Please VOTE!
REVILATION
Dalawang linggo na ang lumipas buhat ng ma ilibing si Arthur. Sa nakalipas na mga linggo ay wari'y may sumusunod sa kanya ngunit parang wala naman.
Hindi naman siya ganoon dati pero baka nga praning lang siya.
Puma pasok pa din siya sa opisina kagaya ng dati. Gusto kasi niyang mag paka busy para makalimutan niya ang nangyari kay Arthur kahit kaunti.
"May hostage taking daw na nagaganap sa taft avenue. May dala daw baril ang hostage taker. The Malate police is asking for back up." Sabi ng Chief nila.
"Ako na ang pupunta." Pagpi presinta niya. At tumango naman ang Chief nila.
Kasama niya si Salley at Kris na umalis. Sakay sila ng mobile. Marami ng mga tao nag tumpukan sa kalye kaya minabuti niyang magpa putok ng baril para lumihis ang mga ito.
Ang suspect naman ay na alarma at natakot kaya lalo itong nag wala. Sila Salley at Kris naman ay bakas ang pagka gulat sa ginawa niya. Dahil dapat naman talaga hindi niya ginawa iyon.
Ang dapat na ginawa niya ay ka usapin muna ng maayos ang may hawak ng baril maari kasi itong ma takot at baka patayin na lang nito ang biktima hostage nito agad.
"Papatayin ko ito! Huwag kayong lalapit! Mga lintik kayo!" Nagwawalang sabi ng hostage taker.
Tinutok nito ang baril sa ulo ng dalaga. Bakas naman sa dalagita ang takot sa mukha dahil sa sira ulong lalaki na walang magawa na matino.
"Saan ka pupunta? Nasisiraan ka na ba?" Tanong ni Salley ng mag lakad siya ng diretso papunta sa kriminal.
"Sinabing huwag kang lumapit!" Sabi nito at saka siya pina putukan at tumama lang iyon sa lupa. Napaka tahimik ng paligid.
Tinanggal naman niya ang kanyang magazine na naglalaman ng bala sa kanyang baril at bumagsak ito sa sahig saka siya dire diretso na lumapit dito.
At itinutok kunwari ang baril dito para patuloy siyang paputukan nito.
Ang lahat naman ay napa nganga sa ginawa niya lalo na ang kasama niya ang sigarilyo ni Kris ay bumagsak sa sahig sa pagka gulat sa ginawa niya.
Ang mga pulis din na nandoon ay naka nganga sa katapangan niya. Gusto na niyang mamatay kaya niya ginawa iyon at ito ang pinaka madaling paraan para doon.
Pinagba baril siya ng lalaki ngunit hindi man lang iyon tumama sa kanya at kahit siya ay na gulat.
Ang akala niya ay tatamaan siya kahit isa sa bala na galing sa baril nito ngunit nagka mali siya. Hanggang sa makalapit siya dito at nawalan na ng bala ang baril nito.
"Lintik ka! Wala na nga akong bala ay hindi mo pa ako tinamaan. Ako ang papatay sa'yo! Kapag hindi mo pa yan pinakawalan!" Nagagalit niyang sabi dito saka itinutok sa ulo nito ang baril.
Sumunod naman ito at nakawala ang kawawang dalagita. Tumakbo naman ito palayo sa labis na takot.
"Unggoy ka!" Sabi pa niya dito at saka ito pina luhod at binatukan. Lumapit naman sila Salley at Kris para sa kriminal.
"Tama na 'yan. Dadalin ko na yan sa presinto." Sabi ni Kris na umiiling at inakay na ang kriminal.
"Nasisiraan ka na ba?! Bkit mo ginawa 'yon?! Magpapakamatay ka ba.?!" Na iinis na sermon sa kanya ni Salley at nag kibit balikat lang siya.
"It's not a big deal. Siguro nga hindi ko pa oras." Kibit balikat na sabi niya dito at tumawa ng pagak. Ito naman ay pinag patuloy lang ang sermon sa kanya ngunit wala naman siyang interes sa sinasabi nito.
*****
Binigyan siya ng two months vacation sa Chief nila dahil na balitaan nito ang ginawa niya sa hostage taking.
At bago pa daw siya matuluyan ay dapat daw makapg isip isp muna siya at kahit ayaw niya ay tinanggap pa din niya iyon.
Marahil ay makaka buti din iyon sa kanya. Dahil hanggang ngayon ay sinisisi pa din niya ang sarili sa nangyari at habang buhay na niya ata dadalhin iyon.
Dahil sa kapabayaan niya ay may namatay. Ito ang unang beses na naka saksi siya na may namatay sa kanilang misyon at hindi lang iyon basta tao lamang kung hindi si Arthur iyon.
Hindi niya na pinupuntahan pa ang dating bahay nito dahil natatakot siyang makita ang kapatid nito dahil sa nangyari.
Hindi niya alam kung paano ito haharapin atbhindi bilang isang kriminal kung hindi bilang kapatid ni Arthur.
