Naging blangko ang buong utak ko at wala ni isang pumasok sa utak dahil sa mga nangyari ngayun. Idagdag mo pa ang babaeng kanina pa nakasunod sa amin mula sa Med building hanggang sa Kiem Building kanina ko pasyang napapasin at iba ang pakiramdam ko sa kaniya.
Palabas na kami nang maramdaman ko na naman ang presensya nang babaeng iyun. "May problema ba Nesrin? kanina pa namin napapasin na patingin tingin jan sa likuran"saad ni Clarisse.
"Wala. siguro namamalik mata lang ako"tugon ko at saka naglakad ulit.
Nandito kami ngayun sa cafetiria at rinig na rinig ang mga usapan nila tungkol doon sa babaeng namatay kani kanina lang. "Ang bilis naman ata kumalat nung tungkol doon sa babae"ani ni Hunter. tumango tango naman kami habang nakain.
"Balita ko sikat daw sya dito sa university at future na magiging doctor"singkit ni Sky.
"Kaya pala ang bilis kumalat napatay na sya"sagot ko. habang nagkwekwentohan kami ay dumating bigla si Jamie, Jamie lang daw ang itatawag namin sa kaniya pag nasa around campus lang daw kami.
"Jamie dito!!"tawag ni Clarisse. lumapit naman si Jamie
"Paano nalaman nang mga ibang courses ang tungkol dito?!"asik na bulong ni Jamie.
"Hindi rin namin alam. basta pagpasok namin ito na ang bumungad sa amin"sagot ni Sky. napailing na lang si Jamie saka tumayo papuntang counter.
Uwian na at hindi parin tapos ang balita tungkol sa pagkamatay nung babae. "Grabe talaga yung nangyari kay Sunshine no? Nakakaawa naman"sabi nung babaeng kasabay namin.
"Kaya nga. Mas nakakaawa naman yung mga taong malapit sa kaniya lalo nayung boyfriend nyang si Renz yung sikat na baskitball player nang school natin"saad nung kasama nya. nagkatingin pa kaming tatlo nila Sky bago makinig ulit doon sa sinasabi nung dalawa. Chismosa is life:>
"Sinabi mo pa!"tugon ulit nung isa. makikinig pa sana kami nang may biglang bumangga sa akin isang babae.
"Hala! sorry hindi ko sinasadya nag mamadali kasi ako"hingi nya nang tawad.
"Hindi okay lang"sagot ko. humingi ulit sya nang twad bago umalis.
Tumingin ulit ako doon sa dalawang babae pero wala na sila sa harapan namin. Teka nasan na yun?! Sayang makikichismis pa sana ako!
Tiningnan ko yung dalawa pero nakatingin ito doon sa babaeng nakabunggo ko na nagyun ay papalayo na. "Ang ganda nya talaga!"malambing na saad ni Sky. Napapano to?
"Sinabi mo pa~~"tugon ni Hunter. Napa face palm na lang ako dahil sa kahibangan na ginagawa nang dalawang ito.
"Sino ba tinititigan nyo jan? Ha?"nakapamewang natanong ko.
"Syempre edi si Elocin!"sagot ni Hunter. Elocin?!
"Elocin? Sino naman yun?!"taas kilay ung tanong ulit.
"Edi yung nakabangga mo kanina slash! Ang Muse nang journalism course!!"proud na proud na sabi ni Sky.
"Ay ewan ko sa inyong dalawa! Tara na nga baka hinahanap na tayo sa headquarters!"aya ko sa kanila. Pero mukhang hindi naman ata ako narinig nang dalaaa kaya binigay ko silang dalawa nang tigiisang batok.
"Aray Nesrin!"hiyaw nang dalawa habang nakahawak na sa mga batok nila.
"Para saan yun?!"kamot sa batok ni Sky.
"Kanina ko pa kayo tinatawag! Pero doon parin ang tingin nyo!"turo ko doon sa deriksyon.
