PRIDE
"Halos manlumo ako sa aking narinig. Kung nakita niya ako bakit wala siyang ginawa para habulin ako? Dahil ba mas matimbang si Bea? Bakit niya ako pinabayaan? Muntik na akong mapahamak!"
"Let me explain Spen--"
"Explain to me what?" Sigaw niya na halos mag pantig ang aking tainga.
"Amoy alak ka! San ka natulog?" Tanong niya sabay hila sa aking palapulsuhan at hinagip ako sa kama.
Mahigpit kong piniga ang bed sheet upang ikalma ang nangangatog kong katawan. Pinilit kong mag salita nang tuwid pero nabubulol pa rin ako.
"Gg-galing ak-ko ss-bar..."
"Sa bar?" Di niya makapaniwalang tanong habang naka tukod ang kaniyang kamao sa pagitan ng aking mga hitang naka sara."
"Ye-s"
Dinig ko pa ang tunugan ng kaniyang buto sa kamay ng itikom niya ang kaniyang kamao.
"Nalasing ako kaya hindi ko na alam yung sunod na nangyari... pag gising ko--"
"Pag gising mo ano? Nasaan yung mga damit mo? Saan ka dinala ng lalaki mo? Sa hotel?" Mahina niyang sabi habang pinapantayan ang aking tingin.
"Spencer kung ano man yung iniisip mo..."
"Ano nga ba'ng iniisip ko?" Sarkastiko niyang tanong ng mag lihis ako ng tingin.
"Spencer..."
"Sinira mo yung tiwala ko Natasha..."
Nanlaki ang aking mga mata nang balingan siya ng tingin. Yun din ang gusto kong sabihin sa kaniya. Pero una sa lahat wala akong karapatan.
"Natulog ako sa bahay ng pinsan ni Ann..."
"At sino si Ann? Kailan ka pa nag karoon ng kaibigan dito?" Tanong niya saka tumayo habang matalim na naka titig sa akin.
"Classmate ko si Ann. Kung gusto mo ipapakilala kita sa kaniya! Trabahador ni Papá ang mga magulang niya--"
"E yung basahang suot mo? Sa pinsan niya ba?" Kunot noo niyang tanong.
Tumango lang ako habang minamasdan ang mga kamao niya.
"Tell me, did he touched you?"
Tanong niya habang naka tagilid ang ulo.
"No."
"Believed me, he's a gay!" Natatawa niyang sabi habang iniilig ang ulo.
"He's not!" Sambit ko dahilan para sumeryoso siya ng tingin.
"Oh..." sambit niya.
"He's different. May respeto siya at sa katunayan, maraming beses niya na rin akong pinag tanggol."
Usal ko.
"At hindi dahil bahay niya 'yon at lalaki siya ay puwede niya na akong pag samantalahan gaya ng iba diyan! Man is a man. Tyrone is different..."
"Natasha..."
"Imagine, nasa impluwensiya ako ng alak pero hindi dahilan 'yon para i take advantage niya ko... Pero siguro kung matino lang ang isip ko baka ako pa nga ang gumawa ng first move."
Kalmado kong usal habang inaalis ang polo ni Tyrone.
"Ano ulit --yon--?"
"Papasok ka pa. Ipag hahanda--"
"Could you think na maniniwala ako sa 'yo? Sinasabi mo ba 'yan dahil akala mo mag seselos ako?" Natatawa niyang sabi sabay agaw sa polong pinaghubaran ko.
Huminga ako ng malalim saka nahiga. Gusto ko siyang inisin dahil sa unti-unti ko na naman nararamdaman yung sakit dahil sa nalaman at nakita ko. Siguro ay nawala na ang talab ng alak kaya ganito ako.
"Natasha... just so you know, hindi kita papayagan na maki pag sex sa iba para protektahan yung sarili ko sa STD, HIV, at AIDS! So don't assumed!"
Mariin niyang sabi saka pabagsak na sinara ang pinto.
