webnovel

PART 30 PROPOSAL

ASH POV

Nagising ako sa ingay ng musika. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Agad kong nahagip si Spencer na tumutugtog ng Violin.

Ngumiti ito sa akin at muling pumikit. Nag patuloy sa kaniyang pag tugtog. Madamdamin at napaka sarap sa pandinig niyon. Bumangon ako at ibinalot ang sarili sa comforter.

Marahan akong humakbang palapit sa kaniyang kinauupuan. Mula sa kaniyang likuran ay niyapos ko siya saka pinahinga ang aking ulo sa kaniyang leeg.

"Song lyrics of A thousand years..."

" I have died everyday, waiting for you

Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

And all along I believed, I would find you  ..."

Ibinaba niya ang Violin. Hinagip ang aking bewang at ipinaupo sa kaniyang hita.

Suminghap ako ng sapat na hangin.

Ipinagdikit ang aming noo habang mahigpit na yakap ang isa't-isa.

"Natasha, mag-ayos ka. May pupuntahan tayong dalawa."  Seryoso niyang sambit habang naka pikit.

Inilayo ko ang aking ulo sa kaniya at inilig ang ulo bago ako sumagot.

"Saan naman?" Kunot noo kong tanong.

Kumurap siya at yumuko. Binasa ng laway ang labi. Kita ko sa kaniyang mga mata ang kaba at takot. Tila ba nag aalinangan siya na sabihin ang nais niya.

"Gusto kitang ipasyal--"  utal niyang sambit.

"Saan naman?" 

"Somewhere --romantic?"  Sagot niya habang naka tingin sa kisame.

Napanguso naman ako dahil parang hindi niya alam kung talaga ba na may idea siya kung saan lupalop naman ba niya ako dadalhin.

"Amm..." Naninigkit ako at naka nguso. Hawak ang aking baba habang pinag iisipan ang sagot.

"Say please."  Mahina at malungkot niyang sambit.

Napangiti naman ako dahil hindi ko puwedeng tanggihan ang maamo niyang mata na para bang isang paslit na humihiling ng tsokolate.

"Sure."  Sagot ko.

Ngumiti siya ng napakalapad. Tila ba naka gawa ako ng matagumpay na desisyon. Dahil sumilay sa kaniyang labi ang pag-asa. Ang saya na tila ba bahag-hari na kumulay sa kaniyang ngiti.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko matapos isara ang pinto ng kaniyang sasakyan.

"Basta." Tipid niyang sagot.

Naka suot siya ng maong na V-neck kentucky plane shirt at sneaker. Ako naman ay naka suot ng backless dress na pinarisan ng doll shoes na kulay rosas.

"Okay ka lang?" Tanong ko nang mapansin ang mugto niyang pawis.

"Yup." Tipid niyang sagot.

Kinuha ko sa aking purse ang panyo saka idinampi iyon sa kaniyang noo, leeg, at batok.

Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay ng di siya nag aalis ng tingin sa daan. Inagaw ang panyo at Hinagkan ng halik saka inilakip ang aming palad sa isa't-isa.

"Ito na yata ang masaya kong birthday." Naka ngiti kong sabi.

"Talaga? Kahit pa hindi mo kasama ang parents--"

"Di naman. Basta masaya ako sa mga nangyari..."

"Yung dibdib mo kumusta?" Tanong niya saka sumulyap sa akin.

"Ah?"

"Medyo mahapdi ba? Nagalusan ka. Sorry."  Mahina niyang sambit.

Di na ako umimik. Di naman ganon kahapdi. Pinisil niya ang aking kamay saka idinikit sa kaniyang pisngi. Naka ngiti naman ako habang pinag-mamasdan ko siya.

"Teka, papunta ba tayo sa Mansion mo?"  Tanong ko.

"Uhh--  hindi sa mismong mansion. Ililibot kita sa buong mansion. Sa Taniman namin at sa Farm."  Pag papatuloy niya.

"Gusto ko yan."  Sagot ko.

Ipinag bukas kami ng guard ng gate. Bumaba si Spencer at ipinag bukas ako ng pinto ng sasakyan.

"Anong meron sa taniman niyo?"  Tanong ko habang naka tanaw sa dulo ng mansion.

"Since agribusiness nga ang pinag kakakitaan namin, ipapakita ko sa iyo kung ano-ano ang meron dito."

"Thank you."  Sambit niya matapos iabot ang susi ng sasakyan sa katiwala.

"Mag-lalakad tayo?" Tanong ko.

"Hindi. Sasamahan tayo ni Sexy at Beauty." Naka ngisi niyang sabi.

"At sino naman sila? Kilala ko ba?"  Bagot kong tanong. Nag lihis ako ng tingin habang hinihintay ang sagot.

"Magugustuhan mo sila. I'm sure."  Saad niya.

Sumimangot ako dahil sa di ginusto ng tainga ko ang pag-tawag niya ng Sexy at Pretty sa kung sino man.

"Sexy? Amm... Beauty?"  Taas kilay kong tanong.

