After nang second subject. Recess na sana namin. Kaso, yung teacher namin kanina ay nirequest nyang tumulong kami sa paglilinis ng library. Under construction kasi iyon noon at kakatapos lang kanina.
"Bakit, kasi tayo maglilinis doon?.. gutom na ako eh.." masungit na reklamo ni Winly. Na agad ring sinang-ayunan nina Joyce at Bamby.
"Ganito nalang.. bago tayo pumasok ng library.. daan nalang tayong canteen.. bili tayo ng biscuits.." suhestyon ko. Kanina ko lang ito naisip dahil nagrereklamo na rin pati ang tyan ko.
Lumiwanag ang mukha ni Winly. "The best ka talaga.. tara na.. dalian nyo kung ganun para makapuslit tayo.." hinila nya agad ako patungong canteen.
Pumasok kami nang canteen na parang wala lang. Normal ang galaw namin. Ngunit nang sitahin kami nung class president namin ay tumakbo na kami't nagtatawanan. Sinabi kasi ni Winly na bibigyan nya raw ito pag nagutom. Weh?. Sa takaw nyang kumain?. Maggbibigay sya kamo?. Naku! Wag nalang kamo!.
Pagkarating naman ng library, sarado iyon. Nadatnan namin mga kaklase naming nasa hallway kung saan, duon na sila kumakain.
Ang sabi nila. Di naman daw bawal bumili ng pagkain. Biro lang daw ni ma'am. Nakamot ko ang ulo sa di pagkaalam na biro nya pala iyon. Palabiro kasi ang aming guro at kung seseryosohin mo talaga. Ikaw ang talo.
"Biro lang pala eh.." nakangiwi kong siko kay Winly.
"Aba..Malay ko ba naman.." nguso nya habang nasa loob nang labi ang straw nang Chuckie.
"Kaasar talaga.."
"Bat ka naman sakin naaasar?. kay ma'am kaya gurl.."
"E bat kasi di ka nakinig kanina?.."
"Bakit ako lang ba estyudante dito ha?. Aba, anong ginagawa mo dito kung ganun?.." sarkastiko nyang sabi. Inagaw ko yung pamaypay nyang nakaipit sa kanyang kili kili saka sya hinampas sa balikat gamit iyon.
"Aray talaga!.." reklamo nyà ng madiin. Nasaktan sa sakit nang hampas ko. Medyo malakas din kasi iyon. Heck!
"Sige.. halika ka dito. ikaw na babae ka.." habol nya sakin. Lumayo ako at patakbong lakad sa dulo ng hallway habang nakatalikod.
"Hahahaha.. di mo ako mahahabol.." tukso ko sa kanya. Dinuro nya ako. Kagat ang labi sa pagpipigil na habulin nga ako.
"Talaga?.. mahahabol kita.. sige takbo lang." Sabi nya pa. Pinagtatawananna kami ng iba pa naming kaklase. May nagsabi pang maghabulan kami sa buong school. Lahat daw ng room ay daanan namin. Maging ang principals office. Naku!. Mga kabaliwan nila!. Pinapamana pa sa akin.
Patalikod pa rin ang lakad ko. Di rin naman tumakbo ang bakla. Kaya relax pa ako.
But!
"Humanda ka!.." he screamed kaya napilitan akong pumihit paharap sa hallway para sana tumakas sa kanya subalit ganun na lamang ang pagkabigla ko nang mabangga ko ang isang malaking bulto. Napamura pa yung tao at napatingala ako nang wala sa oras. Lumipad ang isang paa ko at maging ang hindi ko inipit na buhok ay nilipad ng hangin sa kawalan ng balanse ko. Napansin ko pa ngnag tumilapon sa malayo yung sapatos ko. Kaya napapikit na lang ako at hinintay ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa.
Naghintay ako.
Hinintay ko talaga.
Pero, bakit wala?.
Bakit di pa ako nahuhulog?.
Noon ko lamang naramdaman ang mainit na kamay sa likod ko. Sa laki noon. Muntik na nyang nasakop ang buong spinal cord ko. "Are you okay?.." sa laki at lalim pa nang kanyang boses. Pakiramdam ko. Nakahiga ako sa lumilipad na ulap ngayon. Ang sarap sa pakiramdam.
Nakapikit pa rin ako at dinadama ang mainit na pakiramdam sa aking katawan. "Hey! Welcome me please.. are you okay?.." niyugyog na ako ng taong sumalo sa akin.
Nang imulat ko ang mga mata. Dumiretso iyon sa sumisilip lang na kanya. Oh chinito!.
"Uyyyyyyyy!...." tukso nang nasa paligid.
Luminga ako't doon ko lamang narealize ang nangyari.
O my gosh to the nth level!!...
Anong ginawa ko!?.
Umawang ang aking labi sa naririnig na tukso nila. "Ayiie!.."
"Boy singkit!.. astig!." kantyaw ng mga kaibigan nya siguro sa di kalayuan.
"May masakit ba sa'yo?.." he asked without taking his eyes off me. Damn those eyes!!. Yaaaa!!!. Papa!!.
Kagat labi akong umiling bago nahihiyang kumapit sa braso nya. Noon ko na naman natanto na kanina pa pala sya nakayuko habang hawak nang kaliwa nyang kamay ang likod ko habang ang kanan naman ay sinuportahan ang ulo ko. What a position Karen?.
Yeah!. You brighten my day showing me my direction.. Hahahaha.. wala lang.
Inalalayan nya akong tumayo habang hawak ko ang makinis nitong braso. "Ahm..." damn basag pa!! Double kill! NAKAKAHIYA!
Tiningala ko sya. Gurl, may lakas ka pang tingalain sya ha?. Astig mo nga!
And I saw how his eyes smiled at me like damn! I'm the most beautiful girl in the universe!. Ehe!
"Guys!.. Tama na muna yang titigan nyo ha.. sa libna raw muna tayo!.." agaw eksenang anunsyo ni bakla lang naman. Hay naku! BITTER!
Napakamot ako ng wala sa sarili nang tuksuhin pa ng mga kalalakihan si Kian. Binasa nya lamang ang kanyang labi tapos nginitian sila na para bang wala lang sa kanya ang sinasabi nila.
"Wag masyadong titigan pare.. matunaw.. hahaha.." halakhak ni Jaden sa kanya. Ginulo ang buhok nya't binatukan pa ni Billy matapos dumaan ni Jaden.
Nagkibit balikat lang sya tapos preskong namulsa habang sa akin pa rin ang mata. "To the library raw.." he whispered.
"Ha?.." lutang kong tanong.
Bumungisngis sya. Ang cute nyang ngumiti grabe. Wala sa mga boyfriend nina ate.
Hindi na sya nagsalita pa. Basta iminuwestra na nya ang daan patungong library nga. Luminga ako. Kami nalang pala ang tao rito. Kahit nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Humakbang na rin ako. Sa bawat hakbang. Tinatantya ko pa kung nakaapak ba sa semento o hinde. Pakiramdam ko kasi. Hanggang ngayon. Nakalutang pa rin ako.
"You smell so sweet.." I heard him whispered that. Sino raw?. Ako ba?. Eh, di nga?!.
Sa narinig. Lalo namang nangatog itong aking binti. Sumabay pa ang kabog ng aking dibdib. Maya maya. Sa bagal siguro ng lakad ko. Tumakbo sya't tumabi sakin. Sabay na kaming maglakad. "You look cute today.." huli nyang sabi bago kami sabay na pumasok sa loob. Abala na ang lahat sa paglilinis habang heto ako't kontento sa tabi. Nagmumuni muni dahil sa nakatabi. Hihihi!