webnovel

Chapter 6: Kilig

"Kingina to! Kaya pala tulala.. iba nasa isip.. lalaki.." pinangalandakan sakin ni Winly ang katotohanang iba raw ang iniisip ko. Naku! Kung alam nya lang!.

Sabay na tumawa sina Bamby at Joyce. "Hahahaha.. ayaw mo nun, may lovelife na rin sya.."

"Oo.. para pareho kaming loveless.."

"Uy, ang selfish neto. hahahaha.." tinulak sya ni Bamby ng pabiro.

"Ano ba kayo?. Wag nyo ngang pangunahan ang lahat.. baka maudlot eh.." nguso ko.

Natigilan sila't tinignan ako. Tahimik at walang masabi. Ngunit, ilang segundo lamang ang dumaan ay sabay sabay na silang humagalpak ng tawa.

Nakangiwi ko silang pinanood. Tama naman sinabi ko ah. Ano kayang nakakatawa doon?.

Mga bwiset! Kaibigan ko ba sila?. Ayaw nila akong magkajowa!. Haynaku! Umirap ako sa naiisip. Kung pwede ko lang silang kotongan ng sabay sabay ginawa ko na, kanina pa. Nga lang. Baka kasi nasa paligid lang sya't pinapanood ako. Malay ko! Diba?. Hello there, dear!. Hihi.

"Oy, tama na kasi.. baka maudlot nga kasi.. hahaha.." panggagaya sakin ni Winly kasabay pa rin ng di nawawalang hagalpak nito. Hawak na nga ang tyan. Sumakit na siguro dala ng walang humpay nilang tawa.

Umirap muli ako. Aalis na nga lang ako rito. Nakakainis sila!

Maglalakad na sana ako nang may sumipol sa di kalayuan. Tinanaw ko iyon. Sa room nila Jaden. Tabi ng aming room. Ganun na lamang ang pag-awang ng aking labi nang mamukhaan ang taong sumipol. It's him! And I'm like! Anong itsura ko?. Damn it! Winly kainis ka! Sinisi pa sa iba! Naku gurl ha!

Nginitian nya ako. "Girls, pasok na. late na kayo.." sabi nya. Narinig yata nung tatlo kaya sila natahimik bigla.

Di mawala sa kinatatayuan nya ang paningin ko kahit wala na sya duon. Tinanguan nya ako't nginisihan bago pumasok kasunod ng kanilang guro.

Pagagalitan ko pa sana sila kaso hinila na ako ni Joyce. Patakbo na sina Winly at Bamby papasok ng room. "Late na tayo.. lagot na.." bulong pa ni Joyce. Mabagal ang paghakbang ko ng aking paa sapagkat parang andyan pa rin sya sa tabi. Di ako basta makagalaw sa mata nyang halos di na makita kung ngumiti o tumawa.

"Good morning ma'am.." bati ni Joyce. Nagaisimula na itong magsulat sa board nang kami'y papasok.

"You guys are already late..."

"Ma'am kasi.." magpapaliwanag pa sana si Joyce kaso humalukipkip na sya't tinarayan kami. Magandang dalaga kaya laging mainit ang ulo sa aming mga babae. Lalo na sa mga late pumasok.

"You know my rules right?.." ang taray nya talaga! Nakayuko na ako sa hiya. Hawak pa rin ni Joyce ang kamay ko kaya't lihim ko iyong pinipisil.

Pailalim akong tumango. "Then, you guys knew that you're already absent when you're late right?.."

Oh damn rules!

Bakit kasi di muna makinig sa paliwanag namin eh?.

Yan ang mahirap sa ibang tao. May mga taong sarado na talaga sa kahit anong mga paliwanag mo. Keso, sadya man o hinde. Keso, tama man o mali.

Dahan dahan na naman akong tumango. Ganun rin si Joyce.

"Alam nyo pala eh. bakit late pa rin kayong pumapasok?.."

