Chapter 10 - Garden of Roses
ZIRO
MARIIN akong napapikit nang maramdaman ang sakit ng ulo ko. Kinapa ko pa ito buti na lamang at walang sugat. Ano bang problema ng misteryosong babaeng 'yon? Bigla bigla na lang sinunog yung tulay.
"Kuya Ziru, Ate Riku, gising na gising!" Nakahawak pa rin ako sa ulo bago bumangon at si Riku ay ganoon din. "Tingnan niyo ang paligid!"
Dahan-dahan kong nabitawan ang ulo ko at nanlalaki ang mata habang inilinga sa buong paligid ang tingin. Nasa isang gubat na naman kami, tumingin ako sa taas pero wala na akong matanaw kundi hamok nalamang.
"Nasaan ba tayo? Anong klaseng lugar 'to?" Kinakabahang tanong ko muli kong inilibot ang tingin at napagtantong Tatlo lang kami. "T-teka nasaan ang mga kasam natin?"
"Hala oo nga! Nasaan na sila? Ate Sora? kuya Sandro? Ate Freya! Hello? Nandiyan ba kayo?" Pero umalingawngaw lang ang boses niya sa buong gubat.
"Hanapin natin sila." Saka pa lang nagsalita si Riku. Tinignan ko siya at hindi ko naman inasahan na titingnan din niya ako. "Tara na."
Nakaka-kaba talaga ang tingin niya. Nauna na siyang naglakad sa amin na parang nagmamadali. Si Miya naman ang kasunod at ako ang nasa huli. Sobrang lawak ng gubat hindi ko inasahan na mapapadpad kami dito "Paano natin mahahanap sila kung ganito kalawak ang gubat ate Riku? Paano kaya nangyari nawala sila eh, sabay sabay pa nga tayong nahulog sa tulay."
Iyon din ang nasa isip ko. Nakakapagtakang pagkahulog namin ay biglang kami na lang tatlo ang magkakasama. Kahit maganda ang paligid ay hindi ko pa rin mapigilan ang kabahan. Paano na lang kung hindi namin sila mahanap? Paano na ang misyon naming mahanap ang ama ko?
"Riku, nasa iyo pa ba ang mapa?" Huminto siya at sandali akong tiningnan at maya-maya'y tumango, nagpatuloy naman ulit ito sa paglalakad. "Pwede kayang tayo na lang ang maghanap sa ama ko?"
Huminto na naman siya at batid kong nainis siya sa sinabi ko. "Hindi ako ginawang pinuno sa Arc knight para maging makasarili, Ziro. Sana ganoon ka rin.Hindi lang sa iyo umiikot ang mga atensiyon namin. Mahalaga ang bawat isa Ziro sana maintindihan mo." Napalunok ako. Nainis siya sa suhestiyon ko. Sinulyapan ko si Miya at mukhang hindi niya rin nagustuhan ang sinabi ko.
"R-riku..."
Hindi na siya huminto pa, 'ni hindi na siya lumingon pa saakin. Naku naman! Bakit ko pa kasi 'yon natanong. Badtrip! "Riku pasensiya na talaga... Miya, pansinin niyo naman ako. Hindi ko sinasadyang tanungin 'yon. Pasensiya na talaga."
Sinabayan ko ang paglalakad niya. Seryoso na naman ulit ang mukha niya kaya kinabahan na naman ako. "R-riku? Galit ka ba?"
Nilingon niya ako at hindi ko naman inasahang tumango siya. Galit nga. "Ideya ko lang naman 'yon. N-naisip ko lang, sana 'wag na kayong magalit dalawa."
"Tinatanggap ko ang paghingi mo ng tawad" Nilingon ko si Miya at nakangiti na ulit siya kaya napahinga ako ng maluwag. "Basta 'wag mo na iyon gawin ulit, kuya Ziro. Uy ate Riku, sige na humingi na ngBBC tawad 'yung tao eh."
"Riku?"
