webnovel

The Thief of My Sister's Heart

'ƬΉΣ ƬΉIΣF ӨF MY ƧIƧƬΣЯ'Ƨ ΉΣΛЯƬ'

Genre: Sad/Short Story

Published Date: Aug 09 2020

Ziyhanaleign Eilietheia Sakatani POV

"goodluck anak, mag iingat ka huh. Alagaan mo sarili mo huh?" sabi ni mami sakin.

Aalis na kasi sila papuntang province para sa celebration nila duon, birthday kasi ng kapatid ni Mami si Tita Mami. 3 silang magkakapatid nila Mami. Hindi ako makakasama dahil sa study ko hindi pa kasi Vacation kaya hindi ako makakasama. Need ko din tapusin ang iilang projects and school paper works na pinapaasikaso sakin ng advisor ko.

I'm Ziyhanaleign pero ang tawag naman sakin nila mami ay Ziy. Pero pag sa school is Leign. High school student turning senior high, and isa ako na kasali sa top sa room. Top 3 ako at sumasali sa iilang pa-contest duon sa school.

----------------------------------------------------------

"wow cool! Let's have a drink party tomorrow at your house tutal it's already friday and bukas ay saturday na." yaya ni Aluna Vlade, isa sa best friend ko since Elementary.

"oo nga Leign! arat na!" ngiting tagumpay naman tong si Elishia Lauv.

"hoyy!! ano yang narinig ko? inuman?!" sigaw na papunta ni Lance Agasse, siya ang pinaka maingay dito sa room at siya ang pandinig ng room namin. Siya ang panlaban namin sa mga chismosa at chismoso.

"and sleep over?" tanong Yeriel Warner na kasama ni Lance dahil hinatak siya nito. Loko loko talaga ang bilis ng kupal na tong Lance kalbo naman.

"napakachismoso mo talaga kalbo!!" tinarayan ko to.

"baka pag sinama ko si Mason baka tumahimik ka jan Leign!" saad naman ni Lance sakin hmp! Wala talaga kong takas lagi na lang niyang patama yun sakin.

"oh tahimik kaagad HAHAHA" tawa nilang lahat tsk.

"ayan pa ba si Leign pa sus" sabi ni Elishia

"bro! Cefas!! libre na natin sila oh. inuman mamaya sa bahay nila Leign!" pagyaya ni Yeriel kay Cefas. Tsk, bat kasama pa yang panget na yan?! Babaero yan eh taena naman oh! Di kaya ko pumayag tas nagi invite pa ang mga kupal. Pero kung ganon ay libre naman so why not na pumayag na ko just one day lang naman.

"sure" sabi ni Cefas.

"ayoss!! kompleto na!" sigaw ni Lance, para talagang tanga ang isang toh ang ingay ingay dito sa room porke kakatapos lang ng reccess eh.

----------------------------------------------------------

"hoy! wala dapat kayong masisira na gamit okay! tsaka wag masyadong maingay sa loob magagalit ang nga kapit bahay PWEDE BA LANCE!" pagpaparinig ko lalo na kay Lance. Natigilan ito sa ginagawa ng sinabi ko pangalan niya.

"oo na oo na!" sabi nito

"dito lang kayo sa baba matutulog BOYS, bawal magkasama ang girls and boys pakitandaan mga panget!" sabi ni Aluna.

"opo boss!" sabi ng tatlo.

Napatingin ako sa orasan namin, it's already 7pm. Napagpasyahan namin na tapusin na muna ang mga home works habang kumakain ng kaonti para iready ang sarili sa madaming inumin mamaya. Mukhang magiging masaya to! 8:15pm na ng mapagpasyahan namin na mag inuman. Pero bago pa iyon ay may kumatok sa pintuan.

"may ininbitahan pa ba kayo?" tanong ko

"oyy sino yun?" tanong ni Aluna

"may pupunta bang kamag anak mo rito? Leign" sabi ni Kei.

"sino kaya" elishia

"wala ah, hindi ko alam. Ako na nga magbubukas" sabi ko at agad akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig. Binuksan ang pintuan at bumungad saakin ang pabango ni Mason. Si Mason nga! bat siya nandito? ininbitahan ba talaga siya ni Lance?!! the heck!!

"oh ikaw pala Mason! tara na dito kanina ka pa namin hinihintay pre" sabi ni Lance, inakbayan naman niya si Mason at pumunta sa pwesto nila kung san magi- start na ang truth or dare with matching drink!

"oh ayan pala eh ayieeee" Elishia

"okay okay!!" sigaw na sabi ni Kei

"cheers guys!!" sabi ni Yeriel

"ano ba yan pre! ang baho ng hininga mo HAHAHAHA" pagrereklamo ni Cefas kay Lance.

