webnovel

Chapter 23

Chapter 23: Who knows best?

Maraming bagay sa buhay natin ang hindi natin maaaring pigilan. Hindi natin kailanman malalaman kung ano ba ang sunod na mangyayari sa buhay natin. Kung isang blessing ba ito o isang blessing in disguise. Mahirap tanggapin ang blessing in disguise dahil kailangan mong lumaban para dito. Makikita mo man ito bilang isang paghihirap sa buhay pero sa huli ay biyaya pala ito.

We will never know what life would bring us next. Lahat ng desisyon na magaganap sa buhay natin ay nasa mga kamay pa rin natin. Kailangan nga lang natin gumawa ng tamang desisyon para maging kontrolado tayo sa buhay natin.

Masaya ako dahil itinatama namin ang matagal na naming dapat itinama. Masakit man noong komprontahin kami ni mama tungkol sa sakit niya ngunit naramdam ko naman ang gaan sa kalooban ko. Tinanggap ko ito at hinarap ang katotohanan na maraming bagay sa buhay na hindi natin kailanman matatakasan. Kahit pilitan man natin lumayo at tumakbo mula dito ay ito pa rin ang dulo at hangganan ng tinatakbuhan natin. Dito pa rin tayo babagsak. Kaya itinigil ko ang pagtakbo at tinanggap ito sa sarili ko.

Noong una natatakot ako na baka mawala siya. Mama ko siya 'e. Sobrang sakit para sa anak na mawalan ng magulang. Kaya kapag iniisip ko pa lang na mangyayari 'yun, nadudurog agad ang puso ko. Inakala ko no'ng una kapag tinakbuhan ko ito at iniwasan mawawala ang problemang ito. Umaasa ako na mawawala ito ngunit nagkamali ako.

Sa pangalawang---sampo---isang daang pagkakataon nagkasundo ulit kami ni Kuya. Malay ko ba kung ilang beses kami nagaway. Wala talagang gusto magkapatawaran sa'min but in the end we both swallowed our pride. Inisip namin na kahit para lang kay Mama ay magbati kami. Ewan ko nga lang kung pansamantala lang ba. Wala namang pagbabati ng magkapatid ang tumatagal 'e. Palagi lamang itong umiikot sa away-bati. Pero sa dulo, magkapatid pa rin kami and we somehow care for each other kahit na palagi kaming nag-aaway ni Kuya. Kambal pa nga kami 'e.

Holiday has come. Napagdesisyunan namin ni Kuya na igala si Mama ngayon buong linggo. Patatlong araw na namin itong ginagawa. Gusto naming maranasan na maging masaya sa piling ng isa't-isa. We want to have fun and be happy while we're still with each other. Gusto naming gumawa ng mga memorya na babaunin namin hanggang dulo.

Nililibot namin si Mama sa parke. Araw-araw ay pumupunta kami sa iba't-ibang lugar na malapit lang dito. Marami din naman magagandang tanawin dito kahit hindi kami lumalabas ng siyudad. Gustuhin man namin pero mahihirapan kami dahil nakawheel chair na si Mama.

Bumalik si Kuya sa pwesto namin nina Mama habang ma'y dala-dalang ice cream. Inabot niya sa'min ito at masaya kong kinuha ang ice cream ko. Nagpasalamat ako kay Kuya at sinuklian niya ako ng ngiti.

Tumitig ako sa parang at pinagmasdan ito. This place is our favorite spot with Dad. Well, it used to be. Mauulit pa kaya 'to? Makakasama pa kaya namin si Papa dito habang masayang nagsasama-sama? I miss him. Hanggang kailan kaya ako maghihintay para bumalik siya?

"Mama," Pagtawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at nginitian. "Paano niyo po nakilala si Papa?" Tanong ko. Lalong lumawak ang ngiti niya at parang ma'y naalalang nakakakilig na pangyayari. Kahit pala mga matatanda ma'y asim kilig pa din.

"Taga-Mindanao ang Papa mo samantalang taga-Luzon ako. Katulad niyo, working student din kami ng Papa niyo. Hindi man kami pareho ng eskwelahan na pinasukan nagkataon naman na pareho kami ng sina-sideline-na na trabaho. Sa isang bar. Noong nagkausap kami, sinabi niya sa'kin na kailangan niyang iwan ang pamilya niya para maghanap ng trabaho dito sa Maynila. Ang tiyahin niya daw dito ang nagrekomenda sa kanya. Pero ang pinakamasaklap na nalaman ko mula sa kanya ay kailangan niya pang bumalik sa Mindanao pagkatapos ng ilang buwan. Noong una, okay lang sa'kin na malaman na aalis din siya pero habang tumatagal lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Akala ko kaibigan lang ang tingin ko sa kanya pero higit pa pala don. Minsan niya na din akong niligtas mula sa mga nambabastos. Palagi siyang nasa tabi ko at pinoprotektahan ako. Madalas kaming nagkakausap hanggang sa dumating sa puntong nahulog ang loob namin sa isa't-isa. Mahal namin ang isa't-isa at natatakot kami pareho na magkalayo. Ngunit ma'y sinabi siya sa'kin, isang pangakong binaon ko na hinding-hindi ko malilimutan hanggang sa huling hininga ko, nangako siya sa'king magbabalik siya para ituloy ang kwento ng naudlot naming pagmamahalan." She said. Nakita ko ang mga luha niyang kumikinang. It's pure and full of emotions. Napalunok naman ako para pigilan ang nararamdaman kong emosyon.

