Please VOTE!
HAPPY BIRTHDAY
"Ate, open the door." Katok ni Scarlet sa kanyang pinto. Ika apat na yata nitong katok ngunit hindi pa niya ito pinagbubuksan.
"Ate, naghihintay na sila kuya at sila Isabelle." Ulit pa nito. Marahil ay nagkita na din ito at sila Isabelle. Mukhang naka sundo din nito iyon. Ngunit hindi pa din niya binuksan ang pinto.
"Paano naman ako lalabas sa ganitong ayos?" Helpless na sagot niya dito.
Ang pinagmumuryot kasi niya ay ang suot niya na gown na pinili nito. Isa itong long gown silk na kulay dark blue na sleeveless.
May manipis ito na tirante at mahabang slit. Sa haba ng slit nito at kitang kita ang buong kanan na hita niya. Tapos napaka lalim pa ng gown kaya her cleavage are showing.
Ano bang klase gown ito na pinili ni Scarlet? Aminado naman siya na bagay iyon sa kanya kaya lang ay napaka sexy naman yata ng suot niya.
At hindi siya sanay sa ganoon na damit. Naka make up na din siya dahil minake up- an siya nito. Pagkatapos ay nag paalam ito na magbibihis at heto na nga sila sa eksena ng kulitan.
"For Pete's sake, Ate! Almost 10 min. na akong nasa harap ng pinto mo. Hindi mo pa din binubuksan." Reklamo pa nito.
"How can I go down looking like this?!" Singhal naman niya dito.
"It's a beautiful gown kaya huwag ka ng mag reklamo. Iyan na kasi ang pinaka desente na gown sa lahat ng pinag pilian. Or else you want to wear a full backless gown with deep neckline?" Tila pa pakunswelo nito.
She let a sigh and inhale deeply.
"At alam mo ang mga flirt na babae mamaya kulang nalang mag hubad para ma akit si Kuya. Sige ka ikaw din." Pananakot pa nito. At bigla siya napa isip.
"Isipin mo mission ito. Isang malaking mission." Pagmo motivate pa niya sa sarili. Bago lumabas ay napa buntong hininga ulit siya.
Ano na naman kaya ang mangyayari mamaya?
"Finally!" Sabi naman nito pagka labas niya sa pinto.
"Wow! You look gorgeous! I can't wait Kuya's reaction." Tumatawa pa na sabi nito.
"You look lovely too." Puri naman niya sa pulang strapless red gown nito. Naka tali din ang buhok nito para maging pormal kagaya niya.
"Let's go." Excited pa na sabi nito.
"Here!" Tawag sa kanila ni Lyon kasama nito si Isabelle at ang isang hindi pamilyar na babae na naka black backless gown na di tali sa leeg.
Napaka ganda nito dahil lalong naging visible ang kaputian at kakinisan nito. Naka lugay ang buhok nito na tila kinulot.
"I almost not recognized you. You look good." Bati naman ni Lyon sa kanya. Siya yata ang montik ng hindi maka kilala dito dahil naka light yellow sleeveless na may design ang bewang at straight cut na gown.
Ang buhok naman nito ay naka lugay ngunit kinulot mula itaas hanggang dulo may headband din ito na puro swarovski lalo tuloy ito nag mukhang kerubin dahil maliit pa ito. Kulang na lamang dito ay pakpak.
Kung kanina ay mukha itong high school student ngayon naman ay nag mukha itong debutante.
"You too. And you look cute." Hindi niya napigilan na sabihin dito at inakbayan pa niya ito at pinanggigilan.
"Hey! Stop it! Mamaya niyan mas matanda pa ako sa'yo." Na iinis naman na reklamo nito.
"I'm already 30 you know." Pagmamalaki naman niya dito.
"I'm also turning 30." Sabi naman nito at na gulat siya.
"You're not a teenager?" Naguguluhan niyang tanong at narinig naman niya ang mahinang pagtawa nila Isabelle.
"I just look young. But, I'm almost 30!" Reklamo naman nito sa kanya. Hindi niya napigilan mapatawa.
"Tatawa tawa ka. Ilan taon ka na ba?" Pukaw naman nito kay Isabelle.
