webnovel

KABANATA 11

(Year 1922)

"MGA HUNGHANG KAYO!!! HINDI KO SINABING PAMANGKIN KO ANG DUKUTIN NYO INUTIL.."

(NGAYON KO LAMANG NAKITANG NAGALIT SI TIYO JUANCHO.)

Halos mawalan ng balanse ang dalawang lalaki ng muling sinuntok ni Don Juancho ang mga mukha nila.. Panginginig at takot ang dumapo sa kabuuan ni salome dahil sa nasaksihan nila ni rolando.

"A-anong ibig sabihin nito t-tiyo?? Ano't pinadudukot nyo ang inyong sariling anak?"

"Tumigil ka salome.. H'wag na h'wag kang magsusumbong sa iyong ama at ina."

Napahinto si salome at napatitig pa uli ito sa kanyang tiyo na nanggagalaiti na sa galit..

"H'wag ka ding magtangka na ipaalam ang iyong makikita.. Narito kana lang din naman alamin mona din ang tunay kong pagkatao."

Binaril ni Don Juancho ang isang tauhan... Napansin naman agad ni Don Lando ang pasa sa mukha ni salome dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ng isa sa mga tauhan.

"Sino ang may gawa nito kay binibining salome?? Hindi ba't malinaw na malinaw ang pagkakasabi kong h'wag sasaktan isa sa mga bihag?"

Galit na napasigaw si Don Lando.. Kilalang kilala niya ang pamilya arguelles dahil tanyag si leonardo tomas arguelles ang ama ni salome samantalang tanyag din ang ina ni salome dahil magaling ito sa pagawit..

"P-pasensya na po mga D-don.."

Paghingi ng despensa ng isa sa mga tauhan na syang nanakit kay salome..

"Siguradong magagalit ang ama ng binibini na ito.."

Masamang tingin ang ibinigay ni Don Juancho sa lalaking nanampal sa kanyang pamangkin.

"Bakit mo naman sinampal ang aking pamangkin?? Hindi bat ang bilin sa inyo ay h'wag na h'wag nyong sasaktan o gagalawin ang mga bihag?"

"P-paumanhin D-don Juancho.. H-hindi ko ho iyon sinasadya.. Nagalit lamang ako dahil sa kanyang g-ginawa."

Napaatras ang lahat ng itaas ni Don Juancho ang hawak nitong baril at itinapat iyon sa bunbunan ng lalaking nanampal kay salome..

"Siguradong manggagalaiti sa galit si leonardo tomas arguelles dahil sa ginawa mo sa kanyang bunsong anak.."

Walang awang ibinaril ni Don Juancho ang hawak nyang baril sa tauhan nila na nanakit kay salome samantalang hindi naman makapaniwalang nakatitig sina salome at rolando dahil sa ginawa ni Don Juancho na hindi naman inaasahan ng dalawa.

"B-bakit n-nyo h-ho ba i-ito g-ginagawa t-tiyo at D-don lando?? H-hindi nyo ba kayang pagsabihan sina sonya at rolando? B-bakit kailangan pang humantong sa ganito, tiyo?"

Hindi parin mawala sa isipan ni fidel ang narinig nito sa ama at ina ni salome na nasa hacienda arguelles..

"M-maari ba kitang makausap, f-fidel?"

Napalingon naman si fidel ng marinig nito ang pamilyar na boses.

"Sonya sabihin mo sa akin nasaan si rolando at salome?"

Hindi napigilang hinawakan ni fidel ang braso ni sonya na pilit syang pinapaamin..

"A-ano ba ang iyong sinasabi?"

"Wala ka ba talagang alam na ikaw dapat ang dadakpin at hindi si salome?? Wala ka ba talagang alam sa gustong gawin ng iyong ama at ni Don lando?"

Malakas na nasampal ni Sonya si Fidel na masama ang tingin sa kanya lalo na't nasampal sya ng binibini na dati din nyang minahal.

"W-wala kang karapatang husgahan ang aking p-pagkatao fidel.. Wala ka ding karapatang paratangan ng hindi maganda ang aking ama dahil lang nawawala ang aking pinsan na si salome."

"Tama ka!! Wala akong karapatang husgahan ka.. Ngunit mapanlinlang din ang iyong ama.. Hindi ba't kaya ka nyang ipadakip?"

Natahimik agad si sonya dahil tama ito at alam nyang ipadadakip sya ng kanyang ama dahil narinig ni sonya ang paguusap ng kanyang ama at ama ni rolando na pinsan naman ni fidel.

"Pero hindi yon sapat para pagkatiwalaan uli kita, sonya. Sabihin mo sa akin ngayon hindi ka nga ba talaga kahusga-husga?  Hindi ka nga ba talaga mapanlinlang tulad ng iyong ama?"

