webnovel

Chapter XXXVII

Please VOTE!

THE KISS

"I said stop! James!" Habol pa din sa kanya ni Ten nakarating sila sa buhangin dahil sa pag habol nito at pagod na din siya.

Kung tutuusin ay romantic dapat ang pakiramdam niya sa paghahabulan nila kaya lang ay mas labis na natatakot siya kapag nahuli siya nito mukhang napikon na naman niya ito.

"Ayoko!" Sabi niya dito at nilingon ito. Pag harap niya ulit sa pag takbo ay nawalan siya ng balanse at nadapa. May ilang segundo siya na hindi kumilos. Naka dapa siya sa buhangin malapit sa dagat.

"Ayan na karma ka tuloy. Ang kulit mo kasi." Sabi pa sa kanya ni Ten. At hindi pa din siya kumikilos.

"Hey, are you alright? James?" Nag aalala na nitong tanong. At tinapik siya.

"James! Hey! James!" Naghihisterya na nitong kalabit sa kanya at dahil sa hindi niya mapigilan tumawa ay napa harap na siya. Kitang kita naman niya ang paglalabasan ng ugat nito sa mukha.

"It's not funny! Bakit ba ginagawa mong biro ang lahat!" Na iinis nitong sabi at napa hilamos ang palad sa mga mukha nito. Umupo naman siya sa pagkaka dapa at pinagpag ang mga buhangin sa katawan.

"Why are you overreacting? Binibiro lang kita." Sabi naman niya dito at ng hawakan niya ito ay tinabig nito ang kamay niya at nagulat siya. That's the first time he did that.

"Don't joke when life is in the line. Hindi ka nakakatuwa." Na iinis na sabi nito sa kanya. At natatakot siya sa kinikilos nito.

"I'm sorry." Malungkot na pa umanhin niya. Hinawakan naman nito ang magkabilang mukha niya at inilapit ang mukha nito sa kanya. At nagulat siya ng pagkiskisin nito ang noo at mukha nila.

"No need for the sorry. I'm just joking too. Now, we're even." Natatawang sabi nito at ang baho pala nito. Ngayon ay pati siya. Natatawang kinurot niya ito at binasa ng tubig.

"You liar!" Sabi niya dito at saka ito binasa. Natatawa naman ito at gumanti.

"Hey, naligo na ako. Huwag mo akong basain!" Reklamo niya dito at lalo naman nitong nilakasan ang pambabasa.

Ngayon ay medyo basa na siya at bumabakat na din ang ka niyang swim suit sa manipis niyang summer dress.

"Stop it!" Reklamo pa niya pero tawa lang naman ito ng tawa. Napa tigil siya ng makita niya ang pag bakat ng katawan nito sa puting manipis na polo nito. God! What a chest.

"What are you looking at?" Tanong niya dito ng mapansin niya ito naka tingin sa ka niyang katawan. And she feels uncomfortable. At hindi naman ito sumagot.

"That's just boobs, you know. So, stop staring." Saway niya dito. At natawa naman ito sa ka niya.

"Boobs pala yan." Natatawa naman nitong sabi.

Siya naman ay na inis dito. Iniinsulto ba siya nito? Kaya binasa niya ito lalo. At marahil ay hindi na ito komportable ay hinubad na nito ang polo.

"Don't get naked! Oh My God!" Na ibulalas niya lalo naman lumakas ang tawa nito.

"I'm not getting naked! Don't make a scene, ano ka ba? Nasa beach tayo kaya natural lang na mag hubad ako." Natatawang sabi nito.

Siya naman ay napa titig sa katawan nito from his chest to his abs. Hmmm. Minabuti niya ng ilihis ang tingin sa iba dahil pagtatawanan siya nito kapag nahuli siya nito na naka tingin sa kanya.

"Don't come closer." Saway niya dito at imbis na sumunod ay inakbayan pa siya nito.

At nanigas na siya sa kina uupuan. Bakit ba siya nagkaka ganoon? Samantalang naka hubad naman ang kasama nito pero hindi siya na iilang pero pag ito na ang naka hubad na tutuliro na siya.

"You look cute whenever you make that face. Ha- ha." Pang aasar pa nito sa kanya. Then he ruffles her hair na para siyang bata.

"Stop doing that. I might be older than you." Reklamo niya dito.

