan." Walang pakundangang sambit ni Asylum habang tinuturo si Caden.

"Kasalanan ko bang mahina ang katawan mo?"

"Tangina, pangmodel ako hindi pang-acrobatics." Natawa naman kami ni Venice. Sa totoo lang ay totoong maganda ang pigura ng katawan ni Asylum. Pero sa kanilang tatlo aaminin kong si Caden ang pinaka may magandang pigura. Yung tipong pang dancer talaga.

Pero kung itsura ang pag-uusapan mas boto ako kay Kaijin. Pakboy ehh hahahahaha!

"Let's go." Napatingin kami kay Airish na nauna nang lumakad. Para bang biglang nabadmood sa hindi malamang dahilan.

"Puntahan mo." Tinulak ni Asylum si Kaijin at ang kupal natuwa pa. "Wala na. Tinamaan na hahahaha." Sana ako rin may lablayp :'<

"Move, Childish girl." Bakit ba ang sungit nitong lalaking ito?! Papatulan ko ito pigilan niyo ko! Nanggigil ako sa hayop na ito!

"Let him be. He's always cold towards me either. He only looks at Airish anyway." Sabay buntong hininga ni Venice.

"Halata ko na 'yon." And yet hindi ko magawang hindi pansinin si Caden. After all, I'm proud to be a Daldalera.

"So he likes Airish?" Tanong ni Asylum habang naglalakad kami.

"He trust her more than he trust his own family. But it doesn't mean that he likes her. It's just, he's more comfortable when he's with her. Siguro dahil na rin 'yon sa koneksyon ng pamilya ni Caden sa kompanya ng mga Laxamana." Napatango ako. Pero si Airish kaya? Ano ba talagang nararamdaman niya para kay Caiden at Kaijin?

"I heard may ex daw si Airish na isang babae." Kumunot ang noo ko. "Babae?" Sa ganda ni Airish may ex siyang babae?

"Kanino mo naman nalaman ang bagay na 'yan?" Kunot-noong tanong ni Venice. "I just heard it from Kaijin."

"That Jerk..."

"So totoo nga?"

"I'm not in the right place to reveal that. Pero totoo. May ex si Airish."

"Bakit babae?" Napatingin sakin si Venice. "She maybe a girl but her heart still shouts for another girl."

"Don't tell me nafall ka na kay Airish?" Nauna namang maglakad samin si Venice bago siya tumingin samin. "Hindi naman maiiwasan ang gano'ng klaseng bagay diba?" Nakita ko ang gulat sa mukha ni Asylum.

"No way! Babae ka! Tangina, sayang ka!" Napairap naman ako. Grabe ang bibig ni Asylum.

"But I control it now. Straight na ako." Asylum formed a smirk on his lips.

"Sige nga kiss moko kung straight ka." Seeing this two wants me to have an EFFIN LOVELIFE!!! :< BAKIT NAPAG-IIWAN LAGI AKO :'<

"Kiss are meant to give on a SPECIAL PERSON. And that special person is not you." Burned Asylum! Kainin ka na sana ng lupa!

"I may not be your special man now, but I'll be YOUR MAN LATER." Yucks. Baduy.

"Sorry Mr. Asuncion. My heart belongs to myself."

"Hands up." Tawang sambit ni Asylum. "Come on, Zombie walkers." Inirapan ko si Caden.

"Patawa ka?" Sapakin ko ito ehh.

"I heard you talking on Airish back." Sabay tingin niya kay Venice.

"You don't want to wake her up right?" Well, everyone has it's own side. Kahit ako mayroong side. Front side and back side. Right side and left side. Pero kita ko ang biglang pagpapawis ni Venice. Bakit mukhang takot na takot siya?

"I suggest that you STOP talking and move forward." Tumigil kami sa pag-uusap at lumakad na.

Una kaming huminto sa isang Teddy Bear Area. "Airish look!"

Nakangiti kong turo sa kanya ang isang kulay pink na Hello Kitty. Ngumiti naman siya sakin. "Do you like that character?" I smiles. Sa totoo lang ay paborito ko talaga ang Hello Kitty. Ang cute kaya niya.

"I'll buy it for you." Ngumiti ako. Papayag na sana ako ng maalala ko nanaman ang sinabi ng ate ni Airish.

I stop for a while I released a heavy sigh.

"Hindi na." Ayokong isipin niya na isa akong gold digger.

"Airish! Ang cute oh!" Napatingin si Airish kay Venice habang itinuturo nito ang isang Cute na Panda.

"Gusto mo?" Natigilan ako.

"Libre mo?"

"Sure. Take it." Ako rin gusto ko ng Hello Kitty :'< Masyado ba akong nag-iisip ng negative? Nag-inarte pa ako...

"Pey?" Napatingin sakin sina Kaijin. Nakita ko rin ang pagtingin sakin ni Airish. Hindi ko namalayang nakahawak na pala ako sa braso niya.

"May problema ba?" Tumingin din sakin si Venice. "Na out of balance ako hehe." Sinungaling! :'<

"Feeling dizzy?" Sabay alalay sakin ni Caden para umayos ng tayo. Ayos ah, may pag-alaga rin pala ang lalaking ito.