Ito ay naka navy green na long gown na malalim ang neckline. Kung sila ay gorgeous at beautiful ang description ito naman ay hot and sexy. At siya lang ang makaka pull out ng ganoon.
Ang buhok naman nito ay kulot din kaya lang sa dulo lamang. Para itong artista sa hollywood.
"I'm almost 30 too. But, I don't look like a teenager." Natatawa naman na sabi nito. Sumimangot naman si Lyon sa kanila.
Lumapit naman si Xerces sa kanila at tila may hinahanap.
"Ladies! You look good!" Puri pa nito sa kanila. At napa ngiti na lang sila.
"Did you see, Mavis? Kanina ko pa kasi siya hinahanap." Nag aalala na tanong nito. Nanigas naman ang babae na naka black gown at hindi niya alam kung bakit.
Oo nga nasaan na nga pala ang weirdo na babae na iyon? Nasa madilim na kuwarto pa ba ito?
"Hindi niyo ba siya nakikilala?" Tila pagyayabang naman ni Isabelle. At lumingon naman silang lahat sa babae na naka black gown.
And now, that she thinks about it parang pamilyar ito. Saan nga ba niya ito nakita?
"No way!" Hindi niya makapaniwalang sabi.
"Yes, way." Pagmamalaki naman ni Isabelle.
"Mavis?!" Halos lahat sila na sabi.
"He- he. Yeah, it's me." Tila nahihiya naman nito na sabi.
"Kanina pa tayo magkasama! Bakit mo sinabi! Akala ko naman kaibigan ka ni Isabelle." Pagrreklamo naman ni Lyon dito.
"Akala ko naman kasi nakilala mo ako." Depensa naman nito. At ngumiti ng ka unti.
"No wonder na maraming namamatay sa maling akala." Pa saling naman ni Isabelle sa mga ito. Kahit kailan talaga prangka ito.
"Close your mouth. Xerces." Saway naman ni Scarlet dito at natawa sila. Si. Mavis naman ay bigla na conscious sa sarili nito.
Hindi pa din nagsasalita si Xeces marahil sa gulat at naka tingin lamang ito kay Mavis.
Lihim naman siya napa ngiti. Tila ngayon lang nito na realize na ang akala nitong ugly duckling ay beautiful swan pala talaga.
"You look good! Bakit ba kasi hindi mo pa tigilan ang pagka humaling sa saya at sweater?" Untag naman niya dito. Ay natawa naman sila Scarlet at Si Xerces ay speechless pa rin.
"They are a part of me. At ayoko mag bago para sa ibang tao para matanggap nila ako. Kayo nga na ngayon ko lang nakilala hindi nahihiya na makasama ako."
"At tanggap niyo kung ano ako. Kaya napatunayan ko na iyon dahil sa inyo. Sapat na kayo hindi ba Cess?" Sincere naman na sabi nito.
Marahil ay si Xerces ang Cess na tinatawag nito. At napa "Yeah" na lang ito.
"Stop the drama. Hindi ko linya iyan." Saway naman ni Isabelle dito.
"Kahit kailan kontrabida ka talaga." Segunda naman ni Lyon dito. At nag tinginan ang dalawa bago tumawa.
"Ladies, mukhang nagkakasiyahan kayo diyan ah?" Eksena naman ni Lee na may kasama na napaka gandang babae. Hindi niya matantiya kung foreigner ba iyon o Pilipina.
"Wow! All of you are stunning!" Exaggerated pa na sabi nito sa kanila.
Na upo naman ito sa lamesa nila. Isa iyong mahaba na banquet table. Nasa loob ng banquet hall sila ng hotel ngayon. At marami na ang mga bisita.
Sa tantiya niya ay pamilya, kaibigan at business partners ni Ten ang lahat ng nandoon. Mahigpit din ang security sa lugar. Kaya talagang family affair lang ang Birthday nito.
"By the way your Lyon right?" Tanong nito kay Lyon at tumango ito.
"You know what? Shin is currently flirting with the blonde tall model. At that side." Out of the blue naman na sabi nito at ngumisi pa.
Nanadya ba ito? Ngunit ng lingunin nila ang direksyon na tinutukoy nito ay may babae nga na naka kapit sa braso nito.
Hindi naman niya ma isip na salawahan ito dahil kung tutuusin ay napaka bait naman nito.
