Matapos ang araw ng mag hapon, wala naman naging problema sa pag sasama ng dalawa sa trabaho ng dahil sa nangyari sa kanila kanina. Samantalang parang normal lang din naman sa dalawa ang nangyari. Hindi sila naiilang bagkos ay mas lalo pa silang naging close ni Jin Ho.
Naglalakad si Jin Ho sa harapan ng bahay galing sa rabaho ng makasalubong niya si dr. Lee. Nagulat ang dalaga sa kanyang nakita at tinanong niya ito kung ano ang ginagawa nito sa harap ng kanyang bahay. Sinagot naman siya ni Dr. Lee at sinabi ang dahilan ng pag istambay niya dito. Sinabi ni dr. Lee na gusto daw niyang maka usap ang dalaga. tinanong naman ng dalaga kung ano ang nais nito sa kanya. Napag alaman niya na kaya gusto siyang makausap nito ay patungkol pala sa kaso nitong kamakaylan lang. Sinabi ni dr. lee ang dahilan ng pag kamatay ng isa sa mga kasong nahawakan niya ngunit bago pa man iyon ay alam na ni Jin Ho kung ano talaga ang tunay na nangyari. Pero hindi naman sinabi ni Jin Ho kay dr. Lee na nag dududa na silang dalawa dahil sa mga pare parehong dahilan ng pag kamatay ng mga biktima. Alam naman kase niya na wala silang ebedensiya para patunayan na may kinalaman ito sa mga nangyari.Nakausap naman ni Jin Ho ng maayos si Dr. Lee kaya naman hindi sa kanya ito nag hinala. Nang matapos sila sa pag uusap ay kanya kanya na silang nagtungo sa kanilang mga bahay.
Nang makarating sa kanyang bahay si Jin Ho ay pumasok na naman sa isip niya si David. Nakita niya sa isip niya si David na nag uusap silang dalawa tungkol sa pinag usapan nila kahapon kaya naman nag tungo ito sa kusina para uminom ng isang baso ng alak para makatulog ito at makalimutan ang nangyari.
Nang makita ni David ang oras sa kanyang relo(nakalagay sa kanyang kaliwang kamay) ay napabalikwas ito sa kanyang higaan.. Napag isip niya na late na siya para sa kanyang trabaho.. Nakiusap kasi sa kanya si Chief derector na kung maari ay mag patuloy pa siya sa kanyang trabaho sa stataion ng mga ilang linggo pa. Pumayag naman ito ng dahil sa kanyang pan sariling kadahilanan.
''kusta kana'', ang tanong sa kanya ni chief derector ng makita nito si david ng pumasok ito sa kanyang opisina..
naabutan kase niya ito na naka upo sa kanyang upuan.
''ayos lang naman po ako..'' ang sagot sa kanya ng binata.
''mabuti naman'' tugon nito.
''bakit narito ka.. anong kailangan mo?'' ang tanong ni David sa kanya.
''Gusto lang sana kitang makausap!'', ang sagot nito
''tungkol saan?'' muling tanong sa kanya ni David ng muling maupo ito sa upuan na nakaharap sa kanyang lamesa.
''tungkol sana sa kapatid mo?''
''bakit anong merun sa kanya?'' tanong ni David sa kanya.
''itatanong ko lang sana kung nag hinahanap mo parin siya.''
''oo naman, bakit hindi ko hahanapin ang nawawala kong kapatid lalo na't alam kong wala pa akong nakikitang bangkay niya.. malakas ang kutob ko na buhay ang kapatid ko at alam kong hinahanap niya din ako''.
''pero sinabi ko na sa iyo na itigil mo na ang pag hahanap sa kanya.. ipinakita ko na sayo ang death certificate niya.''
''oo, pero yun lang ang basehan na ibinigay niyo sa aken wala ang katawan niya'' may halong taas ng tono galing sa bibig ni David.
Nagalit lalo ang binata sa kanya dahil sa mga sinabi nito sa kanya.'' bakit ba ayaw nila akong pabayaan nalang sa pag hahanap sa kapaid ko'' bulong nito sa sarili matapos niyang paalisin sa kanyang opisina ang kanyang chief of derector. Alam kase niyang wala namang patutunguhan ang kanilang usapan kung makikipag talo pa siya kaya minabuti niyang paalisin nalang ito sa loob.
''Jin Ho'' tawag ni eune yun sa dalaga na nakupo sa kanyang lamesa.
''ano iyon ms Yun'' sagot niya dito ng tawagin siya.
