Sasapit pa lamang ang Gabe ng marinig ni Aya ang sigawan sa labas ng kanyang kubol.
"Anong nangyayari sa labas?" Tanong niya sa sarili at sa dalawang kausap na kasabay niya lang din na napatayo.
"May sunog yata." Sagot naman ng isang kawal habang rinig nila ang pagsigaw sa labas ng may sunog. "Baka pinasok na tayo?"
"Pinuno!" Humahangos namang pumasok ang isa pang kasama ni Aya. "Pinuno, nasusunog po ang kubol ng prinsipe!"
Nagulantang si Aya sa balitang iyon ng kawal. Mabilis silang nagsilabasan at tumakbo palapit sa nasusunog na kubol.
Pagdating nila doon ay tunigil na ang mga Salamangkero sa pag-apula ng sunog.
Kaagad na kinausap ni Aya ang pinununo ng mga Salamangkero ayun sa hula niya dahil sa may kaunting pagkakaiba sa kasuutan nito. Medyo may edad na ito ngunit higit namang mas bata kung ikukumpara sa heneral na kumupkop kay Aya.
"Ginoong bayani." Bati niya dito.
"Ikaw ang pinunong pangkat na ipinadala dito ng heneral ng hangganan?" Tanong nito sa kanya.
"Ako nga po." Sagot niya dito ng may kasama pang tango. "Nasaan na po ang prinsipe?"
Hindi sumagot ang pinunong iyon at ipilipat lamang ang tingin sa nangangalit na apoy.
Kinabahan si Aya sa ikinilos ng pinunong iyon. Nasusunog ang kubol ng prinsipe ngunit parang wala lang itong pakialam.
"Nasaan ang prinsipe?" Pag-uulit niya.
"Pinuno nasa loob po ang prinsipe." Ang isa pa niyang kawal na kanina pang nakabantay sa kubol ng prinsipe ang sumagot.
"Ano?" Ang tanging nasabi na lamang ni Aya.
Hinablot ni Aya ang panalok na bitbit ng isang salamangkero at tatakbo sana papunta sa malapit na batis ngunit kaagad naman siyang pinigilan ng apat niyang kawal.
"Pinuno wala na tayong magagawa." Awat sa kanya ng isa.
"Kung ako sayo ay bumalik na lamang kayo sa inyong himpilan at huwag ng magsayang pa ng lakas dito." Natigilan si Aya sa narinig na iyon mula sa pinuno ng mga Salamangkero.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"Napahamak ang prinsipe dahil sa kapabayaan ng iyong heneral kaya nararapat lang na siya ay hulihin at parusahan ayun sa batas ng kaharian." Paliwanag ng pinunong iyon.
"Anong kapabayaan pinagsasabi mo samantalang ikaw ay nasa tabi lamang ng kubol ng prinsipe ngunit hindi mo agad namalayan ang sunog!"
Hindi na nag-abala pang magsalita ang pinunong yun na tinalikuran na lamang siya habang tumatawa-tawa pa.
Wala ng sinayang na panahon si Aya na tumakbo na sa kinaruroonan ng kanilang mga kabayo at mabilis na tinanggal ang pagkakatali sa mga ito. Pagkatapos ay sumakay din siya agad at pinatakbo ang kabayo habang nakasunod lang naman sa kanya ang ang apat niyang kawal na sakay ng kanya kanyang kabayo.
Nahinto sila sa isang puno kung saan sinalubong sila ng iba pa nilang kasama.
"Nasaan ang prinsipe?" Agad niyang tanong. Umaasa si Aya na wala sa sunog ang prinsipe at nakatakas na ito soot ang kanyang damit pangkawal.
"Paumanhin ngunit akala kasi namin ay kusang sasama sa amin ang prinsipe—"
"Makoy wag ka ng magpaliwag, nasaan ang prinsipe?" Putol niya sa pagsasalita nito.
"Hindi po namin namalayan at bigla nalang pong nawala." Si Kalo naman ang sumagot.
"Paanong bigla nalang nawala samantalang walang salamangka na magagamit dito upang bigla nalang maglaho ang prinsipe!" Galit at inis na wika ni Aya.
"Patawad po pinuno at naging pabaya kami." Si Makoy na puno ng pagsisi na masyado siyang nagtiwala sa kanyang prinsipe kaya hito ngayon at napapagalitan sila ng kanilang pinunong pangkat.
"Makinig kayo!" malakas na wika niya sa lahat ng mga kawal na naroon. "Uulitin ko, nakasalalay sa prinsipe ang buhay nating lahat! kaya kung nais niyo pang nakabalik sa ating mga tahanan ay hahalughugin natin ang boong kagubatang ito, bungkalin ang lupa kung kinakailangan, makita lamang ang kapatid ng Heri! Naiintindihan niyo?"