"Thanks for the tip, man." Sabi naman nito kay Lee at nagbago ang mga mata nito na tila tumalim.
"Do you need to do that?" Singhal niya dito. Si Xerces naman ay napa iling na lang.
"I didn't do anything wrong." Depensa naman nito at may punto ito.nnagsasabi lamang ito ng totoo.
"Sorry, girl. He's taken." Malakas na loob naman na sabi ni Lyon sa babae na kasama nito.
Lahat naman sila ay nagulat sa kaprangkahan nito at ibig niyang matawa. Iba din ang isang ito.
Tinignan lang naman ito ang babae at iniintay ang sasabihin ni Shin. Pero si Shin naman ay tinignan lang ito at hindi naman kumalas sa pagkaka lingkis ng babae.
"You really are pushing me? Huh?" Medyo may irita na wika nito kay Shin. And he still didn't budge.
"Young lady, do you mind letting go of my husband to be?" Bigla bigla ay deklara nito. Napa blink naman silang lahat na nasa lamesa.
Kahit si Lee at Xerces ay nagulat. Totoo ba ang sinasabi nito? Tila mas nagulat sa kanila ang babae na naka kapit dito.
"Yes, and I'm his fiancé." Dagdag pa nito. At kumawala naman na ang babae dito. Si Shin naman ay napa titig ng masama dito.
"Do you need to declare that? I already told you that I don't want to marry you." May iritasyon naman na sabi nito.
"Sorry, but you'll marry me no matter what." Determinado naman na sabi nito.
Napansin niya nga na palagi itong naka sunod kay Shin at iyon pala ang dahilan. Ngunit wala naman sa mukha ni Lyon ang pagiging desperada para sundan sundan si Shin at habulin ito.
Ngunit bakit nito iyon ginagawa? Nagpapaka martyr ba ito? Ganoon ba nito kamahal si Shin?
At ano ba ang problema ni Shin dito maganda naman ito at mabait din kaya bakit aayawan pa nito si Lyon.
Minabuti niyang alisin ang atensiyon sa mga ito dahil masyado na yata siyang nagiging usisera.
"At hayun kinukuyog naman na si Ryuuki ng mga babae." Hindi pa din tumitigil na sabi nito. Bakit ba ang daldal at ang kulit ng isang ito?
"Naa. They can't get his attention coz' if he's uninterested to someone he'll just treat them like air." Kumpiyansa naman na sabi ni Isabelle dito.
Iba talaga ang isang ito hindi patitinag. At si Lee naman walang nagawa kung hindi tumahimik na lang.
Ilang sandali pa ay nag simula na ang party. Na puno na din ang lamesa nila. Formal ang party at sitted buffet ang menu type. At nag simula na nga mag salita ang Birthaday boy.
Para naman may mga paru paro na naglalaro sa kanyang sikmura ng makita ito kahit na nag kita naman sila kanina. Hindi talaga siya nagsasawa na pagmasdan ito.
May be, she'll just stare at him hanggang sa magsawa siya. And probably enjoy the night too kasi hindi niya alam ang maari mangyari sa susunod na mga araw.
But, how far can she stay at the fairytale she's into right now? While knowing that soon she'll need to go back to the reality. And she let a sigh.
Hindi naman nag tagal ay nag simula ng magbigay ng speech ito at nag palakpakan muna ang lahat.
"I want to thank everyone who came tonight despite they'll busy schedule. And to my sister who makes this night a success." At tumingin ito kay Scarlet ngumiti lang naman ito.
Pinalakpakan naman ito ng mga bisita at kahit na din nila.
"And to my family and friends. Friends nga ba ang tawag sa inyo?" Pagbibiro pa nito at natawa naman ang lahat.
"And to the special woman in my life that I thank for coming to my life." Makahulugan naman na sabi nito at tumingin sa kanya lahat naman ng atensiyon ay napunta sa kanya.
Bigla naman niya gustong lumubog sa kahihiyan. Ano ba kasi ang pinagsasabi nito? Ngumiti na lamang siya dito dahil tila naghihintay ng reaksiyon mula sa kanya ang mga ito.
"And that's all. Let's just enjoy the night." Pagtatapos nito at bumaba na sa stage. At lumapit sa kanila.
