webnovel

Chapter 2: First Day

Ihahatid ako ni papa sa school kasi nga mamaya pa ang pasok nina ate. Nagsusuklay pa ako ng magtanong sya.

"Excited ka na bang pumasok?.." sinulyapan ako saglit bago binalik sa kalsada ang paningin.

"Pa naman, di ba obvious?.." halakhak ko. Tumawa sya ng malakas. Hay naku Karen!. Ang aga nyan ha?.

"What makes you excited then?.." muli nyang hirit matapos ang mahabang tawa nya.

"Allowance duh!.." muli na naman syang humagalpak. Pero alam kong porket tumatawa sya ng ganun eh okay na sa kanya ang pananalita ko. No! Mamaya yan. Bet ko baon ko!. Oy!. Naexcite naman sya!. Di noh!. Joke ko lang! Malamang pagsasabihan ako nyan. Bibilang ako ng isa. Uy ha!. Wala pa. Dalawa. Hmm.. wala pa rin. Tatlo?. Ehem. Naglinis na ng lalamunan. Lagot ka na Karen.

"Hija.. ayokong gayahin mo mga ate mo ha.. behave sa school.." mahinahon nyang bilin. Hay!. Buti nalang. Di mahaba habang sermon ang sinabi nya ngayon. Lunes pa naman.

"Of course po. Ako pa. " pagyayabang ko.

Sinulyapan nya ako saglit. "Promise that okay?.."

"Yes pa. Promise.." sinaluduhan ko sya.

Sakit kasi sa pwet ang dalawang panganay ko. Di pala pwet!. Ulo pala!. Sorry! Lol!. Pero seryoso. Noong high school yung dalawang iyon. Halos every month sila ni mama sa school. Alam mo bakit? Dahil lang naman sa dalawa. Mahilig makipag-away sa kapwa babae dahil sa mga lalaki lang naman. Kita mo yun?. Lalaki hah? E kung gayahin sana nila ako na baon at pagkain lang ang alam. Wala kaya akong crush. Alam mo bakit?. Simple lang. Wala akong matipuhan sa mga kaklase ko noong elementary ako. Sa mga kapitbahay naman namin. Hay naku! Wag nalang!. walang gwapo dai! Baliw ka talaga Karen!. Tumahimik ka nga dyan at pakinggan nalang ang mahabang linyahan ng papa mo!. Tsk!

Boring!

"Hija. Narinig mo ba ako?.." tanong nya bigla. Di ko alam kung anong sinabi nya kanina. Naku!

"Po. Opo pa.." nalilito kong sagot.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Talaga?. Anong sinabi ko kung ganun?.." hamon nya bigla.

Naku! Heto na tayo!. Kailan ba ako makakarating ng school ha?. Bat ang bagal nya magmaneho?. Mama naman eh! Tulong! Si papa oh!

"Ah.. hehehehe.." kamot ang ulo ko sa walang masabi.

Nginusuhan nya ako bago ginulo ang buhok ko. "Ikaw talaga. Kung anu ano na naman tumatakbo dyan sa isip mo.. ang sabi ko, sunduin kita pagkatapos. Text mo lang ako.."

Ah iyon pala!. Akala ko na kung ano! Hay buti nalang!

Sumaludo ako muli sa kanya bago bumaba. Mabuti nalang talaga at nasa school na ako. Kung hinde. Naku!. Makakatulog ako sa loob ng kotse sa dami ng kwento nya.

Pinakita ko sa kanya ang cellphone na bigay nya bago ako nagpaalam.

May iilan nang estudyanteng dumadating. Kinabahan tuloy ako. Di alam kung sinong kakausapin. Puro mayayaman pa sila kung kumilos. Papa!. Ayoko na dito!

Naglakad ako papalapit ng gate. Tiningala iyon at binasa ang pangalan ng school na para bang ngayon lang nakatapak doon. "St. Mary School. Welcome me please." bulong ko sa sarili ko. Mahina lamang iyon. Tama para sakin subalit, "Hmm.. welcome." biglang singit iyon ng isang lalaki. Natakot ako noong una. Akala ko na multo pero nang tignan ko sya sa gilid ng aking mata. Matangkad. Maputi. Mabango at darn it!. Mama! Ang gwapo nya! Chinito!

Di ko alam kung bakit bigla nalang umawnag labi ko ng titigan sya. Damn it!. Tao ba sya o manikin?. Bat ang kinis ng balat?. Sana all naman dyan!

Nginitian pa ako. Darrrrnnnn it!

Darna! Lol!.

"Baka pasukan yan ng langaw ha. Tikom na.. hahaha." hinawakan pa ang baba ko saka pinagdikit upang maitikom ko ang bibig ko.

Damn it! Nakakahiya ka gurl!!

Bago pa sya umalis. Tinapik ang ulo ko saka nagtawag ng kasama at sabay na pumasok ng school.

O my gosh!

Bakit ganito tibok ng puso ko?. Dug dug!. Dug dug! May tambol ba ito?. Ang lakas eh. Nabibingi ako.

"Uy gurl!. anong ginagawa mo dyan?. Pasok na!." kung di pa ako kinawayan nitong si Winly mula sa loob ay baka di nga ako pumasok. Nalilito kasi ako eh. Kinakabahan na sa dami ng tao. Idagdag pa ang hiya dun sa nangyari kanina. Hay naku! Basta!. Good vibes!

Next chapter