"Mahirap para sa parehong panig namin 'yun dahil alam naming walang kasiguraduhan ang muli naming pagkikita. Pero naniwala ako sa pangako niya. Kinailangan ko pang maghintay ng ilang taon para sa pagbabalik niya. Ma'y mga araw na nawawalan ako ng pag-asa pero sa tuwing iniisip ko kung gaano ko siya kamahal, ginaganahan ako na maghintay. Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao, ma'y malaking tiwala ka sa salitang iniwan niya sayo. At gano'n nga ang ginawa ko, naghintay ako ng limang taon para sa pagbabalik niya. Hindi 'yon naging madali para sa'ming dalawa dahil masakit na mapalayo sa taong mahal mo. Pero sa huli kinaya namin. Hindi naman lahat ng pangako napapako, depende 'yon sa kung paa'nong paraan mo ito tutuparin. Kaya ka nga nangako sa isang tao dahil naniniwala kang ma'y malaking rason para tuparin at gawin mo iyon para sa kanya. Nagpapasalamat ako ng lubos sa Panginoon dahil nagkita kaming muli. Saglit man na nawalay kami sa piling ng isa't-isa, habang buhay naman kaming magsasama." Dagdag niya. Naluha ako sa bawat salitang nasabi niya. Gaa'no kaya sila naghirap para magkasama lamang hanggang dulo?

Mahal niya talaga si Papa. Mahal talaga nila ang isa't-isa. I didn't even notice that I'm blessed enough with just having our family. It's already enough. Dama ko ang naguumapaw na emosyon ni Mama. Tila ba'y sariwa pa sa ala-ala niya ang mga pangyayari naganap noon. Posible pala 'yung madama mo pa rin 'yung halo-halong emosyon kahit sobrang tagal na nitong panahon.

"Ma, how do you define love?" Tanong ni Kuya. Mukhang ma'y malalim siyang iniisip habang nakatingin lamang sa malayo. Hindi ko naman maiwasang magalala para sa relasyon nila ni Stacey. Wala na akong ibang narinig mula sa kanya simula no'ng maging kami ni Felix at sabihin nila sa'ming sila na. He's acting strange lately. Hindi man niya sabihin pero alam kong malalim ang dinaramdam niya ngayon. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba kay Stacey o dahil sa problema namin o siguro both.

"Ang tunay na pagmamahal ay puno ng sakripisyo kaya dapat handa kayong lumaban para sa nararamdaman niyo. Mga anak, mahirap magsisi sa huli. Kaya h'wag kayong maiinip sa paghihintay sa taong mahal niyo kung umabot man sa puntong mawalay kayo sa piling ng isa't-isa. Everything takes time. Mga anak, hindi kayang tumbasan ng kahit ano ang sayang mararanasan niyo sa piling ng taong mamahalin niyo kaya gumawa kayo ng sarili niyong sakripisyo. Masarap magmahal kapag ibinigay mo lahat ng best mo para sa taong mahal mo, dahil sa huli wala kang mararamdamang pagsisisi, magtagumpay ka man o hindi maluwag mo itong matatanggap sa sarili mo." Sabi ni Mama.

Agad kong naalala si Felix. Ang mga sakripisyo niyang ginawa para mahalin ako ay sobra-sobra. Tama si Mama. Tumpak na tumpak. Siguro kung ako pa din ang Marzia noon, hindi ko maiintindihan ang mga sinasabi ni Mama. That's why I'm thankful to Felix for loving me every single day. Kung dati gustung-gusto kong itulak sa pond ang mga couple dito sa park, ngayon gusto ko silang inggitin dahil ma'y pogi akong boyfriend-----Char! Syempre gusto ko silang bigyan ng advice para tumagal man lang sila ng ilang years. Kami lang kasi ni Felix ang ma'y forever. Chos lang ulit.

