webnovel

CHAPTER 7

KYLINE'S POV

"Ate Ronna!"

Tawag ko sa kaniya nang mahagip siya ng mga mata ko na nakatayo malapit sa may posteng pinalibutan ng mga balloons. Tsaka ko siya kinawayan. Napansin naman niya agad ako at napapangiting napatingin sa akin habang kumakaway rin.

Lumapit agad ako sa kaniya at bineso siya bitbit pa rin ang dala kong paper bag.

"It's good that you have made your way here to attend the event Kyline, dear."

"Yeah siyempre naman ate Ronna. Hinding-hindi ko palalampasin ang ganitong event."

Nginitian ko ulit siya.

"Oh.. May kasama ka pala Kyline. Would you mind introducing her?"

Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niyang yun. Nakita ko ang paggalaw ng mga mata niya mula sa pagkakatingin sa akin hanggang dun sa kaliwang side ko kaya naman napalingon na rin ako sa gilid upang tingnan kung sino ang tinutukoy niya.

"Ah.. He..hehe.. By the way ate Ronna, this.. this is ate Menggay. My.. big sister."

Nauutal ko pang pagpapakilala sa kaniya.

OMG! Nakalimutan ko palang may kasama ako dito. Nawala kasi talaga siya sa isip ko kanina nung makita ko si ate Ronna. Dahil na rin siguro sa sobrang excitement na nafi-feel ko kanina nung makita ko siya.

"Hi! I'm Maine Mendoza. Nice meeting you."

"Hello! Ronna.. Ronna Ortiz. Nice meeting you too, Maine."

Pinanood ko lang ang mga kamay nila habang nakikipag-shake hands sa isa't isa. Nakita ko pa ang pagngingitian nilang dalawa.

"Oh, pasok na tayo sa loob?"

Rinig kong tanong ni ate Ronna kaya bumalik na ng isip ko sa reyalidad.

"Sure.. Sure!"

Wala sa sariling sagot ko at napasunod na lang kami ni ate Menggay sa kaniya papasok.

Bahagya pa akong napasulyap kay ate Menggay pero diretso lang siyang nakatingin sa mga taong nadadaanan at nakakasalubong namin papasok.

Hindi man lang ako nililingon. Tsh! Selosang ulirang kapatid talaga! Haha.

Ilang saglit pa ay may natatanaw akong isa pang pintuan na nakabukas ang pinaglalabas-pasukan ng mga tao. Ngunit bigla kaming napahinto nang may sumalubong sa amin at nakipag-usap pa kay ate Ronna.

Ilang sandali pa ay humaharap siya sa amin at ngumiti.

"Sila nga pala ang na-mention ko sa inyo. This is Kyline Alcantara, the girl I met in Ayala and with her is Maine Mendoza, her sister."

Ngumiti kami ni ate Menggay sa kanilang dalawa na nasa harap namin.

"Kyline, Maine, I want you to meet ate Myla, our head in Alden Knights Fan Club, and our P. I. O., si ate KC."

Nakipag-shake hands naman kami sa kanila habang nakangiti rin silang nakikipagkamayan sa amin ni ate Menggay.

Si ate Myla yung average lang ang height at siguro ay mga nasa mid-20s na siya. Samantalang si ate KC naman yung girl na medyo may katangkaran at nakasalamin. Mahiyain siya sa unang tingin pero I know na friendly siya, P.I.O. ng fans club eh, di ba? Hihi.

"It's nice to finally meet you darling. And sinama mo pa ang ate mo. I hope you enjoy the activity. By the way, aalis na muna kami. Ikaw na ang bahala sa kanila Ronna ha?"

"Thank you po ate Myla."

Yun na lang ang naisagot ko sa kaniya. Si ate Menggay naman ay napansin kong patango-tango lang at ngingiti-ngiti.

"Okey po ate Myla. Ingat po. Text niyo na lang din po ako. Hihintayin ko na kayo sa loob."

Sagot naman ni ate Ronna.

"Tara na sa loob?"

Usal pa ni ate Ronna kaya napatango na lang din ako at sumunod sa kaniya.

"Saan po ba pupunta sila ate Myla at ate KC?"

Takang tanong ko sa kaniya habang papasok na kami sa loob ng venue.

"Ahh sila? Hihintayin lang nila si Alden sa labas. Any time now ay darating na siya kasama ang P. A. niya at magsa-start na ang activity."

"Ganun po ba. Yiiieeeee! I'm so excited na talaga! For the first time and forever..."

Napakanta pa ako dun sa huling sinabi ko at napalingon naman si ate Ronna sa akin na nakangiti.

