webnovel

Chapter 2. Ang Relo

Bisaya phrases are included. Translations are found at the last part.

August 12, 2018 11:55 PM

Iniisa isa ko lahat ng mga gamit ko para wala akong makalimutan. Binansagan pa naman akong Tanga Ng Bayan kasi noong nag travel kasi ako kasama ang UGH (Leo, Algean, at Dara) sa La Union, naiwan ko yung mga dala ko sa sakayan ng jeep at ang saklap pa narealize ko halfway na kami papuntang Manila. Oh diba? Tanga yan? Naalala ko si Leo grabe yung pagmumura na mukhang makakabuhay ng patay kasi binalikan namin yung LU.

Natatawa nalang ako sa mga kabarubalan namin ng UGH na s'yang mamimiss ko.

Ding!

Speaking of the debels, nagchat na sila sa Line GC namin.

Leo: Yung mga gamit mo.

Algean: Wag mong kalimutan.

Dara: Siguraduhin mo.

Sabay-sabay nagsend.

Sila: Tanga ka pa naman!!!

Reply ko naman.

Ako: Ay, bashers kayo? Sige pa, konti nalang sisikat na ako. Turukan ko kaya kayo ng efficascent sa mukha isa-isa para matauhan kayo. Hoy! Mamimiss ko kayo.

Seen 12:09 PM ✓✓

"Kita mo to, nag seen lang mga hayup. Sarap maging kaibigan niyo tangina." Sabi ko sa sarili.

Sadyang mamimiss ko talaga sila. Limang taon din kaming magkakasama kaya't mahirap din mag move on sa SepAnx (Separation Anxiety).

Ding!

"Ay natauhan yata, tingnan ko nga" Sabi ko.

Unknown User: Maghuwat ko nimo diria sa Cebu. (Maghihintay ako sayo dito sa Cebu)

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kumakabog sa dibdib na parang gustong kumawala. Sino kaya to? Pero di ko nalang pinansin.

Fifteen Years Ago

"Parang nagbago yata ang mall?" Tanong ko.

"Parang hindi naman. Baka yung mga mata mo ang nagbago." Biro ni EJ.

Naghahanap kami ng makakain at dahil si EJ ang nag-aya, sa libre siya ang taya.

At dahil siya ang manglilibre, wala kaming choice kundi kumain sa favorite fast-food restaurant niya.

"Dito nalang tayo, masarap daw dito" Sabi niya.

"Eh ito lang yung alam mo eh." Sabi ko.

"Kakain ka ba o hindi? Dami mo pang satsat!" Tanong niya.

"Ay, galit? Eto na, kakain na!" Sabi ko.

"Naku para kayong mga babaeng nagbabangayan." Sabi ni Anne.

"Si Christian siguro" Sabi ni EJ.

Bigla akong napaubo. Totoo ba ang mga narinig ko? Alam na ba niya? Si Anne din tumingin sa akin na parang naguguluhan din.

"Hoy, para ka kasing babae Kung magtalak kaya ganyan. Wag na malungkot bebe ko." Sabi ni EJ.

Ay okay di pa niya alam. Salamat!

"Bebe ko mukha mo ulol!" Sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad kami pumunta sa arcade kung saan naglalaro kami. Pagkatapos bumili kami ng shawarma kasi favorite ko 'to. Last stop namin ay yung display ng mga relo.

Habang sila ay may kanya-kanyang display na tinitingnan, may nakita akong relo na maganda. Isang pink leather strapped watch na may infinity symbol sa loob. Chineck ko ang price pero masyadong mahal para sa isang estudyanteng gaya ko.

"Gusto mo?" Tanong ni EJ

"Yeah, pero wala pang tejub (budget)." Sagot ko.

"Hmmmmm. Mahal nga. Maganda sana." Sabi ni EJ

"Hindi bale na, pag-iiponan ko iyan." Sabi ko.

