webnovel

Chapter 17: Same page

Mabuti nalang, nung pumasok ako ng room. Wala pa ang guro namin. Nakahinga ako ng maluwag duon. As in maluwag dahil doble ang kabang nadarama ko kanina. I mean. Sinong hindi kakabahan kapag andyan yung taong kahit walang ginagawa, naaapektuhan ka?. Ewan ko kung bakit naging iba yung tama nya sakin kahapon. Simula sa may simbahan hanggang sa may mall. Para akong nakakita ng isang taong ngayon lamang lumabas sa kanyang lungga. Lagi ko naman na syang nakikita sa may hallway, sa canteen, around school pero nitong huli, sabi ko nga. Iba ang tama nya sa akin. Of course. Kung tatanungin nyo ako kung anong itsura nya. Pwes. Ang masasabi ko lang. Hindi sya bastang gwapo. As in, iba ang level of hotness nya. Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maexplain pero iba ang tama sa akin. I feel like. Sya na yung hinahanap ko noon pa. Walang halong keme.

"Huy! Ano ba?. Lutang talaga!?. Kanina pa kita kinakausap." huli na ng tapikin ako sa braso ni Winly dahil pumasok na ang subject teacher namin.

Syempre, lecture here and there hanggang sa bagot akong nag-unat. Oras na para magmeryenda at talaga nga namang maingay ang paligid dahil may kaunting pahinga.

"Bat ka late kanina?. Alam mo bang may penalty pag late?." Dinunggol pa ako nitong bakla habang ako'y hawak nya sa kaliwang braso. Si Bamby, naman sa kanan. Tas tabi naman ni Bamby si Joyce.

"Sa nalate nagising eh. Bakit ba?." totoo naman na late na akong nagising. Kakaisip ba naman kung anong magandang idahilan kapag nangyaring nakorner na naman. Hak!

"Bakit nga?. Eto, pang showbiz mga sagutan. Kalbuhin kita eh." akma nya sanang hahawakan ang buhok ko subalit hindi iyon natuloy. Nalaman ko lang din na may pinapanood sya nung bulungan ako ni Bamby.

"May dumaang mga gwapo. Hahaha." sabay tawa pa nya. Bigla akong kinabahan kahit iyon lang naman ang sinabi nya. Wala syang binanggit na pangalan o kahit na ano. Iyon lang ngunit iba ang naging epekto sa akin. Pinagpawisan ako ng wala sa oras.

"Hello, Jaden. Hi Kian. Kamusta guys?." ilang segundo muna bago ito nakabawi at binati ang lahat ng mga lalaking nakatambay sa may tabi ng gym. Kung saan nadadaan namin bago ang canteen.

"Hello gwapa." si Bryle ang sumagot. Maya maya naman ay si Ryan din. "Ayos lang sir.." biro pa nito sa kanya. Wrong bakla. Kunwaring inayos ang buhok saka nilagay ang iilan sa likod ng kanyang tainga. Gusto kong matawa. Sa pagpipigil ko ay hindi ko na naitago pa.

"Haha.." maiksi lamang iyon. Mas mahaba pa ang nguso ni Winly sakin ngayon subalit nawala nalang ito ng magsalita si Kian.

"Saan punta nyo?. Pwedeng sumama?." kinantyawan nila sya matapos nya itong sabihin. Tinulak tulak pa hanggang sa mapaupo na sa tabi ni Jaden na kanina pa tahimik. Mukhang, nagmamasid.

"Ay naku gwapo! Pwedeng-pwede. Lika na. Libre kita." mabilis na kilos ni Winly. Laglag ang panga ko kasi ganun na lamang sya kabilis kung magdesisyon sa buhay. Kingwa! Ako nga. Hiyang hiya sa nangyari kahapon at kanina tapos sya, eto. Parang wala nang hiya na nararamdaman.

"Ay wag nalang pala. Baka may magsungit eh. Haha." pabiro pa nyang dagdag tapos sumulyap sya sakin ng mga ilang segundo bago bumaling na sa mga kasama. Ayokong biyan ng kahulugan ang lahat subalit pagdating sa mga ganitong galawan na, hindi ko napipigilan ang sarili kong umasa, kahit sa totoo ay wala pa.

"Psh!. Mga paasa! Tara na nga girls." inirapan nya ang grupo ng kalalakihan saka kami kinaladkad diretso ng canteen.

Gusto kong matawa sa pagtatampo nya subalit hindi ko basta magawa. Parang ako iyong nasaktan para sa kanya. Biruin mo. Kung sa babae iyon nangyari, o kung sa akin nalang, higit pa sa iiyak siguro ang gagawin ko. Baka hindi ako papasok ng isang linggo tapos dededmahin ko na sila ng lubos. I mean. I'm not mean but if you do fool me, well I'm saying this to you that you should run and never thought about coming back coz I don't care about people who is damn foolish. Ayoko sa mga taong pakikiligin ka tapos ituturing kang parang walang kwenta. Ano kayang tawag sa mga ganung klaseng tao?. Feeling gwapo?. Ew! Feeling gwapo pero looking gago! Iyon pa!

