webnovel

Chapter 1: Behind the Walls

"Lawakan ang iyong imahinasyon para makita ang natatagong mundo na magtatakas sayo sa reyalidad"

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Hoy! Tumigil ka!"

Hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy lamang ang aking pagtakbo

"Hoy! Sabi kong tumigil ka!"

Sino ba naman ang titigil kung alam mong may humahabol sayo. Mga kinulang ata ito sa buwan.

Nagpasikot sikot ako sa mga eskinita para mailigaw sila at hindi nga ako nagkakamali. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko na nakita pa ang humahabol sakin.

Mga nakaaway ko sila sa kabilang kanto. Akala mo naman kung sinong makaasta eh mukha namang mga batang hamog. Halata naman sa kanila na magkakasing edad lang kami pero kung mag isip parang bata.

Napailing na lang ako

Nang masigurado na wala na talagang mga sumusunod sakin ay tinahak ko na ang daan pabalik sa apartment na tinutuluyan ko.

Napatingin ako sa kabuuan ng building. Hanggang tatlong palapag lamang ito. Hindi kalakihan pero hindi naman ganon kaliit. Sapat na siguro para makaupa ang estudyanteng katulad ko.

Pero sa katunayan, hindi ako nagbabayad ng upa dito. Kapatid kasi ng nanay ko ang may ari nitong apartment kaya simula nung mamatay ang mga magulang ko ay dito na ako tumutuloy. Saka mainam nadin ito dahil malapit lapit sa school na pinapasukan ko.

Pumasok ako na ako sa loob at umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwartong tinutuluyan ko. Huminto ako sa ikalawang silid at doon pumasok. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi masyadong malaki at hindi din ganoon kaliit ang kwarto. Sakto lang sakin ito

Pagbukas mo nang pinto ay makikita mo agad sa kaliwang banda ang sala na may sofa at maliit na tv tapos hindi nalalayo ang maliit sa kusina dito. Sa kanang bahagi naman ng kwato ay doon mo makikita ang pinto papasok sa kwarto ko. Simple lang ang kwarto ko. May kama na kasya ako, may study table at cabinet sa gilid tapos ang ay banyo. Para sakin, mas simple mas maganda.

Pumasok na ako sa banyo para makapaglinis nang katawan tapos ay pumuntang kusina para magluto ng instant noodles.

Nang maluto iyon ay pumunta ako sa sala at binuksan ang tv para manood ng balita. Kumakain ako habang nanonood. Ayon sa balita ay magiging maulan daw sa mga susunod na araw kasabay nang malakas na pagkulog at pagkidlat dulot ng paparating na bagyo kaya mainam ng magbaon kami ng payong at kapote para laging handa.

Inilipat ko sa ibang channel yung tv pero puro tungkol sa paparating na bagyo ang nakikita ko kaya pinatay ko na lang ito. Tutal tapos na din naman akong kumain dumeretso na lang ako sa kwarto para matulog dahil may pasok pa ata bukas. Hindi pa naman ina anounce na walang pasok samin kaya siguro tuloy pa ito

Kinabukasan, katulad nang dati kong ginagawa tuwing papasok ako sa paaralan, kumakain, naliligo at gagayak tapos ay papasok na

Naglakad lang ako papasok tutal hindi naman ganon kalayo samin.

Wala pang thirty minutes nang makarating ako sa school. Katulad ng araw araw kong ginagawa, dumidiretso agad ako sa upuan ko saka dudukdok o kaya naman ay titngin lang sa labas ng bintana

Bilang lang ang mga pumapansin sakin dito. Hindi ko alam kung bakit. Yung iba sabi ang weird ko daw, yung iba naman sabi nakakakita daw ako ng multo kaya natatakot lumapit sakin. Kung ano ano na lang ang sinasabi nila kahit hindi naman totoo. Hindi ko na lang pinapansin. Edi kung ayaw nila sakin, edi ayaw ko din sa kanila basta ako sa sarili ko alam ko yung totoo.

Wala namang nangyari masyado sa ngayon araw. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nagsisimula nang dumilim ang kalangitan. Humahangin narin nang malakas.

Kinansela nadin ang pasok bukas dahil sa bagyo. Pinauwi agad kami pagkatapos ng klase.

Naglalakad na ako pauwi nang unti unti hanggang sa lumaki na ang  patak nang ulan. Inilabas ko ang payong ko saka nagsuot ng earphones at nagpatugtog bago ipagpatuloy ang paglalakad. Mas gusto ko tuwing umuulam. Pakiramdam ko tuwing umuulan lahat kalmado. Weird na kung weird pero minsan ang ulan pa ang nagiging comfort zone ko.

