webnovel

Episode 17

E N J O Y!!

Nesrin Point Of View.

Napahikab na lang ako habang tinotungo ang daan papuntang university. Sa di kalayuan ay napansin ko ang tatlo na nagkukumpulan at mukha may kinakausap ito.

Mukhang naramdaman nila ang presensya ko at lumingon sila sa gawi ko.

"Oh Anjan na pala si Nesrin!"ani ni Clarisse atsaka lumapit sa akin.

Eksakto nakita ko ang kanina pa nila kinakausap nilang tao---- I mean demonyo pala!

Putragis! Anong ginagawa dito ni Jackson!?

"J-jackson?"tawag ko sa lalaking nakasideview sa akin. lumingon naman ito sa akin saka ngumuti ng matamis.

"Hi my future wife"minsan ang sarap talaga manakal ng isang demonyo pramis!!!!

Hinila ko naman ang braso nya atsaka kinausap. "Anong ginagawa mo dito?!"Asik kung bulong sa kaniya.

"Baka malaman nila kung sino ka talaga lalo na jan sa kulay ng mata mo alam mo ba yun?!"tuloy ko pa.

"They say my eyes are cool? And please be calm okay?"mahinahong sabi nya. Paano ako kakalma ha?! Hakdogires ba toh?!

"Okay. Okay."kalmadong nakataas ang dalawang kamay ko.

"Now explain. What f*ck are you doing here?"tanong ko sa kaniya habang deritsung nakatingin sa kaniyang mga mata. Ang ganda talaga ng mata nya kahit isa syang Grim Reaper

"I'm always doing this! To protect you"ani nya nang ikinagulat ko.

"Y-you.....what?"mahinang tanong ko sa kaniya.

"Di ka lang manhid. Bingi pa! Tsk!"bulong nya.

"May sinasabi ka ba ha?!"taas kilay kung sabi sa kaniya.

"Wala! Halika kana tinatawag na nila tayo"hawak nito sa kamay ko sabay hila sa akin. Ewan ko kasi nagpahila na rin ako.

"and what's your name again?"tanong ni Jamie kay Jackson.

"Jackson...."maikling sambit nya.

_____

Ilang oras din ay nakarating nakami sa bulacan. At nang tingnan ko wrist watch ko, its 5'oclock already.

Pagbaba ko ng van at simuy ng hangin ang dumapo sa akin. Napakalamig naman dito! Brrr!

Nilibot ko ang tingin ko at nasa isang iskineta ka at madilim pa. "*yawn* nandito na pala tayo?"ani ni Clarisse na kakagising lang.

Agad naman napa awang ang panga ko dahil sa kaharap ko ngayun. Nasa harap kami ngayun ng isang apartment, apartment na pwede na isabak sa horror movie.

"Sigurado ka Jamie? Jan muna tayo titira?"turo ni Sky sa Lumang building . Tumango naman siya at nauna napumasok.

Pumasok na kami at isang madilim na pasilyu ang bumungad sa amin. Hindi naman gaaanong  ka dilim dito sa pasilyu kahit papaano ay may ilaw parin ngunit nagpapatay sindi ito. Kaya mas lalo kami kinalabutan.

Agad naman humawak ang tatlo sa braso ko. "Ano ba! Ako natatakot sa inyo eh!"bawi ko sa braso ko. Tatawagin ko na sana si Jamie nang bigla itong nawala sa harap namin.

"M-may nakakita b-ba ka jamie sa inyo?"natatakot na tanong ko sa kanila. Agad naman silang umiling.

Ito na nga sinasabi ko eh!

Bigla na man akong na alarma ng biglang may bumagsak na kung ano sa dulo ng hallway.

"shut*ngina ano yun?!"mura ni Hunter. Agad naman dumikit sakin ang tatlo.

"Ano ba para kayong mga linta kung makadikit sakin!"mahinang saway ko sa kanila.

"M-m-malay mo kasi m-may multo dito"wika ni Sky. Eh? Multo?

Napalunok naman ako. "H-hindi a-ako naniniwala sa m-multo!"matapang na saad ko sa kanila.

"Eh bat nanginginig ka?"tingin sakin ni Clarisse.

"H-ha? Ahh.. ehh.... nilalamig kasi ako hehehe"palusot ko.

Sinundan lang namin ang deritsyong daan sa hallway. At sa totoo lang ay natatakot na rin ako dahil sa paligid.

Pre naman kasi dinaig pa yung mga horror sa movie to eh!!

"Guys wala ba kayong naririnig?"basag ni Clarisse sa katahimikan.

"Ha? Baka guni guni mo lang yun pandak!"ani ni Sky.

"Hindi eh! May narinig talaga ako!"inis na sabi ni clarisse. Bigla naman akong napahinto ng may mapansin ako.

"Guys wala ba kayong napapansin?"singit ko.

"Bakit? Naririnig mo rin ba iyun Nesrin?"ani ni Clarisse. Umiling naman ako.

"Ha? Eh ano?!"sabay sabay nilang tanong.

"Maliban kay Jamie na hindi natin kasama...."putol kung saad. At doon na kami nagkatingin ng apat.

"SI JACKSON NAWAWALA RIN??!!"sabay naming sigaw

____________________:>

Ohayooo mga akuma! Pasensya na at ngayun lang ako ulit na update at pasensya na rin kung hanggang dito lang nakaya ng utak ko:'(.

Gusto ko kasi lagi ko kayong bibitinin

Hehehehe:>

And hope you enjoy my update!!

See you again to next episode!!:>>>>

Next chapter