Ali's POV
Nang natapos na ang huling klase namin sa araw na ito ay lumabas na kami ni Allyssa sa classroom na ginamit namin at nakita kong naghihintay na sa labas si Ken.
Nakahalukipkip siya at nakakunot parin ang noon niya hanggang ngayon.
Bumalik lahat naman sa akin ang sinabi ni Allyssa kanina.
Talaga bang nagseselos siya? O talagang may problema siyang hindi niya sinasabi sa akin.
At sa nakikita kong expression ng mukha niya ngayon mukhang galit parin siya.
"K-ken" tanging nasambit ko na lamang ng makarating kami sa kinaroroonan niya.
Tinignan lamang niya ako napalingon ako kay Allyssa nang magsalita siya.
"A-ah sige Ali, Ken una na ako sa inyo" tinanguhan lamang siya ni Ken.
Lumapit si Allyssa sa akin at niyakap ako sabay bulong ng 'goodluck'.
"Bye" paalam ko sa kanya ng nagsimula na siyang lumayo sa amin.
Kinawayan niya lamang ako sabay thumbs up sa akin.
Nang tuluyang makaalis si Allyssa mas lalo akong kinabahan dahil kami na Lang no Ken ang nandirito.
"Tara na" malamig na wika niya sa akin.
Parang may kirot sa aking puso dahil sa ipinapakita niya sa akin ngayon. Pinigilan kong lumuha dahil baka mas lalo lang siyang mainis sa akin kapag nakita niya akong umiiyak sa harap niya.
"S-sige" kahit anong pigil ko sa sarili na huwag mautal nangyayari parin dahil kaharap ko ngayon ang taong dahilan nito.
Akma na sana akong maglalakad nang bigla niyang iniabot sa akin ang kamay niya.
Naguluhan naman ako dahil doon.
"B-bakit?"
"Akin na ang bag mo, ako na ang magdadala" gusto ko mang kilig in ngayon pero hindi ko magawa dahil ang lamig parin ng pakikitungo niya sa akin.
Imbes na makipagtalo sa pa kanya hindi ko na lamang ginawa dahil baka mas lalo lang siyang magalit at lumala itong sitwasyon namin ngayon.
Ibinigay ko na lang sa kanya ang bag ko. Nauna na siyang naglakad ng makuha ang bag ko at isinukbit niya iyon sa balikat niya.
Mas pinauna ko siya kaysa sa akin. Nasa likod niya ako ngayon habang nakayuko parin akong maglalakad.
Hindi ko napansin na tumigil pala siya paglalakad kaya nauntog ako sa balikat niya.
Dahil sa hanggang tenga lamang niya ako tiningala ko siya at nakita kong nakatingin na siya sa akin ngayon na siyang ikinayuko ko.
"Ayaw mo ba akong kasabay maglakad?" tanong niya sa akin ngunit ngayon hindi lang galit ang mababakas mula rito sapagkat nahaluaan iyon ng sakit.
"H-hindi" umiling ako sa sinabi niya.
"Kung ganon bakit ka nasa likod ko at ayaw mo akong sabayan" nagulat naman ako dahil mababakas parin ang sakit mula sa sinabi niya.
"B-baka k-kasi a-ayaw mo akong m-makasabay" pag-amin ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya sa naging sagot ko.
Bakit lagi na lang ba kumukunot ang noo ng lalaking to.
"Bakit mo naman naisip iyan"
"K-asi g-galit ka sa a-akin" kanina ko pa gustong pagalitan ang sarili ko dahil kanina pa ako nauutal sa harap niya.
"Hindi ako galit sa'yo" sagot niya
"Tara na" Ani niya na ibinalik ang pagiging malamig niya sa akin.
This time kasabay ko na siya ngunit minsan ay kailangan ko pang lakihan ang mga hakbang ko upang makahabol ako sa kanya dahil ang bilis niyang maglakad.
Pinagbuksan niya ako ng pinto nang makarating na kami sa sasakyan niya.