Pagkapasok na namin sa mismong hall ay nailibot ko agad ang mga mata ko sa kabuuan nitong lugar.

Hindi masyadong malaki pero hindi naman masikip. Sosyal na sosyal ang mga decors at pati na ang mga upuan. Meron pang malaking chandelier sa gitna na mas dumagdag sa vibe ng hall.

Napatingin ako dun sa may stage. May malaking telang nakatakip dun sa buong stage na kulay black. Nilagyan din nila yun ng mga balloons at yung ibang balloon na kulay gold ay naka-hugis letters na binubuo ang pangalan ni Alden.

Napaupo kami ni ate sa medyo may gitnang part ng mga nakalinyang upuan. Napatingin ako kay ate Ronna na nasa left side kong nakaupo.

"Marami po pala ang a-attend ate Ronna noh? At matanong ko lang po, bakit nakatakip po yung buong stage? Surprise po ba?"

Napangiti na rin siya habang nasa stage na pala ang tingin.

"Yan? Yeah! Gusto kasi nilang may pa-surprise effect ang pagpunta ngayon dito ni Bae. Once in a blue moon lang kasi yun kung makapunta sa ganitong event, alam mo na.. sikat masyado ang master Bae. And sa mga dadalo naman, hindi ganun karami ang makakapunta dahil ginawang exclusive 'tong fan meeting para mas maraming time makapag-bonding ang lahat kasama si Bae."

"Ahh..."

Napatango na lang ako at napalingon-lingon sa mga taong labas-pasok sa paligid.

MAINE'S POV

Nakaupo pa rin kami ngayon ni Kaykay kasama yung sinasabi niyang si Ronna daw.

Nag-uusap sila at hindi na ako nag-effort na makisali pa sa kanila. Nagtingin-tingin na lang ako sa paligid.

Hmm... Honestly, this place is nice. Sosyal na sosyal talaga kung titingnan. May budget sila mga beh!

Nasa ganung posisyon ako nang mag-vibrate ang shoulder bag ko. Binuksan ko yun at nakita ko ang phone kong umiilaw habang nagba-vibrate.

Unkown Number Calling...

Napakunot ang noo kong nakatitig sa phone na nasa kamay ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin 'to or not.

Swipe.. Swipe..

"Hello? Who is this please? Just make your message short because I really don't talk to strangers. I really don't..."

Diretsong sagot ko pagkatapat ko ng phone sa tenga ko.

Hanep di ba? Ganyan nga kasi dapat para kabahan yung tumatawag.. Baka scammer na naman kasi!

"Hep.. Hep.. Hep! Horayy.. Horayy.. Horayy! Inglesera ang lola mo teh! Morning na morning, di man lang marunong magtanong kung sino ang tumatawag!"

Dire-diretsong ani naman ng nasa kabilang linya.

Hmmm.. I bet beki to! Da Hu?

"Eh sino ka nga ba kasi? Nasa private event ako ngayon kaya please lang... Huwag mo akong ginu-good time okey?"

Napabuntong-hininga pa ako dun sa sinabi kong yun.

"Ay?! Bonggeyshos ang peg ng lola. Lumi-level up ka na talaga sisst! Laysos na laysos ah?! Teka.. Ang pinakadyosa at pinakamahaderang mudra mo lang naman itey sisst! Remember meeeeee??!!!"

Nailayo ko pa ang cell phone ko ng bahagya sa tenga ko dahil sa matulis na boses niya sa kabilang linya.

"Mama Teeeeeeeey??!!!"

Sigaw ko rin sa kaniya sabay lingon sa bawat gilid. Hindi naman nila ako napansin sa pagsigaw kong yun dahil masyado silang abala lahat sa kung anumang pinanggagagawa nila.

Napabalik ako sa phone.

"Huy! Huy! Alive ka pa ba diyan sisst?"

"Oo! Awake, alive, enthusiastic and kicking pa... Oh?! Anung katarantaduhang business ang dala mo ngayon mama?"

"Ay? Akala ko kasi na-tegi ka na ng tuluyan diyan eh. Hahaha! By the way..."

Napatakip ako ng kabilang tenga dahil biglang umingay ang buong paligid.

"Wait, wait, wait mama okey? Pupunta lang akong wash room para majunig kita ng clear na clear. May nag-concert bigla dito eh.. Wet lang."

Sabi ko saka agad napatayo at walang lingunang naglakad papalayo sa kinauupuan namin kanina.

Nakatayo na ang napakaraming tao kaya sobrang sikip na rin ng daanan. Kaya naman sinikap ko talagang sumiksik at makadaan sa kumpol ng mga taong yun. It took me some time na tuluyang makalayo sa lugar na yun at bahagya pang napalingon-lingon sa paligid upang hanapin ang wash room nila.