"Ayos na ako." Hinawakan ni Venice ang kamay ko habang ngumiti.

"I guess you're just hungry, kumain muna tayo pagkatapos nito." I'm overthinking things again. And I hate it...

"Is something bothering on you?" Kaijin asked out of a sudden.

"Naout of balance lang ako. Nothing serious." Bumalik ako ng tingin sa cashier kung saan binabayaran ni Airish ang Panda ni Venice.

Nauna na akong lumabas tutal mukhang wala rin akong mapapala. Mag-iisip lang ako ng mag-iisip hanggang sa lamunin nanaman ako ng kuryosidad.

"Let's go!" Sigaw ni Venice habang yakap-yakap ang panda niya. My stomach gone wild when I saw a cute hello kitty on Airish hands. "Binili parin kita. Not your human size type but—" Without a second doubt, kinuha ko iyon at mahigpit na niyakap.

"Thank you."

"Tsk, Childish." Pakihanap nga kung nasaan ang paki ko dito sa lalaking ito.

"Palibhasa ikaw walang gift." Napahinto si Caden so i stick my tongue out. Nakita ko naman ang pagyuko niya bago nauna sakin. 'Ang weird talaga ng lalaking ito.'

Kumain kami sa isang resto. Halos lumabas na nga sa bibig ni Asylum ang kinakain niya dahil sa kakatawa.

"Asylum umayos ka nga!" Pilit na nilalayo ni Venice ang panda niya kay Asylum dahil mamuntikan ng tumapon ang pagkain sa pandang hawak niya.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami ng Arcade. Aaminin kong masaya sila kasama. Pero talagang may kakaiba sa galaw ni Caden.

Para bang pinagsisiksikan niya ang sarili niya sa relasyon nila Kaijin at Airish. It was like those two boys are talking just by the electric in their eyes.

Halata ko naman na may gusto ang ugok na ito kay Airish pero parang hindi tumatakbo ang bagay na iniisip ko...

There's more into it...

Caden's eyes were too annoyed and worried at the same time. Alam kong may iba pa sa tingin na ito... Pero ano iyon?

"Kung ano man 'yang iniisip mo better erased it." Nabigla naman ako sa biglaang pagsulpot ni Venice sa tagiliran ko.

Tumayo ang balahibo ko ng makaramdam ako ng lamig sa buong katawan ko.

"Caden does have a feelings for Airish... But not in the way that you think." Napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

"It means—"

"Girls talk?" Tumingin kami kay Asylum. "Panira ka alam mo 'yon?" Sabay irap ko sa kanya. Nasa magandang part na ng pagsasalita si Venice tapos puputulin niyang gunggong siya?!

"Bakit ano na bang pinag-uusapan niyo?" Tila ba demonyong ngumisi si Asylum kaya pinaghahampas namin siya gamit ang stuff toys namin.

"Ang pakboy mo talaga." Naiiritang wika ni Venice. Kung titignan, mas mukha pa ngang desente si Asylum kaysa sa Stepbrother ko. Babakla-bakla kasi 'yon daig pa 'ko. But good thing, he's getting straight now kaso mataray parin pero pag tinarayan siya ng girlfriend niya hindi na makaimik.

-

Sa kalagitnaan naman ng pag-aarcade namin ay saktong pagtunog ng phone ko.

It was Ate Lisa. Ano kayang nangyari?

"Hello bebe girl?" She's treating me like a child again! Calling me bebe girl Hmpft!

"Ate naman ehh!" Nakanguso kong sigaw.

"Hehehe kasama mo ba 'yong bakla kong jowa?" Kumunot ang noo ko.

"Ang sabi niya kasama ka daw niya." Hindi naman siguro magloloko si Kuya. May pagkabakla 'yon ehh.

"Huh? I was with Sarah all this time. Teka nga, Hindi niya ba alam kung anong araw ngayon? Monthsary namin ngayon. Where could he be—"

"I'm right here." Ang boses na 'yon....

"Babe? Anong—"

"Happy Monthsary." Ohh diba, he's getting straight na konting kembot nalang lalaki na ulit siya.

"Told you Ate. Just trust in my Kuya. Sige na ate, ENJOY!" Masaya kong pinatay ang telepono.

"Hey Miss, mag-isa kalang ba?" Kinabahan ako bigla at nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit pinapalibutan ako ng grupo ng mga panget na ito?

"Step back." Napatingin ako kay Airish. "Another chickababe." Pero bago pa mahawakan ng panget ang braso ni Airish ay pinilipit nito ang braso ng lalaki kasabay nito ang pagpunta nina Kaijin.

"GO AWAY." Umatras ang mga lalaki sa sinambit ni Caiden. Matapos mamilipit sa sakit ay binitawan ni Airish ang braso ng panget kasabay ng biglang pagtakbo ng lalaki.

"Uuwi na tayo." Ngumiti si Airish at nawala ang itim na aura na kaninang pumapalibot sa kanya.

Sa kanilang tatlo....

Aaminin kong mas natakot ako sa tingin ni Airish....

"You don't want to wake her right?"

Sa sinambit kanina ni Caden... Ano bang ibig niyang sabihin sa bagay na 'yon?

Next chapter