webnovel

Chapter 80: Nothing

Mabilis dumaan ang mga araw. Dumating ang competition. I lost. Lack of confidence is the main reason. Confused too. And for sure because of nothing. My self esteem dropped to zero. From one hundred to one percent, it suddenly drops. Umiyak ako kay Mama kasi umasa syang aabot ako sa Nationals. Nadismaya sya dahil nangako ako na di ako magpapaapekto sa mga nangyayari. But she's right. Bata pa nga ako at lamang pa rin ang emosyon laban sa pagkatao ko. But is right was wrong?. Hindi ba minsan din. Tama ang mali at mali ang tama?. Ngunit nasaan nga ba ang tama at mali sa ginawa mo Karen?. All I can say is. Tama ang ginawa kong pumunta sa kasal at panoorin syang maging masaya sa iba. At ang naiisip kong mali ay ang pagbibigay ko ng pag-asa kay Mama kahit hindi sana. False hope. Ako man sa sarili ko ay umasa. Nangahas akong makakayang limutin ang lahat ng dalawang araw lang subalit, kayhirap pala. Lalo lang yatang lumala ang lahat sa akin.

"Sabi ng Ate Keonna mo, di ka raw kumakain?. Bakit naman?." kakapasok nito sa silid ko at diretso ang upo sa sahig na puno ng mga teddy bears. Iniyakap niyo ang pinakamalaki sa kanya at prenteng nahiga nalang duon. Galing syang school. At oo nga. Hindi ako pumasok dahil bigla akong nanliit at nahiya para sa sarili ko. Lalo na sa school at Principal namin na ako ang tanging pag-asa nila. "Si Bamby, alam mo bang halos pareho lang din kayo ngayon?." duon lamang ako umayos ng higa. Tiningala ang kisame at tinanong sya kung bakit. "Ang sabi nya. Naninibago raw sya. Kung pwede lang daw ay umuwi nalang sya ulit."

"Buti pa nga sya eh. Nasa malayo." I sounded like I'm an ugly envious witch towards my best friend. But no. A part of me might say, yes. Pero hindi nito nilalamon ang lahat ng isip ko.

"Bakit?. Gusto mong lumayo?." para akong binato ng kulay berde at hindi pa hinog na bayabas sa ulo. Masakit ang pagtama. Sapul talaga!.

Gustuhin ko mang itanggi ito. Alam ko sa sarili ko na, alam na din nya ang isasagot ko. "Kaya nga, kumain ka muna bago tayo lumabas.." he even smile at me. At hilaw iyon. Alam ko. Kilala ko sya masyado. May hindi ba sya sinasabi sakin?. At ano iyon?.

"May dala ka bang pagkain?." biro ko dito. Tumirik ang kanyang mga mata. Ginaya ko lang rin sya. Abnoy! Basta libre ang topic panigiradong, speechless yan. Pero kapag kakain na ang inanunsyo ng iba. Matik yan na mauuna. Astig nyang kaibigan diba?. Pero kahit na ganun sya. Maaasahan din naman. Kagaya nalang ngayon. Hindi nang-iiwan ng basta basta ng kaibigang lugmok. "Gusto ko ng libre mo. Kakain ako." wala sa isip kong himig.

"Punyemas!. Estofado na nga ulam nyo. Maghahanap ka pa ng iba?. May saltik ka na ba ha?." malapit na talaga akong magtampo bilang kaibigan nya subalit di ko rin nagagawa dahil sya na lang pinagkakatiwalaan kong kaibigan dito. Di naman sa mapili ako sa taong gustong kasama. Sadyang ayoko lang ng maraming tao dahil hindi naman lahat ay totoo. Ganun din ata si Bamby. Kaya siguro kami. Naging magkaibigan na rin.

Natawa nalang din ako sa katotohanan na, baka may saltik na nga ako. LoL.

"Yan ba ang ipinunta mo rito?. Ang murahin ako?." umupo ako't sa mga nakahilerang libro nakatingin. At eksaktong paglingon sa kanya ay ang pagtama naman ng mukha ni Sakura sa Naruto ang tumama sa mukha ko.