Pero ang mga mata ni EJ ay parang nagsasabing may bibilhan s'ya ng relong ito.

--

August 13, 2018 4:40AM

"Thank you for flying with ZJ900 bound to Mactan International Airport. Take care and thank you for choosing Cebu Pacific Air." Sabi ng piloto ng eroplano.

Sa wakas at nakauwi na rin ng Cebu. Hindi ko na tinawag sila Papa na sunduin ako kasi ayoko silang ma disturbo. Kumuha ako ng car booking service at saka bumyahe patungong Cebu City.

Namiss ko agad yung Manila. Namiss ko yung asaran namin ni Leo sa company van ng ganitong oras. Namiss ko yung paglalandi ni Dara kay Algean gamit ang tahong. Namiss ko yung pabalik balik sa HR tapos sisigawan na naman ako ni Ms. Mataro. Napagbugtong hininga na lamang ako.

"Maayong pag abot diri sa Cebu (Maligayang pagdating dito sa Cebu)" matamlay na sabi ko habang nakatingin sa bintana ng kotse.

August 13, 2018 7:27AM

Dumating na ako sa sityo namin. Habang ako'y naglalakad, yung bunso kong kapatid na si Kyle ay agad tumakbo patungo sa akin. Akala ko sasalubungin ako sa tuwa.

"Kuya!!!! Buti nandito kana, magmadaliiii nagaaway si Mama at saka si Lola! Daliiii!" Tarantang sabi Kyle.

Pero Hindi pala.

"Jusko! Kakarating ko Lang!" Tumakbo na rin ako.

Mga limang bahay mula sa amin palang ay naririnig ko na ang sigaw at basagan ng pinggan. Nakalimutan kong may lahi pala kami ng Amazona kaya ang iinit ng mga dugo nila.

"Di mani imong balay! Sa ako ni gipangalan! Wa kay katungod ngari yawa ka!" Sigaw ni Mama.

"Unsay pangalan sa imong kagaral?! Kaning balay gitukod ni sa imong maguwang para nako! Ikaw ang way katungod ngari! Piste ka!" Sigaw din Lola.

Oh diba dugo ilong mo? Nave-vertigo ako. Nakalimutan ko na talaga na ganito ka madugo mag away ang pamilya ko.  Natatandaan ko nung kami nag away ni Mama, halos masira yung TV set kasi itinumba ni Mama dahil sa galit. Sa kanya ko nakuha yung pagkatalak ko. Kay papa naman yung pagiging "into details" at pagkaresourceful ko.

"Sakto na ma, di naka kaginhawa " Sabi ni Papa.

Di parin nila namalayan na dumating na pala ako. Binasag ni mama yung mga baso at tumalsik yung mga bubog sa katawan ko.

"HUNONG NAMO MGA GIATAY!" Mangiyak- ngiyak na sigaw ko.

At doon na sila natauhan at namalayan yung presensya ko. Talagang umiyak ako sa galit dahil di ko narin naiintindihan kung bakit ganito ang araw ng pag uwi ko Cebu.

Kinuha ko ang mga gamit ko at agad umalis. Doon ako nag stay kina Jason - best friend kong bakla. Konti lang kaibigan ko dito sa Cebu. Sina Jason, DJ, at Nicole. Actually, childhood friends ko sila.

Si Jason ay assistant principal ng isang skwelahan dito sa Cebu. Siya lang ang pinagpala ng maputing balat sa amin. Mahihiya ang whitening lotion sa kaputian niya na parang naglalakad na multo.

Si DJ naman ay kayumanggi na ala JC De Vera pero katawan ni Wally at isang tour coordinator na lumilibot sa buong Cebu Province. Sya yung opinionated  at mas pranka kesa sa akin.

Si Nicole naman ay nag iisang tahong sa aming grupo at ang pinakamaganda sa lahat. Businesswoman at kapartner nya Yung boyfriend niya na si Axl.