"Opo!" Sabay-sabay namang sagot ng mga kawal at nag-umpisa na silang maghanap sa prinsipe.
Habang naghahanap sila sa prinsipe ay bumuhos naman ang malakas na ulan.
"Lintik na." Ang nasabi na lamang ni Aya.
"Pinuno, ito po." Lumapit sa kanya si Makoy at binigyan siya ng malapad na dahon ng saging.
"Salamat." Sabi niya dito.
"Sa tingin ko po ay kailangan muna nating tumigil sa paghahap lalo pat umuulan." Sabi pa sa kanya ni Aya.
"Mas lalong higit na kailangan nating mahanap ang prinsipe. Mapanganib ang kagubatan at mag-isa lang siya." Wika niya sa kawal.
"Mawalang galang na pinuno ngunit mamamatay sa malakas na ulang ito ang ating mga sulo." Sabat naman ni Kalo.
"Edi hayaan niyo ng mamatay ang sulo ninyo kaysa tayo ang mamatay." Sabi nalang ni Aya dahil niya hahayaang tumigil sila sa paghahanap.
Nahagip ng paningin ni Aya ang paggalaw ng mga damo sa di kalayuan at marinig din niya ang tunog ng mga paang tumatakbo.
"Nakita niyo yun?" Tanong niya sa mga kawal.
"Marahil ay siya ng prinsipe!" Natutuwa namang tugon ng isang kawal.
Susundan na sana nila ang paggalaw ng mga damo at ang tunog ng mga paang tumatakbo ng makita nila ang ilang lubo na siyang humahabol dito kaya agad din silang napahinto.
"Ang daming lubo...." May pag-aalalang wika naman ng isang kawal.
Tumakbo na si Aya at nakipag-unahan sa mga lubo.
"Pinuno!" Tinawag pa siya ng kanyang mga kawal ngunit sadyang wala na siyang panahon at baka lapain na ng mga lubong ito ang prinsipe.
Naabutan ni Aya ang hinahabol ng mga lubo na walang na ng a ng iba kundi ang hinahanap nipang prinsipe at soot parin ang kanyang damit pangkawal ngunit nakatayo ito sa gilid ng bangin at may tatlong lubo na kaharap ito kaya naman ay nag-alangan si siyang na lumapit.
Kaunting pagkakamali ay maaaring mahulog ang prinsipe sa napakataas na banging iyon.
Maharil ay subrang sabik na sa pagkain ang isang lubo kaya hindi na ito nakapagpigil at tinalunan na ang prinsipe na mabilis namang nakaiwas. Ngunit sa pag-iwas na iyon ng prinsipe ay wala na siyang lupa na naapakan kaya napasigaw nalang ito sa pagkahulog.
"PINUNO!" Sigawan naman ang mga kawal ng makita nilang tumalon sa bangin si Aya ngunit wala na silang magagawa pa.
"Kailangan natin puntahan sa ilalim ang pinuno." Pagpapasya ni Kalo.
"Mabubuhay pa kaya si Pinunong Aya?" Tanong naman ng pinakabatang kawal na pinagmamasdan ang di niya na makitang ilalim ng bangin.
"Nangyari na ito dati kaya makasisiguro tayong buhay siya." Si Makoy ang sumagot.
Samantala, habang tanggap na ng prinsipe ang katapusan ng kanyang buhay ay biglang may humawak sa isa niyang kamay habang siya ay nahuhulog.
Napamulat siya at tumingin sa kanyang taas. Isang kakaibang mata ang agad niyang napansin. Mga matang tila mata ng isang ibon.
Napansin din niyang nagagawa pa nitong ngumiti samantalang sa pagbagsak nila sa siguradong kamatayan na nila.
Dahil sa lakas ng hangin habang bumabagsak sila ay napilitan ang prinsipe na mapapikit muli.
Ilang sandali pa ang lumipas ng maramdaman nito ang pagtigil sa hangin.
Napamulat ang prinsipe at nakita na niya ang malalapit na naglalakihang sanga ng matayug na kahoy.
Napangiti sa tuwa ang prinsipe at hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang pagbagsak. Ngunit sandali lamang ang katuwang yun dahil siya ay itinapon ng may hawak sa kamay niya papunta sa isang malaking sanga. Biglaan ang pangyayaring iyon kaya hindi nakapaghanda ang prinsipe at hindi siya nakakapit sa malaking sanga na iyon at tuluyan ding nahulog.