"Manahimik ka muna sandali okay?" Naiinis niyang saad. Napapahiya akong napakamot ng ulo. Bahagya akong umusod ng konti upang hindi siya mainis. Maingay ba ako?
"Okay pasensiya ulit."
Sumabay na lang ulit ako kay Miya na napahagikhik sa sinabi sa akin ni Riku. "Ngayon ko na lang ulit siya nakikitang ganyan ka-highblood pero cute. Diba kuya?"
"H-ha?"
"Cute siya 'no?"
Napakamot ako ng ulo. Cute ba siya? Mukhang hindi naman. Laging mainit ang ulo eh. "Slight." Humagikhik siya ulit at napapailing ang ulo. "Mamaya baka kausapin ka na ulit niya. Huminahon ka lang kuya, paganiyan-ganiyan lang 'yan pero kinikilig na rin 'yan." Kumunot naman ang noo ko. Saan siya kikiligin? Weird.
"Kakausapin ko na ngayon baka mas lalong magalit sa akin mamaya eh." Sinulyapan ko si Riku na nakatuon lang ang atensiyon sa Daan.
"Sige lang kuya, tingnan ko lang kung hindi na nga siya magagalit." Natatawa niyang saad. Dahan-dahan naman akong lumapit kay Riku na seryoso pa rin ang mukha. "Riku?"
"Alis." Pangalan pa lang niya ang sinambit ko pero parang galit na naman siya. Ano bang pwedeng gawin ko?
Laglag balikat ulit akong lumapit kay Miya. "Mamaya na lang po kasi." Natatawa nitong sabi. Napayuko naman ako habang dismayado.
Lalamya-lamya naman akong naglakad. Sana ay nandito na lang si Sora para may makausap naman ako maliban kay Miya. Hindi ko naman pwedeng kausapin si Riku dahil nagagalit. Bakit ko pa kasi nasabi 'yon?
Maya-maya lang ay nahinto kami nang may makitang isang bahay na gawa sa mga dahon. Maganda ang bahay na iyon dahil yellow green ang kulay ng mga dahong nakapalibot dito. Parang bahay lang ni Felisha.
Maya-maya lang ay may biglang lumabas sa bahay na iyon at nakangiting nilapitang ang kaniyang garden na may mga nakatanim na mga rosas. Sobrang ganda at kahit lalaki ako ay hindi ko maikakaila iyon.
"Lapitan natin ang babae ate Riku, baka may alam siyang daan papalabas dito." Suhestyon ni Miya na bumalik na rin sa seryoso nitong mukha. Kagaya nga ng sinabi ni Miya ay lumapit kami. "Magandang umaga."
"Ay naku diyos ko! Nakakagulat naman kayo!" halos mapatalon siya sa gulat at napahawak pa ito sa dibdib niya.
"Pasensya na po, pero naliligaw po kasi kami at tatanungin sana namin kung saan ang daan paalis." magalang na sabi ni Miya. Kumunot naman ang noo ng babae dahil sa sinabi ni Miya
"Saan nga ba kayo dumaan at napunta kayo dito? Nakakapagtaka naman."
"Nahulog po kami sa tulay kasi may misteryosong babae pong nagputol ng dinadaanan namin. Ang problema po ay wala na ang ibang mg kasama namin at tanging kaming tatlo na lamang ang magkasama."
Napatungo-tungo naman siya. "Sige, tutulungan ko kayong makalabas pero bago iyon pumasok muna kayo sa bahay ko, batid kong nagugutom at nauuhaw na rin kayo."
"Oo nga po eh." Sagot ko naman. Nahihiya akong napakamot ng ulo. Napakabait naman ng ginang dahil pinatuloy niya kami. Pagkapasok namin ay hindi ko inasahang mas malaki pa pala ang espasyo dito sa loob. Pinaupo niya kami at maya-maya'y bumalik siya dala dala ang isang mangkok ng pagkain.
