Matapos nilang mag kita ay nag hiwalay agad ang kanilang landas sa hindi magandang pag kikita. Nag kita sila ni Jin Ho sa bahay nito at doon nag usap tungkol sa kasong hawak nila na ngayon ay pansamantalang ipinatigil ng batas dahil samaimpluwensyang tao.Napag alaman nila na ang taong iyon ay palabas ng bansa papuntang Japan at doon na mamalagi kasama ang kanyang kapatid.
''David, kailangan ko ng tulong mo?''sagot ni JinHo sa kanya.
''alam mo naman na kapag humihingi sa akin ng tulong ay nag kakaroon ng kabayaran'' tugon niya.
''shhhhh,.... lagi naman,o na!'' sagot niya.
''sige.. pahiram ng computer mo!''
Agad namang pinahiram ni Jin HO ang kanyang computer kay David at agad na nag email si David sa japan para salubungin ng mga pulis ang lalaking tinutukoy niya sa email na may mabigat na kaso ang sakay na pasahero ng eroplano. Agad naman na natanggap ng Japan police ang mensahe ni David sa kanila.. Walang namang kaalam alam si Jin Ho sa ginawa ng binata sa kanya.. Sa pangalan ni Jin Ho nakapangalan ang mensahe ni David para sa japan police kaya naman....
''ok na, tapos na.. maari ka nang matahimik. wag ka mag alala dahil hindi din siya makakatakas sa batas.. kailangan na niyang pag bayaran ang krimeng ginawa niya.'' mahabang paliwanag ni David.
''ganun kabilis..'' tugon niya.
''ahhh.. oo nga pala bayad kana sa hiling mo kanina..'' ang muling tugon ni David sa kanya.
''ganun kabilis'' ang tanong ni Jin Ho sa kanya.
Muling napaisip si Jin Ho sa sinabing bayad na siya sa pag kakautang niya kay David ngunit hindi ito pinansin ng dalaga.
''halika muna dito at uminom ka ng tsaa.''anyaya ng dalaga sa binata.
''tsaa?, bakit naman ito ang ipapainom mo sa akin! tsaa lang.. wala bang iba?'' sagot niya sa dalaga.
''haisst.. kahit kailan talaga ang arte mo!''
''ganun talaga.. sige na! bigyan mo na ako ng iba..'' sagot niya..
''oo na ikukuha na kita ng iba''
At agad na humanap si Jin Ho sa kanyang kusina, nag bukas ng ref at kumuha ng isang bote ng soju!
'' ohh ayan na ang hinihingi mong soju'' alok niya sa binata.
''pero hindi naman ito ang hinihingi ko Jin Ho.''
'' ang arte mo naman, sige nga ano ang hinihingi mo?'' tanong niya.
''wag na.. ok na sa akin ito'' nakangiti habang sinabi iyon sa dalaga.''
'' kahit kailan talaga.. lagi mo nalang ako inaasar..'' nakangiti ding sabi ng dalaga sa kanya..
Nang matapos ang kanilang maiksing pag uusap ay nag tungo na si David sa kanyangopisina para daanan ang kanyang naiwang bagay. Ang regalo na natanggap niya kanina. Dinaanan niya ito pag katapos ng kanilng pag uusap hanggang sa makarating na ito sa kanyang bahay.. Naupo ito ng sandali at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom.. kumuha ito ng tubig at saka ininom.. matapos inumimang tubig ay saka niya binuksan ang kanyang dalang regalong natanggap kanina.
''ito na naman, halos iisang regalo ang natatanggap ko. ang pag kakaiba lang ay iba ang mga nakalagay na design at parang may patern na sinusunod '' bulong niya sa sarili..
Nang makalipas pa ang ilang araw, hindi niya pinapansin ang mga natatanggap niyang regalo at iniipon lang niya ang mga ito hanggang sa napansin niya ang isa sa mga regalo na parang kakaiba ito at tila iba ang nilalaman. Binuksan niya agad ang regalo, nagulat siya sa kanyang nakita. Nakalagay sa kanyang natanggap na regalo ang isang malaking sobre.. sa unang pahina ng sulat na kanyang nakita mula sa regalo ay ang papel at pangalan ng kapanganakan ng kanyang kapatid na si Min Joon.. Nagulat ito dahil wala naman ibang nakaka alam nito kundi siya lamang. Sa isang banda habang nakalatag ang isang litrato(hindi nakaharap ang liwag ng pag kakakuha) ay nanginginig itong kuhain para tingnan kung sino ang nilalaman nito, bagkus ay kinuha niya ito ng hindi tinitingnan kung sino ang taong nasa larawan at nag tungo ito sa kanyang silid para mag pahinga. Iniisip pa lamang niya ay hindi na talaga ito makapniwala kaya minabuti niyang hindi ito pakialaman at ipinagpatuloy pa ang kanyang pag hahanap sa iba pang impormasyon tungkol sa kanyang kapatid.