webnovel

Chapter 82: See you around

"Bakit di mo agad sinabi!?." may halong galit at inis ko itong sinabi sa kanya. Tinaasan nya lang ako ng kilay. Ni hindi man lang natinag sa ipinakita kong emosyon.

"Paano ko naman sasabihn sa'yo aber? Lahat ng tungkol sa kanya, hindi ba ang sabi mo sakin ayaw mong marinig. Ayaw mong pakinggan. Sinarado mo ang pandinig mo't di pinagbigyan na dinggin ang balita ko?." sa haba ng kanyang paliwanag. Naintindihan ko pa rin iyon kahit na medyo mahina pa ang kanyang boses.

He's right. Naging duwag nga akong sa bagay na yun. Siguro. Dala na rin ng sakit na hindi ko matanggap. O baka, dahil may ideya ako kung bakit nya ginawa iyon. I'm not that naive. One time. I heard my parents talking. Hating gabi na at bumaba ako para sana kumuha ng maiinom. But what I did was so wrong. Nadatnan ko silang nag-uusap sa may sala kung saan dadaanan mo muna iyon bago ang kusina. Imbes. Dumiretso para kumuha ng tubig. Pinili kong pakinggan ang kwento. And that. I heard that. Kian did something for our sake. Nanginig ang lahat sa akin ng oras na iyon. I didn't know. All I know is that. I'm hurt and he's happy living his new life with his wife subalit nagkamali yata ako ngayon. I was wrong knowing that he's not like what I'm thinking of about him. Ilang ulit kong tinanong ang sarili kung bakit?. Bakit nya ginawa iyon para samin?. And what about him?. Bakit hindi nya inisip ang sarili nya?. Bakit nga ba Kian?.

"He chooses to sacrifices his own happiness for your own good girl.. Ano ka ha?."

Walang akong masabi. Wala akong ibang nagawa o maisip na gawin kundi ang suntukin sya. "Aray ko! Ano ba?." ilang ulit itong umilag pero di rin nakatakas sa iilang tama.

Ang luha ko'y rumagasa na para bang galing sa kailaliman ng aking kaluluwa. "Bakit di mo sinabi?. Bakit?."

"Paulit-ulit ka naman eh.." nagkamot pa sya ng ulit. Dala siguro ng frustration nya.

Huminto rin ako saka tinakpan ang mukha para duon umiyak. I let my self out na para bang wala nang pag-asa para ayusin ang lahat.

Wala na nga ba?.

Oo. Wala na dahil ikinasal na sya, Karen!. Stop!. Right here! Right now!.

"Where's Jaden?." sa kabila ng paghupa ng luha ko. Ilang sandali ay dumating ang taong di ko inaasahan. He's with Ryan and Aron. Hinihingal. Pare-pareho yata silang tumakbo papunta rito. Without any words. Nagdahan-dahan silang lumapit sa pintuan ng ER at dun sumilip na para bang matatanaw na nila duon ang taong hinahanap nila.

"Relax Karen!. Hinga ng malalim." Winly tries to calm the fact in me. He knew na anumang oras ay bibigay ako sa harap ni Kian. "Wag dito Karen ha. Papunta na rin dito family ni Jaden." he also reminded me of this.

"How's he?." ilang segundo lang ay humakbang na sya pabalik samin. Tumayo sya sa harapan namin at kung tumingin. Hindi ko na alam sapagkat mas pinili kong yumuko para iwasan syang tignan. Yung mata ko. Hindi ko na naman mapigilan. Kusa na naman itong lumuha nang di ko nararamdaman.

"Paano na to?. Sinabi mo na ba ito kay Bamby?." I heard Aron's voice. Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi para pilit pigilan ang hikbi na pilit kumakawala sa akin. Damn this! Bakit ang hirap kontrolin ang emosyon?.

"Hindi pa. Ayokong sa akin manggaling ang balitang iyon. Siguro sasabihan ko nalang si Ate Catherine na sya nalang ang magbalita sa kanila." this is Win's low tone voice. I heard his tone, shaking. Worrying and even scared. Of what?.

"Tama nga." si Ryan naman ito. "Sila nalang ang magsabi dahil kung ako lang din ang tatanungin, baka mauna pa akong umiyak bago pa masabi ang balita."

And after that. One deafening moment ate us.

Hindi ko mahulaan kung anong nangyayari. Wala rin akong alam kung bakit sila biglang natahimik. Basta ako. Hinayaan ko lang ang sarili kong nakayuko. Ayaw ipakita sa kanila ang nagkukumahog kong damdamin.