Marahil ay galit na galit ito sa nangyari at gusto siya nitong patayin dahil siya ang may kasalanan kaya namatay si Arthur.
Ngunit ayos lang ito sa kanya dahil siya naman talaga ang may kasalanan. Parte pa din siya ng misyon para hulihin ito pero duda siya kung makakaya pa niya iyon gawin.
Ang tanging alaala na iniwan ni arthur sa kanya ay ang kwintas na galing dito at ang mga damit na suot nito ng mabaril ito.
At habang tinititigan niya ang mga gamit nito ay isa isa ng pumapatak ang kanyang luha.
"What's this?" Nasabi niya sa pagitan ng luha ng mapansin niya na ang unang bahagi ng krus ng kwintas ay natatanggal ng kunin niya ito. Ito ay parang flash drive.
Nakumpirma ang hinala niya ng tuluyan niyang tanggalin ang unahang bahagi ng kwintas.
Kinuha niya ang kanyang Laptop at sinaksak ang flash drive. Naglalaman iyon ng ilang mga files at videos. Inumpisahan niya ang lahat sa video.
(Heather, if you're seeing this. I might be already dead.) Si Arthur iyon mula sa video. Paano siya nakilala nito?
"What's going on?" Naguguluhan niyang tanong sa sarili.
(Yes, I know who you are from the very start and from the moment we met. I am NBI's secret informant. Ako ang nag sabi ng tungkol kay Black.)
(May kapatid ako na lalaki at kambal kami. Siya ang unang isinilang sa amin kaya siya ang Kuya at siya din ang hinahanap niyo na si Black..)
(At gusto ko na matigil na si Kuya sa ginagawa niya kaya ko ito nagawa. He's incontrolable. Parang hindi ko na siya kilala..)
And there's a pause sa sinabi nito at tila nag isip pa ito sandali.
(Lumaki kaming walang magulang, palaboy sa lansangan. Hindi namin alam kung paano itatagpos ang araw araw dahil wala naman kaming kinagisnan na magulang. Hanggang sa mag binata kami.)
(I am studying even we're poor and Kuya helped me. He sacrifice his own future for me. Ang sabi niya ay maghi hinto na siya pag naka tapos na siya ng high school at hindi na siya magka college.)
(Maghahanap na lang daw siya ng trbaho para mapag aral niya ako. And he did. Noong una ay nagtataka ako dahil palagi siyang may uwing pera at hindi nag tagal ay nakakapag pundar na kami ng bahay at mga gamit.)
(Tinanong ko siya kung ano ang trabaho niya at kung saan siya nakakakita ng trabaho. Ang sabi niya ay bodyguard daw siya ng isang mayaman na tao at mabait daw.)
(Naniwala naman ako sa kanya at hindi na nag usisa pa. Hanggang sa nag paalam siya na mawawala siya dahil pinag aaral daw siya ng amo niya. Pumayag naman ako.)
(Normal ang lahat sa amin bago siya umalis, masaya kami palagi. I really don't know when he started to change maging ako ay naguguluhan.)
(Makalipas ang apat na taon ay nag balik siya at naging ibang tao na siya simula noon. Parang hindi na siya ang Kuya na nakilala ko. He becomes a serious man after 4 years.)
(I don't know what happened. Hindi na siya lumalabas ng study room at hindi na niya ako kinaka usap kagaya ng dati.)
(May mga kasama na din siyang mga bodyguard mula ng siya ay umuwi. Biglang bumaligtad ang mundo namin at bigla kaming yumaman.)
(Hindi ko din maintindihan noong una. Hanggang sa may isang gabi noon na naka sagot sa aking mga tanong.)
(May narinig akong ingay sa bodega sa bago naming bahay malapit iyon sa kuwarto ni Kuya dahil akala ko may magnanakaw pinuntahan ko iyon at may nakita akong naka bukas na ilaw.)
(Sumilip muna ako sa binatana para maka sigurado. Nagulat ako ng makita ko si Kuya na naka tayo may kasama siyang mga lalaki at ang isang lalaki ay naka kadena sa upuan at tinutukan niya ito ng baril.)
(May mga kahon sa gilid niya na akala ko ay tawas dahil in denial pa ako sa mga nangyayari, hanggang sa kalabitin ni Kuya ang baril. Sa sobrang takot ko ay bumalik agad ako sa kuwarto ko at simula no'n ay binantayan ko na ang lahat ng ginagawa niya.)
(You might be confused kung bakit ko ito sinasabi sa'yo at kung bakit ko tinutulungan ang NBI. It's just that I want my Kuya to be saved.)
(But, there are times na kahit ako ay natatakot na din sa kaya niyang gawin kaya ginawa ko itong video na ito because I might not have the chance to explain to you what's happening.)
