webnovel

Chapter 76: Still on

Dinig kong maingay na nagluluto ang boys ng dinner sa labas. Kaming tatlo naman dito sa loob. Presko lang na nakahiga. Mga buhay, prinsesa.

"Hello?." sagot ko sa cellphone na nag-ingay. Nalapag lang kasi ito sa side table na nasa kanan ko. Ang loob ng kwarto ay may dalawang higaan. Parehong double deck. Sa taas ko si Bamby. Si Winly naman sa kabila na nasa taas nya si Lance. Yes po. Ayaw kasi nyang may ibang tao sa silid maliban samin o sya. Ang strict nya diba?. Grabe! As in. Nakakatakot sya minsan. Buti nakakaya rin ni Bamby.

Sinilip ko ang pangalan ng caller id. Si Ate Keonna pala. Nagtataka ako bat ito biglang napatawag. "Ate, bakit?." hindi pa rin ito nagsalita. It's new of her. Hindi nito ugaling tumawag ng walang dahilan. At una pa. Hindi nito ugaling manahimik kapag may rason sya. "May problema ba?."

"Okay ka lang dyan?." she sounded like, she's thinking something. Kumunot ang noo ko.

"Oo naman po. Bakit?. May nangyari ba dyan?. Kailangan ko na bang umuwi?." bahagya akong nagpanik sa baba ng boses nya.

"How's you with Kian?." kusa nalang nalaglag ang panga ko sa narinig. Bamby, crawl down towards me. Si Winly naman ay napaayos ng upo. Mouthing, who is that?.

"Well.." nilinis ko ang sariling lalamunan.

"I guess, you're not." di ako nakaimik. Paano nya nalaman ito?. Impossible bang si Aron ang nagsabi dito?. No way!

"Oh my gosh!.." nagulat ako kay Winly kaya napatingin ako dito. Tutop na nito ang labi. "Bakit yan bakla ha?." tuluyan nang bumaba si Bamby at nilapitan ito.

"Bakit naman hinde Ate?. Sa totoo lang. Nag-eenjoy kami dito.." saad ko kahit ang totoo ay basag ang puso ko sa nalaman lang tungkol kay Kian.

Kita ko kung paano rin takpan ni Bamby ang kanyang labi. "Anong meron?." imbes sabihin ito ng malakas sa dalawa. Tumayo nalang ako at pinuntahan sila. Ate is still on the line. Hindi pwedeng, malaman nito na nahihirapan ako dito. They both hide the screen of Winly's to me. Ano bang meron?.

"May tv ba dyan Kaka?."

"What?. of course naman po.."

"Nanood kayo?."

"Nope. We're just resting right now. Bakit ba Ate?. Pwede bang sabihin mo nalang sakin. Pinapakaba mo naman ako dito eh."

Hawak ko na ang puso sa lakas ng kabog nito. "Karen.." Winly calls my name. I wonder why.

"Karen, the engagement is still on.." pagkatapos naman sabihin ni Ate ito. Pinakita sakin ng bakla ang nasa isang Facebook post. It is about the engagement. Of him with the Andrea girl.

Natulala ako. Yung kulay pink na suot na damit ni Bamby ay naging abo. Suddenly, my whole world went black and white. Is this the reason why he acted like that?. Ganun nya ba sabihin sakin ang tungkol sa kanila?. Why is he not saying straight, verbally to atleast clear my mind, hazy?. Madali naman akong kausap e. Matino pa isip ko. Aminin nya lang sakin. Kahit masakit. Kahit ayokong tanggapin, I'll slowly show him how to respect someone's decision. Not this. Not his ways. Not this way of acting like it's all fine but in fact. It's not.

"Huy Kaka! Wake up.." kung di pa ako niyugyog ni Bamby. Hindi pa ako magigising sa panaginip na yun. "Magiging okay rin ang lahat." she hug me. Honestly. I don't even know kung magiging pa ba ako rito. I feel like. the world is a liar. Wondering. Why life is so unfair?. Akala ko ba ayos na ang lahat samin. That he even promised to his parents that, he'll stand his way to prove his way of love towards me?. But how come?. Paanong lumabas ang balitang ito na matutuloy ang engagement na naudlot para sa kanila?. Is they secretly seeing each other?. But how?. He's jerk Karen. He has his ways to get rid of you.

Hindi ako makapaniwala! Parang ayokong maniwala sa nangyayari.

Hindi pa man humuhupa ang kaguluhang nangyayari sa akin. Heto na naman. Sa labas. Dinig mula sa loob ng silid namin ang sigawan ng kalalakihan. "Gago ka!."

Mabilis kumilos si Winly at sumilip sa labas. "Hoy!. Anong ginagawa nyo!?." kulang nalang madapa ako sa pagsunod sa bakla. At basta nalang umawang ang labi ko sa tanawin. Pinagtutungan na nilang bugbugin at sipain sa mukha at buong katawan si Kian. Si Lance ang syang umaawat lang sa kanila.

"Aron Miguel!.." buong puso kong tawag dito. Ngunit parang wala itong narinig. Tears rolls down on my cheeks. Why is this happening?. Akala ko ba this is a happy trip?. Mali ba ang akala ko?.