Pumikit siya habang kagat ang labi. Parang ayaw niya na halos dumilat dahil ini-imagine niya pa kung gaano kaganda at ka sexy ang nasa isip niya.

Sa totoo lang ay nais na ako. Nawalan na ako ng gana kaya naman tinalikuran ko siya.

"Sir narito na po." Saad ng kaniyang tauhan.

Napasalat ako sa aking noo. Mariing kagat ang labi at pilit na ikinakalma ang pagka-inis.

"Let's go?"  Tanong ni Spencer na naka tayo sa aking likuran.

"Ano kasi--medyo nahihilo ako."  Pag-sisinungaling ko.

"Ganon ba?"  Nag aaalala niyang himig saka ako pinihit paharap.

"Ano 'yan?" Gulat kong tanong.

"Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng kabayo?"  Natatawa niyang tanong.

"A--alam kong kabayo 'yan--"

"Iyan si Beauty at Sexy. Sila sana ang sasakyan natin."

"Sana?" Pag-tataka ko.

"Yup. Pero masama ang pakira--"

"No! Okay lang ako."  Masaya kong sagot. Excited ako dahil first time ako makakasakay sa kabayo.

"You sure?"  Taas kilay niyang tanong.

"Naman!"  Sagot ko saka siya hinila.

Buong akala ko ay babae ang tinutukoy niya. Taong babae.

Sumakay kami ni Spencer sa puting kabayo. Na ang pangalan ay Beauty. Sa kulay pulang kabayo naman sumakay ang dalawa pang tauhan ni Spencer.

Malawak ang lupain. Maraming tanim at sobrang dami nilang manggagawa. Ubas ang pinaka malaking sakop ng kanilang tanim. Maliban pa sa mga gulay na di hamak na mas mababa nilang binabagsak sa merkado. Mayroon silang alagang baka at kambing. Nasa pinaka dulo naman naroon ang kanilang Poultry. Nasa limang libo ang manok na alaga nila. Malinis at nasa tamang pangangalaga ang mga iyon. At ang hindi mawawala sa lahat, ang Suka na pinakapatok sa panlasa ng masa. Ang suka na mommy niya mismo ang nag imbento.

Nang matapos kami sa pag libot, Naupo kami sa patag na damo. Sa ilalim ng puno ng tanim nilang palm tree.

"Nakikita mo ba 'yon?"  Tanong niya habang naka tingala.

"Oo. Actually hilig ko rin 'yan nung bata ako." 

"Talaga. Tara! Paliparin natin. Masyadong mababa."  Usal niya.

Tumayo siya at pinagpag ang puwet. Saka ko lamang napag tanto ang sinulid na nakapaikot ng ilang beses sa puno. Mukhang dati ng pinalipad ang saranggola na iyon. Kasing taas lamang ng poste iyon.

Naupo si Spencer sa aking tabi. Hinawakan niya ang sinulid habang ako naman ang taga kontrol.

"Noong bata pa ako, pangarap ko mag kapakpak. Gusto ko maranasan lumipad. Yung makita ang mundo nang mataas ka?"  Sambit niya habang naka titig sa akin.

Ngumiti naman ako. Ipinahawak niya sa akin ang sinulid. Ipinagtagpo niya ang kaniyang mga kamay sa aking tiyan.

"Gaano mo ba ako kamahal?"  Tanong ko.

"What do you mean gaano?" Tanong niya.

"Hanggang saan ba tayo? Ano ba ako sa buhay mo?" Tanong ko habang naka tingala sa saranggola.

"My love for you is limitless. Walang dulo at walang katumbas."  Sagot niya sabay usog ng upo sa aking tabi.

"Kung hindi ba ako dumating sa buhay mo, tingin mo ba Mamahalin mo si Beatrixie?"

"Hindi. Dahil naniniwala ako na kung para sa akin ka sa akin ka talaga." Sagot niya habang naka tingala sa saranggola.

"Eh paano kung hindi--"

"Gagawa ako ng paraan para maging akin ka. Kahit para talaga tayo sa iba."  Seryoso na Sagot niya.

Nilingon ko siya at saka ngumiti. Ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang mga mata. Gusto ko na tumambling dahil sa kilig. Hindi ko man makuha ang atensiyon ni Papá, pakiramdam ko si Spencer na ang nag pupuno ng pag kukulang niya sa akin.

Hindi man ako sinuwerte sa ama, pakiramdam ko naman ay napaka blessed ko dahil merong Isang Spencer Vahrmaux sa buhay ko.

"Sana --tayo na talaga. Kasi, kung hindi lang ikaw--"

"Kundi lang ako...?"  Naka ngisi niyang saad.

"Parang tinanggalan mo na rin ako ng karapatan na Mag-mahal."  Naka yuko kong sabi.

"Mabuti naman."  Bulong niya sa aking tainga saka humagikgik.

Alam ko na kinilig siya dahil don. Dahil nahuli ko pa ang pag lapad ng kaniyang ngiti at agad din binawi ng sulyapan ko siya.

"Iyong saranggola?"  Saad niya.

Bumalik ang tingin ko roon.

"Bakit?" Taas kilay kong sambit.