Tumawag si Felix sa'kin at sinagot ko ito. Sinabi niyang miss na miss niya na daw ako at gusto niya daw akong makita. I said I miss you too pero ayaw ko siyang makita. Ang pogi niya baka 'di ko kayanin. Char. Gusto niyang makipagkita sa'kin at tatakas na daw kami. Road to forever na daw at h'wag na naming patagalin pa. Sinabi ko sa kanyang ma'y sapak siya sa'kin kapag nagkataon kaya h'wag na h'wag talaga siyang magpapakita. Ang dami ba namang alam na kalokohan.

Napatingin ako sa gawi ni Mama na nakangiting nakatingin sa'kin. Naalala ko naman na gusto ko nga pala siyang ipakilala kay Mama. Kaya habang good mood pa si Mama ngayon ay naisipan kong sabihin kay Felix na makipagkita sa'kin. Ako tuloy 'yung lumabas na marupok sa'ming dalawa. Ilang araw na din naman kaming hindi nagkikita 'e. Pumayag agad si Felix at maghintay daw ako at darating na ang knight in shining armor prince ko. Tinawanan ko na lang siya kahit kinikilig na ang mga bulate sa tyan ko. Nagpaalam na ako kay Felix at pinatay ko ang tawag. Hintayin niya na lang daw ako mamaya.

Nahihiya akong tumingin kay Mama. Kahit hindi ko siguro sabihin alam na niya ang ibig-sabihin ng mga tingin ko sa kanya 'e. Nagdadalwang-isip pa nga ako kung itutuloy ko pa ba o hindi. Pero dahil nga go na go na si Felix ay kinapalan ko na ang mukha ko.

"Mama, gusto ko po sanang ipakilala sa inyo ang boyfriend ko. Pwede po ba mamaya?" Tanong ko kahit alam kong wala akong kasiguraduhan sa isasagot ni Mama. Nanlaki ang mga mata ni Mama at natutuwang ngumiti sa'kin.

"Hindi ko akalaing dadating pa ang pagkakataong ito, akala ko tatanda kang dalaga 'e." Sabi ni Mama. Compliment ba 'yon? Grabe ha. "Pero sige, papuntahin mo mamaya sa bahay."

Tumango ako kay Mama at napatingin ako kay Kuya Marco. He gave me a small smile bago ibalik ang tingin sa parang. Yes, pumayag si Mama! Sa wakas!

"Ikaw, Marco? Wala ka bang ipapakilala sa'kin?" Tanong ni Mama. Nilingon ko ulit si Kuya at tiningnan ang reaksyon niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya ngunit agad siyang ngumiti ng mapait para takpan ito.

"Wala po muna." Sagot niya. Hinayaan naman siya ni Mama. Marahil ay dama niya din na parang ma'y mali sa kanya.

--

Umuwi kami sa bahay at agad kaming nagprepare para sa hapunan. Kasalukuyan kong tinutulungan si Mama sa kusina habang si Kuya Marco naman ay ma'y inaasikaso sa itaas ng kwarto.

Sinabihan ko kanina si Felix na pumunta dito mamayang six ng hapon. Five pa naman at ma'y isang oras pa kami para magprepare. Excited na excited na daw siya para makita ako. Tuwang-tuwa nga 'e kahit wala namang nakakaexcite sa pagmumukha ko. Ako nga ang kinakabahan mamaya para sa kanya tapos pachill-chill lang siya. Hindi man lang siya nagpakita ng pagkatakot habang kinakausap ako sa cellphone. Bahala siya mamaya kay mama. Tingnan ko lang kung hindi siya matakot.

Hindi ko alam kung anong tawag dito sa niluluto ni Mama pero ang alam ko lang masarap ito. Mabango kasi 'e. Basta tamang lamon na lang ako mamaya.

Rinig kong ma'y kumatok sa pintuan at dahil busy si Mama sa pagluluto ay ako na ang dumeretso sa pintuan para buksan ito. Nagulat naman ako at napakunot ang noo. Bakit ang aga niya dito?! Bumungad sa'kin si Felix na ma'y dala-dalang boquet ng flowers habang ma'y abot-tenga na ngiti. Ayos na ayos ang porma niya at halatang kaliligo lang. Medyo ma'y pagkabasa pa kasi ang buhok niya pero hindi 'yun ikinabawas ng kagwapuhan niya.

Sabi ko babatukan ko siya kapag nagkita kami pero niyakap ko agad siya. Ang bango niya ha. Naligo ba siya sa pabango at nagbabad pa ng downy? Amoy na amoy ko 'e. I miss my man. Ano nga bang magagawa ko? Mahal ko 'yung tao 'e. Marupok din naman ako, 'di lang halata. Slight lang.

"Ang aga mo. Sabi ko six hindi five! Excited ka masyado." Sita ko. Kumawala ako sa yakap at hinarap siya. Tumawa siya at ngumiti pa sa'kin.