"WAAAAAAAH!! YIIEEEEEE!"

"OW-EMM-DZIIIIII!!!!! GIRLSSS!"

"AAAAAAAAAHHHHHH!!"

"ALABYUUUUU!!!"

"MARRY ME PLEASEEEEEE!!!"

Napuno ang buong room ng napakalakas na tilian ng mga nandun.

Nang makita ko na ang CR nila ay agad akong pumasok at napasandal na lang ako sa pinto pagkasara ko nito.

"Hayys!!"

Bumuntong-hininga pa ako dahil para akong napahiwalay sa mga taong inaatake ng mga zombies!

Super wild nila mga bes!! As in.. Hype na hype!

"He..hello?"

Usal ko habang pinapakiramdaman yung nasa kabilang linya.

"Hay! Sa wakas hindi ka talaga na-chugi ng tuluyan diyan sisst! Hindi ba marunong mag-peace talk ang mga people diyan? Kung maka-sharamdaram ah! Kalerki!!"

"Oh ano na? Dami mong dada mama! Chumika ka na biliiiis!"

"Rush hour teh? Nagmamadali masyado ah?! Okey, my chika goes this way... Ang mga bakla kasi, may kumuhang isang organizer ng one big beauty pageant dito sa Maynila. Ang kaso.. Kinulang ang mga mamasang mo ditey sa pederasyon dahil yung iba may kaniya-kaniyang appointments. Insufficient balance ang beauty ng lola mo. I just think na baka, baka lang naman.. you know a cow naman di ba? Hehe. Pero seryoso sisst, baka gusto mong jumoin or ready ka bang makipagsanib-pwersa sa amin? Dagdag kita lang.. masyado kasing malaki ang bayad para sa aming tatlong fairy godmothers."

Napa-isip ako dun sa offer ni Mama Tey. Sabagay, kailangan ko ng pagkakaabalahan. Then pangalawa, okey na rin yung ma-expose naman ako ng slight kesa naman sa magmukmok ako sa bahay buong taon.

"Pero... Pero Manila? Ang layo naman ata nun. Mag-aaral pa si Kaykay at need niya pa ng parental guidance ko."

Tsk. Tsk.

Napapailing akong humakbang-hakbang habang hawak pa rin ang cell phone.

Nasa ganung posisyon ako nang mapansin ko na lang ang bahagyang pagvibrate ng phone ko.

"Oh?!"

"Angry bird na naman ang lola? Lakas kaya ng sigaw ko nun teh para lang marinig mo at nang matauhan kang may naghihintay ng sagot mo. Antagal naman nitey!"

"Nag-iisip pa kasi yung tao mama! Hindi to parang kanin na kapag nasubo mo at napaso ka ay basta-basta mo lang isusuka. Kaloka kaya mag-decide, kung alam mo lang."

Singhal ko sa kaniya sa kabilang linya. Naramdaman ko naman ang pagtahimik niya kaya napahakbang pa ulit ako at napatingin sa sarili ko sa salamin.

"Hay!"

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Kung pera lang ang pag-uusapan, stable naman na kaming dalawa ni Kaykay plus yung amount pa na nasa bank account ni Papa ay talagang enough na para sa amin.

Pero... makakabuti rin ito sa akin. Pwede akong mag-review dun para sa Licensure exam na iti-take ko gamit ang magiging sweldo ko. At kapag nagkataon, pwedeng dun na rin ako makakahanap ng trabaho ng mas madali at mas maaga.

"Sige, sige Mama Tey. I'll accept your offer."

Mababang tonong usal ko.

Ayan nakapag-decide ka na talaga after a year to the zillionth power. I'm super happy for you sisst! Mabuti na rin yung maarawan ka naman paminsan-minsan ng slight para jumitim ka rin ng slight. Haha.

"Hehe *fake laugh* So.. kailan nga pala ako luluwas diyan?"

"Lumipad ka na lang teh! Gamitin mo na yung oil ng neighborhood mo Hahaha! Pero real talk, this end of May sana kasi sa mid-June ipu-push ang pageant. Yun ay kung okey lang sayo."

Agad-agad naman pala ang gusto ng baklang to!

"Sige gora ako diyan. Hahanap ako ng way at maghahanap pa rin muna ako ng tiyempo para kausapin si Kyline. Magi-Grade 10 pa man din siya."

"Sige sisst. Mag-heart to heart talk na muna kayong magka-familia. Balitaan mo na lang ako para machikahan ko din ang iba pang bakla okey?"

"Copy. Salamat sa info."