"Parang puso ko lang din iyan. Ikaw lang ang humahawak." Lumuhod siya sa aking likod. Maingat na inaalalayan ang aking kamay at binababa ang saranggola.

"Hindi basta-basta ang pisi nito Ash. Meron itong bubog."  Saad niya habang naka titig sa aking labi.

Dahan-dahan kong sinuri ang sinuld. Tama siya. May bubog nga ang pisi gaya ng karamihan na lumalaban sa pag bihag ng saranggola ng kalaban o di kaya upang protektahan ang saranggola.

"Ano 'yon?" Turo ko sa bagay na kumikinang sa saranggola.

"Iyang saranggola--iyan ang regalo ko sa 'yo." 

"Seryoso?" Natatawa kong sagot.

Tumayo ako at mabilis na nirolyo ang tali. Bagamat bumagsak na ang saranggola sa lupa, di ko pa rin mapag tanto kung ano iyon dahil naka taob na ang saranggola.

Nang iangat ko iyon, halos mabilaukan ako sa sarili kong laway. Na estatwa ako at halos lamunin ng langit sa labis na pagka bigla.

"Will you marry me? Turtle?"  Basa ko sa saranggola na kulay dilaw. Naka tali sa tingting ang sing sing na may maliit na bato ng brilliante.

Nanginig ako na halos takasan ng ulirat.

"Spe--"  di pa man ako tapos na banggitin ang pangalan niya nang bigla ko siyang harapin.

Wala na siya sa aming kinauupuan kanina. Bumaba ang aking tingin sa lalaking naka luhod ang dalawang paa. Naka yuko at naliligo sa pawis. Kalahating metro ang distansiya mula sa akin.

Kinuha niya ang saranggola. Kinalas ang singsing saka iyon inangat mataas sa kaniyang ulo.

Wala pa man siyang nasasabi pero tumutulo na ang kaniyang luha. Nanginginig at nangingiwi ang labi. Matagal muna siyang tumitig sa akin bago nakayanan mag salita.

"Salbaheng Natasha, gusto mo ba pakasalan ang first--kiss mo?"  Biro niya sa kalagitnaan ng pag luha.

"Kasya ba sa akin 'yan?" Masaya kong tanong at gaya niya ay nangingiwi at lumuluha rin ako.

"Sana..--"  sambit niya at humagikgik.

"First kiss, first sex, kahit hindi ikaw ang unang lalaki sa buhay ko... ikaw lang ang lalaking gusto ko makasama hanggang sa huli Spencer."  Umiiyak kong sabi.

Garalgal ang boses ko at di ko alam kung naunawaan niya ba iyon.

"Dami mo naman sinabi. Yes or Yes lang naman isasagot mo."  Biro niya dahilan para matawa ako.

"Yes Na! Yes na Yes! Yes Pa! Yes Yes!" Hiyaw ko.

Isinuot niya sa akin ang singsing habang nananatiling naka luhod. Saka lamang siya tumayo matapos iyon isuot sa akin. Pumasan ako sa kaniya at mahigpit siyang inipit sa aking hita at binti. Hinalikan namin ang isa't-isa habang siya naman ay pinisil pa ang pisngi ng aking puwet.

"Thank you."  Sambit niya matapos akong halikan. Inangat niya pa sa ere ang suot rin niyang singsing.

Ilang saglit pa ay kumawala ang palakpakan mula sa kaniyang manggagawa. Laking gulat ko nang makita ko ang lumuluha niyang Ina. Si Madam Mervie. Nasa kaniyang tabi si Ginoong Generoso na walang emosyon bagamat pumapalakpak ito.

Ngunit ang pinaka nag pasaya sa akin ay nung mayroong humawi sa gitna ng mga tao. Dumating ang isang tao na hindi ko inaasahan. Bumungad sa akin ang masayang mukha ni Mamá. Saya na ngayon ko na lang ulit nasaksihan sa tagal ng panahon.

Ibinaba ako ni Spencer. Habang palapit ang Mamá, inililibot ko ang aking paningin. Nag babaka sakali na baka mahagip ko si Papá. Ngunit ni anino niya ay di ko natanaw.

"Alam ko kung gaano mo pinapahalagahan ang Mamá mo. Kaya hindi puwedeng ma-missed niya ang isa sa masayang pangyayari sa buhay mo."  Saad ni Spencer.

Mahal ko ang Mamá at ang Papá. Parehas silang mahalaga sa akin. Iyon nga lang, limitado ang Pagmamahal ng Papá. Dahil kahit saan pa anggulo tignan, Walang papantay sa pag-mamahal niya para kay Beatrixie.

Natapos ang mag hapon sa simpleng salu-salo. Mabilis kong naka sundo ang manggagawa nila. Si Mamá at Madam Mervie naman ay seryosong nag-uusap. Si Ginoong Generoso naman ay nakikita ko na ang tipid niyang pag ngiti habang nakikipag kuwentuhan sa aming mga kasama.

Bago tuluyan lumubog ang araw, isang halik ng pasasalamat na punong-puno ng pag-mamahal ang aking isinukli para sa lalaking itinakda na maging katipan.

Next chapter