Mabilis lang din kaming bumalik galing canteen at dun na sa room kumain. Hindi nagsasalita si Winly dahil puno ng pagkain ang loob ng bibig nya. But I can sense he's hurt a while ago. Sana lang. Wag nyang dibdib ang mga ganung klaseng mga salita dahil kadalasan, nakakabaliw ang mag-isip.

I observe him all through out the morning classes. He looks okay kaya hindi na rin ako nag-atubiling tanungin pa sya. Baka lalo pang matrigger ang sakit pag nagtanong ako e. Kaya zip your mouth nalang Karen.

Lunch time na ng sabay kami ni Bamby na nagtungo ng canteen. Si Winly ay may baon daw. Si Joyce naman ay nagpaalam na may pupuntahan daw. Wala syang sinabi kung saan pero ang sinambit nya lang kanina ay baka matagalan pa syang bumalik. I wonder kung saan ang punta. Gusto ko syang kulitin pero naisip kong wag nalang. It's her privacy and I don't want to invade what's hers. At di ko rin masasabing di ako concern kay Joyce. Sadyang, itong Bamby lang ay kanina pa ako hinihila patungong canteen. Kanina pa daw sya gutom.

"Bat di ka kasi nagrecess kanina?." giit ko. Humaba ang nguso nya't hindi man lang ako tinignan. Diretso lang sa daan ang mata nya.

"Oh! Alam ko na. Dahil ba kay Jaden?." halos kainin ko na ang pangalang sinambit ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko. Loko din! O diba?. Huli sya, pero di kulong.

"Hindi noh." pagtatakip pa nya.

"Hay." bumuntong hininga ako. "Sige. Deny ka pa. Obvious na nga eh. Haha."

Bigla ay huminto sya sa paglalakad saka pumadyak sa sahig. Nilingon ang paligid na para bang may ibang makakarinig. "Oo na."

"Anong oo na?." natatawa ko namang tanong. Pinagkunutan nito ako ng noo bago nagpatuloy.

"Ang sabi ko, bilisan mo na. Gutom na ako." anya na naging dahilan ng paglaki ng mata ko.

Ang buong akala ko. Aamin na sya tungkol sa nararamdaman nya para kay Jaden. Iyon pala ay hanggang akala ko lang. Haha. Wala tuloy akong ibang maisip na gawin kundi ngumuso nalang para pagtakpan ang kaibigan kong to. Ang cute nya lang. Alam mo yung pareho na nga lang silang halata, dinedeny pa. Hay naku!

Hindi nalang ako kumibo at sinamahan na sya sa canteen. Nag-order kami ng dalawang spaghetti at lumpia with coke. Sa pang apat na mesa kami umupo. Iyon nalang kasi ang available kaya yun. Nauna akong sumubo dahil umorder pa si Bamby ng dagdag fries at burger. Grabe ang gutom eh.

"I heard you love sweets so I bought you one." sa tabing upuan ko ay may biglang lalaking umupo duon. Tapos inilapag sa may harapan ko ang hilera ng mga chocolates. Hindi ko maituloy ang isusubong spaghetti dahil sa bigla. Who on earth are you?. Gusto kong sambitin iyon subalit nang makita ko si Bamby na kasubod si Jaden paupo sa pwesto nya. Nalaglag ang panga ko. Meaning, Jaden is with Kian. No other than him. Magkadikit ang dalawang yan eh.

"Ayaw mo ba?." tanong nya kalaunan ng hindi ko kunin ang nasa hapag.

Tulala ako. As in. Hindi makapg-isip ng sasabihn o ang gagawin.

"She likes that for sure."si Bamby ang nagsalita para sakin. She even smile at me. Convincing me to take it.

I slowly get the chocolates one by one. Natatawa tuloy sya pinapanood ako.

Huy Karen! Wala ka sa kdrama land ha! Umayos ka!!

"Thanks." mahina kong himig. I saw how he bit his lower lip while nodding.

"Thanks to you. I feel like I'm the pinakagwapo sa buong campus. Wahahahahhahaha." patawa nya. Tulala na naman ako sa kanyang mukha. Ang gwapo! Kingwa!

"Ulol!." panunuya lang din ni Jaden sa kanya. Nag-ambangan silang dalawa na nagsuntukan sa ere. Natatawa din si Bamby sa kanila.

And I feel like, I'm the most beautiful girl here in the campus too.

We're on the same page baby.

Nay...

Next chapter