"Hindi na ako mapakali 'e. Miss na kaya kita." He said and pinched my right cheek.

"Hindi kita namiss." I said. Nalungkot naman ang mga mata niya. Pinigilan kong tumawa dahil ang cute niya talaga. "Sobra lang."

"So namiss mo pa rin ako?" Pamimilosopo niya. Sinamaan ko siya ng tingin at natawa siya sa'kin. Ano ba 'yan, minsan na nga lang ako maging sweet sisirain niya pa 'e. Bahala siya.

"Joke lang, tampo ka agad 'e. Sorry." Natatawa niyang sabi tapos bigla siyang sumeryoso. Hindi ko napansin na ma'y hinahawakan pala siyang kung ano sa likuran niya. Malay ko ba kung baril 'yun o kutsilyo. Chos!

"Flowers for you." Ipinakita niya ito sa'kin at inabot ito. Tatlo itong bulaklak na tulips. Bukod pa ito sa dala-dala niyang boquet, alam ko na kung kanino niya ibibigay 'yun. Ang galing talaga gumawa ng damoves ni Felix.

"Thank you." Pabebe kong sabi.

Tumalikod ako sa kanya at pumasok ako sa loob ng bahay, masyado na akong kinikilig 'e. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Felix sa likuran ko. So 'yun nga nararamdaman ko na ang matinding kaba. Inilagay ko naman sa vase 'yung tatlong tulips na nakalapag sa lamesa. Ang gaganda. Mabuti pa 'yung tulips maganda samantalang ako-----h'wag na lang tayo mag-usap. Ang mahalaga mahal ako ni Felix, hehe.

"Nasa'n si Mama?" Tanong niya. Natigilan naman ako sa nasabi niya. Natatawa siyang tumingin sa'kin samantalang seryoso lang ako. Aba, Mama pala ha. Sana talaga lumabas mamaya ang pagkastrict ni Mama sa kanya. Gusto ko talagang makita ang reaksyon niya.

Dumeretso na kami sa kitchen para puntahan si Mama. Naabutan naman namin siyang nagluluto pa. Nagkataong humarap siya sa amin at agad siyang napangiti ng makita kami.

"Mama si Felix po." Sabi ko at tumingin kay Mama. Kinakabahan talaga ako. Kasi naman first time kong magdala ng lalaki sa bahay. "Felix si Mama."

"Hi Mama." Pagbati ni Felix. Nagbless siya kay Mama at inabot ang boquet ng bulaklak. "Mama para sa inyo po."

Natutuwang tinanggap ito ni Mama at nagpasalamat.

"Nagluluto po ba kayo? Pwede ko po ba kayong tulungan?" Tanong ni Felix. Sumang-ayon naman si Mama. Binigyan niya ito ng apron at nakangiting tumingin sa'kin.

"Tulungan ko lang si Mommy." Sabi niya at kumindat sa'kin. Tumalikod naman siya at sinimulang tulungan si Mama. Teka nga lang, sa'n ba talaga nanggagaling ang lakas ng loob ni Felix? Napangiti na lang ako.

Naghain ako ng mga plato at kung ano pang kailangan para sa hapunan. Dinala naman ni Felix dito ang putahe ng aming pagkain. Inilapag niya ito sa lamesa at naamoy ko ang mabango nitong samyo.

"Red Sinigang made with love." Saad niya at ngumiti sa'kin. Tinulungan niya din ako sa paghahain. Nakabukas na ngayon ang ilan sa butones ng polo niya. Nainitan siguro sa pagluluto.

"Ang galing niyang magluto, 'nak. Asawahin mo na." Natatawang sabi ni Mama. Nabigla naman ako sa nasabi niya. Napatingin ako kay Felix at mukhang pabor na pabor pa kay Mama.

"Ma, h'wag po kayong advance. Magpopropose pa po ako sa kanya 'e." Saad ni Felix. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanya. Natawa na lang si Mama sa kanya ngunit inasar-asar pa ako ni Mama. Mukhang close na close na agad sila ah.

Bumaba si Kuya Marco dito sa kusina at agad niyang binati si Felix. Nagkwentuhan pa nga sila at masayang nagtawanan. Tinawag na kami ni Mama at kakain na daw. Umupo naman ako at sumunod sina Kuya. Katabi ko si Felix habang nasa kanan niya si Mama at katapat ko naman si Kuya. Ako ang naglead ng prayer at sabay-sabay kaming kumain.

Edi si Felix at si Mama na 'yung magaling magluto. Ang sarap kasi 'e. Sabagay si Felix naman ang manager sa isang restaurant nila dito. Feel ko recipe nila itong ginawa niya. Madaya.