Buong biyahe ay walang nagsalita sa aming dalawa. Kating kati na ako na kausapin siya dahil ayaw kong matapos ang araw na ito ng hindi kami nagkaka-ayos.
Ilang beses kong sinubukan magsalita ngunit tuwing ibubuka ko na ang bibig ko para bang umuurong ang dila ko kapag magsasalita na ako.
Isa pa pinapangunahan ako ng kaba dahil hanggang ngayon seryoso parin siyang nagmamaneho.
Nakarating kami sa bahay na kahit ni isa sa amin ay walang gumustong bumasag ng katahimikan.
Gustong-gusto ko nang umiyak ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili na gawin iyon.
Naglakas loob na akong tanungin siya dahil hindi talaga ako mapakali kung ano ang problema niya.
"M-may problema ka ba Ken?" imbes na sagutin niya ang tanong ko bumuntong hininga na lamang siya.
Dinukdok niya ang ulo niya sa manobela at muli ko siyang narinig na bumuntong hininga ngunit mas malalim lang ito kumpara sa nauna.
"Ken?" hinawakan ko siya sa balikat.
Nakita ko siyang nabigla sa ginawa ko hindi niya marahil inaasahan na hahawakan siya sa balikat.
"Wala. Wala akong problema" nasaktan man ako sa paraan ng pagsagot niya itinuloy ko parin siyang kinausap.
Ayaw kong matapos ang araw na ito ng hindi kami nagkaka-ayos kung matatawag nga bang away itong nangyayari sa amin ngayon.
"Ken diba nangako tayo sa isa't-isa na walang lihim ang mamamagitan sa atin?" tanong ko sa kanya.
"Please naman Ken, sabihin mo naman sa akin kung anong problema o may mali ba akong ginawa sa'yo" namumuo na ngayon ang luha sa aking mga mata na sa tingin ko kapag nagtagal pa ito tuluyan na itong babagsak.
"Wala nga akong problema diba?" nagulat ako sa paraan ng pagsagot niya sa akin. Binitawan niya ang mga salitang iyon ng may diin.
"Bukas na lang tayo mag-usap" tinignan ko siya at hindi makapaniwalang kaya niyang ipagpabukas pa ang nangyayari sa amin ngayon na kung maaari ay pwede naman namin itong ayusin ngayon.
Kahit mahirap inintindi ko na lamang siya dahil baka may malaki lang siyang dala dalang problema.
"S-sige" hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil agad akong bumaba sa kotse niya.
Pagkababa ako nagmadali akong binuksan ang gate namin at tumakbo ako papasok sa bahay.
Ang luha na kanina ko pa pinipigilan ay bumuhos. Agad kong pinahid ang mga luhang tumatakas sa mukha ko.
Pinindot ko ng pinindot ang doorbell ngunit wala paring nagbubukas ng pintuan.
Pinagpatuloy ko ang pag pindot dito at hinihiling na sanay may magbukas sa'kin ng pinto.
'Nay Rosa, asan ka na ba? Please naman oh buksan mo na itong pinto'
Pinahid ko ang mga luhang kanina pang lumalandas sa aking mukha.
'Ano ba namang mata' to ayaw tumigil sa pag-iyak'
Nagulat ako ng naramdaman kong binalot ako ng isang mainit at mahigpit na yakap.
'Ken' bulong ko sa isip ko
Inilagay niya ang mukha niya sa balikat ko at naramdaman kong may tumulong likido rito. Narinig ko siyang humihikbi na siyang nagpatantp sa akin kung bakit basa na ngayon ang aking balikat.
'Umiiyak siya'
"S-sorry" narinig kong bulong niya sa akin.
Mas lalong bumagsak ang luha ko dahil sa sinabi niya.
"S-sorry for being an asshole" naririnig ko parin ang paghikbi niya.
Kung hindi niya ako yakap ngayon baka kanina pa ako bumagsak sa lupa.
"Sorry Ali, I'm just jealous" nagulat ako ginawa niyang pag-amin.
"Nagseselos ako kanina kay Kyle" hindi naman na ako nagulat sa sinabi niya.