"Pasensiya na at 'yan ang maipapakain ko sa inyo pero hindi kayo magsisisi kapag nakain niyo na ang pagkain na 'yan."
"Wow, okay lang po. Mukhang masarap nga eh." Sinulyapan ko si Riku na nakatingin lang sa labas. "Riku, kain ka na." alok ko.
Nakuha ko naman ang atensiyon niya at nakahinga naman ako ng maluwag nang magsimula na siyang kumain. Nakatingin lang sa amin ang babae habang kumakain kami. Mayroon siyang pulang pula na mata na 'tulad ng kulay ng rosas. Itim na itim ang nakalugay niyang buhok. Napakaganda niya.
"Ako nga pala si Rosette." pagpapakilala nito habang nakangiti..
"Ako po si Ziro, ito naman si Miya at Riku, salamat po talaga sa pagpapatuloy sa amin." Saglit akong tumigil sa pagsasalita nang sumubo ng pagkain. "May pupuntahan sana kami, ang kaso ay minalas." Kumamot ako ng ulo.
"Sa life city kayo pupunta tama?" Nakangiting tanong niya. "Paano niyo po nalaman?" Kunot-noong tanong ko. Napabuntong hininga siya. "Ang tulay na iyon ay papunta sa life city, napakalayo pa no'n dito, siguro ay may misyon kayo."
Hindi agad ako nakapagsalita. Alam rin pala niya ang tungkol doon. Sabagay hindi na nakakapagtaka. Dito siya nakatira kaya hindi impossibleng alam niya ang tungkol doon. "Pili lang ang nakakaalam sa lugar na iyon. Kasi napakadelikado talaga."
"Bakit po ate Rosette, nakapunta ka na po ba doon?" Tanong ni Miya.
"Oo, bawat mga madadaanan mo ay nakakapanabik, kaya mag-iingat kayo kapag nakapunta na kayo doon." Tiningnan siya ni Riku na parang binabasa ang iniisip ni Rosette, kita sa mukha niya na hindi siya nagtitiwala sa ginang.
Maya-maya lang ay natapos na rin kami sa pagkain. Pinaupo kami ni Rosette sa sala niya. May kung anong ginagawa siya sa kaniyang lumang papel at maya-maya lang ipinakita na rin niya sa amin.
"Bago kayo makapunta sa Life City madadaanan nyo muna ang isang Patay na kweba. Dati ay mayaman iyon sa mga mineral ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay nawala ang mga iyon"
"Pero, paano ang mga kasama namin?" Sabat ni Riku. Tiningnan siya ni Rosette at nginitian.
"Limitado lang ang makakapasok doon Riku, mas mabuting 'wag niyo munang hanapin ang mga kasama niyo."
"Pero baka may nangyari na sa kanila." Nag-alalang sabi ko naman. Nagulat na lang ako nang bigla siyang natawa. "Ano namang mangayayari sa kanila? Ako lang ang nakatira dito, walang halimaw at matiwasay ang paligid sa tingin niyo ay kinain na sila?"
"May pumutol nga ng tula na dinaanan namin kanina, kaya hindi impossibleng may kalaban rin sa lugar na 'to." Naiinis na sabi ni Riku, siguradong punong-puno na siya.
"Talaga?" Ngumiti siya at ibinigay sa amin ang mapa. "Kung ganoon, magingat na lang kayo sa paghahanap ng mga kasama niyo, ipagdadasal ko na lang na wala ngang halimaw dito. Makakaalis na kayo." Bigla atang nagbago ang ihip ng hangin. May ginawa ba kaming nakakapagpasama ng loob niya? Para kasing hindi niya nagustuhan ang sinabi namin.
"Sige po, salamat dito." Tahimik kaming lumabas sa kaniyang munting bahay. Bumungad agad sa amin ang mga malalagong rosas sa bakuran niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa paligid ko. Napakaganda at kakaiba.
"Babalik tayo doon sa binagsakan natin kanina, baka nandoon sila." Saad ni Riku. Nauna na naman siya sa paglalakad habang hawak hawak ang papel na ibinigay sa amin ni Rosette.
