webnovel

Kabanata 6: Kamay sa kalangitan

-----

Sa gitna nang nararanasang lungkot, pagkalito at takot ni Hiraya ay napangiti siya. Narinig niya muli sa isipan niya ang iniwang mga salita ni Mayari. Makakamtan niya na ang matagal na niyang hinihiling. Umiling-iling siya at pinunasan ang kanyang papatulong luha. Napuno ang isipan niya nang determinasyon at muling tiningnan ang pop-up screen.

[Countdown: 3 minutes 57 seconds.. 56.. 55]

'Tatlong minuto pa mahigit. I have to do something, kung susundin ko ang mga dapat mangyari, gaya nang sinabi kanina ni Mayari ay paniguradong mag-uumpisa ang impyerno sa oras na maubos ang timer.' Napakaraming naiisip na dapat gawin ni Hiraya pero kakaunting oras na lamang ang natitira.

Naisip niya bigla ang kanyang mga kaklase habang pinagpatuloy niya ang pag-ika. Kung mayroong duwende na biglang lilitaw sa silid-aralan ay kaya naman siguro ng mga kaklase ni Hiraya na labanan iyon? Nagawa namang talunin ni Hiraya ang duwende kahit na mag-isa lamang siya.. kakayanin nila iyon dahil madami sila, diba?

Baka kapag pumasok din sa isipan nilang may tsansa silang mamatay ay baka mabaliw din sila at magagawa din nilang lapastanganin ang katawan ng duwende diba?

Hindi naman siguro sila hihiwain at kakainin ng duwende diba?

Hindi naman siguro sila sasaksakin ng duwende sa hita diba?

Hindi naman siguro sila mapapaihi nalang sa salawal at sisigaw ng tulong diba?

Lalabanan nila ang duwende hanggang sa mapuksa nila ang panganib diba?

Na-imagine lahat ni Hiraya ang mga pwedeng mangyari sa oras na mahawakan ng isang duwende ang kanyang mga kaklase. Nagdulot lamang ito ng stress sa kanya at lalo lamang tumindi ang kaba at takot niya. Tiim-bagang niyang inihakbang muli ang kanyang mga paa.

'Whatever happens I' am prepared now. But them... I need to go to the infirmary, get some first aid then I will go ba.. shit, scratch that! I need to tell someone! Anyone!' Napatigil muli si Hiraya sa pag-ika. Pinili niyang bumalik ngayon na mismo sa kanilang silid-aralan.

'My health points are declining.' Nakaramdam na nang pagkahilo si Hiraya. Napasandal siya sa pader at ipinagpatuloy ang pag-ika paakyat ng hagdan. Naisip niyang siguro ay dapat hindi siya laging nagpupuyat para sana mataas ang kanyang vitality. Nanlaki ang mata ni Hiraya at napa-oh my siya.

Ding!

Hindi iyon isang panibagong pop-up kundi parang isang maliwanag na bumbilya ang lumitaw sa kanyang isipan.

'Is health points connected to Vitality in this sysyem? Maybe it is. I played some games with that kind of system.'

'Vitality, if I need more health points then I just need more vitality.'

Binuksang muli ni Hiraya sa isipan niya ang kanyang Status Screen at dumako ang mga mata niya sa attribute na vitality.

'How do I fucking put my points in this? Ah.. shit shit shit!'

"Points to vitality! Magdagdag ng puntos sa vitality! Fck you vitality! Damn it... ah fuck me!" Patuloy at sunod-sunod na bigkas ni Hiraya hanggang sa mabigkas niya sa isipan niya ang mga salitang... '20 points to vitality'.

[Vitality: 6 - Vitality: 26]

Pinaling naman ni Hiraya ang tingin niya sa kanyang health points. Pero hindi na niya tinapos ang pagbasa roon dahil tinakbo na niya ang hagdanan paakyat. Tama ang hinala niya. Ang 39/140 na natitirang health points niya ay umangat sa 239/340.

