webnovel

Chapter 36: Court you

Pagkatapos ng halik na iyon ay parang may humarang na makapal na yelo sa pagitan namin. Ramdam ko ang lamig kahit tirik naman ang araw sa labas. O ako lang tong ganun ang pakiramdam sapagkat, heto pa rin ako't nalilito sa tunay na intensyon nya.

Yes. I get it. I can feel his moves. Aware akong nagpapakita sya ng pagkagusto sa akin. At, wagas ang saya ko roon subalit, hindi ako mapakali. May kung ano sa isip ko na nagsasabing ginagamit nya lang ako. I was like. My one feet is heading forward, wanting to enjoy this moment but on the other hand, here's my other one, stepping backwards. Ayaw maniwala.

Panay lang ang sulyap ko sa kanya, mula sa gilid ng aking mata. Anong sasabihn ko?. Anong gagawin ko?. Nahihiya ako. Tsaka, hindi ako gumalaw nung hinalikan nya ako. Dapat bang may gawin ako duon?.

"What are you thinking?." One eternity later. He finally broke down the blocks of ice in between us.

Doon ko lamang sya tinapunan ng tingin. Isang kamay lang ang gamit nya sa pagmamaneho. Ang kaliwa ay nakatuko sa may pintuan. Mukhang tinatamad sa ginagawa.

"Ikaw.." Jusko!. Saan ka kumuha ng lakas ng loob na sambitin ang 'ikaw' Karen?. Ikaw ba talaga yan?.

Binasa nito ang labi gamit ang kanyang dila. Nay naman. Wala namang ganyanan Master. Susnako!

"Ako?. Why?."

"Di kasi ako makapaniwala na magkaibigan mga tatay natin. Alam mo yun?."

Akala nya siguro yung about sa halik ang sasabihn ko. Urgh! No way!. Di ko pa kayang pag-usapan iyon sa ngayon ng harap harapan. Baka bigla nalang akong bumaba rito kahit nasa gitna kami ng kalsada dala ng kahihiyan.

"I don't know their thing." agap nyang sagot.

"Talaga?. Si Ate Kendra?. You know her?."

Matagal bago sya tumango. Napaisip kung tatango ba o hinde. "I don't think so. Parang nakita ko na sya noon pero di ko matandaan kung saan." tumagilid ang ulo nito habang nagsasalita.

"Sila Mama at Papa?. You knew them simula nung pumunta ka sa bahay?."

Mabilis syang umiling. "Nope. First time ko silang makita pero magaan ang pakiramdam ko na sa kanila. Parang dati ko na silang nakilala ganun."

"So ibig sabihin. Di mo pa nakikita si Papa na kasama ng Daddy mo?."

"Hindi pa."

"How come?." di ako makapaniwala. Impossible naman. Batay sa kwento ni Tito, magtropa sila ni Papa. Paanong di sya kilala ng taong to?.

"Di ko alam. Ako nga rin nagulat sa kay Daddy noong sinabi nya saking samahan ko sya sa bahay ng kaibigan nya. Hindi nya ako madalas sinasama sa mga lakad nya. Kahapon lang. At laking gulat ko nalang dahil pamilyar sakin yung way ng daan. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makitang sa gate nyo mismo huminto ang sasakyan nya. I wanted to ask him badly pero di ko alam paano. And that's my biggest mistake. Di ko agad inalam kung saan at sino ang kaibigan nyang pupuntahan. Tsk."

"Did you ask him about how did they become friends?."

"Hmm.. High school daw. Same sila ng school ni Daddy. Si Tito daw ang target ni Daddy the bully.. haha.."

Nagkaroon ako bigla ng interes sa kwento ni Papa at ng Daddy nya. Di ko na kasi naitanong kagabi. Lasing sya at umaga ring umaalis. Kaya wala na akong time. Siguro, pag day off nalang nya.

"Seryoso?. E paano sila naging magkaibigan kung ganun yung set up nila?."

"Si Tito daw kasi ang nagturo kay Daddy kung paano manligaw ng babae."

"Talaga?. Si Papa?. Hahaha. Di ko alam to ah.."

"Hmm.. Same. Pinagtawanan ko si Daddy nung sinabi nya ito kagabi. Lasing sya kaya masarap tanungin."

"Bakit baliktad?. Si Daddy mo sana ang matinik sa babae eh. Si Papa talaga?." parang di ko maimagine. LoL.

"Gwapo ang Papa mo noon. Hanggang ngayon din naman. Nakita ko iyon sa larawan nila ni Daddy. Ang sabi ni Daddy. Tahimik at kalmado raw lagi si Tito pero matalino."

"Paano sya naging target ng Daddy mo kung ganun?."

"According to him. Nainsecure daw ito sa pagiging kalmado nya't talino. Kaya naging target nya ito. Hahaha.. Diba amazing?."

"Hmmm.. Di lang amazing. Interesting pa kamo. Walang kwento si Papa sakin about his high school life." napaisip ako bigla. "Sabagay, bihira lang kasi sya kung mag day off. Sana nga. Matuloy yung out of town natin para marinig ko yung buong kwento nila."

"We'll settle that soon pero sa ngayon, ako muna atupagin mo please. Gutom na ako eh." bigla ay ngumuso ito't nanlambing.

"Ano yan?." nguso ko rin sa humaba nyang nguso. Baliw. Gutom daw sya eh. E di maghanap ng kakainan.

Lalo lang nyang pinahaba ang nguso. "Hanap nalang tayo ng turo-turo sa daan. Bat kasi di ka kumain sa bahay kanina?."

"I don't mean the food. You?. Uhm.."

"Ano?!." nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Kiss please. Kahit isa lang.."

"Mukha mo. Nakaisa ka na nga kanina e." humalukipkip ako't humarap sa may dashboard. Binabalewala ang gusto nya.

"Please Kaka. Para may gana akong magmaneho rito."

Kailan pa naging Kaka ang tawag nya sakin?. At kailan ka rin nag-umpisang tawagin sya ng Master Karen?.

I don't know. Di ko na matandaan kung kailan ba yun.

"Anong konek ko sa pagmamaneho mo?."

"Gutom nga kasi ako.." pilit nya.

"Oh, e di pagkain hanap natin. Bat kiss ang hanap mo?." tinarayan ko sya kunwari. Yiee...

"Para may lakas akong maghanap ng pagkain natin. Please.." ngumuso ulit sya.

"Kian. Stop it. Wala pa tayo."

"But I already kiss you.."

"Kahit na. I want you to court me first.."

"But I'm now courting you baby.."

"Court me?. Psh.. Asan?.."

"From this day on."

"Pala eh. Kakaumpisa Master. Kaya behave ha?. Behave."

"Tsk. Damot naman eh. Isa lang naman." bulong bulong nya. Napaloob ko ang sariling labi sa pagpipigil ng tawa. Hay.. Paano ba tanggihan ang ganitong mga bagay?.

Di na ako nagdalawang-isip pa na bigyan sya ng halik sa pisngi. "Oh ayan. Happy?."

"Not just happy. I'm fully energized. Thanks to you. hahaha.."

I'm speechless. Pinawisan rin maging ang noo at ilong ko matapos kong gawin iyon. Ngunit bigla nalang lumamig at ang sabi nya ay inilakas nya raw ang aircon. Pinagpapawisan raw kasi ako.

Next chapter