Lahat ng babae pinapangarap ang magkaroon ng magandang mukha—ngunit hindi si Eva. Isang sumpa ang salitang maganda sa kaniya, dahil ito ang dahilan ng hirap na dinanas niya.
Napakabilis ng kabog dibdib ko habang pilit na mas pinabibilis ang takbo ko. Hindi ko na din pinagtutuunan ng pansin ang mga sugat sa katawan ko. Ang mahalaga lamang sa akin ngayon ay ang makatakas.
"Irog ko! Nasaan ka na?"
Maagap akong nagtago sa matataas na talahib nang marinig ko ang papalapit niyang boses. Mahigpit ding nakatakip ang mga kamay ko sa aking bibig. Pigil ko ang aking paghinga habang naglalandas ang aking luha sa pinaghalong takot at pandidiri. Pandidiri dahil ang taong siyang dahilan ng aking labis na takot ngayon ay ang itinuturing kong pinakamatalik kong kaibigan. Ang aking tiyuhin. Ang bunsong kapatid ni Inay na pitong taon ang tanda sa akin.
Hindi ko lubos maisip na mauuwi sa ganito ang lahat. Na pati ang tiyuhin ko ay mapapabilang sa mga taong nabaliw sa akin dahil sa angkin kong kagandahan.
"Halika na. Hindi mo ako pwedeng iwan." Sunod noon ay ang nakakakilabot niyang pagtawa.
Dahan-dahan akong naglakad paalis. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang sa aking unahan ay sumulpot ang mukha ni Tiyo Rico. Sa mukha niya ay nakapaskil ang napakalawak na ngiti.
"Huli ka!"
Pilit akong nagpumiglas nang hablutin ako nito. Mas dumoble pa ang kabog ng dibdib ko.
"Tiyo, maawa po kayo! Magkadugo ho tayo. Malaking kasalanan po itong ginagawa niyo."
"Kasalanan? Hah! Pag-ibig ito Eva, pag-ibig!"
"Tiyo nababaliw na po kayo! Pakiusap, itigil niyo na ho itong kahibangan niyo!" Malakas kong sigaw. Naramdaman ko na lamang ang malakas na pagtama ng kaniyang palad sa aking kanang pisngi. Halos maliyo ako sa lakas ng kaniyang pagsampal sa akin.
"P-patawad, Eva. Ikaw naman kasi. Sshhh. Tahan na." pag-aalo niya sa akin. Ngunit mas tumindi lamang ang pag-iyak ko.
Mabilis ang mga sumunod na mga pangyayari. Akmang hahalikan na niya ako nang may humila sa kaniya. Ang sunod kong nasaksihan ay ang paglugmok ng aking tiyuhin. Hindi ko makita ang taong may gawa nito dahil nakatalikod siya sa akin.
"S-sino ka? S-salama-" nabitin ang aking pasasalamat. Nanindig ang aking balahibo nang makita ko ang buong mukha niya. Naging triple ang kabog ng dibdib ko nang masilayan ko ang kulay ng mga mata nitong tila nakadroga.
Napailing-iling ako nang dahan-dahan itong lumapit sa akin na may nanlilisik na mga mata at nakangising labi.
"Fuck! You're a real deal.."
***
-GiocosaRagazza
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 😊😊