Si Bamby ay nilapitan na rin si Jaden. Hinawakan pa sa braso para pigilan din. Tinulungan ni Lance si Kian tumayo subalit heto si Bryan na nagbigay pa ng pasalubong sa mukha. Isang malakas na sapak ang ginawa nya rito dahilan para mapayuko ako. "Tama na!." my heart aches knowing that he's in pain.

"Tama na nga yan!." nagsalita na ngayon si Winly.

"Wag kang humarang Win.."

"Ryan, hindi mabibigyan ng solusyon ang isang problema kung lahat kayo ay mainit. Hindi ba pwedeng kumalma at ayusin to sa maayos na usapan?."

"Paano?. Gago yan Win, kung alam mo lang."

Napangiwi si Winly. I walk towards him. Kasama nito si Lance na hindi maiwan ang gilid nya. Baka kasi sumugod muli ang iba. "Alam ko naman na yun. Even, her, I know she knew it. Pero, kaibigan din natin sya diba?. Why not letting him explain his side instead?."

"Lahat may dahilan. Speak now Kian. Makinig ang gustong makinig. Yung may ayaw. Feel free to get some air outside." Lance declared this.

"Si Karen lang ang gusto kong kausapin.." Kian said.

"Kita mo na bro?. Gago yan eh.. bakit sya lang ang gusto mong kausapin ha?. Kaibigan mo rin kami. Maiintindihan ka namin kung pati kami ang bibigyan mo ng paliwanag.." yamot ang mahihimigan kay Aron dito.

"Can you please shut your noisy mouth Miguel. Isa ka pa eh. I know you're concern about your cousin but can you atleast let the man talk.. Hindi tayo aalis dito sa Mindoro hanggat hindi naaayos itong sigalot." dagdag pa ni Lance. Jaden sat beside him. Nakayuko. I guess his whispering to him.

Padabog na naupo ang isa. Ang lahat ngayon ay sakin na nakatingin. "Spill it now boy. Nakita namin sa Facebook post ang balita tungkol sa engagement nyo ni Andrea. Hindi iyon totoo hindi ba?." si Winly ang unang nagsalita. Nakaupo si Kian sa mahabang sofa. Sa magkabila nyang gilid sina Lance at Jaden. Ako sa isang upuan na sa arm side naman umupo sina Bamby at Winly. Ang lahat ay kumpol kumpol na sa kabilang side. Harap mismo ng upuan nila. Sa gitna namin ay isang pabilog na mesa na gawa sa ratan. May tubig duon at nagkalat ang supot ng chitchirya.

"Totoo.." mahina nyang sagot sa tanong. Nanlamig ako sandali. So totoo nga?. What now?. What's next?.

"Kaya ba nandito rin ang Andrea na yun?." Winly pa rin ito.

"Hinde. Nagkataon lang na may pictorial silang ginagawa rito.." he explained.

"How did you explain then the way you grabbed her waist infront of us?." Poro asks this. Yumuko lang si Kian habang magkahawak ang mga kamay nito.

"Ginawa ko ang bagay na yun.. para protektahan ang meron ako."

"You mean, for you to protect what's yours is to hurt her either?." di ko alam bat naitanong pa ito ni Bamby. It's like. She's into her subtle mode again.

"I'd rather choose to be hurt than hurting her Bam. It's not my choice to do what I've been done. It is, my only option to stop her from hurting someone."

"Hindi mo ba nakikita Kian?. Pareho mo silang nasasaktan.." Bamby insisted.

"I know. Hindi ko na yata mapipigilan pa ang may masaktan sa amin. I already told her that I don't want the engagement thing about us but she chooses to agreed to it kahit alam nyang hindi ako boto dito noon pa. Our both parents tied because of business. And I, I will prove to them na hindi lang kasal sa kasosyo mo ang solusyon to solve the bankruptcy. Hindi ko na kasalanan kung masaktan ko pa sya dahil sya mismo ang gumawa ng dahilan para lalo syang masaktan.."

"But still. You didn't even answer my question." si Poro ito. "Why did you grabbed her waist knowing that she can clearly see you, two?." dagdag pa nya.

"Balak nya kasing sugurin si Karen. Kaya ginawa ko yun.."

"Why didn't you stop her first?." singit na rin ni Dennis. "Bakit kailangan umabot pa kayo sa mismong harapan namin?."

"I can't do anything to stop her. She's too stubborn."

"At para pigilan sya ay iyon lang ang kaya mong gawin?. Bakit?. For what?." si Lance naman ito.

"To stop her, instantly."

"Mapipigilan ba ng pagpigil mo sa kanya na sampalin ako, ang hindi pagtuloy ng kasal nyo?." his jaw dropped when I started talking. "Sinabi ko naman na sa'yo. If it's necessary. I can give you up."

"Ganun nalang ba kadali sa'yo na bitawan ako?." he asked sadly.

Sinalubong ko ang malungkot nyang mga mata. "Yes. It's the only way for us to be at peace Kian. Napapagod na kasi ako eh. Hindi ko na alam kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo sa harap ko. " buong puso kong sambit.

Katahimikan ang namutawi sa aming lahat. Kahit idineklara na nina Bryle na luto na ang dinner ay walang nangahas samin na tumayo at tumugon sa tawag nya. Sino bang makakain matapos marinig ang lahat ng ito?. Bumaliktad na ata sikmura ko. Gusto ko na tuloy umuwi at magmukmok sa loob ng kulambo.

Next chapter