webnovel

Chapter 11

Chapter 11: You want?

June 5, 2019 P.M.

Rydien's POV

Yow! Nandito ako ngayon sa bahay nina Dylan habang nakain. Yep! Dito ako nakain. Pero minsan nalang din dahil madalas kina Lola ako nakain.

"BURRP! " pagdighay ko. Hayy.

Niligpit ko muna ang pinagbaunan ko at tinawag si Dylan na nakain pa.

"Hoy, lalake! Sa labas muna ako. " sigaw ko habang nilalagay ang tupperware sa bag ko.

Lumabas na ako sa labas ng bahay nila. Hindi ako lumabas ng gate dahil mainit.

Pumunta ako sa may silong sa tapat ng pinto nila at tumingin sa labas.

Nang ako ay pa tingin tingin lang sa mga estudyante na na labas pasok sa room at na baba sa kani kanilang service nila ng makita ko ang isang pigurin ng lalake. Pamilyar na pigurin pala.

Kinuha niya ang lunch box na hatid ng lalaking naka traysikel.

Dapat ay babalik na siya pero sumigaw ako.

"Hoy! Jan Rhys! " sigaw ko at napaling ang tingin niya sa gawi ng chapel.

Akmang tatalikod ulit siya pero sumigaw parin ako. Wala papansin lang.

"Hoy lalaki! " sigaw ko ulit.

Sa pangalawang pagkakataon ay tumingin siya sa likod niya pero sa tindahan naman na katabi nina Dylan.

"Dito! Whoohoo! " kumaway kaway pa ako.

Nakita niya ako at sadyang nagulat siya.

Alam kong gwapo ako pero di niya kailangan na magulat dahil buong school year niya makikita to.

Akmang tatawid siya pero hindi ata marunong tumawid!

Sus! Ganyan rin siya dati.

Tatawa tawa pa akong bumaba sa upuan at tumawid.

"Ano ba iyan! Hindi ka marunong tumawid! " ta tawa tawa ako sa mukha niya. Bumaba kasi ang mga kilay niya.

"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko.

"May kinuha lang. "

"Alam ko. "

"Bakit ka pa nagtanong kung alam mo na pala? "

:|

Okay. Talo ako.

"Sorry. Pero bakit ka nga pala nandito pa? " tanong ko ulit.

Tumaas ang kilay niya.

"Nakalimutan mo ba na tinawag mo ako? Kaya nga hindi pa ako nakaka kain hindi ba? "

Talo na naman ako.

"'Dun ka na kumain. " anyaya ko.

"Saan? "

"Doon. " turo ko sa bahay nila Dylan

"Okay. " pagsang-ayon niya.

Bago pa man kami makapasok sa gate ay may nagring.

"Wait lang. " sabi niya.

May kausap siya sa phone niya at pagkatapos ay pumunta ulit siya sa pwesto ko.

"I have to go. Sorry. "

Natameme ako.

Bakit parang parehas na pareho sila ni JEA?

Pero hindi nag so-sorry si JEA eh.

Oo may pagka masungit sila.

Perfectionist.

Madalas wapakels at hindi mo makakausap ng ayos dahil parati kang bara.

Pero, dude. Si JEA hindi siya nag so-sorry. Dati oo pero ngayon hindi na.

"Hayss. " buntong hininga ko.

How I miss the JEA we used to talk about before.

"Hoy! Balik na tayo. Oh. Ba't ganyan itsura mo? " tanong ni Dylan.

"Sa tingin mo kung hindi nangyari iyon ganun parin siya? " tanong ko.

"Siguro. Bakit namimiss mo na ba yung dating siya? " tumango ako.

"Ako din. Tch! Tanga naman kasi ni El eh! Hindi naman pinakinggan si JEA! Buti sana kung 'yun lang eh! Pero 'yung dahilan bakit nagkasakit si JEA?! Dude, ibang usapan na iyon! " tumaas ang boses niya.

Hinawakan ko ang balikat niya at tinignan siya.

"T-tol naman w-wag kang ganyan m-makatingin oh. " kaba ang mahihinuha mo sa boses niya.

Tinulak ko ng bahagya ang balikat niya. "LOL! "

Naglakad na kami papuntang school. Madali lang naman siya at hindi nakakapagod dahil walking distance lang naman ito.

"Lapit lang ng bahay niyo eh. Sana ol. " sabi ko.

"Tch! Sinabihan ka kasi ni Mama na i-rent mo muna yung isang space para hindi ka na mahirap! 'Yan tuloy! " sabi niya.

"Mahal naman eh. " pangangatwiran ko.

"Edi sana duon ka nalang sa isang kuwarto sa bahay! Kada weekends ka aalis tapos kapag may pasok ka na di dun ka na sa bahay! " sigaw niya. May punto siya.

Hindi na ako nagsalita pa habang kami ay naglalakad.

"Tol nga pala. Pumayag na si Clarize? " tanong ko.

"Oo kanina niya lang sinabi pagkabalit natin ng room. "

"Okay. Tingin mo makakakita si JEA ng sa kanya? " tanong ko ulit.