(As of now, he still doesn't know that I'm the one who helps you sa pag huli sa kanya. And I don't know if he'll spare me if he find out. )
(I can't stand him. Mali na ang ginagawa niya at dapat mapigilan na iyon bago pa mahuli ang lahat. Ayoko na mamatay muna siya bago makawala sa tanikala ng Drug Syndicate. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at nagawa niya iyon. Pera? Iyon lang ba ang mahalaga sa mundo?)
(Ang totoo ay masarap nga ang maginhawa at marangyang buhay pero kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko ang dati naming buhay dahil kahit mahirap kami ay masya naman kami at wala kaming tinatapakan. Hindi ko na din alam kung gaano karami na ang nag buwis ng buhay dahil sa Syndicate.)
(I can't stand my Kuya being a monster dahil lang sa pera, nabulag na siya sa salapi at kapangyarihan. And it's my duty as his brother na tulungan siya na mag bago at pigilan siya.)
(I don't mind him being imprisoned in jail kung iyon naman ang makaka tigil ng lahat ng kasamaan niya. And I'm still hoping in saving him at umaasa ako na magbabago siya.)
(At Naniniwala pa rin ako na maari pa siyang mag bago. He's a nice man after all. At hindi ko siya iiwan maging sino o ano pa man siya)
(So, I planned everything from the start. Kaya lang hindi kasama sa plano ko ang mahalin ka. Noong una ay gusto ko lang na mag tagumpay kayo sa pag huli sa kanya kaya ko kayo tinulungan.)
(But, as the days passed by being with you ay hindi ko na na isip pa ang mga plano ko.) May lungkot na sa mukha nito ng sabihin niya lahat ito.
(Nakita ko na lang ang sarili ko na unti unting nagiging masaya kasama ka. In every smile of you humihinto ang mundo ko at sa oras na kasama kita ay napaka saya ko. And everything I felt for you is real at hindi iyon magbabago.)
(Huwag mong isipin na ginamit kita dahil maniwala ka, I really love you. I don't want you to be burden with this unfinished business of mine but can you please save my brother? And stop him from being a monster.)
(And thank you for the time you spend with me. I love you, I hope that you find a great guy like me that you will love and that will loves you back. I will cherished you until eternity. I love you, Heather and please be happy.)
(If I could just be with you forever, gagawin ko. Mahal na mahal kita.)
Iyon ang huling sinabi nito bago matapos ang video. Sa dulo ng video ay malungkot na ang expression ni Arthur.
Ngunit nagawa pa din nito na ngumiti dahil marahil ay alam nito kung ano ang puwede mangyari. Ang video ay one week bago ang kasal nila.
"Oh My God." Iyon na lang ang tangi niyang nasabi.
Mahal siya nito at alam nito ang lahat simula sa umpisa. Hindi niya napigilan ang pag iyak.
Ang laman ng flash drive ay mga iba't ibang files ng mga picture na nagpapakita ng operasyon ng sindikato at sa mga kasamahan ni Black.
Sapat na iyon para maging matibay na ebidensya laban kay Black at wala na itong ligtas. Hindi na ito makaka takas sa kanila kahit kumuha pa ito ng abogado.
Ngunit hindi pa din niya alam kung paano sisimulan na gawin ang hinihingi ni Arthur na iligtas si Laud.
Paano niya ito huhulihin kung wala siyang mukhang maihaharap dito dahil siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang kapatid nito? Paano? Saan niya sisimulan?
Bukod sa pagliligtas dito sa masmang gawain nito ay paano siya makakahingi dito ng tawad.
Minabuti niyang ayusin ang sarili at dalawin ang puntod nito para mag dala ng bulaklak. Mahigit isang linggo na din kasi siyang hindi nakaka dalaw sa puntod nito.
Kumuha siya ng baril at inilagay sa bewang, nag jacket siya, nag cap at nag converse na itim. Lumabas na siya ng condo unit niya.
At tumungo na sa Manila North Cemetery kung saan ito naka libing.
Paglabas niya ng condo unit at habang siya ay sakay ng kanyang kotse ay feeling niya ay may sumusunod sa kanya.
Pero binaliwala niya iyon dahil baka napa praning na naman siya. Dumaan siya sa flower shop at bumili ng bulaklak para kay Arthur.
Magbabayad na siya ng may marinig siyang mga yabag palapit sa tapat ng flower shop.
Mas malakas ang pan dinig niya kaysa normal na tao dahil well trained silang lahat sa NBI at hindi na sana siya humihinga ngayon kung hindi sila na i trained ng maayos.
"Miss, ilan ang lalaki sa harap ng pinto at papasok na sa Flower Shop niyo na nakikita mo ngayon?" Tanong niya dito at nag isip ito at nag bilang.
"Isa lang naman, bakit ho?" Tanong naman nito at kaysa sagutin iyon ay nag bayad na siya.
Narinig niyang bumukas ang pinto at mabilis niyang nilabas ang baril para tutukan ito. Ang cashier naman ay gulat na gulat at mababakas dito ang labis na takot.
This story was finished. I'm only re-uploading this here in Webnovel. Please check it out on Wattpad under the profile of ILoveMonSiya. Thank you!