Kung palaging binubulgar ni Tita Francine ang kalokohan ni Felix, ngayon naman ay nagsisimula na si Mama na ibulgar ang isa sa mga kahihiyan ko sa buhay. Tinulungan pa nga siya ni Kuya Marco 'e. Ma'y balak talaga silang ipahiya ako kay Felix. Pero okay lang hindi naman nun matutumbasan ang sangkatutak na kwento sa'kin ni Tita tungkol kay Felix.

"Noong Christmas, grade 5 na ata siya no'n. 'E ang tangkad-tangkad niya that time tapos napagkamalan pa siyang grade 8 na namamasko sa iba't-ibang bahay. Iyak siya pagkauwi 'e. Pero napatahan ko kaagad siya kasi sabi ko naman sa kanya mas malaki naman yung nalikom niyang pera kesa sa kahihiyan na pangyayaring natamo niya." Pagkwekwento ni Kuya sa isa sa mga kahihiyan ko sa buhay. Walastik talaga. Nakitawa na lang ako, nakakatawa naman talaga na balik-balikan 'yung mga epic moments natin sa buhay.

Natapos ang hapunan at naiwan ako para maglinis at maghugas ng pinggan. Great, pagkatapos namin kumaing apat ako lang 'yung tanging mag-iimis. Okay din 'e. Kinakausap ngayon ni Mama si Felix sa salas. Magkakaroon lang daw sila ng isang masinsinang paguusap.

Habang ako heto nagiging isang huwarang bata na naman. Tamang hugas lang ng pinggan. Wash wash to the max. Masarap nga 'yung ulam ang dami namang pinaglutuan. Wala din.

"Ang sipag naman." Rinig ko galing kay Felix. "Pwede na tayo magasawa. Ako ang tagaluto ikaw ang tagalinis."

At ginawa pa nga akong katulong. Sinamaan ko siya ng tingin pero lumapit siya sa sink para tulungan ako.

"H'wag na. Kaya ko naman." Sabi ko. Hindi niya ako pinakinggan at ipinagpatuloy ang paghuhugas. Malawak naman 'yung sink namin kaya nagkasya kami. Nagkakadangian pa nga kami at para akong nagaground sa balat niya. Ang lakas ng impact niya sa'kin 'e.

"Anong sinabi sayo ni Mama?" Tanong ko at nginitian niya ako. Ang tagal kaya nilang magkausap. Malay ko ba kung ano-anong pinagsasabi niya kay Mama.

"Alagaan daw kita habang buhay. Pumayag naman agad ako." Sabi niya. Napakunot agad ako ng noo. Kahit kinikilig ako kaya ko pa rin naman pigilan, 'no.

"Hindi ka tinakot ni Mama?" Tanong ko. Parang mas gusto ko pang tinakot siya ni Mama 'e.

"Huh? Ang bait kaya ng Mama mo. Alam mo bang close sila ni Mama ko? Magkaklase sila dati. Madalas ko ng makita ang mama mo sa'min 'e. Palaging silang nagbobonding kapag ma'y time. Magbestfriend daw sila noon." Saad niya. Wow naman. So ma'y past pala ang mga Mama namin.

"Malamang hindi ko alam. Ngayon mo lang sinabi 'e." Pamimilosopo ko. Natatawa kasi ako sa itsura niya. Kanina pa ngiting-ngiti sa'kin 'e.

"Uy, gumagaya siya sa'kin. Bagay talaga tayo." Ngumiti na naman siya at napangiti ako ng dahil sa kanya. Nakakahawa talaga 'yung mga ngiti niya.

"Felix, ma'y gusto pala akong ibigay sayo mamaya." Sabi ko.

"Ano 'yun?" Tanong niya. Napangiti naman ako. Hindi ko nga lang alam kung magugustuhan niya ba 'yung ibibigay ko sa kanya o hindi. Bahala na mamaya. "Gusto ko ng makita."

Binilisan namin ang pagliligpit dahil gusto niya na daw matanggap ang kung anumang ibibigay ko sa kanya. Umakyat kami sa kwarto dahil do'n ko itinago 'yung binili ko pa noon. Sabi ko maghintay na lang siya sa labas ng kwarto pero sumunod pa rin siya.

Binuksan ko ang ilaw at bumungad sa'min ang napakalinis kong kwarto. Note the sarcasm. Ma'y balak naman akong maglinis kanina ng kwarto kaso dumating agad si Felix 'e. Nakakahiya tuloy. Nagmukha ngayong kweba ng mga hayop ang kwarto ko.

"Sorry, makalat. Hindi ako nakapagayos kanina." Sabi ko. Hindi nga ako makatingin sa kanya. Baka naturn-off na siya ng tuluyan sa'kin. Hindi ko siya masisisi, tamad din kasi ako.