Napuno nang sigla ang isipan ni Hiraya. Patuloy pa rin ang pagdurugo ng kanyang sugat pero sa ngayon ay hindi na nasa kritikal na kondisyon ang kanyang katawan.

Dahil siguro sa hiyang naramdaman ni Hiraya kanina ay hindi niya napansin na malayo pala ang CR na pinuntahan niya. Nasa kabilang dulo ng ikatlong palapag ang kanilang silid-aralan samantalang ang CR ay nasa kabilang dulo naman ng ikalawang palapag, dapat sana ay sa kabilang hagdan na lamang siya umakyat, pero wala nang oras para pagsisihan niya pa ang tinahak niyang daan, kakaunting oras nalang ang nalalabi.

'Bakit walang mga tao! Asaan ba kayo! Fucking hell!'

Biglang may lumabas na tao sa pintuang dadaanan ni Hiraya, mabuti na lamang at agad niya itong napansin bago pa sila magkabanggaan. Napangiti si Hiraya at tinitigan ang taong nakita niya.

"AHHHHHH!" Sigaw ng babae.

"Ahhh putangina manahimik ka pakinggan mo ako!" Inasahan na ni Hiraya na sisigaw ito nang makita niya ang gulat at takot sa mukha nito, mabuti nalang at hindi ito tumakbo. Napa-oops siya dahil hindi niya napansin na guro pala ang minura niya.

"Ah.. anong sabi mo? Studyante ka ba dito, minumura na ng mga studyante ang guro nila?" Sunod-sunod na usisa ng guro.

"Sorry Ma'am hindi ko po agad napansin na guro po kayo.." Napakamot ng ulo si Hiraya, pero agad niya rin itong tinigil. Akmang magsasalita na siya pero agad siyang sinermonan ng guro.

"Anong ginagawa mo rito at bakit nasa labas ka ng silid-aralan?" Tanong ng guro habang inaayos ang damit nitong nagulo dahil sa biglaang pagkakagulat sakanya. Pinulot din nito ang nahulog na papel na hawak niya kanina. Tumayo ito tapos ay inayos ang buhok.

"Dadalhin kita sa guidance! Bawal pang lumabas sa klase diba?" Napatigil ang guro nang makita niyang may kakaiba sa ayos ni Hiraya. Puno ng mapulang likido ang dami nito. Napagtanto ng guro na dugo ang pulang likido sa damit ni Hiraya at may ilang mga galos pa ito sa leeg.

"Yung countdown po teacher..." Hindi siguradong bigkas ni Hiraya dahil hindi niya alam kung siya lamang ba talaga ang nakakakita ng mga screen at announcement ng system.

Tumaas ang kilay ng guro at sinabi, "Nakikita mo rin ang countdown?"

Napuno nang pag-asa ang kaibuturan ni Hiraya. Agad siyang tumango nang mabilis at lumapit sa guro, nilapitan din siya nito at hinatak sa kamay, tumingin ito sa mga sugat ni Hiraya at iniharap nito ang palad niya. Napakunot ang noo ng guro dahil sa nakita niya.

Hinatak ng guro si Hiraya at dinala sa loob ng silid na pinanggalingan nito. Pinaupo niya si Hiraya at may kinuha sa gilid ng silid. Isang kahon ng first aid kit.

"Ma'am wala na po tayong panahon para dyan, malapit nang maubos ang oras sa countdown! Bakit wala pa pong mga taong umaalis?" Napatingin si Hiraya sa screen. [Countdown: 1 minute 21 seconds]

"Kumalma ka muna. Lagyan natin ng betadine yang kamay mo... Wala pang umaalis dahil mas interisado sila sa kasalukuyan nagaganap sa labas." Matapos buksan ng guro ang kahon ay inumpisahan nitong lagyan ng betadine ang palad ni Hiraya.

"Sa labas? Ano pong mayroon sa labas? Teacher we need to leave this place now!" Binawi ni Hiraya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng guro. Nagulat ang guro sa aksyon ni Hiraya. Tumaas ang isang kilay nito, naglakad papunta sa bintana at inumpisahang buksan iyon.