Pumasok agad ako sa loob ng building pagdating ko. Nagpalit ako ng damit para hindi ako magkasakit. Nagtimpla ako ng kape saka umupo sa tapat ng bintana at tumitig sa labas

Napaisip ako bigla, kung may kapangyarihan lang sana ako gagawa ako nang sarili kong mundo kung saan lahat ay possible. Mundong walang limitasyon at dikriminasyon. Mundong puro saya at walang problema. Mundo kung saan malaya ka at walang humuhusga. Mundong aakalain mong isang paraiso

Napabuntong hininga ako

Pero wala akong kakayahang gawin ang mga bagay na iyon kahit gustuhin ko dahil nandito ako at nabubuhay sa reyalidad ng mundo

Halos mapasigaw ako nang biglang kumulog ng malakas at sinundan pa ito ng pagkidlat

Tumayo ako upang lumayo sa bintana. Nilagay ko sa lababo ang pinagkapehan ko at saka pumasok nasa kwarto para matulog. Mukhang mapapasarap ang tulog ko dahil umuulan at malamig

Kinabukasan, nagising ako dahil sa lamig. Napatingin ako sa oras. It's 5:32 in the morning. Lumabas ako ng kwarto para sumilip sa bintana. Hindi na masyadong mahangin at ambon na lang hindi katulad kahapon.

Naghilamos ako at nagsepilyo tapos nagtimpla ng kape. Napatingin ako sa tatlong plastic ng basura na nakalagay sa gilid ng basurahan dito sa kusina. Napangiwi ako. Ano ba namang klaseng pag uugali ang meron ako. Pati pagtapon ng basura ay kinatatamaram ko pa. Napairap ako

Kinuha ko at plastic ng basura saka nagsuot ng tsinelas saka lumabas ng apartment ko. Sa likod ng builing namin nilalagay ang mga basura namin.

Nang makababa ay dumiretso agad ako sa likod na bahahi ng builing saka itinapon sa malaking basurahan ang ang basura. Napatakip pa ako ng ilong dahil sa baho. Grabe ano ba ang laman non.

Biglang humangin nang malakas kaya sinara ko ang zipper ng jacket na suot ko. Aalis na sana ako nang may mapansing kakaiba.

Madamo ang likod na bahagi ng builing at isang malaking pader ang naghahati dito. Sa kabilang bahagi nang pader ay hindi ko na alam kung anong meron doon.

Kahit madamo ay sinikap kong puntahan ang pader. Gawa ito sa simento pero natatakpan ito nang mga nagtatangkarang mga dama. May gumagapang naring halaman sa pader dahil sa katagalan. Hindi ko alam ang tawag.

Nagsisimula na namang lumakas ang hangin at umaambon nadin.

Dahan dahan kong hinawi ang nagkakapalang damo at ang mga nakasabit sa pader na kung ano.

Doon ko lang din napansin may butas ang pader at natatakpan damo. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Basang basa na ako pero pinangungunahan ako ng kuryosidad. Sinilip ko at butas sa pader. Namangha ako sa aking nakita

Mga naglalakihang puno ang naroon. Imbes na matakot ay namangha pa ako sa aking nakita. May kung anong humihila sakin para pumasok sa loob nayon. Napatingin ako pabalik sa apartment. Hindi naman siguro ako hahanapin saka saglit lang naman ako

Pinagkasya ko ang sarili ko sa butas makapasok lamang don. Namamanghang inilibot ko ang aking paningin.

"Ang ganda" namamanghang sabi ko

Puro malalaking puno ang naroon isama mo pa ang mga baging na nakasabit na lalong nagpaganda sa lugar.

Dahan dahan akong naglakad palayo sa pinanggalingan ko. Sinubukan kong maglibot ng konti sa lugar. Bakit ngayon ko lang nakita ito?

Malawak ang ngiti ko habang naglilibot sa paligid. Lumingon ako kung saan ako galing. Hindi ko na matanaw ang pader kung saan ako lumusot kanina. Bahala na mamaya pagbalik ko worth it naman itong mga nakikita ko.

Tumingala ako, doon ko lang nalaman na hindi na umuulan. Dahil siguro sa naglalakihang puno kaya hindi ako nababasa.

Sobrang ganda ng lugar na ito. Kung pwede nga lang ay hindi na ako babalik.

Lalo akong natuwa nang magsiliparan ang mga paru paro na nakadapo sa mga sanga ng puno. Iba't ibang kulay ang mga ito. Pakiramdam ko nasa isang pelikula ako.

Inilahad ko ang kanang kamay ko at may dumapo doon na kulay asul na paru paro. Tinitigan ko ito. Sobrang ganda. Parang impossibleng mangyari ito pero heto ako at nararanasan iyon

Biglang lumipad ang asul na paru paro at inikutan ako. Hindi na nawala ang ngiti sa aking labi. Sobrang natutuwa ang kalooban ko sa aking nakikita.

Lumipad palayo ang mga paru paro kaya sinundan ko ito. Kahit alam kong lumalayo na ako kung saan ako galing pero hindi ko talaga mapigilan. May kung ano talaga sakin na nag uudyok sakin para manatili ako sa lugar na ito.

Patuloy kong sinundan ang mga paru paro hanggang sa hindi ko na namamalayang nasa dulo na pala ako. May liwanag sa dulo ng kakahuyan. Lumipad doon ang mga paru paru. Napatingin ako sa paligid. Ako lang mag isa dito.

Dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko patungo sa liwanag sa dulo ng kakahuyan. Napapikit ako dahil sa liwanag.

Ilang minuto akong nakapikit at nang makapag adjust sa linawag ang aking mata ay saka lang akong dumilat.

Napasinghap ako at napahawak sa bibig dahil sa nakita.

Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko ang mga bagay na ito gamit ang dalawang mata ko.

Kung nananaginip man ako, pakiusap wag niyo na akong gisingin

Next chapter