''may ipapakisuyo sana ako,kung maari ay alalayan mo si David lalo na ngayong pursigido siya na hanapin ang kanyang kapatid'' pakiusap nito sa dalaga.
''ahh, sige po.. yun lang naman pala ii..'' sagot niya.
Matapos ang kanilang pag uusap ay umalis na agad si ms Yun sa kinatatayuan niya kung saan nag usap silang dalawa ni Jin Ho.
---------------------------------------------------------
''ohh, albert sino na naman yang kasamaa mo?'' tanong sa kanya ni Patrick, ang kanilang team leader.
''ahh ito ba?,nahuli namin siya matapos namin makatanggap ng tawag na may nakakilala sa killer na pumatay sa babaeng nabiktima niya tungkol sa pink na rosas.'' sagot nito.
''ohh ano naman ang kinalaman niya sa kaso''
''sir ayaw nga niyang umamin ii, pero siya ang itinuturing suspect sa kaso ng isang babae na muntik na niyang mabiktima''
''ganon ba? sige dalahin mo na siya'' muling sagot sa kanya ni Patrick.
Dinala ni Albert ang lalaki kung saan nila iniimbistigahan ang taong nasasangkot sa kaso.
''ohh David, ang bilis naman ng balita at andito kana agad.'' tanong sa kanya ni Albert.
'' wala tayong magagawa.. wala na akong pake alam kung mabagal lang talaga ang imbistigasyon niyo'' masungit na sagot niya sa lalaki.
Naiinis na sa kanya si Albert kaya naman iniwan nalang niya si David sa loob ng kwarto kasama ang isang lalaking hinihinalang salarin sa pag patay sa mga babae.
''hoy, ikaw? umamin kana! alam mo bang mas matutulungan kita kapag umamin ka sa krimeng ginawa mo!'' tanong niya sa lalaki.
''wala akong aaminin'' tanging sagot lang ng lalaki sa kanya.
Nakaisip ng paraan si David para mapaamin ang lalaki sa kanyang ginawang kasalanan kaya naman ginawa na niya agad ito. Aamin na sana ang lalaki ngunit dumating si attrny.Lee Seon Jie.
''sandali lang'' tugon ng isang lalaki ng pumasok sa silid,si attrny. Lee.
''ohh ayan na pala ang abugado ko.. sa kanya ka nalang mag tanong kung may mga nais ka pang itanong sa akin.'' sagot niya kay David ng makita niya ang kanyang attrny.
Napaingin nalang si David sa kanya ng makita nito si attrny. Lee. Lumapit sa kany si attrny. at pormal na nag pakilala.
''ahh, ako nga pala si attrny. Lee Seon Jie.. ako nga pala ang abugado niya.. nice to meet you'' ang tugon ni Lee sabay abot ng kamay nito para makipag shakehand.
'',hmm David Lee'' tugon nito.
Habang nasa labas ng silid sina Albert,patrick at Jin Ho dahil nanonood sa imbistigasyon, malaki ang pang hihinayang nila dahil sa hindi natuloy na pag amin ng isang lalaki sa krimen.
''''sayang naman, aamin na sana siya kaya lang dumating ang kanyang attrny., ang malas naman'' sagot ni Patrick.
''oo nga ii,'' sgaot din naman ni Albert.
''hayaan niyo na.. may ibang araw pa naman.. kaya lang mukang makakalusot na ang taong yan dahil maimpluwensya siya at higit sa lahat, magaling na attrny. pa ang kanyang nakuha.'' ang mahabang paliwanag sa kanila ni Jin Ho habang nakatitig sa salamin na ding ging ng kwarto.
Samantala muling makakatakas ang lalaki dahil sa ginawa nitong pag pipiyansa sa sarili, dahilan nadin ang pagiging maimpluwensya nito lalo nat hawak siya ng mga pulitiko at sa mayamang ama nito. Nakasalubong naman ni David si attrny. Lee sa hallway ng police station at doon nag krus na ang kanilang landas.
''ohh,mr. David.. kumusta na.. balita ko nakalaya na ang isa sa mga kleyente ko?'' tanong ni attrny. Lee sa kanya.
''oo, nga ii.. pero wag ka mag alala.. hindi pa naman ako tapos sa kanya ii.. kaya lang hindi na kami mag kikita.. hindi mo narin siya makikta.'' ang sago niya kay attrny. Lee.
''anong ibig mong sabihin?'' tanong sa kanya ni attrny. Lee.
Ngisi lang ang naitugong sagot sa kanya ni David at tuluyan na itong umalis sa kanyang kinatatayuan. Ang unang pag tatagpo ng mag kapatid sa hindi magandang pakikitungo sa isat isa.