Protektahan ang sarili niya? Tapos ako? E, siya 'tong tumitikim ng iba't-ibang babae! Nasisiraan na ba siya?
"Sobra na siya!" Sigaw ko habang naka takip ang mukha sa unan.
"Baka nga ako pa ang maka kuha sa kaniya ng sakit eh!"
"Where do you think you were going?" Tanong niya habang nag i-slice ng pork.
Napatigil ako nang ibagsak niya ang kutsilyo ng pagkalakas lakas dahil dinedma ko ang tanong niya.
"Makiki banyo sana 'ko sa kabilang bahay." Mahinahon kong sagot.
"Go upstairs. May banyo sa kuwarto ko." Kalmado niyang sabi nang di nag aalis ng tingin sa chopping board.
"Ayokong gamitin ang bathroom niya. Nakaka suka! Naaalala ko yung kababuyan nila ni Beatrixie. Bahala na!"
Umakyat na lang ako at nag pasyang itulog na lang yung pag ihi ko. Masyado akong kinulang sa tulog at sumasakit na ang ulo ko. Wala akong balak na maki pag plastikan ngayon sa kaniya kaniya. Matapos kong mahulog sa kaniya at maniwala sa mga sinabi niya... ito lang pala ang mapapala ko!
Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa kaniya pero hindi ito ang tamang panahon. Kahit pa wala akong karapatan, pero kahit paano deserved ko pa rin ang i respeto.
"Uhh.." ungol ko nang makaramdam ng gutom.
Tatamad tamad akong bumangon dahil parang binugbog ako sa sobrang sakit ng katawan ko.
Nang i-check ko ang phone ko ala una y media na ng hapon. Siguradong umalis na si Spencer at malamang naka luto na siya.
"Tsk..." usal ko nang bumungad si Spencer na kumakain mag-isa.
Hindi man lang niya naisip na ayain at isabay akong kumain. Matapos kong sabihin na mahal ko na siya at ibigay lahat lahat hindi niya man lang iparamdam sa akin na may halaga ako kahit pa hindi totoo.
Diretsyo akong kumuha ng pinggan at naupo sa kaniyang tapat. Nakaka inis dahil ako pa ngayon ang nag mumukhang hangin matapos niyang mag dala ng babae sa kuwarto namin? Fine kuwarto NIYA!
Habang kumakain ako iniisip ko, kung sapat na ba ang unang buwan kong suweldo na una ng binigay ni Spencer. Napag isip isip ko lang kasi na kung hindi ako hinanap ni Spencer Pascual, Ako na lang ang gagawa ng paraan para hanapin siya.
"Aahm!" Ismid ni Spencer habang mariin na ini-slice ang pork.
"Hindi ko pinansin iyon sa halip ay agad kong niligpit ang aking pinagkainan."
"Auurgh!" Malakas kong dighay.
"Tang--" dinig kong sambit niya.
Matapos kong hugasan ang aking pinggan ay nanatili akong naka tayo sa lababo dahil hinihintay ko siyang matapos.
Abala naman ako sa pag scroll sa phone habang hinihintay siya. Nang mapadaan sa newsfeed ko ang throwback picture namin ni Austine ay sinave ko iyon at ginawang wallpaper.
Buhay na buhay siya at para ba'ng panaginip lang ang pag kawala niya. Sapat na sana ang ten million para dalhin ko siya sa france kasama si Mamá.
"Putan--" sambit ko dahil sa gulat ng ibagsak ni Spencer ang pinggan niya sa lababo.
Napairap ako dahil muntik ko pang malaglag ang phone ko.
Pinatapos ko ang pag hugas niya ng kamay saka ko kinuha ang sponge.
"Tangina..." himig ni Spencer mula sa aking likod na nag pupunas ng kamay.
Dahil mahina ang pagkaka sambit niya ay tinuloy ko lang ang aking ginagawa.