Ang bait nya diba?

Wait! Ipinamumukha nya ba sakin na gayahin ko si Sakura?. Na di dapat sukuan ang umasa?.

My goodness!. Iniisip ko palang. Baka matuluyan na nga ako sa ospital.

No way!

Naku! Kung andito lang si Bamby. Baka nabato na nya ito. Pasalamat lang sya.

"Ang dami pang satsat eh noh?. Maligo ka na nga't magpalit. Tara sa mall.." tumayo sya't pinagpag ang damit kahit wala namang dumi.

Pinanlakihan ko naman sya ng mata. "Basta ba libre mo?." nasa likod ng pagiging seryoso ng mukha ko ang isang tagumpay na ngisi ko.

"Oo na nga!. Imbyerna!."

Aba!. May nanlilibre ba talaga na nagagalit?. Kabaliwan!.

Binuksan nito ang pintuan ng silid ko at akma nang lalabas. "Trenta minutos. Kapag hindi ka pa bumaba matapos ang oras na binigay ko. Ikaw ang manlilibre.."

Aba!!..

"Ano!??.." dumilim ang paningin ko. Sya ata baliw samin eh.

"Time starts now!." ipinakita nya ang stopwatch sa relo na suot nya't pinindot na nga ang start. Kingwa! Akala ko biro lang e. Seryoso pala talaga sya!. Kainis!.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumakbo papuntang banyo para maligo. Shower nalang din ang ginawa ko para mas mabilis. Saka nalang ulit ako maliligo kapag nakauwi na. Oh? Sino ngayon samin ang mautak?. Ha?. Sige nga bakla!.

Hanggang sa loob ng jeep at Mall na. Bukambibig nya pa rin ang kung sino ang manlilibre. Natalo kasi sya. Bente minutos lang ay nakababa na ako. Nagmumukha tuloy akong patay gutom. At sya, walang ni kusing na pera.

"Bilisan mo na." sa huli sya ang magbabayad sa order namin. Sa isang mamahaling restaurant kami pumasok. Diba, di halatang wala syang pera?. Tsk!. "Eat all you can to!. Chibug na.." siniko pa nya ako. Napailing lang ako sa likod nya. At habang nasa pila ng pagkuha ng pagkain. Nadaanan ng mata ko ang anino sa tinted na salamin. Sa tindig palang nya. Sa ayos palang ng buhok nya. Kilala ko na kung sino sya. I secretly stared at him pero umiwas din agad nang masulyapan na may kasama sya. The Andrea girl is hanging on his arms sweetly na para bang matatangay sya bigla ng mahinang agos ng hangin. Possessive!?. Ew!.

Kumuha ako ng pagkain at nagkayukong naglakad. Hanggang sa may pumatid sakin at nagsabi ng, "Oh sorry. I didn't mean.." maarteng ani ng boses babae. My tears easily rolls down. Lahat ng mata ng tao sa restaurant ay sakin nakatingin. Mga umiiling at natatawa. Dito ko naramdaman na natapakan ang pagkatao ko. I saw Winly swiftly move para daluhan ako. Kaso. Imbes na ako ang tulungan nyang tumayo. Iba ang ginawa nya. "Gaga ka!. Bulag ka ba?." sigaw nya dun sa babae.

Dinig kong tumawa ang kausap nya. "Bat ako tinatanong mo?. Ako ba nadapa?." sarkastiko pa nyang sagot sa bakla. Dahan dahan kong tiningala ang kausap ng bakla.

Confirmed!. It's her. With him!

My jaw dropped when he chooses to whisper on her ear then pass us through without saying any apologies to what her girl have done. Di man lang nya inisip ang danyos ng asawa nya?. Wala ba syang pakialam sa akin?. Wala na ba talaga!?. Is it all the memories we've made has gone?. Ganun ba kadaling kalimutan ang mga iyon para sa kanya?.

Kingwa!.

Bakit ako pagdating sa kanya, hinde?.

Next chapter