"He'll be alright." dala ng katahimikang bumalot samin. Na malapit ko nang nakasanayan. Nagitla ako sa biglang paglapat ng malapad na kamay sa likod ng balikat ko. And his voice?. Duon nanlaki ng wala sa oras ang mga mata ko. Maging ang labi ko'y namilog nalang basta. "Don't worry." parang bomba iyon sakin. Sumabog ang hagulgol ko't di na talaga napigilan ang sarili. Umiyak ako ng umiyak habang tumatango sa kanya. He's hand Is still on my back. That makes me feel uneasy.

"Girl.." si Winly na to. Pinapaalalahanan ako.

Itinaas ko lang ang kamay ko at nagthumps up sa kanila. Eksaktong pagdating naman ng parents ni Jaden. Si Winly ang humarap sa kanila. Ako?. Wala! Walang kwenta!. Sarili ko lang inisip ko. Wala ng iba!.

Umayos ako ng upo. At sa magkabilang gilid ko ay parehong nakaupo si Aron at sya. I feel like, I'm losing any air to breathe in. Si Tita Alice ay kinausap pa ako na wag nang mag-alala pa. They thought that I'm acting this way dahil sa nangyari sa kaibigan ko. Half of me. Yes. Nag-aalala pa rin ako sa kalagayan ni Jaden. Pero lamang pa rin sakin ang nalaman ngayon lang. At di nila alam iyon pwera lang kay Winly na mataman kung tumitig sakin. "Sige na. Umuwi na muna kayo. Gabi na at baka nag-aalala na parents nyo sa inyo." Ani Tita. Nginitian ko lang sya't tinanguan. I stood up pero di ko nabalanse ang sarili kaya bigla nalang akong bumagsak na agad naman akong sinalo ninuman. My jaw literally drop nang matanto na si Kian ang may hawak sa akin. "Ayos ka lang?." he even asked this pero wala na naman akong ibang ginawa kundi ang titigan sya sa mata. I miss looking at him this close.

Kung wala ang tikhim at ang boses ng bakla na nagpagising sa kahibangan ko. Baka nahimatay ako ng di oras. Nagpaalam din kami at sabay sabay na lumabas ng ospital. Si Ryan ang unang umalis. Sakay ito ng magara nyang kotse. Si Aron naman ay kanina pa di nagsasalita. That scares me. Para bang binabasa nya ako. At ayoko ng ganun. "Sabay ka na sakin Kaka. Saktong may tatanungin ako kay Tito." deklara nya. Mabilis akong tumango kahit ang totoo ay may hinihintay akong sumuway sa kanya.

At sa paghihintay ko. Nadismaya lang ako. Umasa na naman kasi ako!. Kingwang buhay to!.

Pagbukas ko ng pintuan ng sasakyan ni Aron. Nasa loob na sila ni Win. Naiwan si Kian sa labas. Nakatingin lang samin. Este. sakin pala habang nakapamulsa. Ipinasok ko na ang kaliwang paa sa loob. Kagat ang labi. Saka napagpasyahan na. It's now or never!.

"Kian.." sa tagal na panahon. Ngayon ko lang ulit nasambit ang pangalan nya. At bago ito sakin. Bumalik yung oras na kakakilala ko lang sa pangalang dala nya.

Hindi man lang sya natinag. Imbes. Umupo lang ito sa harapan ng mamamahalin nyang sasakyan. Andun pa rin sa loob ng bulsa nya ang mga kamay nya.

"Karen tara na.." pigil sakin ni Winly.

"May sasabihn lang ako." saad ko naman. Hindi tulad ng iniisip nya ang gagawin ko. Iba.

Binasa ko muna ang labi bago nagpasyang magsalita. "Ah. Salamat." saad ko. Nagkatinginan kami sa mata at duon ko natanto na hindi lang pala simpleng tingin ang ginagawa nya. I saw how he bit his lower lip matapos kong magsalita. "Mauna na kami. See you around." paalam ko bago nanginginig na pumasok na ng sasakyan. Aron didn't start the engine. Di ko alam bakit. Lumingon ako sa kanya tapos kay Winly. They're both looking outside. Saka ko lang din nalaman na lumapit pala sya samin at dumungaw pa sa bintana. "See you around." anya sabay ng isang hindi makakasawang ngiti.

Natulala ako sa totoo lang. Yung ngiting iyon. Ngayon ko lang muli nasilayan, tatlong taon na ang nakakalipas.

And I hope na, sa darating pang mga araw. Iyong ngiti nyang suot kanina ay maglagi na.

Next chapter