"Sus! Para namang hindi mo kilala ang kinakapatid mo! " nakakatawang sagot niya.

"Oo nga alam kong kaya niya pero hindi ko alam kung may mga papayag sa offer niya. Alam mo naman 'yung nangyari hindi ba? " mahabang linya ko.

"Nakakaawa si JEA. Siya na nga itong nagkasakit lahat lahat, siya pa yung nawalan ng kaibigan. May chance pa na hindi siya makatapos dahil sa lugar niya. " katwiran niya.

"Dapat nga eh hindi siya papayagan ni Tita pero makulit siya eh. Kesyo kaya niya daw makagraduate kahit ganun siya. "

"Para naman hindi rin alam ni JEA yung rules dito sa school. "

"Kaya nga ayaw niya na mag-stop eh. Kasi kapag nag-stop siya, kahit na wala parin siyang squad, hindi parin siya makakagraduate. "

"So parang gusto niya parin magtuloy tuloy para makasali siya sa squad at makagraduate? "

"Oo. Pero malabo na makasali siya. Alam mo ang tingin ng tao sa school sa kan'ya. "

"Tch! Lugi naman kasi eh! Pwede sana siya sa Badminton squad, pero 'yung mga kagroup ko naman eh ayaw! Ako naman 'yung leader. " tumigil kami sa tapat ng room.

"Sa isang grupo, hindi lahat lider lang nakasalalay ang pagdedesisyon. Kasi kung 'yung lider lang ang mag-iisip, hindi kayo magkakaintindihan, pwede pa kayong mag-away. "

Nagulat ako ng malaman ko kung sino ang nagsalita.

"J-Jillian. Kanina ka pa? " tanong ko.

"Obvious ba? " tanong niya rin. Tinignan ko naman siya ng matulis.

"Yes. I have been following you guys since you entered the gate. Both of you are so busy talking with each other that you can't even hear me calling you. " sabi niya.

"Ano ba iyon? " tanong ko.

"About our task. 20 disagreed, five are not yet asked. "

"Bakit hindi mo pa tinanong 'ang limang transferees. "

"That's my point. Pwedeng favor? " tanong niya. Aba! Bago 'to ah!

"What is that? " tanong ko.

"I want you to talk to them. " literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

'Bakit? '

Tanong ko sa aking sarili.

"I know na hindi ka makapaniwala. Hindi mo ine-expect na sasabihin ko ito. But, this doesn't mean na hindi ko na gagawin ang dapat na gawin ko. Its just… Hayss. " hindi niya ito itinuloy. Bumuntong hininga na lamang siya.

"Okay. Basta kapag sinabi ko sa kanila yung offer, ikaw na ang ka kausap sa mga agree na sumali. Are we clear to that? " tanong ko. Tumango naman siya.

"Thank you. " sabi niya. Nami-miss ko na talaga siya.

Pumunta na ako sa table ko at kinuha ang sticky notes. Bawal magdaldalan kapag reading time. Pero dahil nasa labas kami kanina hindi kami included.

XD

Sinulat ko na ang dapat kong isulat.

"Hello! I am your guwapong Vice President, Rydien Altejos. Gusto ko lang po sana itanong kung gusto niyo po mapili na isa sa mga dancers for the ceremony? "

'Yan ang nilagay ko. Gumawa ako ng limang copies para naman tig-isaisa sila. Binulungan ko si Louie.

"Louie, ipasa mo 'to sa katabi mo. Sabihin mo ipasa hanggang makarating ang lahat ng copies sa mga transferees. " tumango siya at kinuha ang copies.

Unang na daan ang group one. Wala sa kanilang transferee na miembro kaya tumayo si Chris para ihatid ito sa group three. Isa ang transferee sa kanila. 'Yung babaeng mahinhin magsalita? 'Yung nauutal pa nung magpakilala. Hay basta!

Bago ko pa makalimutan ay iurong ko ang isang sticky note na may sulat sa pinaka dulo para makita ito ni Giann.

Hindi ko na siya pinansin at tumingin sa sumunod. May tumingin sa akin. 'Yung babaeng kasama nung mahinhin? Naging mapagtanong na nandiri ang tingin nya sa akin. Problema nito?

Sumunod naman 'yung isa. Yung kinausap ko kanina. Si Rhys.

Sumunod na naman itong si Nerdy boy na abalang abala kakalaro ng Tower of Hanoi.

"TIK! TAK! TIK! TAK! " tunog ng orasan. Sobrang tahimik naman.

Tumayo na si Chris pagkatapos niya makuha lahat ng notes. Iniabot niya sa akin ito. Yumuko ito. "Ry. Tulog 'yung isa. Group four. Lalake. " nag thumbs up ako at umalis na siya.

Tinignan ko 'yung galing kay Giann.

"No thanks. I am not good at dancing. "

'Yan ang nakasulat. Okay. Inilipat ko na sa susunod. Yung si Nerdy Boy.

"Nose without Selenium. "

Jusko naman ito! Hindi ko ito pinansin.

Sumunod naman 'yung mahinhin.