"I understand. Puro papel ang nagkalat, ang dumi din." He said. Nahiya naman ako. Ano ba 'yan. Sabi ko na 'e naturn-off. Wala na din siyang magagawa, 'no. Naipakilala ko na siya kay Mama, hindi niya ako pwedeng pakalwan. "But you know what, I don't care. Alam kong busy ka gabi-gabi sa trabaho mo at wala ka ng oras para maglinis. But don't forget to take care of yourself."

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. He looks worried again. Pero kahit gano'n ang cute niya pa din. Naiintindihan ko naman siya kung bakit palagi siyang nagaalala para sa'kin. Malihim din kasi akong tao at ayokong ma'y nagaalala para sa'kin. Ayoko kasing makagambala sa buhay ng iba.

"Don't worry about me." I said. Binitawan ko ang kamay niya at naglakad palapit sa cabinet ko. Kinuha ko 'yung couple tshirt na dati ko pang gustong ibigay sa kanya kaso ngayon lang talaga ako nagkaro'n ng lakas ng loob. "H'wag kang tatawa ha."

Humarap ako sa kanya at ipinakita sa kanya ang couple tshirt namin. Tuwang-tuwa siyang nakatingin sa'kin at tinanggap ang tshirt. Tumalikod siya mula sa'kin at naghubad siya ng suot niyang polo. Tumalikod din ako sa kanya at baka kung anong isipin ni Mama kapag nakita niya kami sa ganitong sitwasyon. Humarap ako sa kanya at nakita kong suot-suot niya na ang tshirt na ibinigay ko. Ay, tamang-tama. Kasyang-kasya sa kanya. Niyakap niya naman ako at nagpasalamat.

He suggested to help me clean my room. Hindi na ako umangal dahil tatamadin lang ako maglinis mamaya at baka hindi ko lang maituloy. Naglilinis kami ngayon at medyo nahihiya ako dahil nakita niya 'yung ibang girl stuff ko. Tulad ng bra. Bakit pa daw ako nagsusuot nun. No need naman daw. Baliw talaga siya.

Sinilip ko ang sulok na nililinis niya at nakita kong nakatingin lang siya sa isang tabi. Parang kanina niya pa ito tinititigan. Nilapitan ko siya and I saw the pain in his eyes. Nabigla din ako dahil puro picture namin ni Jian ang tinititigan niya. Picture pa namin ito mula pagkabata hanggang sa maging teenager.

"Felix, sorry. Dati pa 'yan. Hindi ko lang naitatabi." Sabi ko. Nagaalangan pa ako sa kung paanong paraan ko siya kakausapin. Nabigla na lang ako dahil niyakap niya ako. Para siyang takot na takot na bata at ramdam ko din ang panginginig niya.

"Never choose him over me. Okay?" He said. Napalunok ako ng dahil dito. Niyakap ko din siya at hinaplos ang likod niya para pakalmahin siya.

"Ikaw lang naman ang mahal ko, Felix." I said. Hinigpitan niya ang pagkakayap sa'kin na para bang sinasabi niyang ayaw na ayaw niya akong pakalwan lalo na sa mga oras na ito.

Natapos kami sa paglilinis at bumaba na kami mula sa kwarto. Nagpaalam siya kay Mama at nagpasalamat. Hinatid ko siya sa labas ng bahay at nagusap muna kami ng ilang saglit.

Talking to him and making memories with him has never been a waste of time. I'm glad I met him. I'm glad we're together and I just wish we could stay like this forever.

--

Isang araw mula ngayon magaganap ang operasyon ni Mama. Sa araw na ito ay nagpahinga kami at hindi na iginala si Mama. Baka masyado siyang mapagod ngayon, makakasama daw 'yon para sa kanya sabi ng doktor.

Kakaalis lang ng doktor ni Mama at naiwan kami parehas sa salas. Nakatulala lamang siya sa sahig habang ma'y malalim na iniisip. Naawa ako sa sitwasyon niya at nangilid ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan habang hindi pa siya nakatingin sa'kin. Ayaw kong lalo siyang manghina ng dahil sa'kin.

"Magiging okay lang si Mama. Kaya 'yan ni Mama." Bulong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ulit si Mama at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa'kin.

Umalis si Mama sa salas at tumungo siya sa kwarto niya. Sinundan ko siya at dahan-dahang pinihit ang doorknob ng kwarto niya ngunit nakalock ito. Unti-unting nadurog ang puso ko ng marinig ang mahina niyang paghikbi. Halata sa kanya na pinipigilan niya ang malakas na paghagulhol kaya lalo akong nasaktan ng dahil dito.

Naging malabo ang paningin ko at naramdaman ko ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata ko. Napaupo na lang ako at sumandal sa pintuan ng kwarto niya. Pumikit ako at napahawak sa aking noo habang tinitiis ang sakit na nararamdaman ko.