"Leave it there and follow me." Mahinahon niyang sabi ng di tumitingin sa akin.
Matapos kong mag banlaw saka ko sumunod sa kaniya. Naka sandal siya sa pinto habang hinihintay ako.
Ayoko siyang tignan. Naiinis ako dahil sa ginawa niya. Gustong gusto kong malaman kung alam ba niya na kapatid ako ni Beatrixie? Nakakadiri ako! Nakaka inis!
"Go to the bathroom." Utos niya.
Nilagpasan ko siya at nauna na ako sa bathroom. Agad kong nilinis ang bathtub at pinatakan ng bath scents.
"Hey turtle!" Pag tawag niya sabay sundot ng paa sa aking puwet habang naka yuko akong inaamoy ang paligo niya."
"Bath me." Utos niya.
Sinulyapan ko ang bathtub at tinignan iyon ng kasuklam-suklam. Ni hindi ko nga maatim na tagalan ang pag stay dito.
"Gagawin mo ba o hindi?" Mahinahon niyang tanong.
Gusto ko sanang sabihin na ayoko. Pero wala akong karapatan.
Tumango pa rin ako kahit labag sa kalooban ko. Hinubaran ko siya hanggang sa brief na lang ang natira.
Naupo ako sa gilid ng bathtub. Kapag naaalala ko yung unang gabi na isinuko ko yung sarili ko kay Spencer, naiinis ako sa sarili ko. Halos panggigilan ko ang muscle niya habang nilalagyan ng milk lotion.
Lalo na kapag naaalala ko yung ginawa ni Papá tapos sumabay pa si Spencer, pakiramdam ko gusto ko nang sundan si Austine kung nasaan man siya ngayon.
"Done." Sambit ko saka tumayo.
"Turtle!" Tawag ni Spencer sabay hatak sa akin sa bathtub.
"Bitiwan mo nga ko!" Protesta ko.
Lalo lang tuloy nabubuhay ang galit sa puso ko dahil nasa bathtub ako kung saan sila gumawa ng kahayukan ni Beatrixie.
"Natasha. Please!" Usal niya habang pilit akong hinahagip sa kaniya.
"Ano ba ka-si- problema mo?"
"Kiss me!" Utos niya habang mahigpit na naka yakap sa akin.
"Napairap ako sa kaniya habang madiin na naka hawak sa kaniyang braso."
"Kiss you? Bakit, di ka ba kuntento kay Beatrixie? Sa kapatid ko?" Tanong ko na halos ikagulat niya.
"Nat--"
"Kiss you? Dito ba? Sa bathtub?"
Garalgal kong tanong kasabay ng di mapagilan na pag agos ng luha.
"I can kiss you whenever and wherever you want Spencer!"
Usal ko sa napaka liit na boses habang pinipilit na ituwid ang salita.
I can be your sex slave! Kahit dito lang sa bahay mo! I know, Wala akong karapatan pero nakalimutan mo na yata na tao rin ako. Sana irespeto mo 'ko! Kahit pa hindi ako karespe-respeto! "Usal ko habang sinusuntok siya sa dibdib."
Naka yuko lamang siya habang hinahayaan akong saktan siya.
"Sabi mo, higit pa ako alipin di ba? At ang tanga ko kasi I expect too much! Dahil ang totoo, masahol pa ako sa baboy!"
Sigaw ko saka tumuntong ng maayos sa bathtub at diretsyong tumayo.
"Ito yung gusto mo 'di ba? Yung sambahin ka?" Mahina kong sambit habang inaalis ang aking damit.
Pumaibabaw ako sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang ulo.
"Natasha!" Sigaw niya habang hawak ng mahigpit ang aking kamay.
"Bakit? Ayaw mo maki pag laro ng apoy?--"
"Mag bihis ka." Mahinahon niyang utos saka umahon.
"Tumatanggi ka na ngayon sa grasya?" Natatawa kong sambit habang nag pupunas ng luha.