"You're always welcome my dear. Bye! Gogora na ang mama kasi baka malanta na ang kabuhayan showcase. Mwah mwah! Tsup tsup!"

"Key bye!"

Toot!

At tuluyan ko na ngang ibinaba ang cell phone. Naipatong ko pa ang dalawa kong kamay sa naka-tiles na lababo at humarap sa malaking salamin.

Nakailang buntong-hininga pa ako at inayos na ang aking sarili.

After some time ay napatingin ulit ako sa aking sarili sa salamin.

Naibaba ko muna ang bag ko na nakasabit sa balikat ko kanina pa saka napapabuntong-hiningang tumingin muli sa salamin.

Manila.. Manila.. Manila.. Hmm!

"Mirror.. Mirror in this comfort room... Tell me who's the gorgeousest of the bloom!"

Usal ko habang nakatitig lang sa salamin.

"Oh di ba di ka nakasagot?! Hahaha! Iba kasi beauty ng lola mo.. Choss!!"

Natatawang sagot ko naman sa sarili.

Napahawak ako sa may puson ko nang maramdaman ko ang kunting pagkakaihi kaya mabilis kong binuksan ang pinto ng isang cubicle na nasa likod ko lang at pumasok na.

Nasa kasarapan ako ng pagkakaupo nang may mapansin akong weird na nangyayari sa paligid.

Napaayos ako ng upo nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Sobrang tahimik dito sa loob kaya maririnig at maririnig talaga dito kapag may kunting kaluskos.

"Grabe pare.. Yun pala yung sinasabi nilang Alden? Ang kinis pare!"

Nanlaki ng sobra-sobra ang mga mata ko nang marinig ang boses lalaking yun. Ngunit nanatili muna akong tahimik habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.

Bakit mga lalaki? Bading ba sila ornagbabading-badingan lang? Aissh!

"Kainis nga pare. Kaya pala nagkakaganun yung girlfriend ko. Tingnan mo nga pare.. Kaya ako naisama niya ngayon dito kasi ayaw kong maniwalang sa ganitong lugar talaga siya pupunta. Lapitin kasi ng mga boys yung chick ko pare. Mahirap na kaya kailangan bantayan."

"Haha! Wag mong sabihing na-insecure ka dun sa Alden na yun?"

Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanila.

"Uy pare, hindi ah. Ako naman ang boyfriend kaya wala akong dapat ikabahala. Walang-wala yun sa pagkalalaki ko. Haha!"

"Hahahahaha!"

Sabay pa nilang tawanan.

Ilang segundo pa silang natahimik ngunit biglang bumukas ulit ang pinto.

"Naku.. Naku.. Ang yummy ng lolo mo teh! Sarap lagyan ng hot sauce yung hotdog niya! Wahaha!"

Rinig kong pag-uusap nung mga bagong pasok.

"Hahaha! Ang bastos mo sis! Pero in fairness, flawless ang fafa Alden mo! Ay..."

Bigla silang napahinto.

"Sis.. Nakikita mo ba ang nakikita ko?"

Sabi naman nung isa.

"Yes na yes mader! Mas malaman!"

"Ang masels!"

Dugtong naman nung isa.

"Mas makiniiiis!"

"Ang kinis nga! Ng skin!"

"Mas malakeeee!"

"Ang katawan!"

Pagtititili pa nila. Hindi na ako nakakilos pa at nagtuloy lang sa pakikinig nila.

"Wuy! Ang iingay niyo! Male CR to hindi to pambabae!!"

Sigaw nung isang lalaking naunang pumasok.

Male CR to hindi to pambabae!!

Male CR to hindi to pambabae!!

Male CR to hindi to pambabae!!

Nagpaulit-ulit yun sa tenga ko.

Wattah.. Wattah.. Wattah tapss! Bakit napunta ako dito? Male CR pala to?!

Napailing na ako at nagsimula nang mag-alala.

Pero wala naman akong napansing cubicle na panlalaki ah? Teka... Wala nga ba?

Isip

Isip

Napatakip na lang ako ng bibig nang maalalang may nakita nga akong single cubicle yung hindi nakasara na iniihian ng mga lalaki.

Agh! Patay na this! How to get out po?!

Nagsimula na akong mag-panic dahil alam kong nata-trap na ako dito ngayon.

"Oo alam na alam namin mga pare. Kaya nga dito kami pumasok eh. Ito namang si fafa.. Yummy ka na sana kaya lang suplado ka."

Maarteng sabi nung isang bakla.

"Umihi na nga lang kayo diyan. Nang-iistorbo pa kayo eh."

Buong sabi nung lalaki.

"Sabay na lang tayo. Yiieee!"