--

Dumating ang hapunan at nagluto kami ni Mama para sa'ming tatlo. Masaya kaming naghain para sa hapunan dahil tinuruan ako ng isa sa specialty ni Mama. Walang iba kundi ang ipinagmamalaki niyang kare-kare. Tuwang-tuwa nga ako dahil sa unang pagkakataon ay natuto din akong magluto ng isang putahe.

Kumain kami at nagkausap. Noong una ay masaya pa kaming nagkwekwentuhan hanggang sa biglang naging seryoso ang usapan namin. Pinipigilan ko namang maging emosyonal sa harap nila.

"Anak, patawarin niyo ako ha. Lagi niyong tatandaan na mahal na mahal kayo ni mama pati na din ang Papa niyo." Sabi niya. Ngumiti siya sa'min ng mapait na nagdulot ng kirot sa damdamin ko.

"Mama, h'wag ka naman magsalita ng ganyan. Parang nagpapaalam ka na ih! Hindi 'yun mangyayari Mama. Lalaban ka pa, 'di ba. Lalaban pa tayo, Mama." Naluluha kong sabi. Sinisinok na din ako at agad na uminom ng tubig.

"Oo, anak. Lalaban pa si Mama." Sabi niya. Napatingin ako kay Kuya na lumuluha na din. Umalis siya sa harap namin at tumakbo paitaas ng kwarto niya.

Naniniwala akong mabubuhay siya. Malakas pa si Mama. Kayang-kaya niyang lagpasan ang operasyon. Ma'y malaking tiwala ako sa kanya. Lalaban pa si Mama at kakayanin niya ito.

--

Dumating kami sa hospital at naiwan ako sa isang waiting area. Si Kuya na daw ang bahalang magdala kay Mama sa silid kung saan ooperahan si Mama. Hindi na ako sumama dahil ayokong maiyak lamang kapag nakita ko ang kalagayan niya. Ayoko siyang makita sa isang kwarto kung saan nakahiga siya. I'm too afraid that she might not get up. Gusto ko pa siyang makita na iginagala namin kung saan-saan. Gusto ko pang makasama siya ng matagal.

Natatakot kami sa maaaring kalabasan ng operasyon. Sinabi ng doktor na ma'y malaking posibilidad na mamatay si mama habang inooperahan. Critical daw ang stage ng cancer ni mama at bihira lang ang nakakasurvive dito. Minura ko pa ang doktor dahil para niya na ding sinabi na mamamatay na talaga si Mama. Kung hindi lang ako napigilan ni Kuya ay nasampiga ko pa siya.

Gusto namin maging malakas para kay Mama kaya panay ang pagdarasal ko na sana maging maayos ang lahat. Hindi pa ako handang mawalan ng magulang. Hinding-hindi. Hindi ko ito kakayanin.

Matagal akong naghintay para matapos ang operasyon at hindi na mapakali. Paikot-ikot lang ako dito dahil hindi ko kinayang nakaupo lang. Wala akong pakialam kung pagkamalan nila akong baliw. Gusto ko lang kumalma ngayon at maging panatag ang loob ko.

Alam kong tapos na ang operasyon pero hindi pa din ako binabalikan ni Kuya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at anumang oras ay parang guguho ako kapag hindi ko pa nakita si Kuya.

Ilang minuto ang lumipas at natigilan ako nang makita ko siya. Nanghihina akong tumingin sa kanya. Umiiyak siya. Umiiyak si Kuya. Lumong-lumo ang mga tuhod ko pero pinilit ko siyang nilapitan.

"Huy, kuya. Bakit ka umiiyak? Okay lang si Mama, 'di ba? Sabi niya lalaban siya. Alam kong nagtagumpay siya! Kuya please, sabihin mo." Pagpipilit ko pero tuloy pa din ang pag-agos ng mga luha niya.

"Wala na siya." Bulong niya. Hindi ito pumasok sa utak ko at ayaw itong tanggapin. "Wala na si mama."

Nawalan ako ng balanse at napakapit sa damit niya. Niyakap ako ni Kuya pero nagpumiglas ako at lumayo sa kanya. Dumilim ang paningin ko at walang iba sa isipan ko kundi ang walang buhay kong Mama.

Napatulala ako sa isang pader hanggang sa namalayan ko na lang na paulit-ulit ko itong sinusuntok gamit ang kamao ko. Pilit akong pinipigilan ni Kuya ngunit patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Hanggang sa nagsimula akong sumigaw ng sumigaw. Hindi ako makahinga ng maayos at parang ma'y nakabara sa lalamunan ko. Naramdaman ko na lang na ma'y yumakap sa'kin ng sobrang higpit at wala akong nagawa kundi ang kumapit sa kanya. Nawawala na ako sa wisyo at nanlulumo ang buong katawan ko.