"That reminds me. I still don't know your age and your birthday!" Sabi nito sa kanya at may punto nga ito. At dahil sumuko na siya ay sumandal na lang siya sa balikat nito.

"Me too, you didn't even tell me that it's your birthday tomorrow." Pagpapatama niya dito.

"Ang daldal talaga ni Scarlet. Putulin ko kaya allowance niya." Pagbibiro naman nito at pinalo niya ito sa dibdib. Tumawa lang naman ito.

"But, seriously why didn't you tell me?" Usisa niya dito.

"It's nothing special. Kaya hindi ko na sinabi." Sagot naman nito.

"Of corse it's important. Because it's celebrating the day you were born." Depensa naman niya. At nagulat ito sa sinabi niya.

"Or may be, I'm not worth it to tell for." Malungkot naman niyang sabi.

"Wait, that's not true! I just forget it too at naalala ko lang kanina. Sa dami ng nangyari nakalimutan ko na din na birthday ko." Pagpapaliwang naman nito.

"Ah basta." Pagtatampo pa niya.

"Fine, I'm sorry. Hindi na ma uulit." Sabi naman nito.

"Talaga?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi. Is she flirting on him? Mas nagulat naman ito sa expression niya.

"Ahm... When is your birthday?" Pag iiba naman nito ng usapan ng makabawi ito.

"December 07, 1984." Simple niyang sagot.

"My birthday is tomorrow and 1982." Sagot nito at matanda pala ito sa kanya ang akala niya ay maari na niya itong utusan dahil mas bata ito. Iyon pala hindi.

"Matanda ka na." Komento niya dito.

"Tatanda ka din." Segunda naman nito. At natawa naman sila parehas.

"Sana lagi nalang tayo ganito." Bigla naman pagse sentimento nito.

"Yeah." Sang ayon naman niya.

"I can give you a hand. You know I can clear this mess." Pagkukumbinsi pa nito.

"Yeah. But--

"I know, I know. You don't want me to barge in." May pait naman na sabi nito at tumingin sa dagat.

"Your scar at the back is visible." Sabi nito sa kanya at sinalat pa ang peklat niya at napa kislot siya. Ang init kasi ng kamay nito.

"May be it's time to show it. Tutal patay na din naman ang may kagagawan niyan." Mapait niyang sabi at nalungkot. Inakap naman siya ni Ten.

"You know what? I just want you to wear sweater kung maari lang dahil ayoko yang' suot mo. Kaya lang baka kombulsiyonin ka sa init dito sa beach." Sabi nito sa kanya at natawa naman siya. Napaka over protective talaga nito.

"Si Sacrlet ang sisihin mo. Siya pumili nito." Dagdag pa niya dito at huli na ng bawiin niya ang mata niya dahil nag lock na ang mga mata nila sa isa't isa.

Hindi naman niya makuha na tumingin si iba. Hahalikan na siya nito at pumikit na siya. Gahibla na lamang ng buhok ang pagitan nila nang....

"Aray." Na isambit niya ng tamaan siya ng bola ng volleyball sa ulo. Nakita naman niya ang inis sa mukha ni Ten dahil sa halik na naudlot.

"This is why, I just want us to be alone. Ang daming istorbo." Frustrated na sabi sa kanya ni Ten. At natawa na lang siya kahit masakit ang ulo niya.

"Are you alright? Hindi ka ba nahihilo? Gusto mo patignan kita kay Nichollo?" Pag aalala naman ni Ten sa kanya.

"I'm fine. Maliligo na muna ako ang baho ko na." Pagdadahilan naman niya dito para maka alis. Tumayo na siya ng hilahin siya nito at tangkain muli na halikan.

Malapit ng mag pang abot ang labi nila ng sumigaw ang epal na si Lee.

"Ten, paki abot naman ang bola! Salamat!" Nakikisuyong sabi nito at sa inis naman ni Ten ay ito ang pumulot at nag bato ng bola dito.

Napa lakas ang hagis nito at tinamaan si Lee sa dibdib at bumagsak ito sa sakit.

"Aray! I-abot mo naman ng maayos! Papatayin mo ba ako?" Reklamo nito kay Ten.

At siya ay napapa iling lang minabuti naman niyang umalis na dahil nangangamoy na siya. At saka nahihiya na siya dahil sa hindi nila natuloy na halik.

Next chapter