Dumaan ang ilang araw pagkatapos kong pinayuhan si Gel-an sa kanilang relasyon ni Karlo,
( hehehe nanaman... Ilang beses ko na siyang pinayuhan eh)
At mukang nakapagisip-isip si Gel-an kayat tinapos niya na ang relasyon Nila ni Karlo, kaya ako nanaman ang panandaliang sandalan niya sa nangyari.
Isang hapon Habang kami ay naglalakad at kumakain kami ng paborito naming street food ang
( Hulaan niyo... Akala niyo fishball noh... hahaha pwes mali kayo)
Kwek-kwek.
Nakita namin ni Gel-an si Karlo, ang ex niya na may kasamang ibang babae at naglalandian sa kabilang Kanto.
( Tsk... Tsk... Tsk... Yang Karlo talaga kakahiwalay palang may iba na agad...grabe gusto ko siyang saakin, suntukin, tadyakan, ibato sa malayo at apak-apakan na parang isang walang silbing ta-.... Aheeem balik sa kwento)
Napatingin nalang ako Kay Gel-an nung biglang kinurot niya ang asking braso, at mukang iiyak na Siya.
Dali-dali kong hinila si Gel-an at yinakap at sinabing
"Oiiii...OK lang yan... Wag Kang mag-alala andito Lang si Bess"
Diko namalayang nakatingin Pala si Karlo saakin, nagkasalubong ang mga Mata namin Kaya naman tinitigan ko Siya na parang isang Leon na handa ng kainin ang kaawa-awang koneho.
Sa titigan palang namin ay parang nasa ring na kaming dalawang handa ng magsuntukan, magrambulan, at magtadyakan ng biglang umawat ang referee, bigla nalang hinila si Karlo ng babaeng kasama niya at umalis silang dalawa.
Napatingin ulit ako Kay Gel-an, lumuluha nalang Siya at pilit niya itong tinatago.
"Hala oiii... Ok Lang Yan makakahanap Karin ng bago, isang lalakeng Mas gwapo at Mas maginoo kaysa sakanya... Kaya tahan na"
Sabi ko sakanya, pinunasan ni Gel-an ang kanyang mga luha pero tuloy parin ang pag-agos niyo, Gaya nalamang sa mga palabas Dali-dali kong kinuha ang aking panyo sa aking bulsa at ibinigay Kay Gel-an, at sinabing
(Oo may panyo ako noon... boyscout ako eh at Ang boyscout ay laging handa pag sinapak laging palpa- aheem balik sa kwento)
"Oh ito panyo, punasan mo na ang mga luha mo at wag ka nang umiyak
Nawawala Yung Ganda mo pag umiiyak ka eh"
Napatawa nalamang si Gel-an at sinabing
"Hahaha Thank you"
"Your Welcome"
Pangiti ko itong sinabi sakanya
"Tara... uwi na tayo gumagabi na"
Pangiting sinabi saakin ni Gel-an
"segeh Tara.. Hatid na uli kita"
Sumbat ko sakanya
Naglakad kami ng sampung minuto nakarating narin kami sa bahay Nila Gel-an
"Bye Bye na... Ingat ka sa daan pauwi sainyo"
Sabi niya saakin
"Hahaha opo Bess, magiingat ako goodbye kita nalang tayo bukas"
Sumbat ko sakanya
(sa totoo Lang malapitin ako sa disgrasiya lagi nalang akong napapatid o Kaya natatapilok sa Kung Saan saan... O Kaya di Lang talaga ako nagiingat... Share ko Lang)