"Aalis ka na agad? Hindi ko pa nga tapos i-nobena ang pag ungol ko sa pangalan---"
"Tumigil ka na! Baka nakakalimutan mo... may kasalanan ka rin dahil natulog ka sa--"
"Ang kasalanan ko lang dito ay nasilaw ako sa pera mo! Inaamin ko, mataas ang pangarap ko para sa pamilya ko kaya pumayag ako sa gusto mo..."
"'Yan ba ang epekto ng alak sa 'yo?" Kalmado niyang tanong habang naka tukod ang mga kamay sa salamin.
"Nag sasabi ako ng totoo! Dahil akala ko, totoo ka sa akin! Akala ko kasi--- mahal mo 'ko! At ngayon gusto kong tumawa kasi JOKE lang pala 'yon!"
Galit kong sabi saka lumabas ng bathroom.
Spencer POV
"Alas dose pa lang tapos na akong mag luto. Hinihintay ko na lang na bumaba si Natasha pero mukhang gusto niya pa yatang katukin ko siya. Kanina ko pa tinitiis ang gutom ko kakahintay sa Turtle na 'yon."
"Konti na lang mauubos na talaga ang pasensiya ko!"
Nang makarinig ako ng kaluskos sa kuwarto, tiyak kong bababa na siya. Agad kong dinampot ang kubyertos at hinanda ang sarili sa pag bukas ng pinto.
"Tsk!" Dinig kong sabi niya nang makababa ng hagdan.
Di ko siya pinansin dahil nagugutom na talaga ako. Kakahintay sa kaniya. Hanggang ngayon naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko na sobra siyang nasaktan sa mga nakita niya. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na hinabol ko siya kaya nasagasaan ako ng motorsiklo. Mainam lang dahil wala akong bali at sigurado ako na mas napuruhan pa yata yung motorsiklo na bumangga sa mala-building kong katawan.
Kundi lang ako naabutan ni Beatrixie malamang papaandarin ko yung sasakyan ko kahit naka brief lang ako.
Di ko alam kung naniwala ba sa akin si Beatrixie na si Mommy yung hinahabol ko. Pero ipinagdasal ko pa rin na sana maayos ang lagay ni Natasha.
Binalibag ko yung pinggan sa lababo dahil naiinis akong tignan siya na naka ngiti habang hawak ang phone niya. Siguro si Tyrone yon at kinuha ang number niya.
Napaka lungkot ng mukha niya. Kahit di siya mag salita ramdam ko ang bigat na dinadala niya. Kaya naisip kong kulitin siya.
"Kiss me!"
Dahil sa simpleng sabi ko na 'yon, narinig ko ang masasakit na salitang pinakawalan ni Natasha.
"Kiss you? Bakit, di ka ba kuntento kay Beatrixie? Sa kapatid ko?" Sabi niya na kinagulat ko.
Hindi ko akalain na nakilala niya si Beatrixie.
"I can be your sex slave! Kahit dito lang sa bahay mo! I know, Wala akong karapatan pero nakalimutan mo na yata na tao rin ako. Sana irespeto mo 'ko! Kahit pa hindi ako karespe-respeto!" Muli ko na naman siyang pinaiyak.
"Ang totoo ay wala naman talagang naganap sa amin ni Beatrixie dahil si Natasha lang ang nasa isip ko sa tuwing hahalikan niya ako. At ilang beses ko rin nasambit ang pangalan niya habang hinahalikan ko si Beatrixie."
"Napaka maka sarili ko. Sobrang laking sampal sa akin nang tawagin niya ang sarili niyang BABOY! Nanliit ako dahil doon."
"Kahit pa alipin ko siya... hindi ko pinaramdam na parausan ko siya. Dahil simula nung araw na nakilala ko siya, gusto ko na siya."
"At ang totoo, ako ang alipin dito. Alipin sa PAG-IBIG ng babaeng tinitingala ko. Si Natasha Amorine..."