Wala na akong ibang sagot pa ang narinig ko. Ngunit mas napa-stiff pa ako nang may kumatok sa pintuan ng cubicle lung nasaan ako.

Tok! Tok! Tok!

Hindi ako sumagot at nanatiling napatakip sa bibig.

"Uy may tao ba diyan? Sumagot ka nga kung meron.. Baka isipin ko ay momoo ka!"

TOK! TOK! TOK! TOK!

Andami mga bes! Di ko keri ang isang 'to.

Napakilos agad ako at napatayo. Inayos ko pang ang sarili ko at mabilis na nag-flash.

"Teka lang! May tao pa dito."

Boses lalaking sagot ko. Grabe talagang pinilit kong bilugin ang mga labi ko at patunuging panlalaki ang boses ko para di nila mahalata.

Para akong timang dito! Mayghaad! Ang hirap magpakalalaki mga brad! Sana umepek ang convincing power ko! Sana..

"Ay may tao pala teh?! Teka, da hu itey?"

"Ano yan? Shoulder bag ba yan?"

O... M... G!!!! As in! Huli na ako talaga! Slow clap na para sa buking queen. May nanalo na!

"Baka sa chick ng nandyan sa loob. Fafa, sa jowa mo ba 'tong shoulder bag?"

Hindi na naman ako nakasagot.

"Ay naku te! Knows na ang fafa!!"

Napatili naman yung isa. Napakunot naman ang noo ko.

What does he mean with that scream? Lakas maka-goose bumps!

"Ano ba kayo?! Baka magkasama sila diyan sa loob at maistorbo niyo pa sila sa ginagawa nila. Haha!"

Rinig kong suway ng isang lalaki.

"Ooowws.. Oo nga naman pala teh! Makaistorbo pa tayo sa mga gumagawa ng milagro dito! Diyan ka na nga sa katabing cubicle. Faster, faster!"

Utos nung isa.

Wheeew! Ang babastos pala nitong mga 'to!

Napapahid pa ako sa noo ko at gulat na gulat ako nang maramdamang basang-basa na ang kamay ko sa pawis.

"Pero aykenat mama eh! Aykenat believe na may milagro nga silang ginagawa diyan kasi super silent night naman yata nila. Di ba?"

Tanong naman nung isa pang bakla na mas ikinapawis pa ng kili-kili ng lola niyo mga bes!

"Sabi nga ng ExB, hayaan mo sila teh! Baka ganyan yan lang ang strategy nila. Baka nakakalimutan mong nasa millennial age ka na. Ichuserang bakla to!"

Hala! Di ako pwedeng mabuking nito. Teka.. Paano ba to? Pressure much na mga teh! Suggest nga diyan sa comment box, Hihi.

"Agh! Hmmmm…"

Mahinang usal ko at napahampas pa sa may gilid ng pinto ng bahagya.

Teka.. Teka.. Nalilito ako kung ano pa ang gagawin ko! Hindi ko naman alam yung.... Basta! Yun na yun!

Napakamot pa ako ng hard sa ulo ko at napasimangot.

Napahampas pa ako ng mahina sa may dingding at napasipa ng mahina sa sahig.

"Mmm.. Be..beyb..."

Mahina at malumanay kunwaring sabi ko.

Waaaaah! Anung nangyari bigla sa akin. Para akong na-stiff neck kanina tapos ngayon para namang sinaniban. Kaloka na 'tong ginagawa ko ah! Grabe si author mga bes!!

Bumuntong-hininga pa muna ako.

Kaloka! Hirap umakting bes lalo na pag di mo alam ang eksena! Hooo!

Napapahid pa ako ng ilang ulit sa noo at leeg ko. Ang lagkit na ng sobra ng mga pawis ko at mas napakapit pa ako sa may neck line ng damit ko.

Kelan pa ba mag-e-evaporate 'tong mga alien na 'to! O pwede namang ako na lang ang mag-evaporate!! Kainiiiiis!

"Mamaaaa! Parang need ko na talagang maniwala sa mga sinasabi mo. Nag-eenjoy yata ang sister natin."

Ewww! Ew! Grabe ang mga bibig nila! Di ko ma-take! Choss.

Sobrang pawis na pawis na ako ngayon dahil sobrang init na ng katawan ko at parang napakasikip ng lugar na kinatatayuan ko ngayon.

"Mauuna na kami sa inyu. Uy sa inyu nga pala diyan sa loob.. Enjoy!"

Rinig ko namang usal ng isang lalaki mula sa labas. Narinig ko na lang ang pagbagsak ng pinto kaya medyo nakahinga na ako.

Next chapter