"tangina mo talaga pre! manahimik ka jan baka gusto mo idare kita mamaya ng mahirap jan!" parang gusto ng manakit ni Cefas halatang nainis or na offend to sa sinabi ng kaibigan niya. Buti nga sayo blehh!

"oh tama na yan!" awat ni Mason sakanila. Aba nagpaawat nga.

"okay next!" sigaw ni Aluna

"ohhh!! ikaw Leign! itruth or dare mo na si Mason!!" sabi ni Aluna, bat sakin?!

"truth or dare?" i ask him

"truth" sabi naman nito kaagad.

"w-who's your crush" i ask, nagdadalawang isip talaga ako kung ano itatanong ko sakaniya. Nahihiya ako bat ba kasi ako pa?!

"ang boring naman ng truth mo Leign!" sabi ni Lance

"shut up!" sabi ko rito

"Si Kei" agad na sabi ni Mason. Parang loading pa sa utak ko, ano sabi niya? Si Kei?! shit why my best friend!!

"wooooahh!! okay next!" sabi ni Aluna

"oh sayo tumapat Cefas! truth or dare?" Yeriel.

"dare" sabi ni Cefas.

"kiss the girl that caught your attention the most" sabi ni Yeriel kay Cefas.

"ang tanong nandito kaya" sabi ni Kei

"aysus oo andito yun syempre" sabi ni Lance.

"nako po, wag naman" sabi ni Aluna

"just for fun, 5 seconds lang Cefas dali na!! bro!" sabi ni Yeriel

"oo ng---" di naituloy ni Mason ang sasabihin ng biglang lumapit si Cefas saakin at nakaupo na ito sa harapan ko bigla niyang hinawi ang buhok ko at hinalikan, nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala. 1 month and 2 weeks na kaming nagkahiwalay pero papanong ako pa din?

"1, 2, 3, 4..." bilang nila parang ayokong matapos ang nakadamping labi sa labi ko.

"5!!!" sigaw ni Aluna

"oh tama na yan bro! baka mapudpod abi ng ex mo na si Leign" sabi ni Yeriel.

"taena mo kalbo" sabi ko rito ng humiwalay na ang labi namin sa isat isa. Hindi ako makatingin sakaniya, pinausog niya si Yeriel para magkatabi kaming dalawa. Shit! ang awkward!

---------------------------------------------------------

Sunday na ngayon nag iisa sa bahay matapos mangyare ang hindi ko inaasahan na gagawin ni Cefas sakin yun. Habang naglilinis ng bahay ay biglang may kumatok sa pintuan sa labas. Nasa baba kasi ako dito ako naglilinis. Pinagbuksan ko ng pinto ang kumatok tumambad sakin si Cefas.

"musta?" bungad na tanong ni Cefas sakin.

"ayos naman bat ka nandito?" tanong ko. Pumasok na ito sa loob ng bahay ay sinara ang pintuan.

"kinakamusta ka lang naman, alam ko namang bored na bored ka na rito eh gusto lang ki----" di ko na pinatapos ang sasanihin niya.

"sabing ayos lang ako, Cefas" sabi ko. Naramdaman ko ang maiinit nitong yakap saakin.

"tama na! bitiwan mo na ko Cefas. Kung makikipag balikan ka na naman, pwede bang tama na?! Ilang beses na kong nakipag break sayo pero walang nangyare sa kada break natin kaya tama na!" pumipiglas ako sa pagkakayakap niya sakin lalo lang humihigpit ito.

"kung ayaw mo na sakin, pwes magsasama tayo hanggang kailanman, Ziy!" halatang gusto ng umiyak nito kahit di ko maaninag ang mukha niya dahil nakayakap ito sakin.

"hindi na nga pwede! ilang beses mo kong niloko! Tsaka ano yang nababalitaan ko na isa ka na ding magnanakaw?! tulad ng kapatid mo!" dahil siguro sa sinabi ko kaya siya bumitaw sa pagkakayakap sakin at nakatingin na ito sakin ng masama.

"magsasama tayo! ayun ang pangako natin sa isat isa diba? magsasama tayo hanggang sa tumanda o mamatay tayo diba?! ayan pinangako natin sa isat isa, Ziy! natatandaan mo ba huh?!" sigaw nito sakin.

"wag kang maingay pwede ba! oo nangako tayo sa isat isa pero di porket nangako din ako sayo ay tutuparin kl! hindi ganon kadali Cef!!" sabi ko, nakita kong tumulo ang luha nito.

"magsisisi ka din! Magsisisi ka Zih! kung bakit di mo ko binalikan at tinupad ang mga pangako mo sakin?! magsisisi ka tandaan mo yan!" sigaw nito sakin at tumalikod na siya, binuksan ang pinto at tumakbo palabas ng bahay.

