webnovel

Chapter 13: Beauty but a Beast

Pa sikat palang ang araw at nasa isang kagubabatan sila Ramon ngayon. May isang tent dito kung saan nakahiga si Marvin at nagpapahinga dahil nawalan ito ng malay kanina. Nasa labas naman si mang Ramon at nag luluto ng sabawang karne ng isang hayop. Makikita sa kaniyang mukha ang pag aalala sa di malamang dahilan.

"Di pa niya kailangang malaman, pero… na kokonsyensya na ako… hay pero di pa oras…"

"Sinong may kailangan mang Ramon."

Nagulat si mang Ramon sa biglang pagsasalatia ni Marvin pero hindi niya pinahalata. Tuluyan namang lumabas si Marvin sa tent at umupo sa tapat ni Ramon.

"Hmm maayos na ba ang pakiramdam mo bata? Siya nga pala alam kong may mga tanong ka sasagutin ko."

"Maayos na ako mang Ramon… ahh ikaw talagang matanda ka tiningnan mo na naman ala ala kooo… hmm alam mo naman siguro na kaya ko na din yung skill nay un pero di ako tulad mo na tumitingin nalang basta basta… Yung sa tungkol naman sa sinasabi mo… Ano naman kung may relasyon kayo ni Lady Justice? Buhay mo naman yan wala naman akong mapapala. Tsaka hoooy nasan na yung pinangako mong astig na itim na apoy!!!"

"Hahaha oo na pero maya maya na kain muna tayo hahaha."

Nabukas ng portal si mang Ramon malapit sa hita ni Marvin at lumabas dito ang dalawang kahoy na mangkok at dalawang kahoy na kutsara. Nagulat si Marvin pero nasanay na siya sa matanda na ito. Tumayo ito at ibinigay kay mang Ramon ang isang mangkok at isang kutsara. Habang sinasalinan naman ni mang Ramon ang mangkok ni Marvin ay nag salita ito.

"haay… Kababata ko siya."

"Ha sino? Ahh si Lady Justice siya nga pala bakit parang wala ng balita sa palasyo ngayon?"

"Medyo maselan tong sasabihin ko sayo bata pero may tiwala naman ako sayo…"

Umupo ulit si Marvin at sinalinan din ni mang Ramon ang kanyang mangkok tapos umupo.

"Yung nakita mong bugbog na itsura niya sa panaginip mo… totoo yun labing walong taon na ang nakalipas misteryoso siyang nawala… yun ang sa..."

"Haa? Labing walong taon? Labing walong taon ng walang namumuno sa atin kaya pala inatake tayo ng mga walang hiyang mga minotour na yun… aray aray init "

Napatayo si Marvin at muntik ng matapon ang kanyang sabaw.

"Hahaha tuluyan mo nan gang na control ang dark magic mo bata maganda yan… wag kang mag alala ang ministro ng kayamanan ang nagpapatakbo ngayon at isang mapagkakatiwalaang kaibigan."

"Siya nga pala mang ramon na banggit mo na nga… duon sa ala ala na binigay ni lady Justice ikaw ang naatasan na magbantay sa kanya pano nangyari yun? Nagtataka lang ako kasi… walang samaan ng loob ahh… medyo may kulig lig ka kasi sa utak ihh"

Slup

"ahh sarap… yun ba?"

Ang dating masayahing mukha ni mang Ramon ay napalitan ng lungkot. Napansin ito ni Marvin at napansin niya din na napangiti ng mapait si mang Ramon.

"Hmm kababata ko yun… Sya din unang tumawag sakin ng Ramon mahirap daw kasi sabihin ng maayos yung Reymund hahaha. Papa huli ba ako mahirap din kaya bigkasin yung Justice kaya pag kami lang dalawa Tes ang tawag ko sa kanya."

Isang Dark elf ang nanay ko at isang Wizard ang tatay ko. Sampung taon palang ako ng mawala ang tatay ko pero madami dami din siyang naituro sakin. Hindi nga lang sa magic. Kung baliw ang tingin mo sakin mas baliw ang tatay ko. Hahaha alam mo ba yung isa sa mga tinuro nya sakin?

"Hanggat may butas pasukan mo"

Bastos kung pakikinggan mo pero, ilang beses na ako naligtas ng kataga na yan. Di ko sasabihin ibig sabihin nyan syempre. Isipin mong mabuti. Ang nanay ko naman sabi niya simula ng makalakad ako tinuturuan na niya ako sa pag papalakas ng katawan… Medyo nag aaway sila ng tatay ko pag nasosobrahan ako sa pagtraining hahaha. Isang araw pumunta ako magisa sa kagubatan malapit sa teritoryo ng mga elf. Pero nung mga panahon na iyon di ko alam pinili ko lang yung lugar na iyon kasi masarap ang simoy ng hangin. Sakto dahil mag sasanay ako ng mga sandata. Inatake ko ang mga puno at isa isang natumba. Kaso sa isang atake nagkamali ako at lubha akong nasugatan. Hanggang isang batang elf ang Tumulong saakin.

"Hooy ikaw ba yung nang gugulo sa teritoryo namin magbabayad ka"

"ahh… t..tulong"

Nawalan ng malay si Ramon at bumagsak nagulat naman ang batang elf dahil ngayon niya lang nakita ang isang espada nan aka tusok sa tiyan nito.

"Isa kang dark elf.. hindi half breed ka.."

Ginamot niya ako hanggang sa araw araw na ako nanduon sa kagubatan na binabantayan niya lagi kong sinasak sak sarili ko para magamot niya ulit hihihi.

"Alam mo mang ramon… BALIW KA TAAALAAAAGAAA!!"

"HAHAHA.. ano maggawa mo pumapag ibig ihh… Hanggang sa lumaki kami alam naman namin na may gusto kami sa isat isa pero di kasi kami pwede. Nalaman ko na siya ang susunod na Reyna. Alam mo ba bata na hindi pwede mag asawa ang mga may light magic. Dahil kung makikipagtalik sila ay mawawala ang kanilang kapangyarihan. Kaya yun si Kris kung hindi makaka hanap ng kapalit yun di niya mapapakasalan ang sekretarya niya. Pero alam mo ba bata kahit na hindi ko siya pwede pakasalan humanap parin ako ng paraan para makasama ko siya. Kaya pumasok ako sa military at pinag butihan, buti nalang dark elf nanay ko hahaha medyo sanay na ako sa pakikipaglaban. Araw araw ako binubug bug nun ihh. Kaya yun naging Body guard niya ako."

"Ohh kaya pala pero mang Ramon kung body guard ka niya… De alam mo kung ano totoong nangyari sa kanya?"

Napa yuko si mang ramon at napa buntong hininga.

"Hay alam ko bata pero hindi pa panahon para malaman mo… hanggang dito nalang muna. Ah sya nga pala ang pag activate ng iyong black flame ay katulad lang din ng pag activate ng iyong aura. Sa ngayon dahil kaya mo ng ma control ang aura mo. Imagine mo lang nag apoy yung kamay mo. Tsaka nga pala ito… "

Nilabas ni mang ramon ang isang kahon na may dalawang dagger sa loob. Isang kulay itim at pulang dagger at isang puti at pula na dager. Sa kabilang banda naman sa isang kastilyo may dalawang anino na makikita. Nagsalita ang isang anino na nasa trono at boses lalaki ito.

"Umpisa na para kumilos… magtungo ka sa anak ng hustisya aking alagad… alam mo na kung ano ang gagawin mo."

Sumagot naman ang naka luhod na anino

"Masusunod po mahal na pinuno."

Next chapter