Walang nagkaklase sa silid na ito kaya naman nakasara ang bintana. Kung bakit galing dito ang guro ay dahil may kinuha itong dokumento sa drawer ng mesa, iyong hawak nitong papel kanina.

"Hindi mo alam kung ano ang mayroon sa labas? Asan kaba nagsususuot bata ka at wala kang ideya sa kung anong mga nangyayari ha?"

'Outside? What's going on outside na mas importante pa kaysa sa pagtakas nila? NO! Ikaw ang walang ideya kung ano ang mga mangyayari!'

Nang makita ni Hiraya ang nasa labas ay napatanga siya.

Basag-basag na parang salamin ang kalangitan.

Naghahalo ang itim, berde, pula, asul, dilaw at kung ano-ano pang mga kulay.

Itim ang kalangitan at ina-outline ang mga bahagi nito ng puting mga crack.

Kulay berde ang mga ipo-ipong ulap at kasama nito ang dilaw na kidlat na gumagapang paroon at parito.

Tanaw sa walang hanggan ang pulang hugis kamay; limang daliri at palad. Sa sobrang laki nito ay kitang-kita mula dito sa kinatatayuan ni Hiraya ang bawat uka ng palad at mga daliri.

'Oh'

'My'

'Fucking'

'God!'

Nagkatinginan si Hiraya at ang guro. Napalunok si Hiraya at bumalik ang tingin niya sa dambuhalang kamay ngunit wala atang ideya ang guro kung ano ang nakikita nito at ngumiti siya at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Hiraya at ipinagpatuloy ang paglagay ng betadine.

Beep!

Manghang-mangha si Hiraya sa kanyang nakikita. Nababasa niya lamang sa mga libro ang ganito kalaking kamay o napapanood sa mga mitolohiyang pelikula.

Beep!

Napatingin si Hiraya sa screen ng countdown.

'11'

"Teacher, kailangan na nating umalis! Ngayon na as in now na!" Hindi na mapakali ang utak at katawan ni Hiraya. Nanginginig na ang mga kalamnan niya dahil sa kaba. Alam niyang magkakaroon ng malaking pagbabago sa mundong ito at sa ngayon ay siya palang ang nakakaalam non.

'10'

'9'

'8'

"Ano ka ba? Huminahon ka muna. Ano bang mangyayari kapag naubos na ang oras sa timer? Sasabog ang mayon? Hahaha."

'7'

"Anong sasabog ang mayon? Ah shit, mayon.. Mayon? Putanginang mayon na yan! Hindi mayon ang sasabog ma'am.. o kung ano man po yung mayon na sinasabi mo, at walang sasabog. May malaking pagbabago ang magaganap! kailangan na po talaga nating..." Hindi na napigilan ni Hiraya ang magmura dahil hindi niya alam kung ano ang mayon na sinasabi ng guro. Pinutol pa nito ang mga sasabihin niya.

'6'

'5'

Pasigaw na bigkas ng guro, "Ano ka ba! Sabi ko sayong huminahon ka. Kalma! Ano bang inaasahan mong mangyari ha?" Tila may epekto ang mga sinabi ni Hiraya dahil nagtataka na rin ang guro sa kinikilos niya pero mas lamang ang hinala ng guro na adik sa droga si Hiraya kaya hindi normal ang kinikilos nito. Napansin ng guro na tila wala sa sarili si Hiraya at kung ano-ano pa ang sinasabi nito.

'4'

'3'

"Ano bang akala mo?"

'2'

"Magunaw ang mundo?" Ngumiti ang guro.

'1'

Flash!

Tanging puting ilaw lamang ang kasunod na nakita ni Hiraya matapos niyang marinig ang lagatok nang pagsara ng mga daliri nung kamay sa kalangitan.

Tumalsik si Hiraya kung saan. Nawalan siya nang malay.

Next chapter