"Putangina!" Paulit-ulit pa akong napamura at napahagulhol.

--

Kumalma ako at napatulala. Huminto lamang ako nang malaman kong si Felix pala ang yumakap sa'kin. Ayokong makita niya ako sa ganitong sitwasyon. Palagi na lang ma'y pumipigil sa'kin na isang bagay sa tuwing naiisip ko siya.

Pinili kong kumalma dahil hindi daw sasabihin sa'kin ni Kuya ang room number ni Mama. Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Felix at inalalayan niya ako sa paglalakad. Naabutan ko si Kuya na tulalang nakatingin kay Mama habang ma'y hawak-hawak na papel.

Tumingin siya sa direksyon namin at inabot ang papel na hawak-hawak niya. Lumabas siya ng silid at naiwan kami dito. Nilapitan ko si Mama at unti-unting bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay at napahagulhol sa pag-iyak.

Ma'y kung anong sinasabi si Felix na hindi ko naman maintindihan. Hinahaplos niya pa ang buhok ko para lang mapatahan ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at sinimulan kong basahin ang ibinigay na papel ni Kuya.

Mga anak,

Ngiti muna kayo, ha. Bawal umiyak. Walang iyakan na magaganap dahil ooperahan pa lang ako at lalaban pa si Mama.

Pasensiya na kayo dahil palagi ko kayong pinapagalitan at pinupuna ang mga mali nyo. Patawarin niyo ako dahil inilayo ko ang loob niyong magkapatid mula kay Mama. Patawad dahil naiparanas ko sa inyong hindi kayo nagawang mahalin ng sarili niyong magulang. Alam kong nasaktan ko kayo ng lubos pero sana intindihin niyo si Mama. Gusto kong sanayin kayo na mabuhay ng walang inaasahang magulang. Dahil hindi habang buhay ay nasa tabi niyo kami. Darating din ang araw na magkakapamilya kayo at maiintindihan niyo din si Mama.

Anak, Marco. Patawad dahil hinayaan kong masaktan kita ng lubos. Patawad dahil ikaw ang sumalo sa mga pasakit ng pamilya natin. Alam kong naging mahirap sayo na gampanan ang tungkulin mo bilang nakakatandang kapatid pero anak you did a very good job na protektahan ang little sister mo. Salamat din dahil ikaw ang tumayong guardian ni Marzia sa tuwing wala ako sa bahay. Salamat dahil ikaw ang pinakagood boy na batang nakilala ko. Naniniwala akong magiging successful artist ka.

Anak, Marzia. Patawad dahil sobra akong nagalit sayo noon, patawad dahil napagbuhatan kita ng kamay. Hindi kita gustong umiiyak lalo na sa harap ng Papa mo, dahil nakikita ko kung gaano ka masasaktan kapag nawala ang isa sa'min. Pasensiya ka na dahil palagi kitang napapagbuntungan ng galit. Masyadong nai-stress si Mama, sana maintindihan mo ako. Anak, hindi totoong hindi ko na kayo mahal dahil lubos pa sa inaakala niyo ang pagmamahal namin sa inyo. Salamat sa pagintindi kay Mama. Salamat sa pagtitiis mo para sa'min. You did a very good job anak at naniniwala akong magiging top notcher ka.

Mahal namin kayo, mga anak. Mahal na mahal. Wala ng mas hihigit pa sa buhay namin ang mas mahalaga kesa sa inyong dalawa. Napakaswerte namin sa inyo at isa kayong napakalaking biyaya sa buhay namin ng inyong Papa. Patawarin niyo sana kami dahil hindi niyo nagawang maranasan ang isang normal na pamilya. Patawarin niyo kami dahil hindi namin ito nagawang ibigay sa inyo.

Pinipilit kong lumaban para mabuhay dahil gusto ko pang makita kung gaano kalayo ang mararating niyo. Pero sa tingin ko hindi ko na kayang ipagpatuloy. Siguro hanggang dito na lang talaga ako, mga anak. Hanggang dito na lang si Mama. Kaya sana masanay na kayo, ha. Mahal ko kayong dalawa. Mahal na mahal namin kayo ng Papa niyo.

-Mama

PS: Mga anak, kung natanggap niyo ito, patawad dahil wala na ako sa tabi niyo. Pasensiya na kayo, ha. Sabi ni Mama walang iyakan na magaganap, ang iiyak talo. I love you.

Wala na si Mama.

Wala na talaga siya.

Iniwan na kami ni Mama.

Pero bakit ngayon pa? It was supposed to be Mother's Day.

--

Vote. Comment. Share.

Next chapter