webnovel

Chapter 90: But

Hinatid ako ni Kian sa amin. Papa offered him to have a dinner with us pero nahiya sya bigla. "Please babe. Wag na muna ngayon. Nahihiya ako sa Papa mo. Pakisabi. Next time nalang." he held my hand gently para kumbinsihin ako sa gusto nya. And I understand him. Sino ba naman ang hindi mahihiya after the incident? Lalo na't Mommy nya yung nagpakulong kay Papa kahit na inosente ito, una palang.

"Wala naman na samin iyon babe. Pagbigyan mo na sila." hinila ko pa ang kamay nyang kasalukuyang hawak ang kamay ko. Kaso matindi ang pagtangging ginawa nya. It's true. Wala na sa amin iyon. Tsaka. Bakit sya ang mahihiya e hindi naman sya mismo ang gumawa ng kasalanan?. It's her Mom not him. Oo. Noong nalaman ko na ang Mommy nya ang nasa likod ng lahat ng nangyayari na hindi maganda sa buhay namin. Nagpupuyos ang galit sa puso ko. Kulang nalang isumpa ko sya sa mataas na nakakasilaw na buwan. But everytime I turn to him. Yung ngiti nyang walang kupas lagi. Napupukaw nito lagi ang puso ko. Unti unting tinutunaw ang galit na meron ako. "Nagkausap na kayo ni Papa hindi ba?." maingat syang tumango. Hinigpitan ko din ang hawak sa kamay nya. Slowly pulling him in para makapaghapunan na. "Kung ganun. Ipakita mo sa kanya na hindi ka nga apektado sa nangyari.."

"But.."

"Hays.. no more buts okay?." tumingkayad ako para bulungan sya. Ganunpaman. Di ko pa rin abot ang balikat nya kaya bahagya pa itong yumuko para pakinggan ang sasabihin ko. "Besides.. We're engaged. Remember?." duon ko natanaw na napakagat sya sa kanyang labi. It's a bit cute to see his reaction. Kinakabahan ba sya?.

"Karen. Pasok na kayo.. kanina pa naghihintay si Papa.." dumungaw ang ulo ni Ate Ken sa labas ng pintuan para sabihin ito.

Umatras ako palayo kay Kian subalit natapilok ako. "Ay naku!." dinig ko ang pagkayamot ni Ate sakin. Samin pala dahil kung hindi ako sinalo at niyakap ni Kian. Baka bagsak sa semento ang aking pwetan. "Dali na mga love birds.." anya pa sa loob. Napakamot tuloy sya sa ulo ng ngitian ko ito.

"Come on." hinila ko na sya patungong mesa namin. At talaga nga namang namangha ako. Hindi pa pala sila kumakain. Hinihintay pa din nila kami.

"Sorry po Pa. Nahihiya po kasi sya kaya medyo natagalan kami."

"Babe?." awat pa nya sakin.

"It's okay hijo. Feel at home ha. Ano ba at sobra ang hiya mo sa amin?." si Papa ito habang nagsisimula nang sumandok ng kanin.

"E kasi po. Di ho matanggal sakin yung nangyari sa inyo.." nakayuko na nyang sambit. Tinapik sya ni Papa sa balikat. Nasa kaliwang bahagi kasi sya ng mesa. Kaharap si Mama na nasa kanang bahagi din. Kung saan kasalukuyang nakaupo si Papa sa gitna.

"Naku hijo.. tapos na yun. Kalimutan mo na ha. Sya. Kumain ka na. Wag ka ng mahiya." si Papa pa ang naglagay ng paunang kanin sa plato nya. Nginitian ko lang sya't tinanguan na kumain na lang.

Maraming kwento si Papa about his work. At never kong nadinig sa himig nya ang inis o galit sa naging trato sa kanya ng kapwa nya pulis. Ang sabi nya lang. "It's part of the process." na naging dahilan para lalo ko syang tingalain.

Naging tahimik si Kian hanggang matapos ang hapunan. Nasa labas na kami ngayon. Sa harap ng tindahan ni Aling Aning. Nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. "Babawi ako sa Papa mo babe.." all of a sudden. Bigla nyang sabi. Kinuha ko ang biniling soft drinks saka binigay sa kanya ang isa.

"Saan naman?." tanong ko habang hinahayaan syang maupo lang. Ako naman ay nakatayo sa gilid nya. Pinapanood ang side view ng kabuuan nya. Di sya nakakasawang tingnan.

"Sa'yo.."

"Tsk.. di ko alam na bolero ka pala noh?." biro ko para mabawasan ang pagkaseryoso nya. Niligon nya ako. Nasa labi ang straw ng sinisipsip nyang soda.

"Di ko kayang magbiro kapag ikaw na ang pinag-uusapan." seryoso nya talagang saad. Napangiti tuloy ako ng di oras.

"Alam ko na yan. Naging tayo ba kung we're not mutual?."

Tumayo na sya ngayon at tumabi sa kinasasandalan ko. "Sabagay.." sagot lang nya saka natahimik na. Bagay na ipinagtaka ko. Di kasi sya ganyan. Kapag kaming dalawa ang magkasama. Ang dami nyang kwento. Kung anu-ano. Kung siguro sabay lakad ang gawin namin. Baka marating namin bigla ang dulo ng Pilipinas. "Kinausap ako ng Papa mo about the engagement.."

Dito ako nabigla. Not expecting him to tell a story about his day. "And?." curious din ako sa sentimyento ni Papa rito. Di ko pa kasi sya nakakausap.

"He ask me if I'm really into you.." tumaas lamang ang kilay ko. At hinawakan naman nya ang baba ko. "Of course. I did yes. Aalukin ba kita ng kasal kung hinde.."

"At anong sinabi nya sa sinagot mo?."

"If your decision is final?. Fine. I'll let you do that but..."

"What?. He has a but?." natatawa ako. Sumabay pa ang iling. Di makapaniwala kay Papa.

"Yeah.. papayag lang daw sya pag naging okay na kami ng Mommy ko." natahimik ako. I know. Papa is trying to protect me from any harm. Alam kong nasabi nya lang iyon dahil may ibang rason sya. Alam ko man iyon o hinde. Basta ang tanging point nya ay maging okay ang lahat sa pagitan ng dalawang pamilya bago ang pag-iisang dibdib naming dalawa. Gusto ko din ang gusto nya.

Pero kailan?. Magiging okay din ba kaya sila ng Mommy?. O maghihintay nalang ako hanggang saking pagtanda?. Papa naman!

Next chapter