Sila lang tatlo ang maasahan ko dito sa Cebu especially noong nangyari sa akin fifteen years ago.

"Ghorl, salamat haaa at pinatuloy mo ako dito sa inyu." Sabi ko.

"Hay naku ghorl sus, wala 'yon ano kaba?" Sabi ni Jason.

"Nag-away na naman ba pamilya mo?" Tanong ni Jason.

"Of course, ano pa nga ba. Twenty-six na ako di pa rin sila nagbabago. Kaya ayokong umuwi eh. Sarap mag-----" Sabi ko.

"Wag mong ituloy, gusto mong makatikim ng suntok? Alam mo naman diba kung anong nangyari fifteen years ago diba? Kaya wag mo nang ulitin, please lang" Galit na Sabi ni Jason.

"Alam ko. Magjajakol sana sasabihin ko eh, Sana ikaw nalang si Christian diba?" Pabirong sabi ko.

"Minsan talaga hayup kang kaibigan. Matulog na nga tayu. Inaantok nako. Good night ghorl" Sabi ni Jason.

Hindi na ako sumagot. Alam ko kasing di ako makakatulog na naman sa kakaisip ko sa mga mali ko sa buhay.

Fifteen years ago.

Mga ilang weeks lang bago matapos ang pasukan pero busy ako sa pakulo na naman ni EJ. Ganyan siya, kapag nahihirapan laging nagpapatulong sa akin.

"Tangina, aanhin kaya niya tong mga papel na bulaklak." Tanong ko.

Krrrrrrrrrinnnnggggg

"Tapos na ba? Excited na ako. Punta ka sa laboratory ng TLE natin haaa" Sabi ni EJ sabay baba sa telepono.

"Tingnan mo to. Sus kung di pa lang kita mahal, di ko to gagawin para sayo." Sabi ko.

Mag aalas otso na ng gabi dumating ako sa laboratory namin. Doon ko sinimulan ang pagdedecorate sa lugar. Syempre pinagbutihan ng Lola niyo ang ginagawang pagdedecorate kaya gumanda ang lugar na dati parang haunted house.

"Ayan gumanda na ang venue. Ano kaya ang gagawin ng mokong na yon." Tanong ko.

Nag iimagine ako na baka magtapat din siya ng feelings niya sa akin. Dala nya yung mga yellow bells na favorite kung bulaklak at saka yung relong gusto ko. Tapos hahalikan niya ako. Tapos dumating nga sya.

"Christian." Tinawag niya ako.

Napaka formal ni EJ. Sinuot niya yung paboritong polo niya na susuotin niya raw pag aamin na siya. Agad niyang linabas ang yellow bells na bulaklak na paborito ko.

Punyeta! Lord eto na ba? Di ko naman inexpect to. Shet amoy tao ako ngayon at saka di ko nakapanghilod. May condom ba ako? Teka nga saglit!

"Oh, ang pormal mo ata ngayon? Ikakasal ka na ba?" Biro ko.

"Hindi. May sasabihin lang ako." Sabi ni EJ

At dahan dahan syang naglalakad patungo sa kinatatayuan ko.

"Alam mong sa mahigit na tatlong taon na tayung mag best friend. Ngayon ko lang naramdaman to." Sabi nya.

Jusko! Yung dibdib ko Lord. Tuwad na ba ako?

"Sana wag ka magalit sa sasabihin ko ha. Di ko alam kasi kung paano gagawin to." Dagdag nya.

Loooord. Enebe?  Di ko kaya to. Di ako magagalit sa sasabihin mo EJ.

"Pero eto na. Sasabihin ko na". Sabi nya.

AYAN NAAAAAA!!!!

"Salamat sa pag set up. May gusto ako kay Anne. Magtatapat ako sa kanya ngayong gabi" Sabi nya.