"I'm sorry ma'am.." Ani Joyce. Lalo akong yumuko. Ako lang dapat tong napapahiya eh. Nadamay lamang sya. Ang bagal mo kasi gurl eh! Tuloy nandamay ka pa ng kaibigan. Tsk!.

"I'm sorry but rules is rules.. walang excuse duon.. lumabas na kayong dalawa.. stand right infront of the room and raise your both hands para matuto kayo.." tinuro nya kami't pinapalabas na ng room with the tiger look. "Go, and study outside.." dagdag pa nya nang nakayuko kaming tumalikod sa kanya. Maging sa aming mga kaklase. Dinig kong tinawag ako ni Winly pero di ko na sya pinansin pa. Baka madamay rin sya. Wag nalang.

"Sorry.." bulong.ko kay Joyce nang mas gilid na kami't tymayo roon habang nakataas ang dalawang kamay.

Nilingon nya ako. Gaya ng dati. Nakangiti lamang sya. "It's okay.. magandang lumabag minsan ng mga rules.. hehehe.." kahit biro nya pa ito. Di ko magawang ngumiti. Alam ko ang priority nya. Iyon ay ang pag-aaral. Gaya ko rin naman.

"Tsk.. loko.." nasabi ko nalang. Naguilty ako eh. Walang magawa hanggang sa natapos ang isang oras ng klase.

"May natutunan ba kayo?.." sarkastiko pa nyang tanong sa amin. Di pa binabawi ang ginawang parusa para sa amin.

Yumuko lamang kami't hindi na sya sinagot. "Better follow my rules girls, kung ayaw maparusahan.. understand?.."

"Yes ma'am.." mahina ngunit sapat lamang para marinig nya.

Matapos iyon. Tumalikod na sya't nagmartsa paalis ng room. Agad kong binaba ang mga braso. Kanina pa ito nangangalay.

"Anong nangyari?.." kinakausap na ni Bamby at Winly si Joyce nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

Mabilis kong kinagat ang labi. Bakit ba, pagsulpot sulpot sya. Kabute ba sya?. Pinapatalon puso ko.

"Wala.."

"Naku pogi.. naparusahan lang naman.." singit ni Winly. Epal to!

Tinapunan nya ako ng nagtatanong na tingin. "Bakit?." taka nyang tanong. Nagsilabasan na rin ang iba naming kaklase. Pati ng section nila.

"May isa kasi dyan.. di makagalaw.. andyan kasi cru--.." tinakpan ko agad ang malaking bibig ng baklang madaldal. Ang daldal! Sarap kurutin sa may singit.

"Wala.." Sabi ko nalng kahit nanginginig sa kaba itong dila ko. Nakupo! Bat ang gwapo nya kahit nakatayo lang naman sya!?

"Sigurado ka?. Nakita ko kayo kanina sa labas habang nagkaklase pa.."

Hay naku! Paano ba ako tatakas neto?.

"Wala nga.."

"Talaga?.."

"Hmmm.." ngumisi sya kalaunan. What's with the smirk man?.

"Siguro napagalitan ka noh?.."

"What noh!.." angil ko pa. Sige. Ideny mo pa. Nahuli ka na. Nagsisinungaling ka pa. Di mo ba alam na kapag nagtanong na ang isang tao. May alam na sya kung about saan ang tinatanong nya. Hmm.. Matuto ka nga gurl! Ano ba!?.

"Then why?.."

"Sabing wala nga eh.. ang kulit mo.." imbes mainis sya sakin ay mas lalo lamang lumapad ang kanyang ngiti. Noon na naman nawala ang nakakaakit nyang mata.

"Hmm.. okay Welcome.." kindat nya.

Anong welcome?.

"Bro, sa computer lab tayo.." tawag ni Jaden sa kanya. Mabuti nalang talaga. Mukhang wala akong takas sa pangungulit nya eh.

Natulala ako kakahanap ng pwedeng isagot sa welcome nya kanina. "Bye welcome.. see you around.." kaway na nya sa malayo. Akbay ang natatawang si Jaden at Billy. Naku naman!

Anong welcome?. Anong see you around? Ayiie!

Next chapter