Masayang sinalubong ng mga kawal sina Aya, Noknok at ang heneral.
"Heneral natutuwa po kami na narito na po kayo." Wika dito ni Kalo.
Tumawa ang heneral. "Syempre at dahil yan sa may mga kawal akong maasahan, mga tapat at matatapang!"
"Wooo!!!" Masayang sigawan nilang lahat.
"Ah nasaan nga pala ang tagapagsilbe ng prinsipe?" Tanong ni Aya ng hindi niya makita ang hinahanap.
"Ang sabi niya ay susunod siya sa inyo." Nagtatakang sagot naman ni Makoy.
"Hindi siya sumunod sa amin." Agad namang wika ni Aya. "Patay na, mukhang tinakasan na naman tayo ng unggoy na iyon."
"Sino ba itong tagapagsilbe ng prinsipe?" Tanong naman ng heneral. "Bakit nag-aalala ka sa umalis ang isang tagapagsilbe?"
"Heneral hindi lamang siya isang tagapagsilbe." Pagtatama ni Aya.
"Ang ibig mong sabihin ay siya ang—"
"Siya ay kamukha ng prinsipe. Minsan ay nagpapalitan sila alaalang sa kaligtasan ng prinsipe." Agad namang pagputol ni Aya sa sasabihin ng heneral sapagkat iniisip ni Aya na higit na makabubuti kung iilan lamang ang nakakaalam na ang nasa kabahayan ng Hari ngayon ay hindi totoong prinsipe.
"Kung ganoon ay kailangan natin siyang mahanap agad, mapanganib na baka gamitin pa siya laban sa prinsipe." Agad namang utos ng heneral.
Mabilis na kumilos ang mga kawal upang halughugin ang kagubatan. Nagpangkatpangkat sila upang madaling malibot nila ang kagubatan. Ang pangkat nina Aya, Kalo, at Makoy ay binuboo ng tiglilima samantalang magkasama naman ang heneral at Noknok, dalawang kawal ang kasama pa nila.
"Makita niyo ba siya?" Tanong ni Aya kay Makoy ng makasalubong ito at tulad niya ay may apat ding kasamang kawal.
"Wala eh, hapon na at nalalapit ng magdilim ngunit hindi parin natin siya makita." Sagot naman nito.
"Hala! May mga lumilipad!" Namamangha ngunit may takot at pag-aalalang wika ng isang kawal.
Agad namang tumingin sina Aya sa itinuturo ng kawal na mga lumilipad.
Malinaw ang mata ni Aya, nakikita nito na parang malapitan lang ang nais makita. Nakita niya ang Pinuno ng mga salamangkero na iyon na siya ding pinuno na humarang sa kanila noong nakaraang araw.
"Ang mga salamangkerong kawal." Wika ni Aya na narinig ng lahat ng kasama niya na naroon. "Kailangan nating magtago!"
Agad namang sumunod ang mga kawal ni Aya na walang kalaban-laban sa mga salamangkerong kawal.
"Anong gagawin natin? Bakit sila nandito?" Magkasunod namang tanong ni Makoy kay Aya.
"Mukhang may hinahanap din sila." Hinuhang sagot ni Aya. "Hindi kaya ay narinig nila ang usapan natin kanina?"
Naalala ni Aya ang sinabi sa kanya noon ng heneral habang ang pinag-uusapan nila ay ang tungkol kay Aso: "Pagdating mo sa Paldreko ay huwag mo siyang ilalabas kahit pa inaakala mong walang nakakakita sayo. Dahil sa lugar na iyon ay totoong may tainga ang lupa at may mata ang hangin."
"Hindi natin sila kayang labanan, paano kung mahanap nila ang tagapagsilbe ng prinsipe?" Nag-aalalang tanong ni Makoy.
"Hindi mangyayari iyon." Matigas namang sagot ni Aya. "Ganito, hanapin ninyo ang heneral at susundan ko naman ang mga kawal na iyon."
"Mag-isa ka lang? Paano kung makita ka nila?"