Muling hindi nakapagsalita si sonya dahil sa sinabi ni fidel sa kanya..

Nakayuko na lang si sonya habang nakatingin sa kanya si fidel.

Ang tingin na binibigay ni fidel kay sonya ay ibang iba na sa tingin nito noong nagkakilala sila sa europa kung saan nagsimula ang love story nilang dalawa.

"H-hindi din sapat ang lahat ng ito para talikuran at iwan ako fidel.. N-nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan ngunit anong ginawa mo, fidel? INIWAN AT TINALIKURAN MO AKO.——— Tapos ngayon nagawa mo akong husgahan dahil lang sa aking pinsan na kailan mo lang naman nakilala.."

Si fidel naman ang natahimik ngunit nanatili itong nakatitig ng marahan kay sonya na lumuluha na sa kanyang harapan.

"N-nangako ka sa akin!!!"

Tumalikod na si fidel ngunit natigilan ito ng yumakap sa kanya si sonya..

"Kailan ako nangako sa iyo?? Ang pagkakatanda ko ay ikaw ang nang iwan at tumalikod sa ating dalawa.. Kaya naman wag mong isisi sa akin ang lahat, Sonya."

Muling lumabas si Don lando at Don Juancho upang magusap kung kaya't naiwang tulala si salome habang si rolando ay nakatingin sa kasama nitong si salome na hindi parin nagsasalita..

"Salome ako na lamang ang humihingi ng despensa sa iyo.."

Nanatiling tahimik si salome hindi parin ito sumagot sa sinabi ni rolando.. Hindi naman nakatiisi si rolando.

"H-hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ba kami? Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa iyo ngunit asahan mo kapag nakaalis na tayo dito lalapit ako sa iyo at hihingi parin ng despensa hanggang sa mapatawad mona kami nila ama.."

Tumingin naman si salome kay rolando ng hindi parin nagsasalita.. Nakatitig lamang ito sa ginoo pinapakiramdaman kung gaya parin ba ng dati ang nararamdaman nya para sa binata.

(BAKIT TILA NAGBAGO NA ANG NARARAMDAMAN KO PARA KAY ROLANDO?? BAKIT TILA ANG PINTIG NG PUSO KO AY NAGING NORMAL NA LAMANG ITO?)

Hindi mahanap ni salome ang kabang nararamdaman nito kapag si rolando na ang nakikita nito.. Hinahanap ni salome ang dating nararamdaman nya para sa binata.

"Pakawalan na sina salome at rolando.."

Nagkatinginan muna ang dalawa bago tinapunan ng tingin sina Don lando at Don juancho na kakapasok lamang sa loob na kinalalagyan ng dalawa.

"Nais muna kitang makausap pamangkin.."

Iiling iling na nagpaalam si salome kina Don lando at rolando na nakatingin sa kanya.. Sumenyas naman si Don juancho kay salome na sumunod agad ito sa kanya.

Huminto si Don juancho kaya naman nahinto din si salome na nasa likuran ng kanyang tiyo.

"Nais kong h'wag na h'wag mong sabihin ito sa iyong ama at ina.."

"T-tiyo gusto kong malaman kung bakit nais mong ipadukot si sonya?"

Humarap ang tiyo ni salome na syang ikinagulat nito kung kaya't bahagyang napaatras ng kaunti si salome dahil din sa gulat..

"Dahil hanggang ngayon ay mahal parin ni sonya si fidel samantalang may ibang napupusuan si rolando.. Hindi namin alam kung sino ang babaeng napupusuan ni rolando kung kaya't gumawa kami ng hakbang para paglapitin si sonya at rolando ngunit ikaw ang dinakip nila at hindi ang aking anak."

Natahimik uli ang mag tiyo kung kaya't muling nag tanung si salome..

"Bakit kayo ang nagdedesisyon sa buhay ni sonya tiyo.. Hindi ba't mas makabubuti kung si sonya ang magdesisyon para sa kanyang sarili?"

Tumikhim si Don juancho nagtitimpi sa dami ng tanung ni salome..

"Tumahik ka!!! H'wag ka na lamang mangialam.."

***   ***

Nagulat ang lahat sa pagdating ni salome na may pasa sa mukha na syang napansin ng kanyang ama.

"Salome!! Kapatid ko.."

Mabilis na nagsiyakapan ang mga kapatid nito na kararating lang dahil sa nalamang ilang araw na ding nawawala ang kanilang bunsong kapatid na si salome.

"A-ate Susana, Ate sandra, A-ate samantha.. N-narito na po pala kayo!!"

Halos manlaki ang mga mata ni salome ng makita kung sino sino ang mga nakatingin sa kanya na alalang alala dahil sa pagkawala nito.