Napanguso na lang ang dalawa. At ako naman ay napabuntong hininga na lang. Maaga talaga ako mag kakaroon nang puting buhok dahil sa dalawang to!
Lalakad na sana ulit ako nang may biglang lumitawa sa harap ko na isang babae. "Ay kabute!!"gulat kung sabi at saka napahawak sa dibdib. Ngayun naman maaga akong mamatay dahil sa nerbyos! Jusmeee!!
"Kilala ko kung sino ang pumatay sa kaniya!"saad nya habang hawak ang mag kabilang balikat ko. Teka?! Sino ang tinutukoy nya?!
"Sino ang tinutukoy mo?! S Sunshine ba?! Anoo!"balik kung tanong sa kaniya. Magtatanong pa sana ako nanv bigla sya tumakbo papaalis.
"Teka lang!! Saglit!!"tawag ko sa kaniya pero nakalayo na sya. Kaano ano nya ang biktima?
"Nesrin ayus ka lang ba?!"nag aalalang tanong nang dalawa.
"Oo ayus lang ako"sagot ko.
"Kilala mo bayun?"tanong ni Sky.
Umiling ako bago sumagot. "Hindi. Pero mukhang may connection sya doon sa biktima"saad ko.
Nang dito na kami sa Headquarters at kinuwento namin ang tungkol doon sa babaeng lumapit sa akin kanina. "Ang sabi mo kilala nya ang pumatay doon sa biktima? Tama ba?"tanong ni Sargent. Tumango naman ako.
Napaisip pa nang malalim si Sargent bago ulit magsalita. "Kailangan natin syang mahanap bukas"seryusong saad ni Sargent. Tumango kaming lahat.
"Pero bago iyun ay naatasan ang grupo natin na tayo ang magpapatrol ngayun gabi. Utos ito mula sa kinatataasan"ani ni Sargent.
Ngayun ko lang mararanasan ang magpatrolya sa buong campus. Kaka excite!!
____________
Narrator Point of View
Madilim at tanging ilaw lang nang poste ang nagsisilbing ilaw sa madilim na iskenita. Pawis na pawis na si Margaux at mabilis ang pagtibok nang puso nya.
Dahil alam nyang sinusundan sya nang isang mamamatay tayo. Sa kakatingin nya sa likod nya ay dapa ito. At may isang halakhak syang narinig mula sa madilim na parte nang eskinita.
"Kahit kailan talaga Margaux ay napakatanga mo. Dindaanan mo hindi mo nakikita? Tss! Tss!"malademonyung saad nang isang dalagita.
"A-a-anong k-kailangan mo s-sakin?!"nanginginig na tanong ni Margaux sa kaniya.
"Simple lang naman... Ikaw"nakangiting saad nang dalaga at unti unting lumabas sa pinagtataguan nya.
"T-tama n-nga ako! Ikaw ang pumatay sa kaibagan ko! Napakawalang hiya mo talaga!!"galit na galit na sigaw ni Margaux sa kaniya.
"Ako nga at wala nang iba pa"halakhak nang dalaga.
"Napaka walang puso mo! Anong ginawa sayo nang kaibigan ko para patayin mo siya?!!"galit na tanong ni Margaux.
"Simple lang naman.... Inagaw nya lang naman ang dapat sa akin lamang"
Napasama nang tingin nang dalawa na animoy ay papatayin na nya ang dalagita anong oras. "At wag kang mag alala dahil mag kikita na rin ulit kayong dalawa.... sa kabilang buhay!!"sigaw nang dalaga at mabilis natumakbo sa kinaruruonan ni Margaux.
Hindi ka agad nakatayo si Margaux dahil sa sugat nya sa paa nya. Kaya naman nahampas ito sa ulo gamit ang baseball bat nahawak nang dalaga.
"Sleep tight..... Margaux"
___________________:>
Heyoooo!! Nagkita na naman tayo! Sana nagustohan nyo ang new episode!!:>
See next episode again!! Mwuaaaa
( ´ ∀ ')ノ~ ♡