Sana nga lang talaga ay makita namin agad ang aming mga kasama para makaalis na kami dito at makarating na sa Life City. Pero bakit nga ba sila nawala sa tabi namin
habang sabay sabay naman kaming nahulog sa tulay?
Isa pa iyong babaeng nakahood kanina, hindi ko nakita ang buong mukha niya tanging ang kulay pulang labi lamang niya ang nakita ko.
Sa wakas ay nakarating na kami sa pinagbagsakan namin, mabuti na lang ay hindi kami nalito sa mga pasikot-sikot. Tumingin ulit ako sa taas, huni ng mga ibon lamang ang naririnig ko wala ng iba. Kulay berde ang mga dahon at sobrang ganda no'n sa paningin ko.
"Maghiwa-hiwalay tayo para hanapin sila." Saad ni Riku. Agad naman kaming tumango. Naglakad na ako sa ibang direksyon habang sila naman sa kabila.
Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan ni Diyosa pero walang sumagot. Kahit kinabahan ay nagpatuloy pa rin ako sa pagtawag sa kaniya.
"Sora!"
Lumingon ako nang makarinig ng yapak. "Sinong nandiyan?" Nagpalingon-lingon ako at parang may kaba sa dibdib ko.
"Kuya Ziro? Ikaw ba 'yan?" Nanlaki ang mata ko. Mabilis pa sa alas kuwatro akong naglakad papunta doon sa pinanggalingan ng boses.
"Kuya Ziro!" Masayang sigaw niya at napayakap sa akin. "Creg nasaan ang ibang mga kasama natin?"
"Hindi ko alam, kagigising ko lang po, akala ko nga ay wala na akong mga kasama, kinabahan ako." Napahawak ito sa dibdib niya at napahinga ng malalim
"Riku!" Sigaw ko. Agad dumating sila Miya at Riku at agad napabuntong hininga nang makita si Creg. "Ngayon lang daw siya nagising at hindi niya alam kung nasaan ang ibang mga kasama natin."
"Alam kong nandito pa sila, sana." Bulong ni Riku. "Creg, sumama ka kay Ziro, hahanapin natin sila." Muli itong lumihis ng daan upang hanapin silang muli. Habang kami ay sa kabilang daan.
"Sige ate."
Habang papalayo kami ay napansin ko ang mga sira-sirang puno na parang may kung anong nangyari doon. Meron ding mga bakas ng paa na sariwa pa, mukhang ngayon lang mismo ito naganap. "Kuya ziro!" Napalingon ako kay Creg na may hila-hilang kung ano. Hirap pa itong buhatin dahil sa bigat non.
Agad ko naman siyang tinulungan at sinuri mabuti ang malaking espadang dala niya. Pamilyar saakin ang sandatang ito, isang tao lang ang gumagamit nito. "Kay Sandro.."
"Hinahanap mo ba sila?" Agad akong napalingon saaking likuran at laking gulat ko kung sino ang aking nakita.
"I-ikaw?!," Isang ngisi ang gumuhit sa kaniyang labi. Ang mala anghel niyang Mukha ay binago ng ngising may balak pumatay. "Wag mong sabihin na ikaw ang may gawa nito?!"
"Pagba sinabi kong 'oo' matutuwa ka? WHAHAHAHAHA," Umalingaw-ngaw ang kaniyang halakhak sa buong gubat. Hindi ko inaasahan na siya ang gumawa non. Ang akala ko ay mabuti siyang tao dahil tinulungan niya kami pero pakitang tao lang pala iyon.
"Siya ngapala yung dalawang binibini? Hawak ko sila kaya kung gusto mo silang iligtas. Sumuko ka sa demon lord WHAHAHAHHAHHA" naglaho ito saaming harapan kasabay ng pagihip ng napaka lakas na hangin.
"Babawiin ko sila sayo,
"Rosette!"