Para akong binuhusan ng tubig na may yelo sa mga narinig ko. Gusto kong umiyak pero di dapat kasi baka malaman nya sekreto ko. Ang ngiti'y napawi't napalitan ng lungkot at poot sa dibdib. Parang gusto kong maging lupa nalang.

"Chan? Uioe? Okay Lang ba?" Tanong nya habang inaalog nya ako.

"Ahm... Hahaha ano kaba okay lang ako. Syempre support hhahaah" Sabi ko.

Hindi ako okay! Hindi ako okay! Sabihin mo nalang kasi Christian! Umamin ka na!

Pero huli na ang lahat. Dumating na si Anne.

"Ano to EJ?" Tanong ni Anne?

Di ko na narinig ang mga mabulaklaking salita ni EJ. Gusto kong tumakbo at magpakalayo-layo. Pero gusto ko ring harapin ang sakit na naramdaman ko.

At pinili ko yung huli.

"Alam kong medyo maaga pa sa mga edad natin. Pero Anne, mahal na mahal kita. Sinasagot mo na ba ako?"

Ayan na Lord. Ano ba ang naging kasalanan ko sa nakaraang buhay para magdusa ng ganito?

Anne. Utang na loob. Please say No.

"Kaibigan ko kayong dalawa ni Christian, EJ. Alam nyo Yan. Pero.." Sabi ni Anne.

Please utang na loob Anne. Mag No ka please. Para di na masyadong masakit please.

Unti-unting tumutulo yung luha ko.

"Di ko rin mapigilan ang naramdaman ko sayo EJ. Kaya sinasagot na kita." Sabi niya.

"Yes! Yes! Thank you! I love you!" Tuwang sigaw ni EJ sabay halik kay Anne sa labi.

Gumuho ang mundo ko. Parang gusto ko ng mamatay. Eto ba yung sakit pag nagmamahal ka? Eto bayun? Di ko kaya!

"Wow! Congrats guys! Tangina naaiiyak ako. Nakakaproud kayo guys. I'm so happpy" Mangiyakngiyak na sabi ko.

At nagmamadali akong umalis. Ayoko na silang makita pang muli. Ang saklap ng buhay ng isang bakla dahil dapat mong makita yung mahal mong iibig sa magbibigay ligaya sa kanila. Dapat kong tanggapin na hindi ako at si Anne ang iniibig nya. Dapat kong tanggapin na bakla ako at babae sya.

Sa pagmamadali ko ay nadapa pa ako. Saklap ng buhay ko no?

"Aray ko po ang sakit." Sigaw ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Anne.

Sa pag abot ng kamay ni Anne, nakita ko yung relo na gustong gusto kong bilhin.

"Relo ko yan ah?" Sabi ko habang umiiyak.

"Let me explain, Chan" Sabi ni EJ.

Bigla akong tumayo at tumakbo ulit. Wala na akong paki kung masagasaan man ako o hindi basta malayo lang ako sa lugar na yon.

------- End of Chapter 2 --------

Hi guys. Thanks for reading my story. By the way eto po yung translation ng mga Bisaya phrases na ginamit sa story.

"Di Mani imong balay! Sa ako ni gipangalan! Wa kay katungod ngari yawa ka!" Sigaw ni Mama.

Translation

Hindi mo ito bahay dahil sa akin to nakapangalan. Wala kang karapatan demonyo ka

"Unsay pangalan sa imong kagaral?! Kaning balay gitukod ni sa imong maguwang para nako! Ikaw ang way katungod ngari! Piste ka!" Sigaw din Lola.

Translation

Anong nakapangalan? Itong bahay nato ay tinayo para sakin ng panganay mong Kapatid. Ikaw Ang walang karapatan dito.

"Sakto na ma, di naka kaginhawa " Sabi ni Papa.

Translation

Tama na Yan, di ka na nakakahinga

HUNONG NAMO MGA GIATAY!

Translation

Magsitigil nga kayo mga gago!

I included my native language here to create connections with my Bisaya roots.

See you next week. 😍

Next chapter