Dahil duon ay biglang bumuhos na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan na hindi lumabas para makita ni Cef pero linakailangan kong magpakatatag. Ayokong matulad lang ako sa isa niyang ex na napatay niya dahil sa sobrang pagmamahal. Hindi alam ng eskwelahan yun tungkol dun dahil ang principle lang ang nakakaalam. Tinago nila yun para di siya layuan ng mga tao. Ang mga magulang niya pinagtakpan siya sa kasalanang yun at oo minahal ko ng totoo si Cef. Pero tama na yun dahil nung umamin siya at ang kuya niya sakin ay dun ako kinabahan. Natatakot ako dahil di alam ng pamilya ko tungkol duon.

Kinagabihan ay matutulog na sana ako ng makarinig ng kalabog rito sa pintuan ng kwarto ko. Sino naman yun? iniwan kong naka lock ang pintuan sa baba.

"Cef?!" tarantang sabi ko na may hawak na kutsilyo.

11pm na pero bat siya nandito. Bakit may hawak siya ng patalim. anong gagawin niya sakin? natatakot ako.

"minahal mo ba talaga ako Ziy?" tanong nito, natatakot ako sa tono ng pananalita niya. Tumataas ang balahibo ko anlalim ng mgamata niya. Naglalakad siya papalapit sakin at ako naman ay papaatras ng papaatras hanggang sa mapaupo sa kama ko.

"anong gagawin mo?" di ko linahalata na natatakot ako pero parang halata na eh.

"minahal kita ng lubos, im your thief or your heart dahil mahal mo ko at mahal din kita, ninakaw mo ang puso ko at nanakawin ko din ang iyooo!!" sigaw nito at naramdaman ko ang matusok na bagay na nakabaon sa dibdib ko sa may banda puso ko.

Napatingin ako ang daming umaagos na dugo rito. Hindi ko mabuka ang bibig ko para bang nawalan ako ng boses. Ang nagawa ko lang ay umiyak ng umiyak na walang ingay na maririnig. Wala kong magawa.

"shit shit shit!! im so-rry baby! im sorry! h-indi ko gin-awa diba?! diba?!" sigaw nito na para bang nababaliw na. Nakita kong hinugot niya ang patalim na nakabaon sa dibdib ko at sinasak niya uli ako. Unti unting nagblu- blurd ang paningin ko. Wala na kong marinig pa na boses na nangagaling kay Cefas.

-----------------------------------------------------------

Leigh Sakatani POV (Sister of Ziyhanaleign)

"tawagan mo nga kapatid mo, walang sumasagot kanina pa tsaka malapit na tayo sa bahay oh" utos na sabi ni Mama. Napauwi kami kaagad dahil sa isang kutob niya hay jusq matayanda nga naman oh. Isang kutob at nabasag na picture frame ni Ate Ziy kinutuban na kaagad na may masamamg nangyare kay Ate.

Pagkarating namin sa bahay bukas ang pintuan hindi nakalock, bat bukas? nakakapagtaka naman ata kelan siya nag iiwan ng pintuan na bukas?

"ate ziy?" tawag ko sakaniya.

"Ziy? anak?" tawag ni mama.

"ziy? bat bukas ang pintuan?" si papa.

"tignan mo nga sa kwarto niya, Leigh" sabi ni mama sakin anu ba yan. Ibinaba ko ang mga gamit ko sa sofa rito sa baba at umakyat ng hagdan. Nakita kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Ate Ziy. Pati ba naman kwarto nakabukas. Kelan pa siya naging burara? Pagkapasok ko ay bumungad sakin ang dalawang bangkay ng tao. Punong puno ng dugo ang katawan ng isang lalaki.

"ahhhhhhhh!!!" tili ko, agad namang napapunta sila mama at papa sa kung saan ako.

"Ziyyy!!! Cef!!! anong nangyare!!" iyak ng iyak si mama. Napaiyak din ako sa nakita ko. Nakita kong hawak ng bangkay ni Kuya Cefas ang isang puso talaga, nakita ko ding parang mayroong butas sa dibdib ni Ate Ziy sa bandang puso. Bakit? anong ibig sabihin nito? sino ang gumawa?! bakit sila ate pa. Bakit!!

Sinabi ng doctor at pulis na walang nakitang ebidensya na iba ang pumatay sa dalawa. Sa finger print ay finger print lang ni kuya Cef ang naruon. Pinatay niya si ate ziy, at ang sarili niya. At sinabi din na malapit ng mabutas ang dibdib ni kuya Cef.

The Thief of my sister's heart.

END

Next chapter