"B-bakit ka naman magseselos eh ikaw naman ang mahal ko at hindi siya"
"Alam ko, it's just that nagselos ako kanina noong tinignan mo siya"
So totoo nga yung hinala ni Allyssa na nagseselos si Ken kay dahil sa tinignan ko siya kanina.
"H-hindi lang si Kyle ang tinignan ko kanina pati rin kaya si Mikael dahil nagtataka ako kung anong meron sa kanila" isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at hinalik-halikan iyon.
Ipinagsawalang bahala ko lang iyon kahit na nakikiliti na ako.
"At i-isa pa k-kaibigan mo siya diba?" itingil niya ang paghalik sa leeg ko at kahit hindi ko nakita alam kong tumango siya sa akin.
"A-alam mo bang ang g-gago gago mo?" pinaharap niya ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon.
"A-ang g-gago mo" sabi ko habang patuloy parin akong umiiyak.
Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Alam ko kaya I'm sorry okay? Hindi ko na iyon uulitin" tumango ako sa sinabi niya
"Napakagago ko para gawin iyon sayo" napatango ako sa sinabi niya.
"T-talaga" tugon ko habang pinupunasan niya ang mga luha ng tumutulo parin sa aking mga mata.
"Kaya tahan ka na, huwag ka ng umiyak. Alam mo naman nasasaktan ako kapag umiiyak ka eh" niyakap niya ako ng mahigpit.
"Kasalanan mo kaya kung bakit ako umiiyak ngayon" pangongonsensya ko sa kanya habang hinampas ko naman ng mahina ang dibdib niya.
"Alam ko kaya sorry na ha" nakangiting saad niya na bakas ngayon sa mukha niya na kagagaling niya lang sa pag-iyak.
Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at ganon rin ako.
Hinalikan niya ako sa noo ng talong beses na siyang ikinakilig ng lola niyo.
"Oo na" nginitian ko rin siya. Bumitaw na ako sa pagkakayakap niya sa akin.
"I love you Ken" hinalikan ko siya sa pisngi na ikinalingkot ng loko.
"Bakit sa pisngi lang" nakasimangot na siya ngayon.
Natawa ako sa mukha niya mukha kasing nagpapa awa pero gwapo parin.
"Saan ba dapat?" maang maangan kong tanong.
"Dito oh" inginuso niya sa akin ang labi niya.
"Tse magtigil ka may kasalanan ka sa akin kaya wala kang kiss sa lips ngayon" pangbloblockmail ko.
"Akala ko ba pinatawad mo na ako" naku nagpacute pa ang loko.
"Hindi mo na ako mahal" pagtatampo niya sa akin.
"Alam mo para kang bata" natatawa kong kantiyaw sa kanya.
"Basta di'mo na ako lab, pumunta ka na sa Kyle na yon"
Mas oalo akong natawa dahil sarili niyang kaibigan piangseselosan niya. Nako nagtampo na naman po si mokong.
May sa sabihin pa sana siya ngunit inunahan ko na siya hinalikan ko siya sa labi hindi lang dahil sa gusto niya kung di dahil sa gusto ko rin.
Aba mag-iinarte pa ba ako kung isang Ken Rodriguez na ang gustong magpahalik sa akin.
"Ayan huwag ka ng mag tampo" sabay halik ko ulit sa labi niya kahit alam ko namang kunwari iyong pagtatampo niya sa akin.
Nakita ko naman siyang napangiti sa dalawang beses kong pagdampi ng labi ko sa labi niya.
"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis" nakangisi parin siya sa akin.
Kinabig niya ako palapit sa kanya at inilapit niya ang mukha niya sa akin.
Hinalikan niya ako. Nagulat pa ako ngunit ng makabawi gumanti ako sa halik niya.
Halos isang minuto ring tumagal ang halik an namin namin at nang inihiwalay namin ang labi namin sa isa't Isa pareho kaming hinigal.
Isinandal niya sa ang noo niya sa noo at nakita ko ang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi.
"I love you too" bulong niya na nag bigay ng kilig sa akin.
And for the nth time he again pressed his lips in mine.