"Basta kailangang mahanap niyo agad ang heneral bago pa man mangyari ang iniisip mo." Mahigpit na bilin ni Aya saka lumabas na sa pinagtataguan ay palihim na sinusundan ang mga salamangkerong kawal habang nagbabakasakali din na siya ang maunang makakita sa totoong prinsipe.
Nakita ni Aya na may itinuro ang isang salamangkerong kawal. Mabilis niyang sinundan ang itinuturo nito ngunit isang bangin ang nagpahinto sa kanya. Sa ilalim ng banging iyon ay ang maputing dalampasigan at naroong ang totoong prinsipe na nagtutulak sa pinagdikitdikit nitong katawan ng saging.
"At talagang tatakas siya ah." Wika ni Aya sa hangin.
Nakita ng totoong prinsipe ang papalapit na mga kawal kaya naman ay nagmamadali niyang itinutulak papunta sa dagat ang ginawa niyang sasakyan paalis sa lupaing ito.
Pumutok ang itinutulak ng prinsipe kaya natiigil ito sa pagtulak. Kagagawan iyon ng ngayon ay humahalakhak ng pinuno ng mga salamangkerong kawal na sumalubong sa kanya sa hangganan.
"Tagapagsilbe ng prinsipe," tawag nito sa totoong prinsipe at umapak na sa lupa. "Minsan mo na kaming naluko ng magpanggap ka bilang ang prinsipe. Sa tingin mo ba ay hahayaan nalang namin na makatakas ka ha?"
"Ma-maawa kayo! Wag niyo akong papatayin!" Pagmamakaawa ng prinsipe at agad na luhuhod sa pinunong kawal na mas lalo namang humalakhak.
"Nakakuha nga ng kahawig ang prinsipe ngunit isa naman itong duwag na parang asong bahag ang buntot Hahaahhaha" Labis na katuwaan ng Pinunong kawal.
Sa taas ng bangin naman ay nanood parin si Aya. "Walang kwentang prinsipe. Nakakahiya ka." Ngitngit niya.
Lumapit pa ang punong kawal sa totoong prinsipe at hinawakan nito ng mahigpit ang buhok. "Anong dahilan para buhayin ka namin?"
"Dahil...dahil—"
Isang bato ang tumama sa ulo ng punong pangkat na nagpatigil sa prinsipe sa pagsasalita.
Binitiwan ng pinunong kawal ang buhok ng prinsipe at pinahid ang dugong dulamas na dulot ng batong tumama sa kanya. "Sino ang may gawa nito?" Galit na tanong ng pinuno.
"Ako!" Sigaw naman ni Aya na nakababa na ng bangin. "Bakit may angal ka?"
"Pinunong pangkat." Nagngingit na tawag sa kanya ng pinunong kawal. "Mag-isa ka lang, hindi ko alam kung dapat ba kitang purihan sa katapangan mo o pagtawanan dahil dahil nais mo na yatang mamatay."
"Maisog na punong kawal, pinaslang ang isang kawawang babae. Hindi kaya ay nakakahiyang pakinggan iyon?" Si Aya at lupakad pa palapit.
Muling natawa ang pinunong kawal. "Matalino ka ngunit masyado naman yatang ibinababa mo ang iyon tingin sa sarili. Hindi ba ikaw ang punong pangkat na kinatatakutan ng mga barbaro sa hangganan? Kaya papaano ka naman naging isang kawawang babae?"
"Sadya nga sigurong masiyahin ka ngunit alam mo bang ang kati sa tinga pakinggan ang tawa mo?" Si Aya. "lagan!"
Hindi inaasahan ng punong kawal ang ginawang ni Aya na mabilis na pagtakbo sabay hila sa totoong prinsipe tuluytuloy hanggang sa ilalim ng dagat.
"Ano yun?" Takang tanong naman ng isang salamangkerong kawal sa nakitang iniisip niyang katangahang ginawa ni Aya.
Nakamasid lang punong kawal sa malawak na dagat hanggang sa nakita nila ang paglutang ng mga ulo nina Aya at ng tagapagsilbe ng prinsipe.
"Ayun sila!" Sigaw naman ng isang kawal.
"Puntahan niyo!" Utos ng punong kawal.