"Akala ko'y hindi ka na namin makikita, bunso.. Nagalala kaming tunay, Salome."

Maya't maya ay turan ng Kuya ni salome na nasa likuran naman nito.

"K-kuya juancho.."

Napayakap na lang din si salome ng makita ang panganay nitong kapatid na kaytagal din nyang hindi nakasama at nakita gaya ng mga kapatid nitong babae..

"Nagpadala si Ina sa amin ng liham na nawawala at dinukot ka kaya dali dali kaming nagsibalikan dito upang hanapin ka, salome.. Mabuti naman at nakabalik kana sa amin, sobra sobra ang pag-aalala namin sa iyo ganun din ang pamilya Valdez.."

Napalingon si salome sa kanyang ama na seryosong seryoso na nakatitig sa mismong pasa nito sa pisnge.

"A-ayos lamang ako h-h'wag na ho kayong mabahala sapagkat ayos lamang ako."

"Ayos ka lang nga ba talaga?? Bakit may pasa ka sa pisnge, Salome."

Hindi agad nakasagot si salome ng tanungin sya ng kanyang ama na masama na ang tingin.

"N-nahulog lamang ho ako sa kalesa, ama. N-ngunit ayos lamang ho talaga ako. H-hindi naman ho masakit ang pasa sa aking pisnge kung kaya't h'wag na po kayong mabahala, ama."

"Alam ko ang totoo salome.. Ikaw ang nadukot at hindi si sonya. Alam ko din na ang tiyo juancho mo ang puno't dulo nito.. Hahayaan ko na sana ngunit hindi ako makapapayag na hindi pagbayaran ito ng pamilya flores lalo na't nasaktan ka.."

Kitang kita ang galit at pagkamuhi sa mga mata ni tomas arguelles ang ama ni salome..

"A-ama!! Ayos lamang ho ako.."

Pagpigil ni salome sa kanyang ama na halos atakihin na sa puso.

"Totoo bang si tiyo juancho ang nagpadukot sa iyo?? Totoo bang siya din ang punot dulo nito kung kaya't nagkaroon ka ng pasa sa mukha.. Ama!! Ako ng bahalang makipagusap kay tiyo juancho.. Hindi ko din palalagpasin ito. Ina kayo na pong bahala kay ama, dito na lamang kayo, salome."

Lumipas na ang ilang linggo ngunit tahimik na ang hacienda arguelles.. Kahit na kumpleto ang pamilya ni salome parang kulang parin sila dahil sa nangyaring pagdukot sa kanya tapos sumugod pang magisa si juancho ang panganay na anak ni tomas arguelles na ama ni salome..

"Ama, I-ina nais ko sanang magtungo kina agatha at m-maria.."

"Salome matindi din ang pagaalala ng mga kaibigan mo... Simula ng makabalik ka hindi mo pa sila nakakausap at sigurado akong nais ka din nilang makita lalo na din si amanda na halos humingi ng tulong sa kanyang ama na hanapin ka, anak."

Nakangiting turan ng ina ni salome ngunit natigilan lamang sila ng magsalita ang ama ni salome.

"Sasamahan ka ng iyong ate susana.. Ikaw naman samantha samahan mo ang iyong ina sa kabilang baryo habang ikaw sandra sasama ka sa akin."

"S-saan ho tayo magtutungo ama??"

Nakatingin silang lahat kay Don tomas hinihintay ang isasagot..

"Magtutungo tayo sa iyong mapapangasawa.. Isa iyong inhenyero sa europa ngunit bumalik lamang sya dito upang makilala ka, sandra. Anak sya ng aking kaibigan kaya naman magugustuhan mo sya at alam kong mapapabuti ka dahil mabuting tao sila."

Natahimik parin ang lahat habang nasa hapagkainan silang lahat.

"Ngunit mauunang ikakasal si salome."

Halos magkatinginan ang magkakapatid sabay tingin kay salome na bunsong kapatid nila sabay nilingon ang ama.

"Ama!! Hindi bat masamang pangitaing ang bunsong kapatid ang unang magaasawa?? Bakit hindi muna natin tanungin si kuya juancho kung kailan nya balak mag-asawa."

Habol ni samatha na nangaasar pa sa kanilang kuya juancho na nabulunan pa dahil sa itinuran ng kanyang kapatid.

"Tumigil ka nga samantha!! Wala pa akong balak mag asawa.."

Natawa naman sila dahil sa sinabi ni Juancho.. Ang kaninang tahimik ay napuno ng tawanan at asaran na para bang wala silang problema.

Matapos ang tanghalian magkasama sina salome at susana na nakasakay sa kalesa.