"Not interested. "

:|

Okay. Akala ko naman makakasama ko siya sa practice.

:<

Sumunod naman 'yung babaeng nandidiri sa precious face ko.

"Ano ang gwapo?

Syempre yung hindi ikaw.

Ayoko sumali.

Nakakairita 'yung mukha mo. "

'Damn! '

Tumingin ako sa kan'ya habang magbadikit ang mga kilay ko.

She smirked.

Aba'y nangiinis to ah!

*"Pikon! "* hindi niya ito sinabi ng pasigaw pero nabasa ko ang paggalaw ng mga labi niya.

Nilukot ko ang papel. Yung lukot na lukot na sobrang luk–

Teka! Sobrang lukot?!

SOBRANG LUKOT?!

Owemji! Mapapagalitan ako ni JEA nito! Ayaw pa naman ng babaeng 'yun ng lukot na papel! Amfufu.

:-[

Inayos ko pa ito. Inaasahan na maibabalik pa ito sa dati niyang hulma.

Pero bigo ako!

Nahihiya kong ibinigay ito kay JEA.

Nagsulat rin siya sa sticky note at ang nakalagay ay...

"I need the last answer. I hope that person will answer it. He/She is my last resort.

Thank you, by the way. : ) "

Nakangiti na lamang ako.

•F•A•S•T•F•O•R•W•A•R•D•

"Class dismiss. " whoo! Tapos na rin! Grabe! Ang hirap talaga ng computer!

"Jillian tapos ka na mag-code? " tanong ko.

Kailangan kasi namin gumawa ng web page. 'Yung basic lang. Pero kahit pa! Ang sakit sakit sa ulo! Memorize ko siya kapag ako lang ang makiusap sa sarili ko! Pero kapag may magtatanong sa akin o gagawa na?!! Algebra nalang ang haharapin ko.

"Oo, bakit? " sagot niya

"Ang hirap kasi eh! Nai-stress na ang precious face ko! " ang haggard haggard ko na!

"Ako na gagawa. Ise-send ko nalang sayo 'yung codes via email tapos i-copy paste or manually do it in JSAnywhere. " sabi niya. Huwaaa!

"Totoo?! " tumango siya pero seryoso parin.

"Matanong ko lang. Sino iyong hindi sumagot? " siya naman ang nagsalita.

"Ah. Ayon ba? Si Rhys iyon. " sabi ko.

"K. Kakausapin ko lang siya. Sama ka? " tumango na ako at binitbit ang bag ko.

"Hoy, Rhys! " sigaw ko nang makita ko siya na umupo sa isa sa mga upuan sa may gilid ng garden.

Tumingin lang siya sa akin.

"May gustong kumausap sayo. " itinuro ko si JEA na kasalukuyang may sinusulat sa sticky notes niya. Ginagamit niya ang palad niya para maging patungan nito.

"HOY, JEA! " sinigawan ko siya. Walang emosyon siyang tumingin sa akin. Hindi man lang nagulat!

"Oh? Bakit mo ko kakausapin? " hala!

"Ikaw ba iyon? "

"Oo. " tanong ni Rhys.

:o

"Oh! " may inaabot si JEA sa kaniya.

"Ano 'to? " tanong ni Rhys.

'What the heck is happening to Earth?! '

"Naturingan kang isa sa pinakamagaling na manunulat pero hindi ka marunong bumasa? " pambara ni JEA.

"Eh kung sinagot mo nalang 'no? What I want to point out is ano ang purpose nito. " sagot naman si Rhys.

"Oh! Di sana tinanong mo na 'Para saan ito? ' hindi iyong may 'paano ano' ka pa diyan! " barado na naman si Rhys.

"Hayst! Basta– " hindi ko na mapigilan at sumingit na ako sa usapan nila.

"Magkakilala ba kayo?! " sigaw ko na animo'y litong lito na talaga.

"Obvious ba?! " tanong nilang dalawa! Oo guys. Sabay sila. Oh diba pak ganern!

:>

"Okay. As I was saying. Hindi ka na pwede pang mag back out dahil ikaw nalang ang last resort ko—namin pala. So I need your cooperation. " sabi ni Jillian.

"K. Just send me the information. Bye. " sabi ni

Rhys.

"Yeah. " sabi ni Jillian.

"Hay nako! Naloloka ako sa inyo! Magkakilala pala kayo! Anubayan kina kapatid naman eh! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! " nagpapapadyak pa ako na parang batang hindi nasunod ang gusto niya.

"Hindi lahat ng bagay kay langan alam mo. Just report the outcome na to the TIC para mamaya ise-send ko na sa inyo 'yung place and time. " kumaway na siya at iniwan ako.

:|

Pasalamat siya at ginawagawa niya ang page ko kung hindi! Hay nako!

Pareho sila na pareho ni Rhys! Hindi man-lang hintayin na sumagot 'yung kinakausap. Binabarahan agad ng alis! Tsk! Tsk!

:'|

To be continued...

Have some idea about my story? Comment it and let me know!

Thank you and Be safe!

Iam_Jeaaaacreators' thoughts
Next chapter