webnovel

03

Live Long, Luna 03

"Nagka amnesia ka pero temporary selected deletion of memory lang ang nangyari kaya naalala mo pa ako noong nagising ka sa hospital." Napangiwi ako sa nalaman ko. "Kaya tinanong kita kung anong nangyari sa inyo ni Luis. Saan kayo nanggaling. Bakit kayo duguan. Pero wala kang maalala. Pati si Luis di mo kilala."

Dumating si Greg na dala dala ang inorder naming coffee. 9:30 Pm nasa coffee shop parin kami. Buhat ng kinakailangan nilang ipaliwanag sa akin kung bakit sila magkakilala at dahil iyon ay parte ako ng storya.

"You texted me to go on your location and I saw you inside that abandoned building. Needing a help when I found out that you're in a trap. Full of bombs." Napataas ang isang kilay ko ng marinig ang sinabi ni Luis. Uminom siya kaunti ng coffee at ganon rin ang ginawa ni Greg na siyang katabi naman ni Izza. Sa kabilang upuan naman kami ni Luis.

"I don't remember anything." Umiling iling ako dahil pinipilit kong maalala ang pinagsasabi nila.

"Kaya nga the whole team kick me out kasi under investigation parin ako hanggang wala kang maalala. They all think that may kinalaman ako sa nangyari sayo." He crossed his arms and observed my reactions sa sinabi niya.

Pero wala talaga akong katiting na maalala sa mga sinasabi niya. Building? Trap? Bomba? Pang ilang buhay ko na ba to? Bakit ako nasasali lagi sa mga gulong ganito.

"Enough. Let her remember everything. Wag natin siyang diinan na aalalahanin agad lahat." Greg on the other side gave his comment.

Kung may trabaho na ako? Bakit film student pa rin ako?

"Izza? Bakit tayo studyante?" Nakakunot ang mga noo kong nagtatanong kung anong nangyayari.

"ah, kasi di pa tayo graduate?" pang aasar niya sa akin. Sarap mong kurutin sa tagiliran!

"Ito na nga! Kasi nga graduate tayo ng Senior High. Pwede na nga diba magwork iyong naka-graduate ng Senior High. We're not both aiming for higher position kaya napapayag natin silang e scout tayo at etrain pero di nila alam na nagbabalak tayong mag-college. Nakapasok tayo sa film and sinuportahan nalang nila. So technically saying we're secret agents but at the same time film students." She smiled while she took a little sip on her coffee.

"You're the one who wished to be one of the finest and great computer literate at the same time Film Artist. Tapos naging kaibigan mo ko, isinama mo ko sa gusto mo." natawa siya kunte sa ibinahagi niya.

"Tsk. Yeah she's the super hard headed minion. Adding her reason why she wants to join the team." Dugtong naman ni Luis sa ibinahagi ni Izza.

"What reason?" I asked in curiosity.

"To hack the Apple Company and put virus in their system." He laughed and they all laughed. Greg on his serious mode lately smiled like it's the idiot thing he heard in his life.

Seryoso? Baka patayin ako. Pambihirang kamangmangan iyon, Luna!

"As far as we know you're brave,aresgada. The accident brought the innocent side of you, Luna." Luis added.

Someone texted the three and that made Luis and Izza anxious while Greg remain in his monotone mode, serious.

"Faster." one word of Greg and Luis stand and run like he want to possess Flash. Hinawakan ako agad ni Izza, she dragged me after she get our bags and got a taxi. And the next thing happened we're both inside the taxi. Adrenaline rush. phew.

In short para kaming may tinatakasan habang parang iniwan namin si Greg sa Coffee Shop.

"Anong nangyayari?" Tinignan ko siya ng may pagtataka habang busy ito sa cellphone niya.

"They trace us. Bawal nga pala nilang malaman na may pinapaalala na kami sayo. Malalagot kami sa Head nito. Malalagot tayo kay Tanda." Tumango nalang ako dahil alam kong may kinalaman ito sa mga sinabi nila kanina.

"Shit!" Biglang bulalas ni Izza ng may bumabangga na sa taxing sinasakyan namin.

She then call someone on her phone. While ringing pinaputukan na kami ng baril and that made me shout. Patuloy parin si manong driver sa pagmamaneho mas lalo nga lang bumilis.

"ITIGIL MO ITONG SASAKYAN! PUNYETA KANG KAMPON NG SINDIKATO!" Bigla nalang pinag iinitan ni Izza ang driver. Nalagay ang cellphone niya sa upuan na si Greg pala ang kausap saglit.

Habang sinasakal ni Izza ang driver ay kinuha ko ang cellphone at itinapat sa tenga ko.

"Izza, get out of that fuckin' car. Think of an escape. Don't shout at him para hindi kayo mahahalata. Ano na bang ginagawa mo diyan bat ka nagsisigaw! Nakikinig ka ba Izza? SHIT! May humahabol pang kasama nila-"

"Greg, Tulong." Iyon nalang ang lumabas sa bibig ko. Biglang si Izza na pala ang nagmamaneho at walang malay si Manong Driver na nasa shotgun seat.

"Give me the phone." She commanded while driving. I then give her the cellphone.

"Yes. We're safe. Yeah see ya." she calmly said. She gave me a nod saying we're safe.

Iba ang tinahak niyang daanan. Hindi pamilyar sa akin. Nakarating kami sa isang building. Huminga muna si Izza ng malalim bago tumingin sa akin.

"You need to go back. You're not safe in the outside world if you're not gonna undergone a train again. You're not safe anymore Luna." dire-diretsong sabi niya sa akin.

Bumaba siya at sinenyasan akong bumaba na rin.

We're on the parking lot, underground. Andaming yayamanin na sasakyan. May tinawag si Izza at may lumapit na dalawang lalaki, Men in black. Kasi naka formal suit ito na akala mo'y bodyguard ng Presidente o malalaking tao sa isang business. Nagulat nga ito ng makita ako pero binawi rin nila ito ng sinabi ni Izza na may dala dala kaming pwede imbestigahan.

"Don't worry, hindi na ito bago sayo." Naglakad lang ito papunta sa elevator sumunod naman ako. She then press the 10 number for the 10th floor.

"Gusto kong ipaalam na isa ka sa Eye ng team. Pero sinubukan mo yong field, once. Kaya lang napahamak ka at nagka amnesia." Pagkukwento niya.

"Eh ikaw?" tanong ko bigla.

"Nasa field ako. Magaling akong magnanakaw remember?" She smirked. Parang sinasabi niyang queen siya sa pagnanakaw.

Pagkarating namin sa 10th floor, naglakad pa kami kunte, kumanan tas kumaliwa tas straight, ah basta nalilito na ako, sumunod nalang ako kay Izza. Andami kasing pintuan. She sighed again ng may pintuan kaming hinintuan.

"Bukas nalang. Matulog ka muna. We will feed the lapses in your curiosity." She smiled and open the door for me.

Bumungad sa akin ang isang kwartong pamilyar ang amoy. Amoy, Luna. It's the scent that I always love, Lavander. Sinenyasan niya akong pumasok. Nagbilin pa siya ng mga importante kagaya nalang ng may button malapit sa headboard ng kama ko na pag may masamang nangyari ay pipindutin ko lang daw iyon at malalaman na ng lahat.

"Sleep Luna. It's safe here. We will fix everything starting tomorrow." She then leave and close the door.

Next chapter