"Totoo bang ikakasal ka na sa isa sa Valdez?? Hindi bat isa sa kanila ang ninanais mong makasama?? Ano ang ngalan ng ginoo na iyon, salome?"

"Si Senior Rolando Valdez ang nais ko ngunit nakatakda itong ikasal kay Seniorita Sonya Flores ang ating pinsan.. Samantalang ako nakatakdang ikasal kay Senior Fidel Valdez ang anak ni Don Benito.."

Kitang kita ang tuwa at saya sa mga mata ni susana.

"Mas nanaisin kong makatuluyan mo si Ginoong fidel, salome. Si Senior Fidel ay maginoo, matalino, maaasahan at pinagpapantasyahan ng kababaihan."

Halos maipit sa pagkakayakap ni Agatha at Maria si Salome ng magpakita ito sa kanila.

"Anong nangyari sa iyong pisnge?? Sino ang may gawa nyan sa iyo?"

Nangangatog sa galit si amanda ng humarap sa kanya si salome at nakita nya ang namamagang pasa sa pisnge ng kanyang matalik na kaibigan.

"W-wala ito amanda.. N-naumpog lamang ako sa kalesa nung isang araw, hehe."

Napilitang tumawa si susana ng marinig ang pagtawa ng kanyang kapatid na si salome upang pagtakpan ito.

Niyakap naman agad ni amanda si salome dahil sa wakas ay muli nila itong nakita.. Natutuwa silang ligtas ito sa pagkakadukot sa kanya.

Masayang magkakasama ang magkakaibigan, kwentuhan at kulitan lang ang nakita ni susana sa mga ito.. Natutuwa si susana dahil sobra sobra ang pagmamahal na naibibigay nila sa kanyang bunsong kapatid na si salome samantalang ang nagiisang kaibigan nito ay hindi na kailanman nagpakita pa sa kanya hindi gaya ni salome..

"SALOME, SUSANA BUTI NA LAMANG AT NADATNAN KO KAYO DITO."

"Anong nangyari sa iyo mang pablo?? Bakit tila humahangos ka? Tila ika'y tumakbo patungo dito."

Napansin ng lahat ang paglunok ni mang pablo at halos hindi makatingin ang mga ito.

"A-ang iyong ama ay sumugod sa Hacienda Flores... Hindi na ito nagpaawat pa ng mabalitaang nagtanan daw kayo ni Senior Rolando kahit wala namang katotohanan.. May nagkakalat sa ating bayan na kayo daw ni Senior Rolando ay lihim na magkasintahan kung kaya't nagtanan daw ho kayo."

Halos magkatinginan ang lahat dahil sa ibinalita ni Mang pablo mabilis na nagsi sakayan sa kanya kanyang kalesa ang magkakaibigan samantalang magkasama parin si salome at susana sa iisang kalesa patungo sila ngayon sa Hacienda Flores.

"ISA ITONG MASAMANG KAHIHIYAN SA IYO SALOME.. ANG ALAM NG LAHAT AY NAKATAKDA NG IKASAL SI ROLANDO KAY SONYA, SAMANTALANG MAGPAPA-PIGING NAMAN SI AMA AT DON BENITO SA MAKALAWA DAHIL IPAPAALAM NA SA LAHAT NA NAKATAKDA KA NAMAN KAY SENIOR FIDEL."

Hindi namalayan ni salome ang luha sa mga mata nito hindi na din sya mapakali at sobra sobra na ang kabang nararamdaman nito halos pareho sila ni susana ang nadara..

"Narito na ho tayo.."

Dali daling bumaba ang magkapatid halos tinakbo na ni salome at susana si Don Tomas ng makita itong nagwawala sa tapat ng mansyon ni Don Juancho.

"SABIHIN MO SA LAHAT NA NADUKOT ANG AKING ANAK DAHIL SA IYO!!"

"A-ano ang iyong pinagsasabi tomas?? Wag kang mageskandalo dito."

Halos mautal si Don juancho dahil sa sinabi nito.. Hindi din ito makatingin ng maayos dahil sa galit na nakikita nila sa mga mata ni Don tomas ang ama ni salome.

"H'wag kang magmaang-maangan juancho.. Si sonya dapat ang ipapadukot mo ngunit nagkamali ang mga hunghang mong tauhan kung kaya't ang aking anak ang nadukot at halos magkapasa sa mukha.. Hindi kona sana ito papansinin dahil ayaw ni salome ng gulo ngunit hindi na ako makapagtimpi dahil sa mga naririnig kong kasinungalingan.. HINDI NAKIPAG-TANAN ANG AKING ANAK KAY ROLANDO SAPAGKAT NAKATAKDA NA SI SALOME KAY FIDEL.."

Next chapter