"Rence! Why are you wearing something like that?!" Bulyaw naman ng kalmado na si Ryuuki dito ng makita ang yari ng gown nito.
"Why? Isn't it beautiful? Bagay naman ah?" Depensa naman nito. At nag pause pause pa ito.
Tinakpan nito ang mukha ng kamay. At lalo naman yata ito nagalit dahil naglabasan ang ugat nito sa noo.
"That's not the point! Hindi ka pa yumuyuko kita na ang kaluluwa mo." Pagmamaktol pa nito at natawa sila.
"This is the first time that we're together again after almost ten years. Kailan ka pa natuto mag suot ng ganyan?" Pagsisentimer pa nito.
Hindi nila alam na napaka protective pala nito. Dahil wala itong makita na panakip sa dibdib nito ay kinuha nito ang table napkin sakin itinali sa leeg nito para matakpan ang cleavage nito.
"Are you making out a fool on me?" Na iinis naman na sabi ni Isabelle at tinanggal ang itinali nito.
"Let's have a peaceful meal. 'Kay?" Pa suplado naman na sabi George sa dalawa ngunit hindi naman iyon pinansin ng dalawa.
Kumpleto na ang grupo nila sa lamesa at na upo na din si Ten. Tinitigan naman siya nito.
"Where do you think you're looking at?" Singhal niya dito ng mapansin sa dibdib niya ito naka tingin.
"Isn't that too revealing?" Pukaw naman nito sa damit niya. And here goes another conservative.
"Yeah and I think it's sexy." Sang ayon naman niya dito. Napa lunok naman ito sa komento niya at napa ubo. Is that passion that she can see in his eyes?
Hindi naman nag tagal ay nag simula na ang party. May babae na napaka ganda na lumapit sa lamesa nila para itong mannequin sa ganda.
"Excuse me? You're Ten right?" Eksena nito sa kanila at hindi yata namalayan nito na may date ito.
"Yeah, Ahm you are?" Naka ngiti at friendly naman na tanong ni Ten.
(He really never let down any woman.) Lahat naman ng kaibigan at kapamilya nito ay inaalis ang tingin sa kanila dahil parang may tensiyon sa paligid.
"It's Levie, remember? We met in New York." Pagpapaalala pa nito.
Hindi naman makapah salita si Ten o makuha manlang ang tamang sasabihin.
At na tinidor naman niya ng gigil ang pobreng brocolli sa inis. Ang akala niya ay kahit pa paano ay na apektuhan ito sa pagkawala niya.
Ngunit hindi pala. Nag patay malisya naman ang mga kaibigan nito at nagkanya kanya ng business.
"Ah. Yeah, what are you doing here?" Iyon na lamang ang nasabi nito habang naka tingin sa kanya.
"I came with a business partner. Actually, h-- Magsasalita pa fapat ito ngunit pinutol na niya ang sasabihin nito.
"Isn't it rude to not introduce me to her?" Hindi na niya napigilan sabihin.
Bukod sa ayaw niya sa sinungaling na tao ay ayaw din niya na tinatrato siya na parang hangin. And she got the girls's attention lalo na ng mga kasama nila sa lamesa.
"This is Heather my--
"His date. Nice to meet you, Levie." Pagpapa kilala niya. And she gave the deadliest look to her.
Kitang kita naman niya ang gulat sa mukha nito. Mukhang hindi talaga siya napansin nito at ibig niya itong sikmuraan sa inis. Narinig naman niya ang marahan na pagtawa ng mga kasalo nila sa lamesa.
"Oh, I'll see you around. They must be finding me." Mabilis na pagpapaalam nito at ngumiti lang naman siya ng pagka tamis tamis. At pagka alis nito ay pinukol niya si Ten ng masamang tingin.
"Huwag kang mag isip ng masama. She's just an acquaintance. Believe me." Paninugurado naman nito. At sobrang defensive ang mukha dahil natatakot yata sa maaari niyang maging reaksyon.
"Humanap ka ng ka usap mo." Na iinis niyang sabi dito. At napa iling naman ang mga kasama nila.
Siya naman ay na iinis. Bakit ba hindi iyo matunong tumanggi sa babae?!
"May I request the birthday celebrant to have the honor of tonight's first dance?" Tawag ng MC kay Ten. At ngumiti naman ito bago tumayo.